Hold Me Close (Azucarera Seri...

By jonaxx

26.3M 1.2M 1.3M

Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Bin... More

Hold Me Close (Azucarera Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 29

523K 26.2K 18.2K
By jonaxx

Kabanata 29

Wait


Hindi ako makatulog. I dread for the weekend to come. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko.

Alvaro:

I'm home. Good night!

Hindi ko na ni-reply-an. Mas lalo lang akong maguguluhan.

Gusto kong isipin na pinoprotektahan ko lang ang puso ko. Na maraming taon na ang nagdaan at hindi ko alam kung nakilala ko na ba siya noon, o kilala ko na ba siya ngayon? Hindi pa rin. Iyon ang totoo.

Wala pa rin akong tiwala sa kanya. Pakiramdam ko, sasaktan niya ako. I don't want to go through that pain again. It will break me this time. I am not giving him a chance to hurt me.

He is a playboy. Iyon ang pagkakakilala ko sa kanya at kung iyon ang pagbabasehan ko ngayon, dapat nga na sabihin ko na sa kanya ang totoo. Na huwag na siyang umasa.

Hindi ko na rin kayang patagalin pa kung gusto niyang kilalanin ko pa siya. Pakiramdam ko, kaunting kaunti na lang... mahuhulog na ako ng tuluyan sa kanila. Aria's voice inside my head echoed. Dinagdagan ko na lang iyon ng kasiguraduhang pag-ayaw ng mga magulang niya.

If my dad were alive and he wouldn't agree with my boyfriend, I'd push him away in a heartbeat. Or... I don't know...

Mabilis na nagdaan ang mga araw lalo na't hinihintay at kabado ako. Ganoon talaga yata. Saturday came and I was shocked to see Noel.

Nakalimutan ko at hindi niya rin naman pinaalala na bibisita nga pala siya!

It was lunch time when he visited but I hoped he'd go home before dinner so I could be with Alvaro. Masaya pa rin naman siyang kasama kahit paano pero dahil abala si Aria, mas kaming dalawa ang nag-uusap.

"Birthday," paliwanag niya nang tinanong ko kung anong celebration kina Margaux.

"Oh? Tapos nandito ka?"

"Aabutin pa 'yon bukas, Yohan. Inaabangan nga nila kasi may ipapakilala yatang boyfriend si Margaux. Sundalo raw, e."

Napakurapkurap ako. I suddenly wonder if Alvaro will go to Margaux's house for that. Kinlaro niya na naman ng ilang beses pero siguro nga hindi pa rin ako nagtitiwala sa kanya.

I smiled bitterly at Noel. "Talaga?"

"Oo. Gustong-gusto nga nina Tita kasi nga malaki na raw posisyon at may mga properties na raw. Iyon ang usap-usapan."

Natahimik ako. I don't know which one to believe now.

Baka naman hindi pupunta si Alvaro sa meeting dahil dadalo kina Margaux?

"Kailan daw ba kasi dadalhin ni Margaux?" I tried to sound lighter to hide my feelings.

"Mamayang gabi."

Pero magkikita kami, hindi ba? So he won't come to see me? Sa Bistro? He texted me this morning, though.

Alvaro:

Good morning! See you later.

Hapon na at naghahanda na ako ng kaunti. Hindi ko nga lang maiwan-iwan si Noel lalo na't abala si Aria kaya nahihirapan akong tumiyempo.

"Sa mga del Real kami ngayon," ani Aria.

"Huh? Pupunta ka pala? Kanina pa 'yon, ah?" I said after sipping on my coffee.

Dahil nakisali na si Aria at nandito na si Romulo, aakyat na ako para makapag-ayos at makapagbihis.

"Oo pero tinuruan pa ni Romulo si Ria sa piano kaya magpapahuli kami."

"Dadalhin n'yo si Ria?"

"Hindi na. Kami lang ni Romulo."

I nodded and stood. Napatingala si Aria sa akin.

"Magbibihis muna ako."

"Huh? Saan ka?"

"May lalakarin ako mamayang gabi."

Tumawa si Noel. "Oh? Uuwi na pala ako nito!"

Uminit ang pisngi ko. "I-I didn't mean to..."

"Hindi na, sige lang. Para rin makasali ako sa family dinner namin."

Tumawa si Aria. "Pinapalayas ka na, Noel."

I really didn't mean that, though. Pero iniisip ko naman kasing aalis na rin si Noel dahil narinig niyang aalis sina Aria at Romulo.

I took so much time getting ready. Kinabahan tuloy ako nang kinatok na ako ni Aria dahil lumulubog na ang araw at nag-aayos pa ako.

"Yohan?! Aalis na kami. Ikaw?!"

"Ah. Susunod na!"

Nagmadali agad ako. I'm wearing a pink checkered casual dress now. Inilagay ko ang bag sa balikat at lumabas na ako.

Sinipat agad ako ni Aria. Kinabahan ako na baka magtanong siya pero inignora niya na lang ako at bumaba na.

Naglalaro ng videogames si Romulo at Noel pagkababa ko. Nagpasya akong lumabas para i-check ang sasakyang gagamitin.

Naroon na sa rotunda ang sasakyan, nakahanda. Ang Mazda iyon dahil hindi ko pa rin magamit ang BMW. My heart pounded when the realization dawned on me. Nilagay ko ang purse ko at sinarado na ang sasakyan.

Pagkabalik ko sa loob, nagulat na ako kasi nagkakagulo na si Aria at ang mga kasambahay namin.

"Anong nangyari?"

Noel is moaning because of his feet or something. May iniinda siya sa paa niya at pinapaupo siya. Naghanap si Romulo ng compress.

"Anong nangyari?" ulit ko.

"Nanalo kaya ang sayang tumalon. Na strain yata ang paa."

Noel cried. It seems like it hurt so much. Kaunting galaw lang ni Romulo doon ay sumisigaw na siya. He was serious and very red. Mukhang sobrang sakit nga.

Lumapit ako at hindi alam paano hahawakan si Noel. Nakita ko na unti-unting namuo ang bukol sa kanyang paa. Namumula ito at kaunting galaw niya lang, sumisigaw na sa sakit.

"Magtawag kaya tayo ng ambulance?" si Aria.

"This is just minor," si Romulo.

"Oo nga, huwag na! Nagkaganito na rin ako noon, e. Ang sakit nga lang!" si Noel na namamawis sa sobrang sakit ng nararamdaman.

I didn't know what to do. Hindi ko rin namalayan na nakapag-aksaya na kami ng panahon. Saka ko lang napansin nang nagtanong na si Noel.

"Hindi ba may pupuntahan kayo? Iyong meeting?" aniya kay Aria.

"Oo pero ayos lang."

"Importante iyon, hindi ba? Pumunta na kayo."

Matagal na tumitig si Aria kay Noel bago siya bumaling sa akin.

"Importante ba ang lakad mo?"

I shook my head immediately but I was kind of nervous.

"Huwag ka na lang umalis. Aalis kami ni Romulo tas dadaan kami ng ospital-"

"Huwag na. Pakisabi na lang kay Margaux o kung matawagan n'yo man siya na magpapakuha ako rito. Maghihintay na lang ako na kunin nila ako rito."

"Talaga?"

Hindi na ako makapag-isip ng maayos kaya pumayag na ako sa plano ni Aria.

"Magtatawag kami kina Margaux. Samahan mo na lang muna si Noel dito habang wala pa ang sundo niya, okay?"

"Okay."

Nagmamadali nang umalis si Aria at Romulo na may tinatawagan. Ang mga kasamabahay ay patuloy sa pagbibigay ng compres. Naupo ako at sinamahan muna si Noel.

"Nasobrahan na sa tuwa, ayan tuloy..." biro niya sa sarili.

I smiled sadly. "Mag-ingat ka na talaga next time."

He then looked at me. Bumagsak ang mga mata ko sa paa niyang namumula at malaki na ang bukol.

"Uuwi pa yata akong Bacolod na ganito! Ang malas naman!"

I smiled sadly when I realized I didn't know what to tell him. Suminghap siya.

"Tingnan ko nga kung kaya kong maglakad. Lipat ako sa kabilang sofa," he said.

Tumayo siya at ininda agad ang sakit. Lumapit ako at sinubukan siyang paupuin pero aniya'y kakayanin niya.

"Dito ka na, Noel," pilit ko dahil nasasaktan na siya.

"Doon na ako sa sofa. Baka matagalan pa ang sundo ko, at least maglaro na lang muna tayo ng video game!"

Tinulungan ko siya pero hirap na hirap kaming dalawa.

"Para hindi tayo ma bored sa paghihintay."

We successfully transfered him on the sofa where he was originally seated. Matagal bago ko naisip si Alvaro. We were already trying to play a game when I stood and decided to get my purse. Para naman makapag text ako kay Alvaro.

Pagkalabas ko, wala na roon ang sasakyan!

Nagtawag pa ako ng tauhan para magtanong kung nasaan ang Mazda at sinabi ng mga ito na si Aria daw ang nagdrive kanina kasi may katawagan si Romulo kaya iyon na ang dinala nila!

"My purse is in it!" I said frustratingly.

Na guilty pa ako dahil iniwan ko saglit si Noel para makapunta sa taas at maka log in sa social media accounts. I messaged Alvaro that I might be running late.

Nagtagal ako ng kaunti at hinintay na mabasa niya man lang kaso hindi siya online. Bumagabag iyon sa isip ko pero naguilty at bumaba na para samahan si Noel.

Inisip kong baka naroon na rin naman sina Margaux pero wala! Mag-isa pa rin si Noel.

I feel guilty that I'm bothered by this. He's injured and the least I could do is accompany him pero ibang bagay pa ang inisip ko. Alin ba ang mas importante? Ito o 'yong date kay Alvaro?

Puwede namang ipagpaliban iyon, e.

Nagtagal pa lalo. Hindi na ako mapakali.

"Nagpapatalo ka yata, e!" si Noel nang nakatatlong laro na kami at puro ako talo.

"Hindi kasi talaga ako marunong."

"I'll go easy on you then. Let's see..." he smirked.

But my mind is really just elsewhere. Kumain na rin kami ng hapunan sa sala dahil nahihirapan na talagang gumalaw si Noel.

It was already eight when I decided to just let it go. Nahihirapan ako pero gabing gabi na.

Umakyat ako para mag message ulit kay Alvaro kaso wala siyang reply! Hindi rin niya nakita ang message ko.

Ako:

Puwedeng next time na lang? Sorry may emergency ako.

I waited again for his reply but it didn't come. Bumaba na ako at wala pa rin ang sundo ni Noel. Masaya pa rin naman siya sa video games kaya hindi niya yata namalayan ang oras.

"Noel, i-text kaya natin sina Aria? O ikaw na ang mag text kay Margaux?"

"Na text ko na kanina. Hindi pa nagrereply, e. Baka abala sa boyfriend niya."

Baka mamaya nakauwi na sina Aria, wala pa rin ang sundo ni Noel?! I have already given up but this is just...

I sighed. Kung iisipin ko, wala pa rin namang mangyayari. I lost all hope. Umuwi na sina Aria ng alas nuebe y media at wala pa rin ang sundo ni Noel.

"Nariyan na si Margaux sa labas kasama ang ilang pinsan para sunduin si Noel," si Aria.

I nodded with relief.

"Naiwan ko ang purse ko sa Mazda," paliwanag ko.

Ibinigay niya agad ang susi. "Oo. Nagmamadali ako kanina, e. Narinig ko nga may tumutunog."

Hindi na ako nag-alinlangan. Lumabas na ako para kunin ang cellphone. Palabas ako nang nakasalubong ko sina Margaux. Bumati ang iilang pinsan niya sa akin at nagtanong kung nasa loob ba si Noel.

"Oo. Pasok kayo."

Margaux smiled at me but she didn't stalk them. Tumigil siya sa harapan ko. Binati ko siya at iniisip na dumiretso sa sasakyan pero nagsalita siya.

"Kayo pala ni Noel, ah? Kayo ang magkasama ngayon."

"Ah. Sinamahan ko lang siya kasi... na sprain ang paa. Uuwi na sana siya kanina, e."

"Bagay kayo. Boboto ako sa'yo, kung manligaw siya."

Umiling ako. "Magkaibigan lang kami, Margaux."

She smirked and her eyes sharpened.  "Mabait 'yang pinsan ko."

"Oo. Mabait si Noel, pero magkaibigan lang kami, Margaux."

Napawi ng kaunti ang ngiti niya.

"So sinong boyfriend mo ngayon?" humalukipkip siya.

"Wala naman."

Nagtaas siya ng kilay. "Pero manliligaw, marami?"

"Uh... wala naman din..." nag-iwas ako ng tingin.

"Nasabi nga ni Alvaro na naaawa raw siya sa'yo kasi... lonely ka pa rin daw hanggang ngayon."

My eyes returned to her but it was too late. Nangingiti na niyang sinalubong si Noel na ngayon ay inaakay ng mga pinsan nila.

"Alis na kami, Yohan. Thanks for taking care of Noel."

"Bye, Yohan! Thank you! Sana umokay na ako para makabisita ulit," si Noel na pumasok na rin sa sasakyan.

Sinundan ko ng tingin ang sasakyan nina Margaux bago ako nagpatuloy sa gagawin. My mind is very confused as I reached out for my purse.

So Alvaro didn't really go to our date? He was withy Margaux? O noon bang naisip niyang hindi ako sisipot, sumama na siya kay Margaux.

I checked my phone and there were messages and some calls from Alvaro. Nakapagreply na rin siya sa chat at mukhang kababasa niya lang!

My heart immediately raced as I read his texts first.

Alvaro:

Pupunta ka pa ba?

Alvaro:

Nasa Bistro na ako, Yohan. See you. I'll wait.

Alvaro:

Running late? I'll wait.

Alvaro:

Busy?

Sa chat naman, binasa ko na ang reply niya.

Alvaro: Sorry, I didn't notice this. It's alright. Next time?

Doon ko natanto na masyado naman yata akong makasarili kung patatagalin pa 'to. Alam ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya sa gabing ito. Pinaghintay ko siya at hindi sinipot. I won't even give him a pleasant answer and yet here I am asking him to postpone it and do this date another day?

I will make him wait?

Ako: Sorry. Iyong cellphone ko kasi, naiwan ko sa sasakyan. Dinala ni Aria ang sasakyan kanina. Are you still there?

Then I remember Margaux's words. Of course, he isn't! He's at home now!

Ako: Or uh... where are you now?

Alvaro: Yes, I'm still here. Pero uuwi na rin ako mayamaya.

Alvaro: Bistro.

Ako: Pupuntahan kita. I'm really sorry.

Alvaro: Alright. Kumain ka na ba? I'll order para pagdating mo, may pagkain na.

I shut my eyes tightly knowing that I am going to break his heart. He waited. He didn't eat his dinner hoping I'd show up!

Sising sisi ako. Gusto kong umiyak.

Nanginginig akong pumasok sa sasakyan at pinaandar ito. I feel cold and detached with myself. It was as if I know I'm doing something wrong and I didn't want to be responsible for it.

Let's face it. I don't trust him. I think he likes Margaux. I think he's just trying to win me because he remembers that I like him.

His parents like Margaux. They don't like me because I'm a Valiente. Hindi ko alam kung pumunta ba siya kina Margaux pero kung hindi, hindi rin naman ibig sabihin noon na mali ako. And now, it seems like Margaux likes him, too.

I don't trust him. I don't want to prolong this. I need to say no now and be clear. I don't want to be unfair to him or to myself.

Lumabas ako sa sasakyan at natanaw ang Bistro. Nagulat ako dahil medyo puno iyon at kinabahan nang nakita na may iilang kakilala kaming naroon.

These were his friends! Mga kasama nina Aria sa mga del Real na dito na siguro nag-inuman pagkatapos ng meeting nila. Alvaro was outside, alone, in a table for two. Nasa loob ang mga kaibigan niya pero alam kong nakita na nila si Alvaro.

My mouth dropped when I realized that there was a flower on the table, too. At kalalapag lang ng waiter sa in-order na pagkain. Lalo akong kinabahan pero tinatagan ko ang loob ko. Sigurado ako sa gagawin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 34.5K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
189K 4.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
38.3K 1.8K 22
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...