The Keeper

By ScarsAreBlind

42.2K 614 86

[Formerly Torn Between Two Icons] A princess who chose not to be named in order to preserve her life, got her... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 - We Meet Again
CHAPTER 2 - Girlfriend???
CHAPTER 4 - Babe ...
CHAPTER 5 - Takbo!
CHAPTER 7 - Devil?
CHAPTER 6 - It's Her Fault
CHAPTER 8 - Andrew Chua
CHAPTER 9 - Target Captured
CHAPTER 10 - Instant Housewife
CHAPTER 11- First Date?
CHAPTER 12 - Getting Along
CHAPTER 13- Who is he?
Chapter 14 - Will you, Corina dear?
CHAPTER 15 - Accident Prone Ka Ba?
CHAPTER 16 - Meet the new Prof
CHAPTER 17 - Hungry? Grab a Snicker!
CHAPTER 18 - Rumors

CHAPTER 3 - Hello and Farewell

1.5K 39 5
By ScarsAreBlind



"This roses died three days since, black roses died and said goodnight" Marahang pag awit ni Migs sa liriko ng kantang tutugtugin nila sa mini concert.

Tatlong araw bago ang mini concert nila Migs ay hindi parin siya mapalagay, medyo naaapektohan na ang praktis nila. Iniisip niya kung ano ang dapat niyang gawin ng biglang pumasok sa isip nya si Marianne.

Si Marianne ang childhood crush nya. Naiisip palang niya ito ay napapangiti na siya. Naalala nya iyong unang araw na nakita nya ito.

Galing sa school si Migs nang mapansin niyang maraming tao sa kanilang bahay, nakita niya ang mga kabanda ng daddy niya. Sikat na drummer ng isa sa mga kinikilalang haligi ng Rock and Roll scene sa Pearl Country ang daddy niya kaya madalas ay wala ito sa kanila at mommy niya lang ang madalas nilang kasama.

"Oh anak, andyan ka na pala, mag bihis ka na at ipapakilala daw kayo ng daddy mo sa pamilya ng mga kabanda nya." Nakangiting saad sa kanya ng kanyang mommy.

"Mom, ano meron? Bakit ang daming tao? Ang ingay ingay nila!" naiiritang sagot ng batang si Migs. Ayaw kasi nang batang si Migs sa mga gathering ng matatanda dahil lagi kasi nila itong pinapakanta at pinapagawa ng kung ano-ano para lang sa sarili nilang kaligayan.

Ngumiti lang ang mommy niya sabay sabi "Sige na mag bihis kana, tawagin mo narin ang kuya mo." Wala nang nagawa si Migs at pumanik na lang sa taas at nag bihis. Pag baba niya ay kasunod na niya ang kuya niya at dumiretso na sila sa may sala kung saan naroroon ang mga bisita.

"Ito na pala ang mag anak ko, halika kayo dito." Nakangiting aya ng daddy nila.

"Guys this is my youngest son Miggy, nako manang mana sa akin yan, habulin!!" sabay tawa naman sila.

Paglapit ni Migs sa mga kabanda ng daddy niya ay halos isa isa nilang ginulo ang buhok nito na siya namang kinainis ni Migs.

"And this is my oldest son, ang pinag mamalaki kong anak, matalino yan, pag tapos niya ng high school sa A Country na siya mag aaral ng Law. Gusto daw kasi niyang maging lawyer kaya hinayaan ko nalang sa gusto niya isa pa, nagulat nalang kami diyan ng ipakita niya sa amin yung letter mula sa University na gusto nyang pasukan sa A Country, biruin mo tanggap na pala siya at consent nalang naming ang kaylangan. So pinayagan na namin. Siya din yung rason kung bakit titigil na ko sa pag babanda. Sasamahan ko siya sa A Country habang nag aaral sya don." Mahabang paliwanag ni daddy.

"Para kay kuya pala yung pag titipon ngayon. Nakaka asar! Siya, di na niya kaylangang mag papansin kay daddy para lang makasama to. Aalis pa mismo si daddy sa banda niya para samahan sya!" Reklamo sa isip ni Migs.

Sa sobrang inis niya ay minabuti na lamang niyang lumabas ng bahay at tinungo ang garden. Doon ay Nakita niya ang isang hindi pamilyar na babae.

"Okay ka lang? ikaw si Migs diba?" nakangiting tanong ng babae kay Migs. Napansin ni Migs na may bahid ng awa ang mga mga nito kaya naman lalo siyang napatitig ditto dahil sa pagtataka.

"Panyo oh." Iniabot ng babae ang panyo kay Migs.

"para san to?" Nagtatakang tanong ni Migs sa babae.

"Para dyan!" sabay turo sa mga mata ni Migs.

Hindi namalayan ni Migs na tumutulo na pala ang luha niya. Nakaramdam naman ng hiya si Migs kaya't agad itong tumalikod sa babae.

"Wag ka nang umiyak. Kahit iwan ka nila, pwede kitang samahan, pwede mo kong maging kaibigan." Pag aalo ng babae matapos niyang iharap muli sa kanya si Migs at punasan ng bahagya ang luha nito.

Pakiramdam ni Migs ay nag slowmo ang lahat. Tanging mukha lang ng babae ang rumerehistro sa utak niya. Natauhan lang siya nang mapansing kumakaway sa harap niya iyong babae.

"Huh?" gulat na usal ni Migs.

"Hindi ka naman pala nakikinig eh. Sabi ko, ako si Marianne, anak ako ng kalbong mamang yun oh." Sabay turo niya sa lead guitarist ng banda ng daddy ni Migs.

"ah ni tito Marcus?"Pag kumpirma niya.

"Oo. So, ano friends na tayo?" sabay abot ng kamay ni Marianne para makipag shake hands.

"Okay!" Inabot naman iyon ni Migs at ngumiti ng bahagya.

Pag katapos noon ay madalas na silang mag kita, kasama ang batang si Rico ay naging matalik na magkakaibigan ang tatlo hanggang sa mag high school sila . First year college na ng makilala ko nila Migs at Rico sila Nikkoz at Paolo, pagkatapos noon ay gumawa na sila ng banda. Two years after nilang mag debut ay sumikat agad sila, kaya ngayon pinag sasabay nila ang pag aaral at ang pag babanda.

Naputol lang ang pag babalik tanaw ni Migs nang mapansing may tila kung anong malaking bagay sa harap niya.

"Aaahh" sigaw ni Migs sabay tulak kay Paulo na kanina'y nakatunghay at nakangiti ng makahulugan kay Migs.

"Hahaha. Ano ba kasi iniisip mo? Si Marianne na naman no??" Pang aasar ni paulo kay Migs.

"Wala kang pakialam" Sagot ni Migs at bahagya pang umirap sa kaibigan.

"Ba't ba ang lapit ng mukha mo sakin, wag mo sabihing nababading ka na sakin??" Nakakalokong tanong ni Migs sa kaibigan.

"Ano ka chicks?" badtrip na sagot ni Paulo.

"Oh tama na yan, practis na ulit nang matapos na to! Gutom na ko!" walang kabuhay buhay na awat ni Rico, tila wala nang lakas dahil sa gutom.

+++

BELINDA

Pag labas ko ng conference room after interviewing a bunch of idiot applicants, as usual masakit sila sa ulo. Then I heard one of our employee call for a certain Ms. Miranda, and if I heard it right, Mr. Wong, of all the people, wants to see her.

Why would Joseph want to see this bitch? And then I remember, Joseph insist to personally interview this girl. Only this girl! I got curious, kasi naman I did almost everything just to have his attention pero ni minsan hindi nya ako pinansin, kakausapin nya lang ako pag tungkol sa trabaho ang pag uusapan. Kaya naman I got pissed. Who the hell is this girl at nag effort pa si Joseph na makausap sya.

Lumapit ako ng kaunti para marinig ang pag uusapan ng dalawang applicants na to.

"Sinong Sir Wong?" tanong nung isa, hindi ko makita yung mukha nila kasi nakatalikod sila sa akin. Pero sigurado akong hindi siya yung Ms. Miranda.

"Wala namang lalaking nag interview kanina ah."

"Ganun ba?" sagot nung isa pa, hula ko sya yung Miranda. Unti-unti na akong nag iinit gusto ko ng sabunutan tong babaeng to.

"O ba't napangiti ka dyan?" sabi nung isa.

"Wala naman. Masama ba ngumiti? Ikaw talaga." Sagot uli ng Miranda na'yon.

"Gwapo ba yung Mr. Wong na yun?" pag katanong nung isang babae nakita ko na si Joseph na padating, ang ganda pa ng ngiti, kakawayan at tatawagin ko na sana siya nang bigla siyang lumapit dun sa Miranda na'yon.

Hindi ko na masyadong inintindi pa ang usapan nila dahil nakatuon ang atensyon ko kay Joseph na papalapit sa kinaroroonan ng babaeng iyon. Kapansin pansin na halos hindi nawala ang tingin ni Joseph mula sa babaeng iyon.

"Ah, nga pala may masasakyan pa ba kayo pauwi? Hatid ko na kayo." Alok ni Joseph sa kanila. Ako, ni minsan hindi manlang inalok ni Joseph na isabay sa sasakyan nya. Just who exactly is this Miranda girl?

Hindi ko na masyadong naintindihan ang pinag uusapan nila, masyado akong naririndi sa kakaisip kung sino ba tong babaeng to. Well, since applicant siya, mas may kapangyarihan parin ako sa kanya! I'll make sure na hindi siya matatanggap dito!

Nabigla nalang ako ng marinig ko na tumawa si Joseph. Si joseph? Tumawa? I guess this will be the first time na narinig ko syang tumawa since his father died.

"hahaha okay, Anne hahatid ko na kayo wag ka nang tumanggi.." sabay napatingin sakin si Joseph, pero saglit lang at binawi nya agad ang tingin nya. "besides dapat hinahatid ng boyfriend ang girlfriend nya." Sabay bulong ulit ni Joseph sa babaeng yun. Tapos di ko na napigilan.

"Girlfriend?" halos pasigaw na tanong ko sabay lapit sa kanila. Di ko na talaga kayang manatili sa likod. Asar na asar na talaga ako sa babaeng yun. Bigla siyang dadating dito, aakitin si Joseph, tapos biglang girlfriend na siya ni Joseph?!

"Oh my gosh! Friend bakit di mo sinabi na kayo parin pala ni Joseph up to now?" masaya pang sabat ng kaibigan nya, parang hindi ako narinig na nag tanong.

"Ahm yeah, he's still my boyfriend. And I think we need to get going, it's getting late." Nakangisi pa yung malanding babae na'yon habang nakatingin sakin. That bitch!

"I don't believe you, bitch." May diin ang pagkabigkas ko sa huling salita.

"As If I care." Baliwlang sagot niya at tila wala talaga siyang pakialam.

Lalapitan ko na siya ng hilain ni Joseph ang kamay ng babaeng 'yon at hinatak ito papalapit sa kanya, sabay inakbayan siya habang naglalakad sila palayo. Sumunod naman agad yung isa na parang alipores.

"Joseph wait!" sigaw naman ko hahabulin ko pa sana sila.

"Get a life Belinda! And leave my girlfriend alone." Pasigaw din na sagot ni Joseph habang naglalakad sila palayo.

What? Get a life? How would I do that? If that bitch already took you away? You're my life, Joseph. You're my life! That bitch!

+++

Kinabukasan, hinintay talaga muna ni Belinda na lumabas ng office niya si Joseph bago siya lumabas din ng office niya. Gusto sana niyang sumabay ng lunch dito. Bago pa man siya makalapit ay nakita nyang kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.

"Hello, Franz, si Joseph to." Tila nag aalangan pang pakilala ni Joseph sa kausap.

"Franz? Diba yun yung kasama nung bwisit na babaeng yun?" Iritang bulong ni Belinda sa sarili.

"Gusto ko lang sana itanong kung nag lunch na kayo ni Anne, my treat!" Bakas pa din sa tono ng pag sasalita ni Joseph ang pag aalangan.

"Ah ganun ba? Sayang naman, sige, okay lang. Okay, see you both tomorrow, don't forget, 7pm yung interview nyo. Okay, thanks. Bye." Yun lang at binaba na ni Joseph ang phone nito.

"Kung sino-sino pa niyaya nandito naman ako!" Bulong pa din ni Belinda sa sarili.

Maya-maya lumapit na si Belida kay Joseph, ngunit bago pa man makapagsalita si Belinda ay sininghalan na agad sya ng lalaki.

"What do you need?!"

"Relax, okay? I already know you had a girlfriend, but can we return from what we were before?" ani Belinda na may bahid parin ng inis sa tono nya.

"What do you mean?" sabi ni Joseph habang binibigyan ng what-the-hell-do-you-mean look si Belinda.

"Like friends? I mean, we used to be friends before, besides hindi naman ata maganda na nakikita ng mga empleyado na hindi maayos ang pakikitungo natin sa isa't isa." Makahulugang pahayag ni Belinda.

Tinignan lang sya ni Joseph na tila nag aalangan kung sasang-ayon sa sinabi ng kausap.

"So, friends?" sabi ni Belinda sabay abot ng kamay na tila makikipag shake hands.

"Okay, friends. Just make sure you don't bother Anne anymore." Sagot ni Joseph at inabot na din ang kamay ni Belinda.

"How about lunch? Medyo gutom na ko eh." Pag aaya naman ni Belinda.

Hindi na nag salita si Joseph at tuloy tuloy nalang na naglakad.

"That was easy. First step to win your heart again Joseph." Isip ni Belinda sabay ngiti.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...