Kabanata 30

603K 31.4K 31.2K
                                    

Kabanata 30

Principles


"Hi," he stood when I neared.

I swallowed hard and sat across him. He smiled. Naupo rin siya tulad ko.

Nanunuyo ang lalamunan ko. Naroon na ang pagkain at kahit kumain na naman talaga ako, nagpa-order pa rin ako para sabayan siya. I know what I'm going to do tonight and I know what I've done. The least I could do is be polite.

"Kumain muna tayo," sabi ko, napapaos ang boses.

"Alright," he chuckled but didn't say anything anymore.

Pinagmasdan ko ang pinggan niya nang nagsimula na siyang kumain. Pareho kami ng order dahil iyon ang sinabi ko sa messages. Nagsimula na rin akong kumain ng paunti-unti pero inom ako nang inom ng tubig dahil sa kaba.

"Pasensiya na nga pala, sobrang late ko. At sinubukan ko pang mag cancel kasi may emergency sa bahay."

"It's okay. Hindi ko lang din nabasa agad ang messages mo. Kaya late ko na nalaman."

Pinilit kong kumain. Panay ang sulyap ko sa loob. Hindi na sumama sina Aria at Romulo, abala rin sa kasiyahan ang mga kaibigan kaya hindi na kami gaanong napansin dito sa labas.

"Para sa'yo nga pala," he said.

Hinawakan niya ang bulaklak sa tabi ng lamesa namin. I smiled and held it.

"Thank you," hindi nakatakas ang lungkot sa akin habang tinitingnan ang mga bulaklak.

I liked Alvaro ever since. He wasn't exactly kind to me until Kuring came between us. Sumagi na rin naman sa isipan ko na siguro, nasagad na ang awa niya sa akin. I was bullied as a child and when my father died, I was bullied more. Hindi ako maganda at isa pa iyon sa inaasar sa akin.

I didn't feel his pity in the way he treated me but I couldn't help but think about it. Kasi... bakit nga naman? Pangit ako at bata pa, tapos Valiente pa... bakit siya mabait sa akin? He treated me the same way he treated his friends. He joked around me and he always made me laugh.

Pero alam ko na naaawa lang siya sa akin noon. At napatunayan ko nga iyon nang narinig ko ang mga sagot niya sa araw na iyon.

I did my best to forget about him. I tried my best to overcome my insecurities and struggles and I did... for years. Pero nitong nakaraan, nang nagbalik siya parang unti-unti kong naaalala ang mga iyon. He reminded me of my many insecurities that I thought I've already buried.

I'm scared. I didn't want to be in that place again. At paano naman kung tama nga ang hinala ng iba? Paano naman kung playboy nga talaga siya, hanggang ngayon? Paano ako babangon pa kung masaktan niya ako ng lubusan?

I struggled to build these walls and a new image for myself. To try and risk it is something that I couldn't do. I won't allow myself.

I would rather hurt and reject him, and live with it, rather than risk.

My relationships in the past were hardly a risk to me. I wasn't invested that's why I didn't care if it ends. Ngayon, kay Alvaro... alam ko anong mayroon sa puso ko para sa kanya.

"Uh... there's something I want to tell you."

His attentive eyes were drawn to me. Tapos na kaming kumain at ang dessert ay nasa hapag na. Hindi ko naubos ang pagkain ko dahil wala na rin naman talagang gana.

"Sure, Yohan. What is it?"

I sighed and clearly uttered.

"Ayaw ko nang tumuloy ka sa panliligaw mo sa akin."

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon