The Vampire's Kiss

De supladdict

1.4M 72.4K 20.1K

Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to... Mais

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue

Chapter 25

28.9K 1.5K 768
De supladdict

Visitors

Nakita ko sa mismong harap ko kung paano gumuho ang mundo ng mag-asawa. Panibagong kabiguan para sa inaasam na pagtagpo sa kanilang anak. Dinaluhan ni Halsey ang kaniyang lumuluha na ina. Sir Harry comforted Maam Julianna. Kumirot ang puso ko sa sakit para sa kanilang kabiguan.

"Laurelia.." Azriel whispered and squeezed my hand.

Naluluha ko siyang nilingon. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha. Tumulo ang luha ko nang marinig ang pagpalahaw ng iyak ni Maam Julianna.

"A-anak ko! Nasaan pala ang anak ko?" she cried with so much pain.

Agad na tinuyo ni Azriel ang aking luha. I tried to smile and look away again.

I thought I found my true family already. Paunti-unti pa lang akong nag-aadjust at heto na naman.

"U-umalis na tayo, please.." I whispered.

"Pero kapatid—"

Agad ko siyang pinigilan sa sasabihin at inilingan.

"That's the least of her concern now. She failed again about her lost daughter. H-hahayaan ko muna siyang magluksa. A-ayokong makigulo," saad ko at mariin na pumikit.

"I understand. Let's go.." he whispered.

Tahimik kaming umalis. Habang papalayo ay parang dinudurog ang puso ko sa masakit na pag-iyak niya. I remember her gentle touch on me. Her kind smile and the way she showered me with everything in a short span of time. Alam kong malaki na ang na-invest niya sa akin. Malaki na ang binigay niya sa akin na parte ng kaniyang puso. Naniwala na siya na ako ang anak niya. Ngunit heto...

Kapatid pala niya ako.

I don't even know how that even happened. Paano nangyari na kapatid pala niya ako ngunit natungo sa akin ang imbestigasyon sa paghahanap ng kanilang anak? I want to ask, too. I want to know the truth. Ngunit kailangan ko iyon iisantabi. Kailangan kong intindihin ang nagluluksa niyang puso ngayon para sa kabiguan tungkol sa anak.

My heart hurts, too. Litong-lito na ako sa mga nangyayari. Hindi ko man siya matawag bilang ina ay tinatanggap ko na ina ko nga siya. Minamahal ko na rin siya sa mga araw na lumipas. Itinuturing ko na silang magulang sa puso ko. But then, I need to have a change on my heart again. I need to adjust again.

Ngunit wala naman ang sakit na nararamdaman ko kumpara sa nararamdaman nila. Their daughter is still nowhere to be found. Walang kasiguraduhan. Ang akin ay tapos na. Nahanap ko siya kahit hindi ko naman hinahanap. I just need to be enlightened.

Tahimik ako hanggang makarating kami sa condo niya. He just let me and watch me. Pabagsak akong umupo sa sofa at tumabi naman siya sa akin. Pilit akong ngumiti at sumulyap sa kaniya.

"My life is fucked up.." hindi ko mapigilan na sabihin. I chuckled and I felt my tears streaming down. Agad ko iyon pinahid ngunit napapalitan lamang din. "I am so lost..so lost.." my voice croaked.

"You'll figure things up, soon. I'll help you," Azriel whispered and pulled me for a hug. Napaiyak ako nang tuluyan. Hinaplos niya ang aking likod. "It's okay to cry. It's okay.." he added and kissed me on my forehead.

Pumikit ako at hinayaan ang sarili na umiyak nang umiyak. Tila may sumabog sa aking dibdib at lahat ng masasakit na bagay ay nagkagulo sa aking isipan.

"It hurts so much. It hurts. I don't know where it came from. I want it gone! I want the pain gone. Please, make it go away. I can't understand it. I can't take all of it! Make it go away please.." I cried as I clutch on my chest. I felt his hug on me tightened. I tried to hurt myself but he held my hands and kissed it.

"Tell me what hurts, Laurelia. Sabihin mo sa akin. I'll listen. Please, tell me. Hmm..." he whispered and kissed me on my head again.

"I don't know what exactly it is. Pero hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. I feel so pressured. I feel so lost. Hindi ko na makilala ang sarili ko. Ano ang gagawin ko? I don't know! I want to get lost. I don't know myself anymore.."

Hinuli niya ang aking mukha at kinulong sa kaniyang palad. He stared at me intently. Pinahid niya ang aking mga luha pati na rin ang mga sumusunod na pumapalit. He look at me with his gentle eyes then slowly, he smiled.

"You are my Laurelia Therese. The most amazing lady I know. An honor student. Matalino, maganda, mahinhin, elegante, napakabait. You are usually silent but always gives her gentle smile. Laurelia, you are the gentlest person I know. You're the most caring and understanding. Please never forget it. You are a strong and determined lady. You are my gorgeous hard-headed vampire, Laurelia. For now, you can be anyone you want with me. You can be my cry baby..anything. As long as it can make you feel better. Tell me everything you want.." he gently said. Hinalikan niya ako sa noo. Napapikit ako ako. Hinalikan niya ang nakapikit kong mata, ang aking mga pisngi, ang tungki ng aking ilong at ang aking labi. "And you're not lost, anymore. You can't get lost. Because I already found you. You're safe here with me."

Mahirap para sa akin ang umiyak noon. I never cried since the tragic night happened. I thought it means bravery. Akala ko malakas ako dahil hindi ako umiiyak. But then now, I realized that I'm so weak. Mali ang hindi umiyak. It's wrong to bottle up your feelings. Because it will just get heavy and heavy in your chest. Heavy..and heavy..until you'll not be able to carry it. At wala ka ng ibang gugustuhin kung hindi mawala para mawala na rin ang lahat ng sakit. Because it is already too heavy that you can't take it anymore.

I remember when I lost Maella. The pain is too much. Nasanay akong sinasarili iyon. Masyadong mabigat sa puso. Kaya ang nasa isip ko na lamang ay tapusin ang buhay para hindi ko na maramdaman ang sakit. I thought of hurting...killing myself to divert the pain that I am feeling emotionally. To make it go away.

Ngayon ay ganoon muli ang nararamdaman ko. Sobrang bigat. Sobrang sakit na parang gusto ko makaramdam ng pisikal na sakit upang makalimutan ang nararamdaman sa kalooban. But now, I have him..

"Azriel.." mahinang saad ko. Paos pa rin ang aking boses dahil sa sobrang pag-iyak.

"Hmm?" he whispered softly.

Tumihaya ako mula sa pagkakatagilid. Nasa kandungan niya ako, nakahiga. Nasa pagitan ng hita niya at ulo ko ay ang maliit na unan. He's caressing my hair. Yumuko siya para magkasalubong ang aming tingin.

"You're my savior, right?" I asked. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

"Tinuturing mo akong tagapagligtas?" he sounds amused. Tumango ako at napangiti naman siya.

"Ilang beses mo na akong inililigtas. Noon sa Palawan, mula kay sir Sanchez.." I uttered.

Napawi ang ngiti niya at nagdilim ang ekspresyon nang mukhang maalala iyon. His jaw clenched.

"At hindi lang iyon," I softly said. Nagsalubong ang aming tingin. "Ikaw 'yon, 'di ba?"

"Ang alin?" seryoso niyang saad.

"Noong nangyari ang trahedya sa pamilya na kinalakihan ko. Ikaw ang nagligtas sa akin noon. Pati na rin noong may humabol sa akin sa loob ng village kung nasaan ang school. I'm sure it was you," pagkekwento ko. Napangiti ako at tinitigan siya. "Hindi ko pa alam noon na bampira ka. Ang sigurado ko lang ay ang nilalang noon sa dati naming tirahan at ang nagligtas din sa akin sa village ay iisa. Nang malaman ko na bampira ka, noon ko naisip na iisa lang talaga kayo."

"You're really accident prone.." he whispered. Napangiti ako dahil isa na 'yong kumpirmasyon.

"Aminin mo at sabihin sa akin nang diretso para matuwa ako dahil tama nga ako!" I excitedly said. He pinched my cheek and smirk.

"May kulit ka rin talaga, 'no?" natatawa niyang saad.

Napaupo ako at hinarap siya.

"Sige na..." pangungulit ko at hinila ang laylayan ng kaniyang shirt. He chuckled.

"Oo na! Ako nga 'yon!" natatawa niyang saad.

I sighed and smiled.

"Salamat nang marami. Ilang ulit mo na akong niligtas.." saad ko kapagkuwan ay tinitigan siya. "Pero ngayon, kaya ko na ang sarili ko. Hindi mo na kailangan mag-alala. I can protect myself now from any harm," puno ng determinasyon na saad ko.

Umiling-iling siya at marahan akong tinulak ulit pahiga. Hinaplos niya ang aking buhok.

"You're still my gentle baby. I will still always protect you," he uttered.

Napangiti ako saka tumango. Napawi ang ngiti ko nang may maisip.

"Kung wala ka noon, malamang ay patay na ako, noon pa lang. You resurrected me.." I whispered. Sinulyapan ko siya at naabutan na titig na titig sa akin. "Why did you do that?" tanong ko.

Napailing siya at bumuntong-hininga.

"I don't have any idea. Hindi kita kilala noon. No'ng nakita kita, naawa ako dahil ang bata mo pa para maranasan iyon. But then, it's normal in this world. Marami na akong nasaksihan na gano'n. I was ready to turn my back, but something pushed me. I intervened. Ni hindi ko nga alam na kaya kong gawin iyon. My guts just told me to kiss you. And I felt something from my inside, going in you.." seryoso niyang sagot. Kapagkuwan ay naging malambot ang kaniyang tingin. "And I glad I followed my instinct.." he softly said and a gentle smile spread on his lips.

Naimagine ko ang pangyayari na iyon. Ako, halos agaw-buhay na. Duguan na nakahiga sa sahig. Naroon siya, nakatayo at pinagmamasdan ako.

"And it turned me into a vampire.." marahan kong saad. Tumango siya at hinawakan ang aking kamay.

"Yeah. That shocked me. Hindi ko alam na kaya kitang buhayin at nagawa pa kitang bampira nang hindi dumaraan sa tamang paraan," aniya at napailing-iling.

"Masyado kang makapangyarihan," mangha kong saad. He just shrugged and traced my fingers.

Hindi kami natulog magdamag. He just listen on my thoughts. Naikwento ko ang halos ng mga naiisip ko, naranasan at iba pa. He's on all ears. Habang nagkikwento ako ay niyayakap niya ako, hinahalikan sa noo at hahaplusin ang mukha. Inalo niya ako sa pag-iyak.

At masarap pala sa pakiramdam. All along I kept everything on myself. And I poured it out, all of it. At malaki ang nabawas na bigat sa aking kalooban. It feels so good.

Umalis siya nang maaga para pumasok sa trabaho niya. Ako naman ay hindi pumasok dahil mas gusto kong magpahinga. He also suggested it, since I'm not that okay emotionally and mentally. Gusto nga niya na umabsent din ngunit 'di ako pumayag.

Sabay kaming nagbreakfast. He cooked for our food. Nang dumating ang tanghali ay may dumating na delivery. Azriel texted me that he's the one who ordered it and it is already paid. Masaya kong tinanggap ang pagkain at inilapag sa mesa. Napapikit ako nang maamoy ang chickenjoy.

My phone rang and I answered it when I saw Azriel calling.

"Kumakain ka na?" bungad niyang tanong.

"Kakain pa lang po. Kadarating lang kaya," saad ko.

He chuckled. Napapikit ako nang marinig iyon. Miss ko na agad siya.

"Alright. Kakain na rin ako. After my class, uuwi na ako diyan agad.." he whispered. Nakagat ko ang labi at lumawak ang ngiti. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito.

"Okay..I'll wait for you then.." mahina kong saad.

Mahina siyang tumawa. Pinakinggan ko ang kaniyang paghinga.

"Ang sarap ng ganito. Gusto na kitang maging asawa.." saad niya.

Nanlaki ang mata ko at humalakhak naman siya. Pinatayan ko siya ng tawag. Natulala ako at uminit ang pisngi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang dami talaga niyang kalokohan!

Halos nakangiti ako habang kumain. Kanina ay medyo nalulungkot akong isipin na mag-isa akong kakain ngunit ngayon ay may kakaibang saya sa akin dahil sa sinabi niya. Ang mga banat talaga niya ay masyadong nakabibigla sa puso!

Natigilan ako nang may marinig na kalabog mula sa kwarto ni Azriel. Naging alerto ako at agad tumayo. Bukas ang pinto ng kaniyang kwarto kaya agad akong nakapasok. Sinipat ko ng tingin ang kwarto at wala naman akong nakita. Aalis na sana ako nang may kumalabog sa bathroom sa loob ng kwartong 'to.

Pinigil ko ang paghinga at dahan-dahan na binuksan ang pinto. Wala akong nakita sa loob. But then, I saw some movement. Sa bandang gilid kung nasaan ang bathtub ay may kurtina bilang harang. Gumagalaw iyon.

I slowly walk towards it. Pigil ang hininga ko na hinawi ang kurtina at nanlaki ang mata sa nakita. Tiningala ako ng tatlong bata na parehong naka-underwear lang. Their eyes widen.

"Anong—"

"Oh my gosh!" tili ng isa matapos tumingin sa paligid, sunod ay sa akin at agad tinakpan ang bibig ng dalawang maliit na kasama.

"Sino kayo?" tanong ko at pinagmasdan sila.

Wala silang suot na kahit ano kung hindi ang kanilang cute na mga panty. Ang isang bata ay itim na itim ang mahabang buhok at gano'n din ang bilugan na mata. Sobrang inosente ng kaniyang mata nito at napakaganda ng mukha. Ang mas nakatatanda sa dalawa ay bahagyang naninilaw ang may halong kulay lupa buhok. Kulay abo ang mga mata na mukhang mapanuri. Mamula-mula ang balat nito. Samantalang ang isa naman ay kulay puti ang mahabang buhok at kulay lila ang mga mata. Maganda rin ito at pulang-pula ang pisngi. They look so cute and innocent. Medyo maldita lamang tignan ang mas malaki dahil sa mata nito. Pareho silang mapuputi at malulusog. Lahat ay malalaki ang pisngi kaya ang cute talaga tignan. On my estimation, the two look like 4 years old. Ang malaki naman ay nasa edad pito o walo.

"Can you leave us muna po, for privacy?" saad ng nakatatanda.

Napakurap-kurap ako at walang nagawa kung hindi tumalikod at lumabas. Tulala akong naupo sa kama at litong-lito. I tried to eavesdrop but I can't hear anything.

Sino ang mga bata iyon? Paano sila napunta rito sa condo unit ni sir Azriel? Wala siyang nabanggit na may tinatago siyang bata rito! Pero nandito ako magdamag ngunit wala akong napansin na mga bata. Parang lumitaw lamang sila.

Narinig ko na bumukas ang pinto at magkahawak kamay silang lumabas. Basa sila at ayon nga, nakapanty lang ang tatlo. Nag-aalala akong tumayo at kumuha ng tatlong towel saka sila binalot doon. Nakabukas pa naman ang aircon.

"Saan kayo nanggaling? Dito ba kayo nakatira?" I asked.

"We're—" naputol ang sasabihin ng maliit na itim ang buhok nang takpan ang bibig nito ng nakatatanda.

"From malayong, malayong, malayong place po," she smiled at me.

"Anong pangalan niyo?" tanong ko muli.

"I am Louisianna Solemn, 8 years old," pakilala ng nakatatanda. Inilahad niya ang kamay sa bandang kanan niya kung nasaan ang batang may itim na buhok at mata. "She's Solana Celestine, 4 years old po." Sunod ay inilahad naman niya sa kaliwang banda ang kamay kung nasaan ang bata na may puting buhok at lila na mata. "And she's Luna, kaka-four years old lang po."

Napatango-tango ako at tinitigan sila. They feel different..

"I'm Laurelia Therese, 18 years old," pakilala ko.

Nagbulungan silang tatlo. More on, si Solemn ang bumubulong at nakikinig lamang ang dalawa. And it's weird that I can't hear what she is saying. Napansin ko na may suot na kwintas na mayroong locket bilang pendant si Solana. Nagtanguan sila at sumulyap muli sa akin at nagbulungan.

Tinitigan nila ako na para akong misteryo. Bigla ay naglakad palapit sa akin si Luna.

"I'm hungry..." Luna softly said then tugged the hem of my shirt.

Dinala ko sila sa dining table at kinarga para makaupo sa upuan. Hahayaan ko sana sila kumain ngunit mukhang hindi marunong ang dalawang nakababata kaya salitan kong pinakain. Solemn help me on feeding them.

Solemn has a sister vibe. Tila sanay na sanay ito sa ginagawa. Mukha man siyang maldita ngunit alagang-alaga niya ang dalawa. Maarte siya magsalita. Si Solana naman ay inosente at medyo madaldal. Malambing ang kaniyang pananalita. Si Luna ay medyo tahimik at mahinhin. Sa kanilang tatlo ay siya ang pinakamarahan magsalita. Her voice is so gentle that is is soothing for ears.

"Favorite ko jollibee.." bulong ni Luna. I smiled at her and gently caressed her cheeks.

"Ako rin po. Momma's fave, too," Solana uttered and munched on her drumstick. Tumango rin si Solemn.

Mabuti na lang pala, isang bucket ang binili sa akin ni Azriel dahil may tatlo akong kahati na matatakaw na bata. Kay liliit pero ang tatakaw.

Nakaupo sila sa kama at pinapanood akong naghahalukay ng damit na pwede nilang isuot. Kung shirts ni Azriel ang ipasusuot ko sa kanila ay mas malaki pa sa kanila iyon. Ang mga damit ko naman ay kaunti lang. Wala pa akong maipasusuot na panty sa kanila!

"Nasaan ba ang parents niyo?" tanong ko habang naghahalukay. Long silence stretched.

"Far..far..far awayyyyy!" masiglang saad ni Solemn.

"Yes, far away po," segunda ni Solana.

"Far away," Luna whispered.

Mukhang kailangan ko silang bilhan na lamang. Ngunit 'di ko naman sila pwedeng iwan dito. I guess, I need to wait until Azriel come home.

Wala akong choice kung hindi pasuotin sila ng damit ko. Tapos iyong mga pandobleng shorts ko na lang ang pinagamit ko pambaba pansamantala.

Ilang oras pa lang ang nakalilipas ay nagreklamo na silang gutom. Mabuti na lang at maraming laman na stock ang ref ni Azriel. Gumawa na lamang ako ng egg sandwich at pinainom ng juice. Dinala ko sila sa sala at nanood kami ng cartoons. Ang dalawang nakababata ay parehong nakakapit sa magkabila kong braso habang tutok na tutok sa pinapanood. Si Solemn ay katabi ni Solana.

"Tita, do you know someone po named Patsha Azlela?" Solana asked. Kumunot ang noo ko at sumulyap sa kaniya. Her innocent round eyes stared at me.

"Ano po 'yon?" marahan kong tanong.

"Pater—sha Az—leye—la," saad niya. Hirap na hirap siya iyon bigkasin. But it sounds familiar. Namilog ang aking mata nang may mapagtanto.

"It's Patrisha Azriella po. Pasensiyahan mo na lang po si Solana, she's kinda bulol kasi," saad ni Solemn.

"Yes. I know someone."

Nagliwanag ang mukha nilang dalawa.

"Where is she? May son po ba siya?" Solana curiously asked. I nodded and smile.

"Yes. A cute baby boy named Matheus Gabril," saad ko.

Nanlaki ang mata nila at humagikhik. Nagtinginan sila at tila nag-uusap sa tinginan lamang. Pinilit din silipin ni Solemn si Luna at tila may gusto iparating.

"Why? Do you know them? How are you related to her?" I asked and reach for my phone. Medyo nahirapan ako dahil nakakapit ang dalawa. Nang maabot ko ay agad ko 'yon binuksan at hinanap ang picture namin ni Gabril.

"I just know them but they don't know us po. It is bawal eh," Solemn said.

Pinakita ko ang picture namin ni Gabril at nanlaki ang kanilang mata. Humagikhik sila at matatamis ang ngiti.

"Can I see rin po?" Luna softly asked. I smiled at her and showed the picture. She smile and rested her chubby cheeks on my arm. Napangiti na rin ako.

Hinaplos ko ang mahaba niyang buhok. Kakaiba ito masyado dahil kulay puti. It made her look enchanting. Ang ganda-ganda niya. Her violet eyes are also hypnotizing. Napakaganda.

May narinig akong tumunog. May nagi-input ng passcode sa pinto. Inabangan ko ang pagpasok at pagbukas noon. Napangiti ako nang makita siya.

His sleeves are rolled up, showing his forearm. Bukas din ang unang dalawang butones ng kaniyang polo. Sa kaniyang kaliwang kamay ay may dala siyang mga drinks mula sa coffee shop ni sir Eliot. Sa kabila naman ay ang bag na may laman ng laptop niya.

Magulo ang medyo makapal niyang buhok. Hinubad niya ang sapatos at nag-angat ng tingin. Our eyes met. Ang seryoso niyang mga mata ay nagkaroon ng sigla. Ngunit napalitan iyon ng pagtatakha nang makita ang mga kasama ko.

"Uh..nasa iba ba tayong condo unit, Laurelia?" lito niyang tanong.

Ang mga bata ay nagsilingunan sa pwesto niya at tumakbo patungo sa kaniya. Luna climb on him, kaya wala siyang nagawa kung hindi bitawan ang mga dala upang kargahin ito. Ang dalawa naman ay kumapit sa magkabila niyang hita. Natawa ako habang pinagmamasdan siya na litong-lito.

"What the.." he whispered and look on the kids.

Una ay ang dalawa sa kaniyang paanan. Bahagya siyang yumuko at hinawakan ang mukha ni Solana. Naningkit ang mata niya.

"You exactly look like my twin when she was still a baby like you, except the color of her hair and eyes."

"Me rin!" Solemn tugged his polo. Sinulyapan niya ito at naningkit ang mata.

"You too. Not exactly ngunit malaki ang pagkakahawig.." he whispered.

Natungo ang atensyon niya kay Luna nang inihiga nito ang mukha sa kaniyang dibdib. Ang nagtatakha niyang ekspresyon ay naging malambot. He caressed Luna's chubby cheeks. Hinaplos din niya ang buhok nito bago sumulyap sa akin.

"We have mysterious but cute visitors, Laurelia.." he said while staring at Luna.

Pinulot niya ang holder na may drinks saka walang kahirap-hirap na naglakad habang nakakapit ang dalawa sa kaniyang binti. Tumigil siya sa aking harap at iniabot ang mga inumin.

"They are not humans.." he mouthed while staring at me.

Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman iyon? Nararamdaman ba ang gano'ng bagay? The kids feel weird but I didn't think of that. Kahit naman na kakaiba ang hitsura ni Luna ay hindi ko naisip na kakaiba siya.

"Let me kiss my baby.." he whispered while staring at me.

Nabigla kami nang umalis sa pagkakasandal sa kaniyang dibdib si Luna at idinikit ang noo nito sa labi ni Azriel. Sunod ay idinikit nito ang magkabila niyang matataba na pisngi. Kapagkuwan ay ito naman ang paulit-ulit na humalik sa pisngi ni Azriel.

"There po!" she gently said.

"Kiss me, too, po!" Solana said. Umakyat na rin ito kay Azriel at nagpahalik. Kinarga na siya nang tuluyan.

Umalis si Solemn at pinagkrus ang kaniyang braso habang nakasimangot.

"Of course, hindi ako maki-carry. As usual!" maarte niyang saad. Napatawa ako at kinarga na lamang siya. Unti-unti siyang napangiti at yumakap sa akin.

Tinignan namin ang tatlo na nanonood ng cartoons. Tumungo ako sa kusina at sumunod si Azriel. He reached for my waist. Umiwas ako kaya tumaas ang kilay niya.

"Kailangan natin sila bilihan ng damit," saad ko.

Tumango siya at hinuli muli ang aking bewang para yakapin. I put my palm against his chest. Nakangiti siya habang kagat ang labi.

"Maaga yatang natutupad ang pangarap ko. Uuwi ako galing sa trabaho at maaabutan ko ang asawa ko na inaalagaan ang anak namin.." bulong niya at hinagkan ako sa pisngi. I felt my cheeks heated. Pinilit ko lumayo ngunit hindi niya ako hinayaan.

"Bata pa ako.."

"Pero makagagawa na ng bata," he huskily said.

Nanlaki ang mata ko at sinamaan siya ng tingin. Humalakhak siya.

"Kung anu-ano ang iniisip mo! Kaya hindi talaga tayo pwede magsama eh," saad ko.

"Hindi 'yon kung anu-ano. Pangarap ko 'yon, Laurelia," marahan niyang saad. "At sinabi ko naman sayo na pakakasalan muna kita bago tayo mag gano'n.." bulong niya.

Lalong uminit ang aking pisngi. I decided to go back on the living room. I can't stand for too long with this side of him. Hindi ko inakala na ang hinahangaan kong propesor ay ganito kapilyo! Ngayon ay mas nakikilala ko siya at ewan ko kung dapat ba akong matuwa sa pagiging maharot niya.

Nagkatinginan kami ni Luna habang pabalik ako sa living room. She smiled gently at me. Napangiti na rin ako lalo na nang sinalubong niya ako at humawak sa aking kamay.

"Are you living together po?" she softly asked. Hindi ako makapaniwala na sa edad niyang ganito ay masyadong mahinhin siya kumilos. She seems matured too.

"Nope. Nagkaroon lang ako ng problema kaya nandito ako pansamantala," saad ko. Matamis siyang ngumiti kapagkuwan ay seryosong tumitig sa akin. Her violet eyes are hypnotizing.

"Can you please stay here while we're here pa? Wait for us to go home before you leave, please?" she softly asked.

And I am sure, no one can say no with her hypnotizing eyes and soothing voice.

"Alright.." I chuckled.

Kinalong ko siya at sumama sa kanilang panonood. Solana always ask question about the cartoons and Luna will answer her. Masyado silang close at may pagkakahawig kaya pwede rin silang mapagkamalan na kambal. Kaya hindi ko mapigilan na tanungin ang tungkol do'n.

"Nope po. Luna is our cousin. Kami ang sisters ni Solana," Solemn said. Napatango-tango ako.

"But my Momma told me that Luna and ako are like twins of destiny. I don't know how and why," Solana said.

Napatango-tango na lamang ako. Bumalik sa sala si Azriel na tila katatapos lang ng tawag. Tumabi siya sa akin at agad nagsilapitan sa kaniya ang dalawang bata.

"Uncle, we are thirsty!" Solemn said and pouted. "Can we have those.." tanong niya at itinuro ang drinks na dala ni Azriel kanina.

"Oh, glad that you remind me about it," he said and reach for it.

Dalawa ang frappe doon at dalawa ang kape.

"Sakto rin na naisip ko na apat ang bilhin. Tig-dalawa dapat tayo kaso may bisita pala.." natatawa niyang saad habang tinutusok ang straw sa may frappe. Inabot niya ang isa kay Solemn. Pinaghatian ito ng magkapatid. Ang isa naman ay kay Luna.

"Let's share po," Luna said and brought the frappe near my mouth. Napangiti ako at sumipsip doon. Sunod ay siya naman ang gumawa.

"Sayo na 'yan," saad ko nang inalok niya ako muli. She smiled at me softly before nodding.

Tig-isa rin kasi kami ni Azriel ng iced latte.

We're enjoying the drink when someone press the doorbell. Tumayo si Azriel kaya nagtatakha ko siyang sinundan ng tingin. Pagbukas niya ay may pumasok na babae, may dalang paper bags.

"Ano 'tong mga pinabili mo sa akin A?!" tumatawa na saad nito habang papasok. Nanlaki ang mata niya nang makita ang mga bata at napawi ang ngiti nang mapatingin sa akin. "Oh...meron pala ditong mga..bata," she uttered while staring at me.

I tried to smile at her but she snobbed me. Hinarap niya si Azriel at humaplos sa braso nito. Kumunot ang noo ko. Before she can even say anything ay tumayo si Luna at tinulak siya palayo kay Azriel. Marahan lang naman iyon at tila hinawakan lang siya.

"You can't just touch him," mariin nitong saad ngunit marahan pa rin ang pananalita.

"Oh, what a cute freak we have her—"

"Luna is not a freak!" Solana uttered then walk towards Luna. Niyakap niya ito.

"Oh, what an annoying lady we have here," maarteng saad ni Solemn at nameywang sa harap ng babae. Maarte niya itong tinignan mula ulo hanggang paa. "Momma is right! Some of humans are pangit but have a good heart and some are pangit na nga ang mukha, pangit pa ang ugali. And guess where you fit?" she sarcastically said.

Tumawa ang babae at napailing-iling.

"A, ano ba 'tong mga alaga mo? Nakakatawa!" she uttered.

"Ikaw rin, your existence is a joke!" Solemn answered.

"What? Ang tabas ng dila nit—"

"Mae, ang hilig mo kasi mang-asar. Tumigil ka na, huwag ka na pumatol sa mga bata," Azriel said then chuckled and shook his head. Hinawakan niya ang mga bata. "Calm down kids, okay? Mae is here because she bought clothes for you," Azriel said.

"Siya kasi! She called Luna a freak. Luna isn't a freak!" mariin na saad ni Solemn.

"Ate Solemn, it's okay. I'm used to it—"

"No. Luna, hindi pwede na masasanay ka lang sa bad words ng iba. Momma said, you should fight for yourself, 'di ba?" Solana asked.

"Kids, relax. What I mean about freak is she's unusual. Look at her hair, isn't it abnorma—"

"Miss, please be sensitive. They are kids. You're older than them. Dapat ikaw 'yung mas makaiintindi ng posible nilang maramdaman," mahinahon kong saad.

"Oh, another kid?" tila may pang-aasar niyang saad. "Naging orphanage yata ang condo unit mo, A!" humagalpak ito ng tawa.

"Mae," mariin na saad ni Azriel.

"Miss Abnormal.." Solemn called her out. Nanlaki ang mata ng babae.

"What did you call me?" iritado niyang saad.

"See? You're irritated. Before ka gumawa ng things to your kapwa, i-think mo muna kung magugustuhan mo ba if sayo mangyari. Momma told me that. Wala ka bang Mama?" Solemn said.

"We will teach you good manners and right conduct po if you want. Right, Luna?" Solana asked. Luna nodded and went behind her back.

"I'm out of this, A!" iritado nitong saad at ibinagsak ang paperbags saka nagwalk-out.

"Galit yata siya sa atin," Solana said innocently.

"Forget that, kids. Let's see what we have here..." Azriel said and picked the paperbags. Hinabol siya ng mga bata patungo sa sofa at hinalukay ang mga laman. Naroon ang mga bagong bili na damit at underwear ng mga bata.

"Hindi tayo nakapag-thank you. Ang pangit ng nangyari.." saad ko at napailing. Azriel eyed me then smirked.

"Don't worry about it. Bayad ang pagbili niya nito. Pera ko rin ang ginamit. We owe her nothing," he chuckled like she's nothing important.

Nag-order na lang si Azriel ng para sa dinner namin dahil walang oras para magluto. The kids are playing with us. Ang ingay ng unit niya dahil sa kadaldalan ni Solana at Solemn. Tahimik lang si Luna at ngumingiti lang at nakikitawa.

"Can we sleep here po? We don't have a place to stay eh," Solemn pouted.

"If you will not let us stay, magiging beggar kami at sa daan matutulog. Then we will be attacked by dogs!" saad ni Solana at natulala. Ilang beses nanlaki ang mata niya, tila naiimagine pa rin ang mga mangyayari.

"Dogs are cute," Luna whispered.

"Yes! Like Mowphy. I miss Mowphy, ate Solemn," Solana uttered.

"Saan ba kayo galing?" tanong ni Azriel. I sighed and ran my fingers through Luna's hair.

"Nasa bathtub mo sila kanina. Doon ko nakita. It's weird, lumitaw sila roon," I whispered.

Kumunot ang noo niya at napaisip. Solana stood and showed us her necklace with a locket as its pendant.

"This brought us here! We are just bathing on our bathtub tapos bigla na lang poof!" she cutely said.

"And I like it here. Can I stay here forever?" Luna whispered while playing with her fingers.

"No you can't. We need to go back on our original time, Luna," Solemn said.

"But this place is happier.." she sadly whispered. The side of her lips tugged downward and look up to me. Kumislap ang mata niya dahil sa namumuong luha. "Please let me stay here, Mama!"

******

Sa mga nakabasa na ng Beauty and the Demon, siyempre kilala niyo na si Solana at Solemn. Hehehe! Enjoy!

Supladdict<3

Continue lendo

Você também vai gostar

1M 28.2K 42
Completed| Published under PSICOM Publishing Inc. for Php195.00. SPG | Mature Content HANNAH VILLEGA wants to be pure and virgin until she gets...
10.9M 320K 62
Highest Rank in Vampire Category: Rank #1 (Bloodstone Legacy #1) "Touch her, I'll choke you to death. Smile at her, I'll suck your blood until the la...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
1.4K 163 43
Infinity Series #1 -Maria Aishe Salcedo The simple pen bleeds a lot when it's surrounded by inspiration to did well and words can't stop from bleedin...