Kabanata 6

567K 25.3K 21.3K
                                    

Kabanata 6

Swimming


Inaamin ko, laman ng isipan ko si Alvaro sa mga sumunod na araw dahil sa pagbisita niya. Kahit pa umalis kami papuntang Bacolod at ilang araw kami roon, hindi matanggal ang isipan ko kay Alvaro.

Minsan nga, sa dami kong napapanood na magandang palabas, nag i-imagine ako ng mga senaryo na kaming dalawa nI Alvaro. I smile and giggle everytime I think about it but in the end, I know it's wrong. I might fall for him for the imaginary man that he is on my mind.

What if he's not that kind of person, right? I am making up his identity on my head. At isa pa, masasaktan lang ako dahil alam ko namang hindi niya ako magugustuhan.

Umalis sina Tita at Tito kaya kami lang ang nasa bahay ngayon nina Aria. Kauuwi lang namin galing Boracay. Hindi na sana ako sasama sa kanila pero hindi papayag si Tita na magpaiwan ako sa Altagracia.

Uuwi na kami bukas sa Altagracia. Sure, it's nice to travel. I've been traveling abroad since I was a kid but I still want to go home in Altagracia. It's my comfort zone.

Naparami ang buhos ko ng cereals sa bowl pero pinulot ko na lang ang natapon at kinain. Natigilan ako nang napansin ang mga sinasabi ni Aria sa katawagan.

"Oh. Alright. Akala ko lang kasi na... kung walang pasok sa mga Alcazar, puwede ka na."

Napansin ni Aria ang tingin ko. Nagtaas siya ng dalawang kilay at ngumisi. Naglagay ako ng gatas sa bowl habang nakikinig.

"So pinapapunta pa rin pala kayo ng mga Alcazar sa kanila para mag celebrate, Alvaro?"

Napatingin ulit ako kay Aria. Tinapos ko na ang paglalagay ng gatas sa bowl ko. At tinitigan ang cereal.

"Uuwi na kasi kami bukas at narinig ko mag o-open 'yong isang cafe sa bayan. Magpapasama sana ako kaya... sayang." Aria giggled.

Kumunot saglit ang noo ko.

Aria is my cousin. Hindi ko dapat siya pinag-iisipan ng masama pero alam ko na ang madalas niyang gawin. Umaamin sa crush niya at nagiging sila kalaunan pero agad siyang nagpapalit din ng boyfriend.

Hindi naman ako nakekealam sa kanya noon, ngayon lang ako medyo hindi komportable. Hindi dahil si Alvaro iyon, kundi dahil may girlfriend ang lalaking sinusubukan niya. Ayos lang sana kung wala.

"Okay, Alvaro. Next time na lang kung ganoon?"

Tumawa si Aria.

"Ah, oo! Punta kayo, ah! Oo... uuwi na rin si Yohan bukas, kasama ko. Dalhin mo ang kuting para may mapaglilibangan naman siya."

Kalaunan binaba na ni Aria ang cellphone niya. Sumulyap ako sa kanya, hinihintay kong lumambot ng kaunti ang cereals sa harap ko. Ngumisi siya at nagsimula na sa pagkain.

"Si Alvaro?" I asked.

"Yeah. Niyaya kong mag date sa bagong cafe kasi alam kong wala silang pasok bukas. Kaso itong mga Alcazar talaga, ang hilig sa pagtitipon ng mga trabahante. Bigyan na lang ng pera agad, mas matutuwa pa ang mga iyon."

"Date? Bakit kayo mag di-date?"

Kinain ni Aria ang isang bahagi ng sandwich at habang nginunguya ay ngumingisi siya at umiiling.

"Yohan, sobrang bata mo pa talaga mag-isip no?"

Sumimangot ako. I like her bold attitude but she really is nasty.

"E 'di s'yempre, ilang buwan na sila ng girlfriend niya. Magpapalit na 'yon. Malapit na. We can hook up!"

Nanatili ang simangot ko.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon