KNIGHTS I-2: Demon's Destruct...

By oaxygenknight

1.7M 54.6K 4.7K

Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue

Chapter 17

26.1K 887 60
By oaxygenknight

Arrow Perez

"Pero Froze, kailangan ko ng bumalik sa dorm," pamimilit ko sa kaniya at bahagya pang hinila ang laylayan ng damit niya.

Malamig lang siyang tumitig sa akin. Napaatras naman ako sa takot.

"Dito ka lang," malamig niyang sagot.

Nanlulumong napaupo na lang ulit ako sa kama dahil sa sagot niya.

Kanina ko pa siya sinusubukang kumbinsihin pero ayaw niya akong pauwiin.

Gabi na ngayon, at kanina pa ako nandito.

"M-Mag-aalala sila sa akin, Froze," sinubukan ko muling pilitin siya.

Mas dumilim ang aura na suot niya ngayon. I gasped when he pulled my waist 'saka nilapit ang mukha sa akin.

"Then I'll let them come here, pero ikaw, hindi ka uuwi." Nanlaki ang mga mata ko.

"D-Dito lang ako? E, p-papaano naman sila--"

"They'll be here in a few minutes, then tell them that you're gonna sleep here," may pagbabanta ang boses niya kaya hindi ako nakaimik agad.

Napatitig lang ako sa malaperpekto niyang mukha.

"Bakit ako dito matutulog?" nagtataka kong tanong.

Namula ako nang titigan niya ako, as in titig, nakakalunod ang mga tingin na binibigay niya sa akin.

Nagulat na lang ako nang haplusin niya ang pisngi ko 'saka ngumiti. "You're so beautiful."

Mas uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Pero ngumiti din ako ng matamis. "Salamat po."

He chuckled na nakapagpatulala sa akin.

Tumawa siya?

Ang gwapo gwapo talaga niya!

"You're so cute," malambing niyang sabi bago ako halikan sa pisngi.

God! Feeling ko ay lulubog na ako sa sobrang kaba at kilig.

"N-Nasaan na sila?" Minabuti kong ibahin na lamang ang usapan para hindi na niya mahalata ang kilig ko.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang sumama ang timpla ng mukha niya. Bahagya siyang lumayo pero mahigpit pa rin ang kapit niya sa baywang ko.

"You're here with me, but then you're looking for someone?" malalim ang boses na sabi niya.

I bit my lower lip nervously. "H-Hindi naman sa gano'n, y-yung mga kaibigan ko kasi--"

"Arrow!" Napalingon ako sa pintuan nang bigla 'yong bumukas at bumungad ang mukha ng mga kaibigan ko.

Napahagikhik ako 'saka lumundag at yumakap sa kanila.

"I miss you," naiiyak kong sabi.

Kahit ilang oras ko lang silang hindi nakita ay miss na miss ko na agad sila.

Puro kasi lalaki ang kasama ko dito at hindi ako sanay.

"What happened to you?! Bakit may benda 'yang ulo mo?" nag-aalalang tanong ni Saiko.

"Ikaw babae ka, gusto mo bang sabunutan kita? Sobrang frustration ang binigay mo sa amin dahil sa paghahanap sa 'yo!" nag-aalala rin na sabi ni Miyuki.

"Gosh, girl, maloloka na nga ako kanina sa pag-aalala sa 'yo," madrama ring tugon ni Sabrina.

I pouted my lips 'saka sila niyakap.

"I'm sorry po, napaaway lang kanina. Kasi tinulungan ko siya." Tinuro ko si Froze na nakaupo sa kama at para bang walang pakeng nakatingin sa mga kaibigan ko.

"F-Froze," nakatulalang sabi ng mga kaibigan ko.

Ngayon lang ata nila napansin ang lalaki sa likod ko.

Tumango lang si Froze 'saka tumingin sa akin. Yung mga mata niya parang nagbabanta.

Alanganing ngumiti ako sa mga kaibigan ko. "D-Dito raw ako matutulog," kinakabahang bulong ko sa kanila.

Nakita kong nanlaki ang mga mata nila.

"What? Why? Anong m'eron sa inyong dalawa?" bulong sa akin ni Saiko na parang kinikilig pa.

"W-Wala, basta dito niya ako gustong patulugin," sagot ko.

"Hindi puwede, Arrow, lalo na at wala kayong relasyon," ani ni Miyuki.

Mabilis akong lumingon kay Froze. "Ayaw nila, e," diretsyo kong saad.

Naramdaman ko pa ang bahagyang pagpalo nilang tatlo sa akin.

Dumilim ang aura na nakapalibot kay Froze.

"What?" Tumiim ang bagang niya na ikinaatras naming apat.

Nakakatakot talaga siya magsalita.

"Wala naman kaming sinasabing ayaw namin, Arrow." Binatukan pa ako ng kinakabahang si Sabrina.

Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. "E bakit kailangan mong mambatok!"

Tumawa lang siya ng alanganin at nag-peace sign.

"She'll sleep here, and the three of you, you can leave," may pagbabantang sabi ni Froze.

Humigpit ang kapit sa akin ng tatlo kong kaibigan.

Lumapit ako kay Froze at kinulbit siya. Lumingon naman siya sa akin.

"M-Mag-uusap lang kaming tatlo, Froze, okay lang?" alanganin kong paalam.

He gazed at my friends 'saka ulit binalik ang tingin sa akin.

"Sige na, pumayag ka na," pamimilit ko sa kaniya.

Pumulupot ang braso niya sa baywang ko 'saka nilapit ang bibig sa tainga ko.

"I'm warning you, Arrow. Dito ka lang."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya.

Nakita ko pang sinamaan niya ng tingin ang mga kaibigan ko na kumaripas ng takbo papunta sa akin.

"Mygosh, what was that? Bakit ang sama ng tingin niya sa atin?" nanginginig na tanong ni Miyuki.

"Ikaw, Arrow ha! Ano 'yon?" kinakabahang untag ni Saiko na pinalo pa ako.

"H-Hindi ko rin alam, baka takot siya sa mumu kaya kailangan niya ng kasama?" hula ko.

Sabay-sabay silang napahampas sa mga noo bago ako tingnan na may halong panunudyo.

"Ayy!" Napatili ako nang sundutin nila ang tagiliran ko.

"Ikaw ha, hindi mo sinabing may Froze ka na pala," nanunudyong turan ni Sabrina.

"Ha? Hindi ah!" namumulang tanggi ko.

"Ang sama ng tingin sa amin. Parang ayaw maistorbo, gusto ka atang masolo, yiee!" irit ni Saiko.

Ngayon ko lang sila nakitang ganito. Mas kinikilig pa ata sila kaysa sa akin.

"W-Wala nga 'yon!" pagtanggi ko.

Pero ngumiti lang sila ng mapang-asar.

"Manliligaw mo na ba 'yon?" tanong ni Miyuki.

Mabilis naman akong umiling. Ano bang pinagsasabi nila?

"Akala ko ba dadaan muna sa inyo ang manliligaw ko? E, bakit parang botong-boto kayo kay Froze?" nakangusong tanong ko.

"Ay nako, kung si Froze pala ang manliligaw sa 'yo. Hindi na kailangan pang dumaan sa amin, sagutin mo na agad! It's a yes for us!" Humagikgik pa sila matapos sabihin 'yon ni Miyuki.

Nanlulumong napatingin na lang ako sa kanila.

"Wala ngang meron sa amin," sabi ko.

"Talaga? E bakit ka kinikilig?" nanunudyo nilang sambit.

Kumawala tuloy ang ngiti sa labi ko kaya mas lalo silang tumawa.

Hindi ko naman talaga alam kung bakit gano'n umakto si Froze sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...