Sol at Luna (A Solar Eclipse...

By MakuHinode

9.7K 2.4K 200

Si Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago... More

Prologue
CHAPTER 1: FULL MOON
CHAPTER 2: STORY TELLING
CHAPTER 3: LUNA MERCADO
CHAPTER 4: SOL TRINIDAD
CHAPTER 5: HARVEY TRINIDAD
CHAPTER 6: LOST
CHAPTER 7: SOLAR ECLIPSE
CHAPTER 8: GROUPMATES
CHAPTER 9: LATE NIGHT TALKS
CHAPTER 10: SURPRISED
CHAPTER 11: ESCAPED
CHAPTER 12: SHINE
CHAPTER 13: BEATEN
CHAPTER 14: CRUSHED
CHAPTER 15: MIA MERCADO
CHAPTER 16: LORRAINE TRINIDAD
CHAPTER 17: GRANDPARENTS
CHAPTER 18: HANGOVER
CHAPTER 19 : CAMP
CHAPTER 20: WORRIED
CHAPTER 21: SERENADE
CHAPTER 22: FIREFLIES
CHAPTER 23: SHOVE
CHAPTER 24: SIGH
CHAPTER 25: FINGERS CROSSED
CHAPTER 26: SHOPPING SPREE
CHAPTER 27: SUNDATE
CHAPTER 28: COFFEE BOYS
CHAPTER 29: DINNER
CHAPTER 30: STRUM
CHAPTER 31: SWEET DREAMS
CHAPTER 32: NIGHTMARE
CHAPTER 33: NECKLACE
CHAPTER 34: READY
CHAPTER 36: DUET
CHAPTER 37: STAR GAZING
CHAPTER 38: HOMECOMING
CHAPTER 39: AIRPORT
CHAPTER 40: HODOPHILE
CHAPTER 41: ROADTRIP
CHAPTER 42: IRRITATED
CHAPTER 43: WARM
CHAPTER 44: SWEAT
CHAPTER 45: BUTTERFLIES
CHAPTER 46: ADRENALINE
CHAPTER 47: PEACE OFFERING
CHAPTER 48: STREET FOODS
CHAPTER 49: CONVENIENT STORE
CHAPTER 50: HEARTBROKEN
CHAPTER 51: TRESPASSING
CHAPTER 52: BROWNIES
CHAPTER 53: BEACH
CHAPTER 54: SANITY
CHAPTER 55: VIVID
CHAPTER 56: FAMILY DINNER
CHAPTER 57: DISTANCE
CHAPTER 58: BLACKOUT
CHAPTER 59: WARM UP
CHAPTER 60: LA VIE EN ROSE
CHAPTER 61: PRAYER
CHAPTER 62: HUG
CHAPTER 63: SHORT HAIR
CHAPTER 64: HOPE
CHAPTER 65: LAST ECLIPSE
PUBLISHED!

CHAPTER 35: MELODY

97 19 0
By MakuHinode

SOL

"Papatayin na talaga kita Sol!" sigaw ni Elijah.

Tumirik ang sasakyan namin sa gitna ng kalsada dahil naubusan ng gas. "'Kuya wait lang ha? Hahatid ko lang si Luna.' Sino kayang nagsabi non?" Paggaya ni Elijah sa'kin.

Napakamot na lamang ako sa ulo dahil nakalimutan kong magpakarga ng gasoline kagabi. Kaya heto ako ngayon, nagtutulak ng sasakyan. Ginamit namin ang kotse ni Nanay Myllah dahil magpeperform kami mamaya sa school.

Habang tinutulak namin ang sasakyan, pinagtitinginan kami ng mga tao sa kalsada."Peste naman eh!!!" sigaw ulit ni Elijah.

Natawa kaming pareho ni Marcus dahil inis na inis siya. Tumingin ako sa wrist watch ko, 6:30 am maaga pa. Siguro naman makakarating kami agad sa school.

Tumutulo ang pawis ko sa suot kong kulay asul na polo at kulay puting pantalon. Iyan ang sinabi ni Luna na isuot ko para terno raw kaming dalawa. Kahit nakasama ko na siyang magperform, hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko dahil sa pagkakataong ito ay kaming dalawa lang ang tutugtog at kakanta.

Sana magustuhan niya ang munting surpresa ko sa kaniya. Kahit na ubod ng sungit at arte ang babaeng 'yon, gustong-gusto at mahal na mahal ko pa rin.

Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang aking panyo. Natatanaw ko na ang gate ng school namin. Mas binilisan namin ni Marcus ang pagtutulak habang si Elijah ang nagmamaneho.

Nang makarating kami sa school, tumulong ang mga kaklase naming lalaki sa pagtulak ng sasakyan papunta sa parking lot.Nakita ko ang ilang mga kaklase naming babaeng nagkukumpulan sa covered court.

Hinihingal na lumapit sa 'min sina Jazz, Bryan at Luke. "Kaya mo bang magbuhat?" biro ni Elijah kay Bryan. Binuksan niya ang trunk ng kotse. "Oo naman," tugon niya at pinakita ang muscles niya.

"Mga pare, magsisimula na tayo," sabi ni Jazz. Kinuha na ni Luke ang electric drum set na nakuha naming premyo sa isang contest.

Habang sina Elijah at Marcus naman ang nagdala sa mga gitara at ako naman ang nagbuhat sa mga mabibigat na amplifiers. Muli kong tiningnan ang mga kasama ko.

Kahit sobrang baho na ng amoy nila dahil sa pawis at araw, kita ko pa rin sa mga mata nila ang tuwa at ang pagkasabik nilang tumugtog.

LUNA

Kanina pa ako palakad-lakad sa court. Hindi ko pa rin nakikita ang nakakainis na pagmumukha ni Sol.

Nakalimutan niya bang ngayon kami magpeperform?! Kung gusto niyang bumagsak, 'wag niya akong idamay.

Gusto kong makapagtapos with flying colors at hindi pasang-awa lang. Nakita ko sa hindi kalayuan sila Jazz, Bryan at Luke.

Binubuhat nila ang mga gamit ng bandang Helios. Habang si Bryan ay nahihirapan buhatin ang isang box.

Nakita ko rin sila Marcus at Elijah pero wala pa rin si Sol. Lumapit sa 'kin si Amethyst at inihagis ang isang bote ng tubig.

"Nakita ko si Sol kanina, pumunta lang ng CR." Lumuwag ang pakiramdam ko nang masilayan ko na ang itsura ni Sol. "Ayan na pala prince charming mo eh," bulong ni Amethyst.

Tumakbo siya papalapit sa akin. "Hintayin mo lang kami ha? Meron lang kaming aayusin," sabi ni Sol. Tumango na lang ako at umalis na siya.

---

Makalipas ang kalahating oras na preparasyon, dumating na ang iilang mga Head Admin sa paaralan namin at umupo na sa harapan.

Nakita ko si Principal Victoria at ngitian ako. Ngumiti din ako pabalik sa kaniya at lumapit sa kaniya para mag mano.

"Ang ganda mo naman iha," pagpuri nito sa akin. "Salamat po," saad ko naman. "Pagbutihin mo ang pag-aaral mo ha? Para makapagtapos ka ng valedictorian. Kapag nangyari 'yon, tutulungan kitang maghanap ng scholarship para sa Senior High School mo," payo niya sa akin.

"Talaga po?" Nagulat ako sa sinabi ng aming principal. "Oo naman, Luna!" Niyakap ko siya at niyakap din naman niya ako pabalik.

Tinawag ako ni Althea at nagpaalam na ako sa principal namin. Magsisimula na kaming magtanghal, tumayo na ako at nakitang nandito na rin sa covered court ang mga estudyante mula sa iba't ibang section.

Nakita ko ang mga kaklase kong naghahanda na. Nakita ko ang coffee boys na nag-uusap at pinapalakas ang loob ng isa't isa.

"Let's do this!" Sigaw ni Elijah at pumunta na sa stage. Nakita kong sumunod na sina Marcus at Sol at bago tuluyang umalis si Sol, lumingon siya sa 'kin at ngumiti.

"I'll see you later," sabi ng kaniyang labi. Lumipat ako ng puwesto sa tabi nina Amethyst at Althea.

"Althea, ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya. Halata sa kaniyang itsura na kinakabahan ito.

Hinaplos-haplos siya ni Amethyst sa likuran. Makalipas ang ilang minuto dumating na rin sina Jazz, Luke at Bryan. "Saan kayo galing?" tanong ko sa kanila.

"Tinulungan lang namin sila," sagot ni Jazz at umupo na sila sa likuran namin. Umakyat na sa stage si Ma'am Marie, ang emcee namin ngayon.

"Let's all welcome, the band named Helios!"

Naghiyawan lahat ng mga estudyante rito.

"Sol! Ang gwapo mo!!!"

"Marcus! Ang hot mo!!!"

"Elijah! Mag diet kana!" Sigaw naman ni Amethyst. Tawang-tawa siya sa kaniyang ginawa.

Lumapit na si Sol sa mic. "Are you ready?!" Muling naghiyawan ang mga tao. "1... 2... 3... Let's go!" Nagsimula nang tumugtog ang tatlo.

~Pikit-mata
Kong iaalay ang buwan at araw
Pati pa sapatos kong suot

Nagtatanong
Simple lang naman sana ang buhay
Kung ika'y lumayo

Sabihin sa akin lahat ng lihim mo
Iingatan ko
Ibaling sa akin ang problema mo
Kakayanin ko

Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit
Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa pait
Sasamahan ka sa dilim~

Akap by IMAGO}

Sumusulyap sa akin si Sol habang siya ay kumakanta. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Tanging boses niya lamang ang aking naririnig. Nang matapos nila ang unang kanta, muling lumapit sa mic si Sol.

"Etong awit na ito ay para sa babaeng minamahal ko. Para sa 'yo ito, Luna."

Biglang naghiyawan ang mga tao sa paligid. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi at sigurado akong namumula na ito ngayon.

"Wow naman!!!" sigaw sa'kin ni Althea. Bumanat naman si Luke, "Kaya ko rin yan!" Muli na silang tumugtog ulit.

Hanggang sa dulo ng mundo
Hanggang maubos ang ubo
Hanggang gumulong ang luha
Hanggang mahulog ang tala

Masdan mo ang aking mata
'Di mo ba nakikita
Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
Gusto mo bang sumama?

Hindi mo na kailangan ang magtago't mahiya
Hindi mo na kailangan humanap ng iba
Kalimutan lang muna
Ang lahat ng problema
Huminga ka ng malalim at tayo'y lalarga na
Handa na bang gumala

Alapaap by Eraserheads}

Nang matapos na sila, muling umakyat si Ms. Marie sa entablado. "Let's give them a round of applause!"

Tumayo ang madla at pumalakpak at maski ako ay napatayo rin at napahiyaw.

---

Nang matapos ang maiksing break, sina Marcus, Elijah at si Amethyst naman ang pumanhik sa entablado. Laking gulat naming lahat dahil silang tatlo ay naka pink skirt, naka puting T-shirt sina Marcus at Elijah at may suot-suot ding wig.

"Go mga baks!!!" sigaw ni Luke. Iginala ko ang mga mata ko at hindi ko mahagilap si Sol. Kumuha sila ng tig-iisang mic.

Kumakanta din ba ang magkapatid? Nagsimula na ang music at sumayaw silang tatlo.

Ang dagat sa'king harap, puro asul sa paningin
Lahat ay aking sasabihin
Isang salita lang ang sasambitin
Pero ba't parang 'di kakayanin

Ako ma'y naduduwag
Ang ating kinalalagyan
Ay nagbibigay-kasiyahan

Gingham check, tapos na'ng tag-araw
Ang cardigan ba ay isusuot na?
'Di naman natin kakayanin
Ito pa ring landas ang tatahakin

{©Gingham Check by MNL48}

Napahawak ako sa tiyan ko sa labis na halakhak. Sobrang nakakatawa ang performance nila! Napaluha tuloy ako sa katatawa.

Ang cute nilang sumayaw! Kaya pala nakasimangot ang dalawa nung nag-eensayo sila. Meron pala silang ganitong pakulo. Sino ba naman ang makakatanggi sa kalokohan ni Amethyst? Titig palang niya parang lalamunin ka na. Kahit maskulado ang magkapatid, todo hataw sila sa pagsayaw at pagkanta. Halatang nag-eenjoy sila.

Nang matapos silang magtanghal, sina Althea, Luke, Bryan at Jazz naman ang sumunod. Hiniram nila ang musical instruments ng Helios. Si Jazz ang sa drums, si Luke sa electric guitar para sa rhythm at si Bryan naman ang lead guitarist at may mic din sa harapan niya. Si Althea naman ang kanilang lead vocalist.

"Go guys!!! I love you all!!" Humiyaw ako ng malakas at pumalakpak. Nagsalita si Althea. "S-sana m-magustuhan n-niyo." Halata sa kaniyang boses na kabado siya.

Sumenyal siya sa kaniyang mga kasama at nagsimula na silang tumugtog.

She's got a smile that it seems to me
Reminds me of childhood memories
Where everything was as fresh as the bright blue sky
Now and then when I see her face
She takes me away to that special place
And if I stare too long, I'd probably break down and cry

Whoa, oh, oh
Sweet child o' mine
Whoa, oh, oh, oh
Sweet love of mine

She's got eyes of the bluest skies
As if they thought of rain
I'd hate to look into those eyes and see an ounce of pain
Her hair reminds me of a warm safe place
Where as a child I'd hide
And pray for the thunder and the rain to quietly pass me by

Whoa, oh, oh
Sweet child o' mine
Whoa whoa, oh, oh, oh
Sweet love of mine

{©Sweet Child O' Mine by Guns N' Roses}

Laking gulat naming lahat sa boses ni Bryan at Althea. Sila 'yong tipong tahimik lang at mahiyain. Namangha ako kay Bryan dahil ngayon ko lang siya narinig kumanta at heavy metal pa talaga ang pinili nila.

Lagi ko lang kasi siyang nakikitang nakaupo sa sulok at may hawak-hawak na libro. Habang si Althea naman ay narinig ko ng kumanta kaso wala siyang kumpiyansa sa sarili. Nang matapos na silang magperform, muling naghiyawan ang mga tao.

Lumapit ako sa kanila at niyakap ko sila. "Althea! Bryan! Grabe ang galing ninyo!" Ngumiti sila sa akin. "Salamat Luna," tugon ni Althea.

"Haha! Maliit na bagay," sabi naman ni Bryan. Nilapitan ko rin sina Luke at Jazz na ubod ng pawis. "Sinong nagturo sa inyong tumugtog?" tanong ko sa kanila na may pagkamangha.

"Ang galing niyo!" dugtong ko. Kinindatan ako ni Luke. "Salamat," sumagot naman si Jazz. "Tinuruan kami ng coffee boys."

Lumapit ang coffee boys at inakbayan ang dalawa. "Ang galing niyo bro!" puri ni Elijah sa kanila. "Kabahan na tayo kuya dahil may mas magaling na sa 'tin," natatawang tugon ni Marcus.

Bumalik na kami sa upuan nang umakyat muli sa stage si Ms. Marie. Walang hiyang Sol, kanina pa siya nawawala. "Let's welcome the SIS!" Pumalakpak ang madla at nakita ko sina Stella, Isabella at Sofia.

Aba meron na siyang resbak ngayon ah. Naka heavy make-up ang tatlo. Ginawa nilang coloring book ang mukha nila. Pft. Pare-pareho sila ng outfit, inspired yata sila sa K-pop group na BlackPink?

Nag formation na silang tatlo at syempre si Stella ang nasa gitna. Nagsimula na silang kumanta at sumayaw.

Been a bad girl, I know I am
And I'm so hot, I need a fan
I don't want a boy, I need a man

Click-Clack, badda bing badda booom
All eyes on me when I bust down the door
Without even trying
All the guys get nosebleeds like pangpangpang
Pangpang parapara pangpangpang

Now everybody cheers for me, clink clink clink
Hands up!
Holding a bottle full of Henny
The girl you've been hearing about, that's me, Jennie

BOOMBAYAH By Blackpink ENG VER}

Naghiyawan lahat ang mga kalalakihan dito sa covered court. Grabe! Kayang-kaya ko ang ginagawa nila. Kahit hindi ko kaibigan sila Isabella at Sofia, hindi ko maitatangging magaling silang kumanta at sumayaw.

Okay, mas magaling sila sa 'kin. Tanggap ko na. Yayain ko nalang sila ng one on one sa Math kahit open notes pa sila with calculator! Nang matapos sila, napatayo ang lahat ng audience at pumalakpak, maliban na lang sa aming magkakaibigan.

Dumaan sa harapan ko si Stella at inirapan ako. Muling umakyat sa entablado si Ms Marie.

"For the last performance, let's all welcome, Sol at Luna! Give them a round of applause!"

Continue Reading

You'll Also Like

14.3K 1.2K 57
Isang pagmamahal na hindi maaaring mabuo, isang mundong pagsasamahin ngunit kaguluhan at kapuotan ang siyang mabubuo. Maraming mamatay at magsasakrip...
1.4K 124 40
2 years ago na ng mamatay ang dating kasintahan ni Justin na si Lara ngunit hanggang mapasa hanggang ngayon ay tila hinahabol pa din sya nito sa kany...
165K 2.1K 54
Life is full of wonders. Emotions to spill out, Tears to give away. Happy moments to remember, painful memories to forget. One thing I know, I have a...
1.7M 65.5K 93
Laurent International School, isang iskuwelahan kung saan hiwalay ang campus ng babae at lalaki. Si Jules Lenard Laurent, Isa sa mga sikat na istudya...