The Paramount Code (The Odd O...

By ayrasheeeen

541K 28.9K 4.2K

(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their uni... More

i.
ii. The Paramount Class
iii. Admission Letter
Prologue
001. Scientia Est Potentia
002. Youngblood
003. Polar Opposites
004. A Turbulent Combination
005. The New Paramount
006. The Curse of Oddity
007. Birth of a Technopath
008. Complex Beings
009. The Paramount's Purpose
010. A Strange Sonata
011. Visions in Voices
012. A Play on Words
013. To Wreak Havoc
014. Hidden, Not Lost
015. Raging Fist
016. True Strength
017. The Guardian
018. Broken Memories
019. The Troubled Mind
020. Four Pieces of One
021. Taking Over
022. The Enraged, The Mischievous, and The Paranoid
023. All For One
024. Taking the Lid Off
025. The Orphan Who Lived
026. The Odd Family
027. Sui Generis
028. Rare
029. Unfinished Business
030. The Power of the Mind
031. Cursed Whispers
032. Silent Agony
033. Odd One Out
034. The Danger Awaits
035. Hidden in Plain Sight
036. Captured
037. Lullabies
038. The Intruder
039. Pawns in the Game
041. Growing Suspicions
042. Silent Heartbeat
043. Different Wars, One Enemy
044. Revealing A Monster
045. Partial Truths
046. The Metahuman Factory
047. Lost Boys
048. Completing the Puzzle
049. Superior
050. The Watcher
051. Reckless
052. Uprising
053. A Price for the Truth
054. Crowded Mind
055. Instinct Over Reason
056. To Fight and Survive
057. The Way to the Truth
058. Look Back, Look Forward
059. Eerie Resemblance
060. Double-Edged Sword
061. Annoyingly Intuitive
062. Now or Never
063. Sonic
064. The Guardian and The Beast
065. Game of Survival
066. Objects of Fear
067. Betrayal
068. The Resistance Begins
069. Eight
070. Release Them All
071. War of the Peculiars
072. Chaos
Aftermath
Age of Resistance (The Odd Ones, Book 2)

040. The Strength From Within

4K 334 73
By ayrasheeeen

Habang naglalakad si Leia papunta sa opisina ni Helga dala ang ilang mga papeles, hindi niya pa rin maiwaglit sa isipan niya ang nangyari noong gabing sinubukan siyang molestiyahin ng amain. Ilang araw na rin ang dumaan magmula noong nangyari iyon, pero hanggang ngayon ay nakikita niya pa rin ang mukha ng lalaki kapag sinusubukan niyang matulog. Pakiramdam niya ay binabangungot siya habang gising.

Pero ang isa pang gumugulo sa isipan niya ay ang pagkikita nila ng school administrator sa bahay na sinabi sa kanya ng ama. Dumaan na ang ilang araw, pero umaasta pa rin si Helga na parang walang nangyari at paulit-ulit nitong iniiwasan ang pagsagot sa mga tanong niya. Sa halip ay sinasabihan lamang siya nito na ituon ang pansin sa pag-aalaga sa sarili niya.

Leia's mind is a complete mess as she tries to avoid thinking about the bad incident and finding her way to get answers to the questions inside her head. Atat na atat na siyang masagot ang mga tanong niya, at ang matinding kuryosidad na nararamdaman ay isa pang dahilan kung bakit gulong-gulo siya.

Nang tumigil siya sa harap ng opisina ng school administrator, huminga muna siya nang malalim at inalala kung paano siya inalagaan ni Helga noong gabing iyon. Just like a mother, she consoled her, calmed her down, until she finally stopped shivering because of fear. Ginamot din ni Helga ang mga sugat niya, at binigyan siya ng mga damit na gagamitin habang naroon. Ito rin ang nagboluntaryong kunin ang mga gamit niya sa bahay nila, kaya labis ang pasasalamat ni Leia sa babae.

The whole time that she was taken care of, Helga was quiet. She refused to answer any questions from her, to the point where she seemed to be pretending that she does not hear her.

Noong mga sandaling iyon, determinado si Leia na makakuha ng sagot mula sa babae, kaya kinondisyon niya muna ang sarili bago pumasok sa opisina ni Helga. Pagkatapos niyang buksan ang pinto at dumiretso sa loob ay inilapag niya ang mga papeles sa ibabaw ng mesa ng babae.

"Pinapabigay po 'yan sa inyo ni Sir Daniel..."

Tumango si Helga na nakatuon pa rin ang tingin sa mga pinipirmahan nito dokumento. "Thank you. You may go..."

"Miss Helga... Pwede po ba akong magtanong?"

Ibinababa ni Helga ang ballpen na hawak niya sa mesa at napabuntong-hininga bago ibinaling ang tingin kay Leia, "There's a reason why I never responded to your questions, Leia... I'm not ignoring you for nothing."

"Pero bakit? Gusto ko pong malaman ang lahat..."

Helga leaned on her office chair. "You can't know everything... I mean, you could, but not now. Not yet, dear..." she then sighed in defeat, "Alright then, ask me questions. Pero sasagutin ko lang 'yung mga pwede kong sagutin."

"Yung bahay na 'yun... Ang sabi ng tatay ko, pwede raw akong tumira roon kung gusto ko... Nagulat lang po kasi talaga ako na makita kayo roon."

Helga chuckled. "And you think you were the only one who's surprised? I live in that house, so of course I'm there..."

Leia was a little taken aback with what he heard. "Eh 'di kilala niyo po ang tatay ko... May nalalaman po ba kayo sa kanya?"

"Sino ba ang tatay mo?"

"Ellis Thompson po ang pangalan niya... Nasa London po siya ngayon. Nagtrabaho po sa kanya ang mama ko dati."

Helga's face remained calm, but there is a hint of solemnity in her expression. "Kilala ko ang tatay mo... Ang totoo, magkaibigan kaming dalawa. That's probably why he chose to send you to me just in case you needed help. Look, if you want to know more about him, I can tell you some stuff. Pwede akong magkwento ng mga bagay tungkol sa kanya, pero 'yung mga nalalaman ko lang... But I don't think you're going to need that since the two of you are communicating, right?"

Napahinga nang malalim si Leia bago mahinang tumango. Kahit nakarinig na siya ng sagot mula sa school administrator, hindi pa rin nawawala ang pagkalito sa mukha niya. "H-hindi ko lang po talaga alam kung ano ang iisipin... kung ano ang dapat kong maramdaman... Naguguluhan na po ako."

Helga sighed, before standing up from her chair and walking towards her. "You did not deserve what happened to you... And it's not your fault. It's not your fault that you stepfather is a piece of trash... But remember, Leia... That incident will just make you stronger..."

"Hindi po..." pinigilan ni Leia ang pagluha, "Natatakot pa rin po ako... Mahina po ako..."

"You are scared, I know that. Everyone becomes scared of something or someone, and that's normal. But you're not weak. You're a metahuman, and you're a woman... And that's what makes you strong. Naiintindihan mo ba ako?" Ipinatong ni Helga ang mga kamay sa mga balikat ni Leia. "Look, you can stay at my house during weekends. From now on, you don't have to go back to see your stepfather. Dapat kausapin mo rin ang nanay mo para alam niyang doon ka muna sa bahay titira. Pero mangako ka sa 'kin na hindi mo sasabihin na ako ang tumulong sa'yo."

"Pero bakit po?" tanong ng nalilitong si Leia.

The school administrator looked a little taken aback. "It – It's just for safety reasons... Just promise me, okay?"

Tumango si Leia habang pinupunasan ang mga luhang umagos mula sa mga mata niya. "Salamat po... Salamat po at niligtas niyo ako..."

"Ikaw ang nagligtas sa sarili mo, Leia," tugon ni Helga habang nginingitian ang dalaga, "Tinutulungan lang kita... Sa totoo lang, hindi mo naman kailangang magpasalamat sa 'kin. Just think of it this way, Leia... Sometimes, the choices that we make take us to the most unexpected of places, situations, or sometimes... people."

A small and meek smile crept on Leia's cheek, before nodding in agreement to what the school administrator told her. Leia then bid her goodbye, and finally left.

Nang maiwan si Helga sa loob ng opisina niya, naupo siyang muli sa office chair at inihilig ang katawan doon. Pagkatapos ay napabuntong-hininga siya bago kinuha ang phone mula sa bulsa niya. She then dialled a number, and when the person on the other end of the line responded, Helga smiled.

"She's safe... And don't worry too much about her. If I had to die protecting her, I would be more than willing to do it."

********

Naglalakad papunta sa cafeteria si Leia noong tanghaling iyon para sana kumain ng tanghalian nang maramdaman niyang tila may humila ng buhok niya mula sa likuran at sinimulan siyang kaladkarin papunta sa ibang direksyon. Agad niyang naramdaman ang hapdi sa anit niya, habang pilit tinatanggal ang kamay na mahigpit na nakakapit sa buho niya.

She was being pulled from the back so it was uncomfortable for her to walk backwards while trying to maintain her balance. When she managed to twist her body, she finally saw Sandy's face hovering above her, looking extremely angry.

"Sandy... B-bitawan mo ang buhok ko..." reklamo ni Leia habang pilit na binabalanse ang sarili at tinatanggal ang kamay ng stepsister na siyang kumakaladkad sa kanya.

Sandy did not respond, and even ignored everyone who saw the commotion between the two of them. She just kept on dragging Leia until they reached the garden where not a lot of people will see what is going on. That was the point when Sandy finally let go of Leia's hair, which made the latter feel a little relieved. Her scalp was still stinging in pain, but she is focused on the wrath she is going to receive from her stepsister.

"Bakit mo ba ginagawa 'to sa 'kin, Sandy?" tanong ni Leia na nagbabanta na ang paghulog ng mga luha mula sa mga mata niya.

"You are seriously asking me that?" Sandy chuckled sarcastically, before holding on Leia's arms and shaking her violently as she screamed, "Ikaw ang malas sa buhay ko... Sa pamilya ko... Alam mo, okay lang naman sa 'kin na maging parte ng buhay ko ang nanay mo... Pero ikaw, hindi kita gusto. Hindi ko gustong makasama ka. Hindi kita gustong maging kapatid. Sinira mo ang lahat... Dahil sa'yo kaya nasaktan ang tatay ko, kasi nilalandi mo siya... Hitad ka kasi... Nakakadiri ka!"

Nagulat si Leia dahil sa sinabi ni Sandy sa kanya, "P-pero... Pero ang tatay mo ang sumubok na –"

Bigla siyang sinampal ni Sandy nang malakas, dahilan para bumagsak siya sa lupa nang walang kalaban-laban, "Wala kang karapatang sisihin ang tatay ko dahil kasalanan mo lahat, malandi ka! Dahil sa'yo kaya nasa ospital siya ngayon... Ikaw ang sumisira sa pamilya namin, hayup ka!"

"Hindi ko ginawa 'yun... Hindi ko naman kasalanan ang nangyari sa tatay mo! Tinatakbuhan ko lang naman –"

She was not able to finish what she was saying when Sandy started kicking her hard. Leia could feel the hard soles of her stepsister's shoes hitting her body, and she can't help but cry in pain.

Pero hindi nagtagal ay narinig ni Leia ang malalakas na sigaw ni Emma, dahilan para mapatigil si Sandy sa ginagawang pananakit sa kanya. Nagulat ito nang makitang may papalapit sa kanila, kaya unti-unti itong umatras. Sinamantala iyon ni Emma, na agad tumakbo at nilapitan si Leia para tulungan ito.

But before Sandy could go far, she bumped onto Gwen, who is smirking at her devilishly. "At saan mo balak pumunta?"

Nagsimula nang mag-panic si Sandy, at sinubukan tumakbo sa ibang direksyon para maiwasan si Gwen. Pero hindi hamak na mas mabilis gumalaw ang huli, kaya nagawa niyang hawakan ang braso ng stepsister ni Leia bago pa ito tuluyang makalayo sa kanya.

Gwen pulled the girl towards her body and slapped her face hard, until she almost flew and hit the ground really hard. Sandy tried to run, but Gwen was fast and stepped on her skirt so she can hold her in place.

"You're too arrogant to hurt your sister, but you try to run away from me like a coward?" Gwen said devilishly as she looked at Leia who is trying to stand with Emma's help. Pagkatapos ay napabuntong-hininga siya, at mas lalo lang na nag-init ang ulo nang makita ang mga sugat ni tinamo ni Leia, "Ayoko talagang manakit ng tao, alam mo ba 'yun? But for you, I will make an exception."

Unti-unting napangisi si Gwen, bago inangat ang paa at ipinatong ito sa pisngi ni Sandy. When the dirty soles of her shoes are now touching the girl's skin, she started putting weight on that foot until Sandy finally started complaining about the pain she is inflicting on her face.

"Yung paa mo... Alisin mo, tangina ka..." ani Sandy na nagpupumilit magsalita habang patuloy na dinidiinan ni Gwen ang pagpatong ng paa sa mukha niya.

Pagak na tumawa si Gwen habang umiiling-iling. "If you try and mess with her again... You're going to experience something worse than this and I swear that it's going to be really messy. And you know the shitty part after that? Hindi naman ako mapaparusahan nang mabigat, dahil member ako ng Paramount Class. You know, to be honest, I don't like this division between us and the common students. Pero minsan, okay lang naman kung samantalahin ko 'yun lalo kung sa mga taong katulad mo..." Gwen then removes her feet on her head, then ducks down and caresses her cheek and smirks at her, "You know what hurts more than the slap I gave you? It's the truth that no matter what you do, the system... this school... will dictate how far up I am compared to how low you get."

Sandy started crying in pain as she held her face. "You're evil..."

"I am, and I'm not denying it. Mabait naman sana ako, pero hindi lang sa mga taong katulad mo..." Gwen then pulled Sandy up from the ground through her hair, and looked straight into her eyes. "At kapag ginawa mo pa ulit 'to, malilintikan ka talaga sa 'kin. Hindi lang 'to ang aabutin mo. Believe me when I tell you that I'm just getting started."

Tuluyan nang binitawan ni Gwen ang buhok ni Sandy, at hinayaan ang babae na bumagsak sa lupa. Pagkatapos ay agad siyang lumapit kay Leia na umiiyak pa rin sa tabi ni Emma.

Gigil na gigil pa rin si Emma habang tinititigan nang masama si Sandy na umiiyak naman dahil sa mga tinanggap na pananakit mula kay Gwen. "She deserved it... She's probably sick in the head to make Leia suffer all the time."

Napabuntong-hininga si Gwen at tinapik ang balikat ni Leia. "Tara sa clinic... Dapat magamot 'yang mga sugat mo. And the moment she bothers you again, just tell me. We're here. We'll always help you... Okay?"

Pinunasan ni Leia ang mga luhang umagos mula sa mga mata niya gamit ang likod ng kamay niya, at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang muling pagtangis. Pagkatapos ay mahina siyang tumango, habang pinagmamasdan si Sandy na hirap na hirap nang tumayo dahil sa mga ginawa ni Gwen.

Continue Reading

You'll Also Like

Girls vs. Boys By EM

Teen Fiction

2.6M 34.4K 66
"We met at the wrong place and at the wrong time but I know you are the right person."
111K 3.8K 87
Textmate Series #2 | One unread message from an unknown number. *** An epistolary. "Manong Luis! Nasaan ka na ba? Ang dami ng tao dito sa venue. Kail...
130K 3.2K 8
Ang masaya sanang trip ng isang grupo ng kabataan ay nauwi sa lagim ng lumiko sila sa maling daan. Tumakbo ka hanggang may lupa.. Huminga ka hanggang...
Soledad By Mystrielle

Historical Fiction

4.3K 190 21
Ever since she was a kid, Solea Sta. Ana was fascinated with the only surviving American era house built in early 1900s in their town. Kaya naman nan...