Kabanata 37

675K 34.1K 39.3K
                                    

Kabanata 37

Captain


"Magandang gabi, Yohan," si Tita Ana nang dumating na kami kina Alvaro.

Binati rin ako ni Tito Carmelo at nagawa pa nitong magbiro kay Alvaro.

"O, ayusin mo na ang panliligaw!" utos nito sa anak na gustong umakyat.

Tumawa si Alvaro at bumalik na lang sa akin. "Mamaya na lang ako magbibihis."

I looked at his uniform again. I have no problem with it. At kanina pa man, medyo naiisip kong gusto ko siyang pagmasdan na ganito.

Hindi pa halos nakalulubog ang araw, nagyaya na si Tita Ana na kumain.

Luma ang bahay ng mga Santander pero may iilang bakas na ng renovation. Malawak ang kanilang sala at tanaw ang pang waluhang dining table mula roon. Gawa sa hardwood halos lahat ng gamit, at sa pagkakaalala ko noon, ganoon din ang bahay. Pero ngayo'y natatanaw kong nahaluan na iyon ng semento at mas nagiging moderno na.

Ilang taon na nga akong hindi nakapasok dito. Hindi ko na halos maalala ang lahat ng detalye noon pero namamangha ako na malinis at maayos ang mga muwebles kahit nagdaan ang taon.

Nasa kandungan ko kaagad si Kuring nang naupo ako sa sala. Nasa tabi ko si Alvaro at nasa kandungan niya si Cheshire. Napansin kong ilang linggo pa lang ito nang in-adopt ni Alvaro, medyo tumaba na ito.

"Halina kayo!" si Tita Ana.

Kanina ko pa sinasabi kay Alvaro na tutulong ako pero tumanggi siya dahil may tumutulong daw kay Tita Ana sa kusina. They have kept two boy-helper. Ani Alvaro ay kasa kasama daw ni Tita Ana at Tito Carmelo noong sila lang dalawa rito.

Naupo na kami sa hapag at nagsimula na ang kuwento ni Tita tungkol sa pagkikita namin.

"Bumisita ka rin dito sa susunod na araw, hija. Bukas ng umaga ang dating ng ate Gen mo pero baka magpapahinga pa 'yon kaya sa susunod na araw na lang ako maghahanda."

Tumango ako.

Somehow, the reason of my visit is less of a burden now that we met earlier on the cafe. Magaan na ang loob ko. Nahihiya man, medyo hindi na takot sa mga magulang ni Alvaro. Lalo dahil mabait naman talaga si Tito carmelo.

The couple were both old. Naka wheelchair si Tito pero ani Tita Ana, nakalakad naman daw ito kalaunan. Kaya lang dulot ng katandaan, bumalik din sa wheelchair.

Habang nagku-kuwentuhan, hindi ko mapigilang mapaangat ng tingin sa tatlong photo frame sa dingding. Una si Kuya Gilbert sa kanyang pag graduate sa PMA, sunod si Ate Gen naman, at huli si Alvaro.

I realized that it must be really hard for them. Sa ginawa ni Daddy sa kanila, isa ngang malaking achievement ang lahat ng nakamtan ng mga anak. They were all hardworking and persistent, and maybe combined with luck, too. Huli na nang nabawi nila ang lupa, graduate na ang magkapatid. Kaya ngayon lang talaga sila nakaluwang luwang.

"At sa pag-uwi rin ni Gilbert. Kasama nila ang mga pamilya nila kaya makikilala mo rin ang mga apo ko," she smiled.

"Sige po."

Alvaro sighed. "Kaya mas maganda rin na sa kanila muna si Kuring at Cheshire. Baka paglaruan ng mga bata, madali pa namang mapikon na si Kuring."

"Huh? Saan pupunta ang mga pusa, Alvaro?"

Kinabahan ako ng kaunti dahil nahimigan ko na parang nag-aalala si Tita Ana. Tumawa si Tito Carmelo.

"Naku, Yohan. Itinuturing na ni Ana na mga apo ang mga pusa. Itong si Alvaro din kasi, loko loko. Sinabi na iyon na daw ang mga anak niya."

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon