The Keeper

By ScarsAreBlind

42.3K 615 86

[Formerly Torn Between Two Icons] A princess who chose not to be named in order to preserve her life, got her... More

PROLOGUE
CHAPTER 2 - Girlfriend???
CHAPTER 3 - Hello and Farewell
CHAPTER 4 - Babe ...
CHAPTER 5 - Takbo!
CHAPTER 7 - Devil?
CHAPTER 6 - It's Her Fault
CHAPTER 8 - Andrew Chua
CHAPTER 9 - Target Captured
CHAPTER 10 - Instant Housewife
CHAPTER 11- First Date?
CHAPTER 12 - Getting Along
CHAPTER 13- Who is he?
Chapter 14 - Will you, Corina dear?
CHAPTER 15 - Accident Prone Ka Ba?
CHAPTER 16 - Meet the new Prof
CHAPTER 17 - Hungry? Grab a Snicker!
CHAPTER 18 - Rumors

CHAPTER 1 - We Meet Again

2.4K 62 0
By ScarsAreBlind

"Hello? O, bakit napatawag ka?" Sagot ni Ana matapos kunin ang mobile phone niya mula sa bag habang naglalakad patungo sa cafeteria ng kanilang unibersidad.

" Anne free kaba mamaya? Punta tayong Q City." Sagot ng nasa kabilang linya. Si Franz kaibigan ni Anne at kapwa mag aaral ng isa sa pinaka matandang unibersidad sa Pearl Country.

"Anong oras ba? May klase pa kasi ako hanggang 4pm." Muling sagot ni Ana sa kausap.

"Okay. Daanan nalang kita sa campus mamaya after ng klase mo." Yun lang at pinutol na din ni Franz ang linya.

Si Ana Corina Miranda o mas kilala bilang Anne sa kanyang mga kaibigan, ay isang 4th year college student sa isang unibersidad sa Main City, nag iisang anak ng ama-amahang nasa abroad at inang may iba ng pamilya. Mag isa siyang nakatira sa bahay na binili ng papa nya. Paminsan minsan sinasamahan sya ng kanyang mga kaibigan pero madalas mag isa sya. Nag papart time sya minsan sa mga bar at grill restaurant bilang bartender, trabahong malayo sa kursong kinuha nya. Sinusuportahan ng papa nya ang kanyang pag aaral ngunit madalas ay kinukulang iyon kaya kung ano anung raket ang ginagawa nya para matugunan ang iba pa nyang mga gastusin sa bahay.

Matapos ang klase nya ng hapong iyon ay sinundo na nga sya ng kaibigan nya.

"Franz, ano ba gagawin natin sa Q City?" tanong ni Anne sa kaibigan.

"Basta! Raket to. Sama ka nalang." Nakangiting pahayag ng kaibigan.

"Talaga? Sige go ako dyan!" Masiglang sagot muli ni Anne.

Dahil wala silang sasakyan na dala ay sumakay sila ng jeep. Medyo mahaba ang biyahe kaya madilim na nang makarating sila sa Q City. Pag baba nila ng jeep ay lumakad pa sila papasok sa eskinita. Doon ay nakita nila ang ilang kalalakihang nakaitim na tila may meeting dahil kumpol kumpol sila kung mag usap. Tumigil sa pag lakad si Franz sa tapat ng isang mataas na gusali at sumulyap kay Anne. Hudyat na naroroon na sila.

"Nandito na tayo! Tandaan mo Anne, smile!" sabay ngiti habang marahang sumulyap kay Anne si Franz.

"Okay!" sabay ngumiti din pagkaraang sumagot sa kaibigan. "Anong klaseng trabaho ba tong papasukan natin?"

"Call Center!" sabay ngiti sa kaibigan. Alam kasi ni Franz na pag sinabi nya agad sa kaibigan kung ano ang papasukan nila ay hindi ito sasama.

"Huh?! Franz alam mo namang maiksi pasensya ko at di ako magaling mag manage ng stress. Ayoko, ikaw nalang." Sabay talikod sa kaibigan.

"Eh kaya nga di ko sinabi sayo kaagad kasi alam kong di ka sasama." Nakangiti pa rin sa kaibigan. "Kaya naman ikaw ang sinama ko kasi alam ko namang kailangan mo ng extra income ngayon at saka kaylangan ko lang talaga ng kasama, nahihiya kasi ako. Sige na naman Anne. Please .." at tuloy na nga ang pag papaawa nya na alam nyang bentang benta sa kaibigan nya. Alam nya kasi na kahit gaano ka ayaw ni Anne basta para sa kaibigan ay hindi nya matiis na gawin nalang din.

"Sigh, sige na nga mukhang wala naman akong choice eh, at saka ano pa nga bang magagawa nandito na tayo sayang ang pamasahe." pag ka-usal ay ngimiti na rin sa kaibigan at tinungo na ang pasukan ng gusali.

Matapos ang mahigit isang oras, pareho silang nakapasa sa initial interview.

Maalam naman kahit papaano si Anne. Hindi bumababa sa 2 ang grado nya simula ng bumalik sya sa pag aaral. Napatigil kasi sya sa pag aaral ng isang taon dahil sa problema nya pang pinansyal. Sinubukan nyang mag full time sa gabi at mag aral sa umaga ngunit sobrang nasakripisyo ang kanyang pag aaral kaya tumigil nalang muna sya. Makalipas ang isang taon ay sinuportahan ulit sya ng kanyang ama kaya nag patuloy sya sa pag aaral at pinangako sa sariling pag bubutihin na ang pag aaral at kahit anong mangyari ay hindi na isasakripisyo ang pag aaral. Kaya naman kahit may mga part time jobs sya ay sinisiguro nyang napangangalagaan pa rin nya ang kanyang pag aaral.

"Ms. Miranda?" tawag pansin ng isang lalaking naka pink na long sleeves at pulang neck tie. Sa ID nito ay nakasulat ang pangalang 'Janram Dela Cruz'.

"Here sir." Nakangiting usal ni Anne. Isa sa mga natutunan ni Anne sa madalas na pag aapply ay 'always smile', ika nga ng mga batikan na.

Pagkakita sa kanya ng lalaking tumawag ay napangiti rin ito sa kanya. "Good evening Ms. Miranda. Nice to have you here. Let me take you to the conference room for another set of interview." Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa kanya.

"Anne mukhang type ka ah." Pabulong na panunuya ni Franz kay Anne.

"Oo nga eh, makangiti kala mo wala ng bukas." Pabulong din na sagot ni Anne sa kaibigan habang patayo sa couch na kinauupuan nila sabay ngiti rin sa lalaking tumawag sa kanya.

Hinatid sya nito sa nasabing conference room, pag ka pasok nya sa loob ay napako ang kanyang paningin sa isang pamilyar na mukha.

"It's a pleasure to have you here Ms. Miranda." Isang napakalambing na tinig ang sumalubong sa kanya na nagmula sa lalaking may pamilyar na mukha.

Natutop ni Anne ang kanyang labi ng maalala kung sino ang lalaking iyon, tila bumalik si Anne sa eksena kung saan nya unang nakilala ang lalaking iyon.

Two years ago, malapit ng magtapos ang klase noon, napakadaming manliligaw ni Anne ng mga panahong yoon. Halos hindi nya na matandaan kung sino - sino sila.

"Anne, pwede ba kitang ihatid?" pangungulit ng isang manliligaw.

"Hindi eh may dadaanan pa ako." Na iirita nang sagot ni Anne.

"Sige na Anne, sasamahan kita."pangungulit pa rin ng lalaki.

Sobrang naiirita na si Anne, sakto naman nakita nya ang isang lalaki na pasakay sa motor at tila paalis na. Tinungo ni Anne ang naturang lalaki at walang ano ano ay sumampa sa motor ng di kilalang lalaki.

"kuya pasensya ka na, pwede bang sumabay kahit hanggang palabas lang ng gate." Pabulong na usal ni Anne sa nagulat na lalaki.

Nilingon si Anne ng lalaki at nagulat sya ng malamang si Joseph ito, ang sikat na dean's lister hindi lang sa Department nila kundi pati na rin sa buong Campus nila.

"Oh ginagawa mo dyan?" gulat ngunit may halong panunutya na tanong ni Joseph ng makita nya kung sino ang biglang sumakay sa motor nya.

Napataas kilay si Anne ng malaman kung sino ang lalaki, ayaw nya sa taong ito dahil sobrang kilala ito sa Campus, ayaw nya sa mga taong sikat, sapagkat ayaw nya sa magulong buhay. Bababa na sana sya ng biglang hinawakan ni Joseph ang kamay nya at iniyakap ito sa baywang ng nito.

"Kaylangan mong kumapit baka malaglag ka." Pabulong na usal ni Joseph habang sinadyang ilapit ang mukha sa tainga ng babaeng angkas nya.

Hindi na nakakibo si Anne, dahil biglang humarurot na ang motor palabas ng Campus. Pagkalampas ng ilang block mula sa Campus ay itinigil ni Joseph ang motor at nilingon si Anne na speechless pa rin.

"You're safe now, utang mo sakin to ah."

Bumaba si Anne ngunit wala parin syang kibo, tila na hypnotize sya at natauhan lang ng makalayo na ang motor.

Kinabukasan kumalat sa department nila ang balitang nililigawan sya ng sikat na si Joseph. Itatanggi nya sana ito sa mga kaibigang ngunit biglang may umakbay sa kanya.

" Actually, she's my girlfriend." Nakangiting sagot nito.

"Girlfriend???" halos sabay-sabay na sagot ng mga babaeng nakasunod kay Joseph at si Anne.

" Yeah, girlfriend!, right Anne?" sabay bulong sa kanya " I save you yesterday, you must save me now, we're on the same boat." Sabay kindat sa kanya.

Kinabuksan hinanap ni Anne si Joseph ngunit di nya ito matagpuan kahit saan. Nais nyang makausap si Joseph upang linawin ang lahat pero walang Joseph na nagpakita sa kanya.

Tatlong araw matapos ang insidenteng yon, graduation nila Joseph, nagbakasakali sya na Makita nya roon ang binata ngunit bigo parin sya. Kumalat ang balita na a day before their graduation lumipad ang buong pamilya ni Joseph papuntang H Country upang puntahan ang kanilang ama.

Bumalik lang sa reyalidad ang pag iisip ni Anne ng kalabitin sya ng lalaking naghatid sa kanya sa conference room.

"Ms. Miranda, please take a seat."

"Thank you" Ani Anne na nakatingin pa rin sa nakangiting si Joseph.

"So, you are Ms. Ana Miranda, right?" panimula ni Joseph na hindi rin maalis ang ngiti sa mga labi at tila ngumingiti rin pati kanyang mga mata.

Medyo naiilang na si Anne kaya minabuti nyang ilayo na ang tingin sa lalaki. " Yes sir." Marahang sagot nya.

" What made you decide to apply in our company?"

Gusto sanang sabihin ni Anne na pinilit lang sya ng kaibigan pero alam nyang hindi nya pwedeng sabihin yun. " It's simply because I want to work in one of the leading BPO company in our country." Sabay pilit na ngumiti.

Matapos ang initial interview, binigyan na ng schedule para sa final interview ang mga naka pasa kasama sina Anne at Franz. Papunta na sana sila sa Cafeteria ng nasabing Building ng lapitan sila ni Janram, ang lalaking nag aasist sa mga applicant.

" Ms. Miranda, if you don't mind, Sir Wong wants to see you. He's at the conference room." Yun lang at umalis na rin ang lalaki.

Pagka alis ng lalaki ay nag ka tinginan ang mag kaibigan.

"Sinong Sir Wong?" putol ni Franz.

Nagtaka naman si Anne sa tanong ni Franz, napaisip sya kung bakit hindi kilala ni Franz si Joseph Wong gayong magkakasama sila ng mangyari ang insidenteng iyon. Siya na nga lang ba ang tanging nakakaalala 'nun? "Siya ata yung nag interview kanina." Pagkasagot ay pilit na ngumiti si Anne sa kaibigan.

"Wala namang lalaking nag interview kanina ah." Nakakunot noong sagot ni Franz.

"Ganun ba?" napangiti si Anne. Naisip nya na kaya naman pala hindi kilala ng kaibigan ang nasabing Mr. Wong ay dahil hindi ito ang nag interview sa kanya. Ngunit napaisip din sya na sobrang coincidence namang si Joseph pa mismo ang mag interview sa kanya.

"O ba't napangiti ka dyan?" tila mapang usisang tanong ni Franz.

"Wala naman. Masama ba ngumiti? Ikaw talaga."

"Gwapo ba yung Mr. Wong na yun?"

"Ha? Ano, eh .." di pa natatapos sumagot si Anne ay biglang may bumulong sa kanang tainga niya.

"It's been a long time"

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...