Kabanata 33

609K 31.4K 30.6K
                                    

Kabanata 33

Want


The crowd cheered. It feels like everything paused because everyone heard it!

Sobrang init ng pisngi ko at habang naglalakad pabalikk sa upuan, para na akong lumulutang. Ang iilang sumalubong sa akin ay puro nakangiti at maraming mga tanong. Sa dami ng tanong, ni isa wala rin akonhg sinagot.

It only settled down when the host asked them to. Pero kahit ang host ay nahirapang pakalmahin ang sarili galing sa tilian at tawanan.

Kahit nakaupo na ako, para pa rin akong nakalutang. At kahit nakaupo na ang iba, may iilan pa ring bumabaling sa akin at ngumingiti.

"Sagutin mo na! Nasa tamang edad na kayo pareho."

"Huwag n'yong i-pressure! Hayaan n'yo na nga 'yan!"

Mabuti na lang at hindi na naman ako inusisa nina Angelo. Pero napansin ko ang madalas niyang tingin sa akin, siguro pinipigilan na lang ding magtanong.

Habang nagpapatuloy ang patapos nang programme, nagsisimula na ang inuman. Hindi naman ako tumanggi sa lamesa namin pero ayaw kong maglasing kaya dahan-dahan lang ang pag-inom ko.

The programme soon ended. The popular groups and fun batches went in front and danced. Madilim na ang gym at kaunting neon at strobe lights ang naghari.

We took pictures. Ang iba naman, umuwi na, siguro dahil may kani-kanila nang pamilya. Pero mas marami ang nanatili siguro dahil ginawa nila itong pagkakataon para magliwaliw.

Napalayo na ako sa batch ko dahil sa ilang nangumusta at kumuha ng pictures. Nang nasa iilang higher batch na ako, nilapitan ako ni Aria. Pinilit niya ako na pumunta sa grupo niya para makisalamuha.

I realized she didn't stay with her batch, though. Iilang naging bully ko roon ay nasa lamesa pa rin ng batch niya, tahimik at pasulyap sulyap sa amin. Aria is with the basketball group. Marami sila roon at halos kilala ko rin dahil madalas silang pumunta sa bahay noon para magswimming. At siyempre, naroon din si Alvaro.

Malayo pa lang kami, nag-iingay na sila at halatang si Alvaro ang inaasar. My heart hammered. I am very embarrassed and tensed but it was a very different kind. Para bang kahit nahihiya ako at kinakabahan, gusto ko pa rin.

Alvaro probably said something because everyone then continued with another topic. Nang lumapit kami, may mga makahulugang ngiti sa mga labi ng mga naroon pero wala ni isang humiyaw at nang-asar kay Alvaro.

Tumayo si Alvaro. Muntik nang may humiyaw pero isang kurot galing sa katabi ay tumigil din. He pulled a chair and put it near Aria. Para yata sa akin. Nagkatinginan kami.

I am very aware that all the other people on the table were watching our every move. Kaya kaunti na lang at hihiyaw na sila dahil sa pagbibigay ni Alvaro ng upuan sa akin.

"Oh, upuan, Yohan," si Aria na may ngising-aso sa mukha habang itinuturo ang bigay ni Alvaro.

The people sitting near Aria suddenly moved their chairs further. Hindi nang-aasar at naghihiyawan pero isa-isang nagtayuan dala ang silya nila. Si Juan pa mismo ang nagdala ng silya ni Alvaro sa tabi ng silya ko dahilan ng unti-unting pagkapukaw ng hiyawan.

My face heated. Alvaro laughed at his friends but he tried to stop the teasing. Natahimik din naman pero halatang napipilitan ang lahat. Others had to cough and look away to stop themselves. Ang iba't pinagkukurot ng mga asawa nila para lang matigil. Nilingon ako ni Alvaro.

"Pasensiya na..." he said when everyone was quiet.

Iyon pa ang naging dahilan ng muling pag-usbong ng hiyawan. Aria interrupted and asked someone to take a picture of the group. Kaya napilitan ulit sila na manahimik. Naupo na ako sa upuang ibinigay ni Alvaro kanina. Nilingon ko siya at itinuro ang upuan niya.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now