KNIGHTS I-2: Demon's Destruct...

Av oaxygenknight

1.7M 54.6K 4.7K

Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the... Mer

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue

Chapter 7

26.3K 901 48
Av oaxygenknight

Arrow Perez

Halos malula ako sa pagkamangha sa mga asul niyang mata.

Nakatingin lang siya ng diretsyo sa mga mata ko.

"Ayos lang po kayo?" nag-aalalang tanong ko.

Biglang nandilim ang ekspresyon niya. Nakita kong hinawakan niya ang ulo at pasimple itong minasahe.

Sinubukan niyang makatayo pero nagulat kami parehas nang bumagsak ulit siya.

Saktong-sakto ang mukha niya sa leeg ko.

Nanigas ako nang manatili siya doon.

Ramdam ko kung gaano kainit ang hininga niya. Sobrang init nga din pala ng katawan niya!

"Kuya ayos lang po kayo?" Tinapik ko ang likod niya para iparating na magiging okay din ang lahat.

Hindi siya sumagot.

Nasa ibabaw ko pa rin siya habang nakasuksok ang mukha sa leeg ko.

Bigla na lang nagwala ang mga paru-paro ko sa tiyan nang ilapit niya pa lalo ang mukha sa leeg ko.

Imagination ko lang ata pero feeling ko ay inaamoy niya ang leeg ko.

"Fuck." Dinig kong mura niya na para bang may iniinda.

Nag-aalalang nilingon ko siya, pero nakalimutan kong nakasubsob nga pala siya sa akin kaya palpak lang.

"Ayos ka lang po? Huwag k-ka nang umiyak, magiging ayos ka din." Bahagya kong tinapik-tapik ang likod niya.

Hindi naman siya umiiyak, pero feeling ko kasi may iniinda talaga siyang masakit sa katawan.

Hindi ako komportable sa puwesto namin, kaso lang baka magalit siya kapag bumangon ako.

Kawawa naman siya, masakit na nga katawan niya tapos magagalit pa siya.

Ilang sandali pa kami na nasa ganoong posisyon nang biglang may pumasok na tatlong lalaki.

Nanlaki ang mga mata nito sa posisyon namin, pero mabilis naman nila kaming dinaluyan at inalis si kuya sa ibabaw ko.

"Fuck, Froze."

"Sabi na at dito nagpunta."

"S-Salamat," nahihiya kong sabi sa lalaking tumulong sa akin sa pagtayo.

"Bakit ganito ang puwesto ninyo? May ginawa ba siya sa 'yo, miss ganda?" nag-aalalang tanong nung lalaking chinito.

Umiling-iling naman agad ako.

"Wala, wala. Bigla na lang kasi siyang natumba kaya pinuntahan ko siya agad."

"That's good to know. I'm sorry sa abala, over fatigue siguro kaya nagkaganito siya," sabi naman nung lalaki na medyo manly ang dating.

Siya yung tumulong sa akin sa pagtayo.

"B-Bakit? Ano bang ginawa niya?" nag-aalalang tanong ko.

"Oh, he finished some missions outside the University for straight 2 weeks kaya pagod na pagod," yung lalaki namang kulay blue ang buhok ang sumagot sa akin.

"Is he gonna be fine?" tanong ko.

"You seems so worried about our master, miss. And yeah, he's gonna ba fine. Dadalhin na lang namin siya sa clinic." Napatango ako sa sagot nung chinito.

"A-Ah, oo nga pala." Kinuha ko sa loob ng bag ang isang banig ng gamot. "Na-over fatigue din kasi ako recently kaya may gamot ako, ipainom ninyo ito sa kaniya. S-Salamat po."

"Thank you miss... Oh, what's your name by the way?" tanong nung lalaking tumulong sa akin patayo.

"Arrow po," magalang kong sagot.

"I'm Hero by the way, this one is Filotimo and right here is Ayce," patukoy niya doon sa chinito at sa lalaking kulay blue ang buhok.

"H-Hello po." Tumungo ako para magbigay galang sa kanilang tatlo.

"No need to be so polite, miss. Salamat din sa pagtulong dito sa kaibigan namin." Tumango-tango ako sa sinabi ni Ayce.

"U-Una na po ako," paalam ko.

Tumungo muna ako sa kanilang tatlo bago tuluyang umalis.

Nakatingin lang ako sa lupa habang naglalakad.

Kawawa naman siya. Sa sobrang pagod niya ay bigla siyang nag-collapse.

"Arrow! Saan ka galing?!" Hysterical na sigaw ni Sabrina kasama sila Saiko.

"H-Ha? Sa gym," sabi ko.

"What?! Nagpaiwan ka doon? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikadong tao si Froze para mag-stay ka pa doon?" Kinaladkad na ako nila Saiko palayo.

"Pero natumba kasi siya bigla, eh. Nakakaawa n-naman siya kung iiwan--"

"You promised us na hindi ka lalapit sa kung sino," putol sa akin ni Miyuki.

"Saglit lang naman 'yon, eh. H-Huwag kayong mag-alala, umalis agad ako," sagot ko agad.

"Hindi mo siya dapat tinulungan o nilapitan!"

Hindi makapaniwalang nilingon ko sila.

"Ano?" tanong ko.

"Arrow--"

"Kung kayo ba yung nasa puwesto ko, hindi ninyo ba gagawin yung ginawa ko? Tinulungan ko lang naman yung tao kasi bigla siyang nag-collapse. Ngayon, kung magkaiba tayo ng takbo ng mga utak, hindi ko na kasalanan iyon," paliwanag ko.

Natulala pa sila saglit sa reaksyon ko, pero si Sabrina ang unang nakabawi.

"You don't understand us, Arrow."

Nilihis ko ang tingin at nilagpasan na lang sila. "Gusto ko kayong intindihin pero hindi ko naman talaga kayo maintindihan."

"He's the rank 1, Arrow. Siya ang tinutukoy namin na may-ari ng University." Napatigil ako sa paglalakad.

Nilingon ko sila. "Mababawasan ba non ang desisyon ko na tulungan siya?"

"But you can be in danger when he's around, Arrow," galit na sabi ni Saiko.

"Well, I'm still alive. Buhay pa naman ako hindi ba?" tanong ko.

Napatigil silang tatlo.

"Ayokong ibatay sa puwesto ng tao kung tutulungan ko ba sila o hindi, kung magkakaiba ang opinyon natin huwag na ninyong subukan ibahin ang akin. Sinusunod ko kayo kapag alam kong tama kayo, pero huwag na ninyo akong diktahan kapag sariling desisyon ko na." Iniwan ko silang tatlo doon para pumunta sa susunod na klase.

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay humarang na sila sa daan ko.

"Arrow, sorry na. Huwag ka nang magalit," malambing na sabi ni Sabrina.

"We just want you to be safe, we're sorry kung nasobrahan kami," sabi naman ni Saiko.

I smiled sweetly at them. "Hindi naman ako galit, bati naman tayo forever."

Dinamba ko silang tatlo ng yakap.

Narinig ko pang bumuntong hininga si Miyuki at Saiko.

"I told you, mabilis mawala ang galit niyan," nakangising sabi ni Saiko.

"Hindi nga po ako galit," sabat ko.

Tumawa silang tatlo at hinaplos ang buhok ko. "Sige na, lilimitahin lang namin ang pagbabawal sa 'yo. But next time, iwasan mo na lang siguro si Froze. Hindi siya makakabuti sa 'yo. Kahit gusto namin siya ay alam pa rin namin kung ano ang ugali niya."

Tumango-tango ako sa mga sinasabi nila.

"Tara na, we're 10 minutes late for goodness sake!"

Natatarantang tumakbo kaming apat para makahabol pa sa klase namin.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...