Arrow Perez
"Sorry na, Saiko, Miyuki, Sab. Hindi ko talaga alam." Naiiyak na hinabol ko sila sa paglalakad.
"We told you not to talk to others, hindi mo ba 'yon naalala?" inis na tanong ni Sabrina.
Napahinto ako sa paglalakad.
Pati siya nagalit din. Masama ba talaga ang ginawa ko?
Napaiyak ako dahil sa sobrang sakit ng naramdaman.
Ayoko ng may nagagalit sa akin, pero ako mismo ang gumawa ng dahilan para magalit sila.
"I'm s-sorry." Umiiyak na suyo ko.
Napahinto sila sa paglalakad at lumingon sa akin.
Mabilis nila akong dinaluhan. Ramdam ko pa ang pagyakap sa akin nang mahigpit ni Sabrina.
"Hala, sorry Arrow. Huwag ka nang umiyak," nahimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Sabrina kaya mas napaiyak pa ako.
Pati sila Saiko ay niyakap na rin ako.
"Sorry na p-please? Bati na tayong lahat." Nagmamakaawa ko silang niyakap.
"Oo na, napaka-inosente mo talaga." Pinunasan nila Saiko at Miyuki ang mga luha sa mata ko.
Agad naman akong tumigil sa pag-iyak dahil sabi ni Saiko ay bati na raw kami.
"Hindi ko na 'yon uulitin, s-siya kasi yung biglang lumapit. B-Baka suntukin ako kapag hindi ako sumagot," dahilan ko.
"Sana umiwas ka na lang. Huwag mo na ulit gagawin 'yon, ha."
"Kawawa naman siya kapag hindi ko sinagot, b-baka mapahiya siya," sagot ko.
Kawawa naman talaga siya kapag hindi ko sinagot. Baka isipin niya ayaw makipagkaibigan sa kaniya dahil nasa top 10 siya.
"Inuna mo pa talagang mag-alala sa iba? Hindi ko alam kung mag-aalala ka pa ba sa iba kapag ikaw na ang naagrabyado."
Napanguso ako. "Tara na nga, nagugutom na talaga ako."
Hinimas ko pa ang tiyan ko at nagmamakaawang tumingin sa kanila.
Tumawa lang sila sa ginawa ko at hinigit na ako.
"Nagwawala na rin mga dragon ko," natatawang untag ni Sabrina.
"Wow, may alaga ka rin. Ako rin may mga dragon." Humagikhik ako at kumapit sa braso niya.
Pinisil niya ang pisngi ko at hinigit na ako para sumunod kila Saiko.
"BAKIT parang mahinahon naman sila?" takang tanong ko nang ibaba na ni Saiko ang tray na may laman na mga pagkain.
"Matatalino naman kasi ang mga estyudante dito, Arrow. Nagkakaroon lang ng gulo kapag may nagkabanggaan na mga estyudante dito," paliwanag ni Saiko habang binaba lahat ng pagkain sa table.
Tumango na lang ako at tumingin sa mga pagkain na nasa harapan ko.
Pinagdikit ko ang mga palad ko at pumikit.
"Dear Jesus, thank you for this food that you've given. Sana po ay walang taong nagugutom ngayon. I love you po, pati po si papa Lord." Pagdilat ko ay nakatulala na lang ang mga kaibigan ko sa akin.
"Bless this angel infront us." Umirap si Miyuki 'saka tinuloy ang pagkain.
"Pagpalain sana ang puti mong kaluluwa at masunog naman ang amin." Tumawa si Sabrina pagkatapos sabihin 'yon.
Napanguso na lang ako at nagsimulang kumain.
"Alam n'yo ba." Ngumuya-nguya si Sabrina. "Yung rank 1 daw--"
"Don't talk when your mouth is full!" saway ko sa kaniya at bahagyang pinunasan ang bibig niya gamit ang tissue.
Nilunok niya muna ang pagkain sa bibig at nahihiyang ngumiti sa akin.
"Sorry po, ma'am."
"Ano yung sasabihin mo?" tanong ni Saiko.
"Yung rank 1, bumalik na. Yung babes ko, ang gwapo nga, eh," kinikilig pang sabi ni Sabrina.
Nakita ko ring namula si Saiko at Miyuki sa tabi.
"Talaga? Kailan pa?" kinikilig na tanong ni Miyuki.
"Mas naging hot ba siya?" Pati si Saiko ay kinikilig din.
Hala, bakit bigla silang nag-iba?
Si Miyuki at Saiko laging seryoso, tapos ngayon namumula sila na parang mga dalaga.
"Sinong pinag-uusapan ninyo?" takang tanong ko.
Lumingon sa akin si Sabrina.
"Hindi pa nga pala namin nasasabi." Nilunok muna nito ang kinakain.
"Yung may-ari ng University nito, siya yung rank 1. Hindi dahil sa power na m'eron siya as the owner, pero kinakatakutan din talaga siya dito," pagpapaliwanag ni Sabrina.
Tumango ako sa sinabi niya.
"At siya ang pinakaunang tao na dapat mong layuan, Arrow. Kapag makakasalubong mo siya, umiba ka ng direksyon. Kapag nakita mo siya, tumalikod ka at umalis." Natakot ako bigla sa banta ni Miyuki.
"Opo," magalang kong sagot.
This time ay kailangan ko na ata talaga silang sundin.
They know what's best for me kaya kailangan akong sumunod.
Iyon din kasi ang bilin sa akin ni mommy at daddy. Lumayo sa mga taong kaya kang ilapit sa danger.
"Ang dami naman niyan, Arrow, kaya mo ba 'yang kainin?" Patukoy ni Saiko sa mga pagkain sa harapan ko.
Awkward na tumawa ako. "Sorry, malakas talaga ako kumain kasi lagi akong pinapakain nila daddy ng marami sa bahay."
Namamanghang tumingin sa akin ang tatlo.
"Woah, hindi nag-iiba ang figure mo? Ang sexy mo nga, eh." Kinurot pa ako ni Sabrina sa baywang kaya napaatras ako.
"Thank you," nahihiyang tugon ko.
"Inggit 'yan, si Sabrina, kasi kahit mag-diet siya, nataba pa rin. Tingnan mo, puro damo kinakain," natatawang untag ni Miyuki at ngumisi pa.
Nagulat ako nang batuhin siya ni Sabrina ng fries.
"You bitch, bahala ka diyan!" Inirapan siya ni Sabrina.
Pinulot ko yung fries na binato ni Sabrina at nilagay 'yon sa bakanteng plato.
"Kayo talaga, masama magtapon ng pagkain," saway ko sa kanila.
"Feeling ko pagkatapos nitong semester, madre na ako," sarkastikong sabi ni Miyuki na tinawanan nila Sabrina.
"Pwede na nga akong anghel, eh." Ngumuso lang ako sa sinabi ni Saiko.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko kasi inaasar na lang nila ako.
"Pero oo nga pala, Arrow. Hindi ko lang talaga ma-gets kung bakit ka dito nagdesisyon mag-transfer." Nakakunot-noong tanong ni Miyuki.
"Sabi kasi ni mommy magagaling daw yung mga professors dito, tapos mas natututukan ng atensyon yung studies," sagot ko.
"Totoo naman 'yon. Pero hindi siguro alam ng pamilya mo na tapunan ito ng mga rebelde." Tumatango-tangong sambit ni Saiko.
"Hindi ko rin alam, eh," nakangusong sahi ko.
"But you don't have to worry that much, wala namang patayan na nagaganap dito." Kinindatan pa ako ni Miyuki matapos sabihin 'yon.