Our Twisted Fate: The Missing...

By spiderxx66

2.1K 315 53

Alexis is just a simple man who wants a simple life. Until one day his mother died and find the hidden truth... More

Disclaimer
Prologue
Chapter One - (Ring)
Chapter Two - (You Caught Me)
Chapter Three - (The Twig and the Rock)
Chapter Five - (You Should Trust Me)
Chapter Six - (The Hidden Prophecy of Ellysse)
Chapter Seven - (They are back!)
Chapter Eight - (SOZU)
Chapter Nine - (bloom or doom)
Chapter Ten - (Tulingling)
Chapter Eleven - ( You Will Feel the Energy)
Chapter Twelve - (Ang Simula)
Chapter Thirteen - (Control It!)
Chapter Fourteen - (The Gods.)
Chapter Fifteen - (The Air and Water Blast)
Chapter Sixteen - (The Entities of Incarnation)
Chapter Seventeen - (Against All Odds)
Chapter Eighteen - (Panther and the Legend of Bugads)
Chaptet Nineteen - (The New Classmate)
Chapter Twenty- (The North Air Tribe of Agresia)
Chapter Twenty one - (Allyssia and Feti)Part 1
Chapter Twenty-two - (Part 2)
Chapter Twenty-three - (The Ring)
Chapter Twenty-four - (Forbidden Forest)
Chapter Twenty-five - (Naomi and Beth)
Chapter Twenty-six - (The Sufferings and the Sacrifice)
Chapter Twenty-seven - Superior of Evil
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine - The Monster
Chapter Thirty - (Same Race of Elenianity)
Chapter Thirty-one - The Battle for Freedom
Chapter Thirty-two - The Real Battle
Chapter Thirty-three - (Restore Elenos)
Epilogue
Note:

Chapter Four- (The Hidden Prophecy)

86 15 5
By spiderxx66

Chapter 4

Bakit palagi nalang may namamatay ng dahil sakin? Hindi naman niya hinahangad na mangyari lahat ng iyon. Ang gusto lang niya ay maging maayos na ang lahat dahil hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin. He's wasted. I'm sorry. Hindi niya mapapatawad ang sarili dahil sa nangyari kay Beth dahil para sa kanya siya ang may kasalanan ng lahat. Siya naman talaga, mula kay Terry at kay Beth, siya ang dahilan ng lahat kung bakit sila nawala. Bakit pa kasi siya nabuhay, at kung totoo man ang lahat tungkol sa pagkatao niya edi sana hinayaan nalang siyang patayin ng mga bugad simula pa lang. He don't want to be a hero, not until this time. Mas gugustuhin niya na maging normal kasama ang mama niya at ang mga kaibigan niya na iniwan niya dahil sa pes**** kapalaran niya. He wants his old life back.

Humugot ng hininga si Alex at mapakla na napangiti tsaka tumayo mula sa pagkakaupo. Isang ngiting pilit. Pangatlong araw na nilang paglalakbay sa gubat. Another day of his journey at parang ayaw na niyang ipagpapatuloy ang lahat. Pero ngayon pa ba siya tatalikod at bumalik? Kung saan marami na ang napapahamak at nawala ng dahil sa kanya? Ngayon pa ba siya susuko kung saan marami na ang nanagyari at nasira na ang buhay niya? No! He wants to do it right not for him, but for Terry and Beth.

"Let's go." Walang emosyon na sabi niya at nagsimulang maglakad. Si blue naman ay dali-daling sinundan siya at inunahan siya para magturo ng daan. Tahimik lang silang dalawa sa paglalakad hanggang sa marating nila ang puno ng taron. Hindi parin naghihilom ang sugat niya sa braso at kumikitot ito at parang mawawalan siya ng malay ano mang oras.

"Kailangan mong magpahinga, hindi ka pwede humiling sa taron na ganyan ang kalagayan mo dahil baka mawalan ka ng malay." Sabi ng nag-aalalang blue.

"No, I need to do it riht now. Gusto ko ng matapos ang lahat, ayoko na dito."

"Hindi pwede, maaaring may mangyari sayo sa paglakbay ng taron, baka mapahamak ka." Hindi nakinig si Alex at humakbang palapit sa puno ng taron.

"Just tell me kung paano gumana to."

"Kailangan mo lang hawakan ang isa sa mga kamay niya at hilingin na dalhin ka sa lugar na gusto mong puntahan. Remember be specific sa lugar na iyong pupuntahan." Napatingin naman siya sa parang tinutukoy ni Blue na parang mga buntot na nakalabit sa puno. Hinawakan niya ang isa sa mga ito at tumingin kay Blue.
"Let's go." Umiling lamang si Blue na nagpalukot ng noo niya.

"Hindi na ako pwedeng sumama sayo don. Hanggang dito lanag ang binigay na kapangyarihan ni Terry, ang dalhin ka sa kaharian ng ligtas."

"So hindi na kita makikita?"

"Nasa sayo na iyon. Tawagin mo lang ako. I'm just inside you." Pagkatapos non ay unti-unting nawawala si Blue. Huminga siya ng malalim tsaka tinignan ang hawak niya na kamay daw ng puno. He grimaced when he feel the pain of his wound. Hindi alintana ang sakit ay humiling siya sa taron.

"Wait, saan nga ba ako pupunta? Hayst nakalimutan kung tanungin si Blue eh." Napangiwi ulit siya ng kumirot na naman ang sugat niya.

"Saan nga ba yon? Australia? Anus? Hayyst...okay-okay. Dalhin mo'ko sa palasyo." Unti-unting umilaw ang hawak niya at linamon siya nito bigla.

Bumukas ang pintuan ng bulwagan at pumasok ang dalawang kawal ng agresia. They kneel halfway to their king bilang respeto at pagpugay dito.

"Anong balita? Nasaan ang mahal na prinsepe?" Ilang taon na rin na hindi niya nababangit ang pangalan ng mahal niyang anak na prinsepe, ganun paman ay walang araw na hindi niya ito naiisip at nag-aalala sa kalagayan nito.

"Masamang balita mahal na hari. Nasunog na po ang bahay na tinitirhan nila ni Terry at ng prinsepe pagdating naming sa lupa ng mga tao." Biglang napatayo ang hari at napakuyom ng kamao. Siguradong kagagawan ito ng mga bugad.

"Huwag mong sabihin na patay na ang anak ko!" Nakakatakot ang pagkabigkas niya sa mga salita, hinahangad na sana mabuti ang sasabihin nito tungkol sa anak niya.

"Alam naming patay na si Terry pero wala kaming bakas na nakita mula sa prinsepe. Siguradong nakatakas ito sa mga bugad dahil naramdaman namin ang kapangyarihan ni Terry."

"Magdala kayo ng mga kawal at hanapin ang prinsepe, kailangan niyo siyang makita bago paman siya makuha ng mga bugad." Agad na tumalima ang dalawang kawal at lumabas na sa bulwagan. He exhailed deeply para maibsan ang bigat na nararamdaman. He misses his son very much. Hindi niya ito naprotektahan laban sa mga gustong kumuha dito. Maybe sending him away is not a good idea in the first place. Kung pinapanatili niya sana ito edi sana naturuan niya ito ng mabuti kung pa'no ipagtanggol ang sarili. Edi sana naipaliwanag niya ng mabuti dito ang tungkol sa pagkatao niya at para malabanan niya ito. Kung pwede lang akuin niya ang tadhana nito ay gagawin niya para hindi na ito mahirapan pa at mamuhay nalang ng normal. That is what a father should do, ang makakabuti para sa anak nila.

"Ellysse....Ellysse.." Sumusunod lang si Ellysse sa tinig na tumatawag sa kanya. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa lugar na ito at kung anong lugar ito.

"Bakit? Bakit moko tinatawag?"

Nakita niya ang isang babae na nakasoot ng magarang besteda na napuno ng mga palamuti. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa liwanag ng mga mata nito.

"Ellysse it has come, you must save him." Sabi nito sa kanya. Lumakad ito palayo kaya sinundan niya ito.

"Sino? Teka, saan ka pupunta?" Sinusundan lang niya ito sa paglalakad at hindi niya alam kung bakit.

"Ellysse you must save the boy."

"How tsaka sino?" Tumigil ito sa paglalakad tsaka humarap sa kanya kaya napatigil din siya. Hindi parin niya aninag ang mukha nito.

"You knew him, very well." Tsaka nito tinuro ang dibdib niya. Lumapit ito sa kanya at itinapat ang hintuturo sa noo ni ellysse. She saw flashes in her head, there she saw a book at isang palaso na kulay ginto.

"What is it?"

"The Hidden Prophecy." Napabalikawas ito ng bangon at napahilot sa kanyang sintido. She was dreaming, pero parang totoo ang pagkikita nila.

"What was that?" Anong ibig sabihin ng panaginip na 'yon?

Dali-dali siyang lumabas sa kwarto at pumunta sa malaking library sa palasyo. She tried to search the book she saw in her dreams. Siguradong may ibig sabihin ang panaginip niya kaya dapat niyang makita ang librong iyon.

"What are you doing?" Agad siyang napalingon sa nagsalita. She saw her father standing at the corner holding a book at his right hand.

"That was the book."

"What?" Agad nitong itinago sa likod nito ang libro ng mapansin na doon siya nakatingin.

"Ama, pwede ko bang makita iyan." Tinuro niya ang nakatagong kamay nito.

"Ang alin?"

"Yang libro na hawak niyo po."

"Ano? Wala akong hawak na libro anak, baka namalikmata ka lang." Saad nito at ipinakita ang dalawang kamay na walang libro. Weird. I know I saw it.

"Ah baka nga po." Iniling na lamang niya ang kanyang ulo dahil sa kalituhan. She saw it clearly pero bigla itong nawala.

"Bakit anak, may problema ba?"

"I just had this weird dream, well never mind." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.

"Whatever happens anak, just know that it was for your own good."

"Why are you telling me this? May itinatago kaba sakin ama?"

"No, bumalik kana sa kwarto mo at matulog ulit." Tumango lamang si Ellysse at bumalik na sa kwarto niya. Alam niyang may tinatago ang ama niya sa kanya at kailangan niyang malaman iyon. And that book is something, she saw it clearly pero bigla nalang nawala iyon. Siguradong may alam ang ama niya sa Hidden oracle and she must know why he hides it from her and to everyone.

She opened her eyes to see the brightness of her room caused by the sunlight that comes from her windows. Kinusot-kinusot niya ang kanyang mata habang dahan-dahan siyang umalis sa higahan. Pero napatigil siya ng may naapakan siya na malambot. Agad siyang napatingin dito at napasigaw pero agad din niyang tinakpan ang bibig niya sa pagkakasigaw.

"What the-who is he?" Dahan-dahan siyang lumapit dito at pinagmasdang mabuti ang lalaki.

"Patay na ba 'to?" Sinipat niya ang leeg nito and feel his nose. He's alive, but how did he get in her room? Ipinilig niya ang kanyang ulo at pinagmasdang mabuti ang gwapong lalaki. Gwapo? Nahihibang na ba ako? May mga galos ito at may sugat sa braso. Ganun paman mahimbing itong natutulog at di alintana ang mga sugat. Mayroon itong marka sa noo na hugis crescent moon na may isang ibon sa gitna nito. It was an eagle. (see picture below)

"Hey!" Sinubukan niya itong gisingin pero hindi ito nagising. Agad siyang napatingin sa pinto ng kwarto niya ng bigla itong bumukas.

"Princessa, sino yan? Naku! Ba't mo siya pinatay?" Agad itong lumapit sa kanya at pinagmasdan ang lalaki.

"Hindi ko siya pinatay angelica. Pagkagising ko andiyan na siya at buhay pa siya."

"Teka, ang weird ng suot niya. Look! May marka siya sa leeg. He's—" Tinuro nito ang leeg ng binata.

"He's a prince. Pero saang kaharian?"

"Violet crescent moon, that means Agresia." Kunot noo siyang napatingin sa leeg nito dahil sa sinabi ni Angelica.

"Are you sure?" tanong niya dito dahil iba ang nakita niya.

"Oo. Bakit prinsesa?"

"It's not Violet, it's an ash-gray."

"Ha? Sigurado ba kayo? Eh, Violet yong nakikita ko. Naku, baka may sira na yata yang paningin niyo."

"Wala ka na bang nakikita na ibang marka?"

"Wala, bakit meron pa ba dapat?" Iniling na lamang niya ang kanyang ulo at pinagmasdan ang noo ng binata. Weird, bakit ako lang nakakakita sa marka niya at sa kulay ng marka niya sa leeg? Pinagmasdan niya ng mabuti ang lalaki. He has a thick eyelashes and perfectly drawn eyebrows matched with a fair skin. Infairness gwapo siya.

"Nakakainggit." She said out of nowhere.

"Ha ano prinsesa?"

"Wala, manahimik ka na nga lang. Tulungan mo na lang ako na kargahin siya papunta sa kama ko."

"Wait, what? Sa kama niyo? You're kidding!"

"No kidding, eh saan pa ba sa kwarto mo?"

"Oh pwede rin-aray. Para saan naman 'yon?" Himas-himas nito ang batok na hinampas niya.

"Magtigil ka nga, dali na."

"Eh, hindi nga natin yan kilala eh. Pa'no kapag masamang nilalang pala iyan."

"Oo nga no. But look at him, he's wounded. Kawawa naman eh."

"Oo nga eh. He's wounded, at hindi natin alam kung pa'no siya napunta sa kwarto ng isang prinsesa." Napabuntong hininga siya ng malalim ng mapagtanto ang sinabi ni Angelica. The man is stranger pero bakit gusto niyang tulungan ito. Iba ang nararamdaman niya rito. Magaan at walang halong takot at peligro. At ang nakakapagpalito lalo sa kanya ay ang marka nito na hindi nakita ni Angelica at ang totoong kulay ng marka nito sa leeg. Dagdag pa ang weirdong kasuotan nito na ngayon lang niya nakita. Who is this man?

Nagising si Alex dahil sa kirot ng sugat niya. He roamed his eyes to find himself lying in a bed on someone's room. Where am I? Did I slept with some girl? Panaginip lang ba ang lahat ng 'yon? How he wished for many times na sana totoo ang naiisip niya na he's making out with someone last night at panaginip lang lahat ng nangyari. Napatingin siya sa braso niya na nakabenda that made him down. Totoo ang lahat at wala siyang magagawa doon.

"Where am I?" He checked himself to know that he is only wearing his underwear. Uncovering himself from the warm comforter that gives him the sight of his whole nudity apart from his underwear.

"What the-where is my clothes? Why am I naked?" Biglang bumukas ang pinto ng kwarto kaya dali-dali siyang napabangon at napatayo sa gilid ng kama showing his nakedness. The tiny cloth only cover his manhood enough to make her strucked for a moment without knowing what to react.

"Ahhh!" She hissed, finally she found her late reaction while her eyes still looking at the view of his crotch. Pero agad din niyang tinakpan ang bibig sa pagkakasigaw dahil baka marinig siya ng mga tagapagbantay sa labas.

"Takpan mo nga ang sarili mo." Sabi niya na hindi makatingin dito. He emeddiately throw himself to bed and took the comforter to cover his bareness with it.

"Where am I? Where's my clothes?" Tanong niya dito ng mabalot ang sarili.

"Pinatapon ko, puno kasi ng dugo at tsaka sira na. Huwag kang mag-alala may pinakuha ako na masusuot mo."

"Ahh, thanks." She nods herself and bite her lips. Ewan nga ba niya kung bakit niya nagawa iyon. Nahihiya kasi siya rito dahil sa nakita niya kanina. And her eyes can't get off to the sight awhile ago that made her blushed for sure.

"Ahm, pa'no ka pala napunta sa kwarto ko?"She asked to eliminate the awkwardness.

"I don't know, I was holding that thing and then-is this the palace?" He asked abruptly.

"Oo, Palasyo ng Dreroa? Ikaw saan ka galing?"

"Ahm sa..." He paused trying to remember the name of the place.

"Prinsepe ka diba?"

"H-how did you know?" he asked her.

"Nakita ko kasi yang marka mo sa leeg." She pointed his neck at the right side viewing his mark. His eyebrows risin' a bit.

"Ah ganun ba? You have too? Wow, pula nga lang sayo at violet 'yong sakin." He pointed her mark and then he noticed her mark on her forehead that shaped like a sun inside the crescent moon. Bakit ba palaging may crescent moon? His thick eyebrows frowned a little.

"I'm a princess too. You should know by seeing my mark."

"Ganun ba yon?" He said while staring her forehead, tracing its shape. Sumingkit ang mata niya dahil sa sinabi ni Rouel. He is very strange.

"Hindi mo alam yon? You are weird and strange."

Thank you! Enjoy

--spiderxx66

Continue Reading

You'll Also Like

48.8K 152 101
List of Stories na nabasa na ng creator 😂😂😂 Marami pong spoiler dito. Pero please! please! please! basahin nyo pa din yung story. Wag po kayung ma...
1.1K 74 13
Continuation of the book 1 After Rehabilitation. This is a time skip of a year. Wherein Sakuragi is the new captain of the team and Aoi is the new Ma...
696K 521 1
PRINCESS SERIES #1 -REVISING-
173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...