One Night Misery (Misery Seri...

By _lollybae_

3.2M 76.1K 14K

Elysha Yvonhale Vicencio never experienced luck in her life. Hindi niya kailanman nakilala ang ama. Nawala sa... More

One Night Misery
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 6

61.8K 2.1K 180
By _lollybae_

Kabanata 6:
Save

"Francine at Elysha, sa labas muna kayo at maraming costumer. Nagkukulangan na ng waitress." bungad ni Ma'am Grace nang akmang papasok na kami ni Francine sa kitchen. Nagkatinginan kaming dalawa habang ako ay natigilan.

"Sige po, Ma'am." sabay naming saad at mabilis kaming nilagpasan ni Ma'am Grace para umalis. Napahinga ako ng malalim at bumaba ang tingin ko sa aking tiyan.

"Napansin ko rin na marami talagang tao ngayon, Elsyha. Tara na at siguradong abala rin sila Charmaine sa labas." aya ni Francine at agad nang pumunta sa employee's room para magpalit ng uniform na pang waitress. Sumunod naman ako sa kanya at nagpalit na rin.

Habang nagpapalit ay hindi ko maiwasang ngumiti nang makita muli ang uniporme. I miss this uniform. Kaso hindi ko alam kung handa ba akong isuot muli ito.

Sa kondisyon ko ngayon dapat ay sa kitchen muna ako para sa ikakabuti ng sarili at ng baby ko. Pero wala akong magagawa, hindi ako puwedeng tumanggi. Bumuntong hininga ako. Dobleng ingat na lang ang gagawin ko at hindi magkikilos masiyado.

The uniform embrace my body tightly now than the last time I wear it. Ramdam ko rin ang kaunting pagbabago ng sukat ng katawan ko. Medyo sumisikip na rin nga ang mga sinusuot kong damit lalo na sa dibdib na parte. Halos hindi na rin magkasya ang mga bra na ginagamit ko at noong mga nakaraan nga ay nararamdaman kong sumasakit ang dibdib. I notice that it becomes bigger than the last time.

When I step outside from bathroom, Francine immediately whistled. Bumagsak ang tingin niya sa katawan ko.

"Grabe ang daya! Bakit parang mas sumexy ka ngayon!" hindi ko alam kong singhal ba iyon o papuri. Inilingan ko lang siya. Binobola ako nito palagi.

"Sukat na sukat iyong uniporme sayo, Elysha! Napapansin ko rin na medyo nagkalaman ka na ngayon na mabuti naman kasi kitang kita na iyong mga kurba mo sa katawan." si Charmaine na naroon rin pala sa silid. Ngumiti ako.

"Salamat." tipid kong sagot.

Tumapat na ako sa salamin at nagsimula nang ayusin ang sarili. Mapapagalitan ako ni Ma'am Grace kapag nakitang wala akong ayos.

"Napaka humble mo talagang babae ka! Nakakainis!" si Francine at mahina lang akong natawa sa sinabi niya. Pagkatapos naming mag-ayos dalawa ay agad na kaming lumabas para simulan ang trabaho.

Halos huminga ako ng malalim nang makita ang dami ng tao sa loob ng club. Tanaw ko rin mula rito ang ilang bilang ng tao sa second floor habang ang mga VIP at VVIP sa third floor ay marami rin.

Hang in there, baby. Your Momma will only work.

Agad na may costumer na nagsenyas ng waitress at dahil may tumawag na rin kay Francine ay agad na akong lumapit roon dala ang maliit na papel at ballpen para sa order nila.

Naging mabagal pa ang paglalakad ko dahil sa masikip na pencil skirt na nililimitahan ang aking mga hakbang. Mabuti sa akin iyon para hindi ako masiyadong gumalaw pero alam kong makaka-apekto iyon sa bilis ng pagtratrabaho ko.

Habang naglalakad ay ramdam ko ang pagbali ng leeg ng ilang lalaki para sulyapan ako.

"May I ask your order, Sir?" marahan kong tanong sa apat na lalaki at dalawang babae na nasa table. Agad na nag-angat ng tingin ang tatlong lalaki sa akin. Habang ang isang tumunghay ay nakangisi na agad.

Ang mga ilaw ay nagsasayaw na kasabay ng musika sa buong club. Mabuti na lang talaga at hindi na ganoong masiyadong sensitibo ang pang-amoy ko at bihira na lang rin na mahilo sa kakaibang amoy. Ngunit kapag may nakikita akong usok ay agad kong tinatakpan ang ilong at ititigil ang paghinga para hindi iyon malanghap.

"One bottle of whiskey and two cocktail drinks, please." the man in the middle said. I immediately write down their orders.

"Is that all, sir?" tanong ko bago umalis para makompirma ang lahat ng order nila. Kita ko sa gilid ng mga mata ang pagpasada ng tingin sa katawan ko ng dalawang lalaking katabi niya. Mahina akong tumikhim.

"Can you join us here after you serve our order?" muntik na akong mapamaang sa sinabi noong lalaki pero ngumiti lang ako ng marahan. Alam ko na agad na may balak siyang ganoon sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"I'm working as a waitress here, not an entertainer, Sir." marahan kong sagot sa kanila at maliit na namilog ang labi noong nasa gitna at tumawa naman iyong dalawang lalaki. Napatingin na sa gawi namin iyong dalawang babae na kasama nila.

"Is that all your order, Sir?" pag-uulit ko, direkta ang tingin sa lalaki na nasa harap ko at umayos siya ng upo.

"Yeah." he said still looking straight at my eyes. Tumango ako.

"Kindly wait for a minute, Sir. I'll be back to serve your order." saad ko kahit hindi sigurado kung babalik pa ba ako roon o ipapasa kay Francine ang tray. Mabilis ko silang nilagpasan ng hindi pinapansin ang reaksiyon nila.

Agad ko nang inasikaso sa tray ang order at sa kasamaang palad wala roong waitress na puwede kong pasahan. Lahat kami ay abala. Kaya nang makabalik sa table na iyon ay tahimik kong nilapag ang order nang hindi tumitingin sa mga mata nila.

"Call us, if you still want something, Sir." magalang kong saad at aalis na sana roon ng tahimik nang tawagin muli ako noong lalaki.

"I'm sorry for what I said a while ago. Can I at least know your name?" napahinga ako ng malalim bago bumaling sa kanya.

"Yvon." instead of saying my first name on him, I tell him my second name. Sinabi ko na para hindi na humaba pa ang usapan at tumigil na siya. Marami pa akong trabahong gagawin. Ngumisi siya sa akin.

"Nice, Yvon." he relocated to his seat after saying it. Hindi makakatakas sa paningin ko kung paano siya sumulyap sa dibdib ko. Nagtaas ako ng kilay.

"Are you free tonight? I can pay how much you want." kung kanina ay napigilan ko ang sariling mapamaang ngayon ay hindi na. Kumislot ang labi ko.

"As I said, I'm a waitress and not an entertainer to fulfill your needs. Better find another girl to hook up Sir or donate your damn money to charity." tinaliman ko siya ng tingin bago tuluyang umalis roon. Hindi ko na napigilan pa ang iritasyon. Wala na akong pakialam kung mareport man ang behavior ko kay Ma'am Grace. Handa akong magpaliwanag sa kanya.

I'll resign this Monday anyway.

Nagpatuloy ako sa pagtratrabaho at kapag may pagkakataon ay simple akong nagpapahinga. Hindi na mabuti sa akin ang manatali sa mausok na lugar. I am serving an order when I suddenly heard a very familiar name.

"Finally, here's Karson!" halos matigil ang buo kong katawan sa narinig na sinigaw ng babae sa table na sineserve ko. Hindi ko mapigilan dahil sa pangalan na nabanggit niya. Nakatingin siya sa likod ko kaya hindi ko makita kung ang imahe ba na nasa isip ko at ang tinitignan niya ay iisa.

I took a very deep breath and calm my heart. Naalala ko iyong sinabi ng lalaki niyang kaibigan noong nagkita kami sa supermarket noong nakaraan.

They'll be here. Dahan dahan na yinakap ng lamig ang katawan ko. Lalo ng marinig na magsalita ang lalaki sa likod ko.

"Sorry we're late. Ang arte ni Karson, ayaw pa sumama. Mabuti at napilit ko." I blink my eyes as I heard a familiar voice of a man. Parang katunog ng boses noong nasa supermarket ako. Mabilis akong tumikhim para ipagpatuloy na ang trabaho pero para akong napako sa kinatatayuan ng marinig na nga ang tinig na kompirmasyon sa kinakakatakutan ko.

"Give me a drink." utos niya at napako ang aking paa sa sahig kasabay ng panlalamig ng buong katawan. Dumaan siya sa gilid ko at umupo sa sofa na katapat ko. Doon pa talaga siya umupo kung saan makikita niya ako agad kung mag-aangat siya ng tingin.

My whole body shuddered when he raised his head and our eyes met. I gulped and tried to hold my sanity but I can't anymore. Halos mahulog ko pa iyong baso sa paglalagay sa table nila dahil sa panginginig ng kamay ko. Saglit akong napapikit at pinagsabihan ang sarili sa isip.

Hindi ako puwedeng pumalpak muli ngayon!

I see how his eyes travel down to my body that sent shivers down my spine. Ang paraan ng tingin niya ay iba at hindi katulad noong ibang lalaki na hindi ako komportable. Sa kanya ay nakakakaba at nakakapanginig.

His eyes were serious and dark and there's no any malice on how he look at me.

My heart is pounding violently like a madman wanting to break my ribcage. Muli akong napalunok at hinahabol na ang hininga na bumibigat na ngayon. Napaayos ako ng tayo nang mabilis kong natapos ang trabaho pero nanatili pa rin ang tingin niya sa akin.

"I-Is that all you want, Sir?" halos mapapikit ako sa boses kong nanginig.

"Yeah, thank you. You can leave us." ang babae ang sumagot sa akin at tumango ako sa kanya. Aalis na sana ng pigilan ako ng isang lalaki roon.

"Woah, you're here!" may paghangang saad ng isang lalaki na nakita ko roon sa supermarket. Iyong kaibigan ni Karson. Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Kita ko rin na kumunot ang mga noo ng kasama niya.

"What do you mean, Sancho?" biglang tumaas ang kilay ng babae nilang kasama.

"She's the girl, Ariel! Woah you look more sexy tonight!" iyong isa namang kaibigan ni Karson. Napangiwi ako. Hindi komportable sa papuri niya.

"Derrick stop it! You sound like a damn maniac!" saway ni Karson. Napalunok ako.

"I'll leave you n-now, Sir." I stutter again.

"No, you should stay here. I want to talk with you." iyong una namang lalaki. Halos mahilo ako sa kanilang dalawa.

"Sancho stop it." agad na saway noong babae at hinawakan siya sa braso. Tinaliman ako ng tingin ng babae at halos mapangiwi siya ng pasadahan ang uniporme kong suot. Tumawa iyong isa pang lalaking kasama nila.

"I'm sorry, Sir. I can't stay here." magalang kong sabi.

"Oh? What time is your out then?" nagtaka ako sa tanong niya pero sinagot na lang iyon.

"3 am, Sir." I said and my hold on the tray tightens when I feel those familiar piercing eyes again.

"Don't bother her, Sancho. She's working." I heard his cold voice. I raised my eyes to see him and his jaw clenched. I almost flinched when his eyes turn in a darker shade.

"Call me Sancho and not Sir. I'll stay until your out." he said simply and my eyes widen a bit. Surprise on what he said. I can feel that he's hitting on me. Gusto kong umiling, kung alam niya lang ang kondisyon ko. Tumikhim ako.

"I'm leaving now, Sir." saad ko at tumalikod na. Pinili na ignorahin ang kanyang huling sinabi.

"Wait, what's your nu----"

"Sancho stop it. She'll be scolded if you keep on bugging her." ang malamig niyang tinig ang huli kong narinig bago ako tuluyang makawala roon. Habang pababa sa hagdan patungo sa second floor ay halos malamig na ang hangin na nilalabas ko dahil sa epekto ng pagkakita sa kanya.

Okay, hindi na dapat pa ako magulat na makikita siya rito. Kagaya ng sinabi ng kaibigan niya, madalas na silang pumupunta sa Exid. Ramdam ko pa rin ang tumatagos niyang tingin sa akin at mabilis pa rin ang tibok na puso ko na parang hindi pa nakakabawi sa lahat.

I tried to stay in the first floor so I can't see them again. Tiniis ko ang mga lalaking panay ang tanong at tingin sa akin. Inignora ko na lang ang lahat ng iyon. Hindi maiiwasan ang mga ganoong costumer lalo na kapag malalim na ang gabi. Maraming costumer na makulit dahil lasing.

Kaya ko naman protektahan ang sarili ko pero hindi ko maiwasang kabahan lalo na at hindi na ako nag-iisa ngayon. Nang mag aalas tres na ay halos lumuwag ang pakiramdam ko dahil malapit na akong mag-out.

Nangangalay na rin ang mga braso, likod at paa ko kada pabalik balik para magserve sa mga costumer. Kakaunti na lang din ang tao hindi katulad noong mga alas dose na halos hindi mahulugan ng karayom ang club. Nang saktong alas tres na ay nahahapo akong nagpalit ng uniform namin.

"Hay nakakapagod talaga maging waitress, parang namiss ko sa kitchen bigla!" si Francine na bakas rin ang pagod katulad ko.

"Mas mabigat ang trabaho sa kitchen pero nakakapagod rin ang pabalik balik sa paglalakad." sabi ko at parehas kaming huminga ng malalim.

Ang hirap ng buhay. Hindi talaga madali lalo na sa mga katulad ko na ganito ang estado.

Sinukbit ko ang bag ko sa balikat nang makalabas ng bar. Hinaplos ko ang mga braso nang yakapin ako ng malamig na simoy ng hangin. Nauna na si Francine dahil pagkalabas namin ay naroon na ang boyfriend niyang susundo sa kanya.

Medyo madilim ang likod na parte ng bar at kailangan kong maglakad ng kaunti mula sa Exid para may masakyan na Taxi. Alas tres na ng madaling araw at ang tahimik ng kalsada na nilalakad ko. Wala na ring tao dahil sarado na ang maliliit na negosyo sa katabing establisyamento ng bar.

Hawak ko ang phone para ipaalam kay Henessy na pauwi na ako. Pagkatapos ay sinilid ko iyon sa suot na bag. Hindi ko alam kung naroon pa ba sila Karson sa loob ng club lalo na at hindi na ako nakatapak sa third floor pagkatapos ng pagseserve ko sa kanila. Hindi na ako bumalik at pinaubaya na lang sila kay Francine.

May dumaang Taxi at paparahin ko na sana kaso mabilis na akong nalagpasan. Huminga na lang ako ng malalim nang makalayo iyon. Tumingin muli ako sa kalsada kung meron pang susunod. Kaso bigla akong napako sa kinatatayuan at nanlamig ang buong katawan nang may nakitang pamilyar na bulto ng tao hindi kalayuan.

"Tito Rogelio." kahit na madilim sa parte ng kinatatayuan niya ay sigurado ako na siya iyon! Sa tindig niya palang na namarka na sa isip ko sa kada makikita ko siya sa bahay ni Auntie. Nakabaling ang ulo niya sa banda ko at alam kong nakatingin siya sa akin ngayon.

Kumalabog ang puso ko at malakas na mapasinghap nang makitang naglalakad na siya patungo sa akin. Humigpit ang hawak ko sa bag at agad na tumalikod sa kanya para tumakbo.

Biglang hindi ako makahinga sa kaba at takot na pinaghalo. Lalo na at kilaka ko si Tito Rogelio at kung anong kaya niyang gawin sa akin katulad ng huli naming pagkikita!

"Elysha!!" nangatal ang buong katawan ko nang marinig ang malakas sigaw na dumagundong sa kalsada. Napuno ng masasamang ideya ang utak ko at agad kong hinalughog ang bag para kuhanin ang phone.

"Shit." I cursed as I almost lost balance when I accidentally step in a rock.

"Ang tagal kong naghintay sayong lumabas kang ingrata ka!" gigil niyang saad at bukod roon ay may bahid pang kung ano. Napalingon ako sa gawi niya at halos mawindang ako dahil ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin.

Wala akong mahingan ng tulong dahil walang tao. Wala akong makita sa paligid. Sinubukan kong tumakbo pabalik sa club pero bago ko pa iyon nagawa ay agad niya na akong nahila sa braso. Napasigaw ako sa takot at kaba.

"Bitawan mo ako! Hayop ka!" sigaw ko at narinig ko ang halakhak niya. Hinarap niya ako sa kanya at nanindig ang balahibo ko nang makita ang nanlilisik at mapula niyang mata. Hindi dahil sa kalasingan kundi sa iba pang dahilan. Halos maamoy ko pa sa kanya ang kakaibang amoy ng droga.

Ang amoy na dala noon ay nagpaikot sa paningin ko ng kaunti. Hinila niya ang buhok ko dahilan para mapasigaw ako sa sakit.

Napansin ko pa ang malaking bandage sa taas ng noo niya. Ilang linggo ang nakalipas matapos ng huli naming pagkikita. Halos hindi ko magawang paniwalaan na narito siya ngayon. Ano, paghihiganti niya ba ito? Dapat pala ay sinumbong ko na siya sa pulis noon!

"Anong akala mo? Palalampasin ko ang ginawa mo sa akin! Ang lakas ng loob mong hampasin ang ulo ko!" aniya habang hinihila ako sa isang eskinita na sobrang dilim. Nag-init ang mga mata ko!

"Tulong! Tulong!" sigaw ko pero malakas lang na sinampal ni Tito Rogelio ang pisngi ko. Napadaing agad ako sa sakit noon.

Hindi niya natuloy ang balak noong nakaraan dahil nakapanlaban ako, ngunit ngayon parang doble doble ang galit niya.

"Manahimik ka! Walang makakarinig sayo dahil walang tao rito! Ibakante mo iyong boses mo sa pag-ungol mamaya!" ramdam ko ang pangingilid ng luha ko dahil sa takot lalo na at humakhak pa siya pagkatapos sabihin iyon.

"Tulong! Tulungan niyo ko!" I almost screamed in the top of my lungs when Tito Rogelio dragged me more. Sa dulo ng eskinita. Makipot iyon at mukhang tapunan ng basura.

"Bitawan mo ko! You're so disgusting!" sigaw ko at napadaing sa sakit ng bigla niya akong itulak sa mga bundok ng basura at tumama ang likod ko sa metal na basurahan. Fear consumed me when I remember about my baby. Mabilis kong hinawakan ang tiyan at pinakiramdaman kong napuruhan ba ako ng malala.

"Hayop ka! Pakawalan mo ko rito!" sigaw ko at dahan dahang tumayo. Hindi lang takot para sa sarili ang nararamdaman ko kundi para rin sa anak. Pero parang walang narinig si Tito Rogelio at tinanggal niya na ang pangitaas na damit. Narinig ko rin ang pagkalas niya ng sinturon at tuluyan akong humikbi.

Kahit na tuluyan na akong inaalipin ng takot ay sinubukan kong maghanap ng ano mang bagay na puwede kong ipangdepensa para sa sarili, ngunit puro mga plastic at bote lang ang nakakapa ko.

"Tumigil ka na Elysha at hindi ka na makakawala sa akin ngayon! Sabihin mo sa akin kung sino ang mas magaling sa amin ng lalaki mo!"

"Subukan mong lumapit at hindi ako magdadalawang isip na ulitin ulit ang ginawa ko sayo!" humalakhak lang siya na para bang nakakatawa ang sinabi ko.

"Gawin mo ang lahat ng gusto mo. Pagurin mo ang sarili mo kung ganoon!" aniya at unting unting lumapit sa akin. Nanlalabo ang mga mata ko sa bawat hakbang niya dahil sa mga luha.

"Huwag kang lalapit!" pinagbabato ko siya ng kung ano mang mahawakan kong bagay. Natamaan ang balikat, dibdib, bewang at ulo niya.

"Tangina ka at sinusubukan mo talaga ako!" galit niyang sigaw ng matamaan ko ang sugat niya. Sumugod siya sa akin. Sumigaw ako na hindi na makilala dahil sa basag kong tinig sa pag-iyak.

Takot na takot ako!

Hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin sa posibilidad na mawawala ko ang anak ko sa pangyayari na ito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon!

Bago pa ako mahawakan ni Tito Rogelio ay may kung sino na humablot sa kanya mula sa likod at pinalayo mula sa akin. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng ihagis siya noon sa mga metal na basurahan. Namilipit sa sakit si Tito Rogelio.

"Sino kang pakialamero ka!" sigaw ni Tito Rogelio. Agad na natakpan ang malaki niyang boses nang umupo ang lalaki sa kaniyang tiyan at pinaulanan siya ng mga mabibigat at malalakas na suntok na nagpapanginig sa akin.

Naestatwa ako habang naririnig ang pagtama ng buto ng kamao ng lalaki sa mukha ni Tito.

Hindi ko agad nasilayan ang mukha ng lalaki dahil sa anino ng puno na tumatakip sa direksiyon niya. Pero sa maliit na liwanag na sumungaw mula sa buwan ay nagawa kong masulyapan saglit ang kaniyang mukha. Nanlalambot ang mga tuhod at mas lalong umagos ang luha nang makilala siya.

"Gago ka! Sino ka ba?!" sigaw ni Tito pero muling natakpan ang sigaw niya ng mga suntok.

Ramdam na ramdam ko ang galit ng lalaki sa pagbibigay niya ng sunod sunod na suntok kay Tito. Parang walang makakapigil at makakapagpahinto sa kanya. Sa takot na baka mapatay niya si Tito Rogelio ay nanghihina akong lumapit at hinawakan ang balikat ni Karson para pigilan siya!

"Tama na p-please." nanginginig kong saad habang patuloy na tumutulo ang luha. Mabilis siyang natigilan ng maramdaman ang hawak ko at naiwan ang kamay sa ere sa akma niyang pagbibigay ng panibagong suntok kay Tito.

Umihip ang malakas na hangin dahilan para madala ang mga dahon ng puno. Tumagos ang sinag ng buwan at nalinawagan ang puwesto namin. Halos mapasigaw ako sa gulat nang makita ang mukha ni Tito na hindi ko na makilala dahil puno na ito ngayon ng dugo.

"I will fucking kill this asshole!" pero hindi lang pala ang lamig ng simoy ng hangin at ang halakhak ni Tito ang magpapanginig sa akin sa gabing iyon kundi ang marahas at mariin na boses na nakatatak na sa isip ko simula noong unang gabing nagkasama kami.

Umawang ang labi ko. Lalo na ng lumingon siya sa akin. Mas lalo siyang tinamaan ng sinag ng buwan na nagpalinaw sa aking makita ang mukha niya. Ang mukha na madalas dumadaan sa isip ko nitong mga nakaraan.

"K-Karson." another set of tears brimmed my eyes. I am trembling but I could feel the warm feeling on my chest.

My voice crooked and my lips quiver. My vision turn more blurred but I can still see how dark his eyes are with  burning flames around it because of so much rage.

It was black flames, more intense than the red one. 

Mas mapangib at nakakatakot ang itim na apoy sa mga mata niya. His jaw clenched. I heard him utter a series of profanities as he held my hand. Tinulungan niya akong makatayo.

My breathing hitched. My mind went black and a gasped escape my mouth again when I feel his hot palm in my cheeks.

"Are you okay? Tell me you are, please or I won't have a second thought to kill this man right now!" sobrang riin ng pagkakabigkas niya ng bawat salita. Nakakapanindig balahibo. Mabigat ang kaniyang  paghinga niya na para bang may pinipigilang kumawala.

Instead of answering him by words, a sob escaped my lips. His eyes burn more because of deep madness.

"Fuck... Don't cry or I'll be a murderer tonight!" his voice sounds like a threat and yet it soothes my fear and worry. Naglaho ang pangamba ko sa isang iglap. I never thought someone's presence could fade fear that instant. I caress my tummy as Karson embrace me.

Your father save us tonight, baby.

Continue Reading

You'll Also Like

3K 87 39
SPSeries #3: That Sunset Along Roxas Boulevard (Cedric's Story) 3 of 5. Haunted by her past, Kasha Marina, an architecture student from PUP Manila, c...
24.4M 712K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

92.1K 2.5K 43
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
1.1K 72 64
When a coincidence becomes our fate, we might call it the moment love. The story of Dylan and Vincent begin with an unexpected encounter on their sch...