Romancing the Nanny

Od jennaration

6.3M 77.5K 6.1K

[COMPLETED] When the handsome shipping magnate Kier Falcon hired Helga Diaz to be his twins' temporary Nanny... Více

RTN
Author's Note
Chapter 6 - Meet the Falcon's
Chapter 7 - Meet the Falcon's 2
If Only
Sweet child of mine
River Falcon
Rivals
Crossing the line
Not the right time
Crazy in love
Wife..what?
Date
Romancing 101
Rights
Lunch
Phone Call
Dinner
Hugs and Kisses
Revenge
Who is she?
Sundo
Meet the past
Things to tell
face to face
Going home
Panic
Wrong timing
End-point
Four years later
Amanpulo
First night, First Date
Meet the Falcon's part 3
Another day, another date
Epilogue
Epilogue 2: as told by Kier
Bonus: 4 years ago as told by Kier

Bonus: 4 years later as told by Kier

48.2K 816 43
Od jennaration

Bonus 2! More to come... If I find more time. You know, I'm a lulubog lilitaw hooman yikes! 

Kier's POV

"KUYA!"

Napaangat ako ng tingin sa may bandang pintuan ng office. Abala ako sa pagpipirma ng papeles habang may sinasabi ang assistant ko na nasa aking harapan.

Masayang lumapit sa amin si River. Pinagpatuloy ko namang ang aking ginagawa.

"Why are you shouting?"

"Ate Lerma, who by the way is the organizer this year, wants to make sure you're coming to the reunion. You skipped two years ago so not this year. Mahigpit niyang bilin at pati na rin si Lola kahit hindi siya makakapunta. okay?"

"Bakit ba ang hilig niyo sa Amanpulo? We can just stay in Tagaytay somewhere close where I live."

"Duh, Tagaytay is generic, the family can go there anytime they want. Tsaka ayaw mo nun, madami kang memories na maaalala."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"If Ate Helga is here she will be mad coz you always work and work again. You don't spend time with the twins," panenermon niya.

"You know that is not true. I've changed. And Helga is not here so..."

She took her phone out at may kinalikot doon. Napapailing na nagpatulog ako sa pagpirma at pagbabasa.

"As a matter of fact, ate Helga is in town."

She showed me of a picture helga and her sister Olga. They were both smiling and their background looks like the village where they live. I know coz I've been there many times. Kapag birthday nya pumupunta ako doon pero nasa malayo lang ako nagpapark...I was hoping she is home.

Nagtagal pa sa harapan ko ang phone ni River kaya medyo natitigan ko pa si Helga. Medyo pumayat siya. But she still looked radiant and happy.

Thats good.

"Kuya, galaw-galaw para hindi ma stroke ang puso," komento ng kapatid ko.

"You should find a job para hindi ako lagi ang ginugulo mo."

"This is my job. Updating you with Ate Helga's life. You should pay me kaysa yung imbestigador mo. "

Napailing na lang ako.

Sa four years na yun, hindi ako nakikibalita sa kanya. Well, si River ang updated kay Helga dahil friends daw sila sa Facebook, kung ano man yun. Lagi siya nagkwekwento sa akin kahit hindi naman ako nagtatanong. Na nasa South Africa si Helga at doon na nga nagtatrabaho. Hindi nga lang niya sinabi kung hanggang kailan si Helga doon. Even though deep inside I want to know... I tried to not know.

"Mamaya natin ituloy ito." Baling ko sa assistant ko.

"Okay Sir, should I send Maam Helga a bouquet of flowers as a welcome back gift?" Tanong ng assistant ko. Siya lagi ang inuutusan ko magdeliver ng mga bulaklak sa bahay ni Helga. Siya din ang nagbibigay ng invitations sa mga events sa company namin.

I realized hindi man lang umabot ang relasyon namin noon kahit isang birthday niya.

"Yes do that." Sabi ng kapatid ko. Nag thumbs up pa si River sa assistant ko.

Sinamaan ko sila ng tingin.

"No."

"Okay sir. Sa labas lang ako." Nakangiting sabi ng assistant ko.

"Kuya, let her know that you're buhay pa by giving her flowers!"

"Bakit ba inuanahan mo ako? Wait ka lang pwede!"

"Hay naku, I cant wait na. Super tagal na ng space na yan lagyan na ng brace!"

"Huh? You hang out with Alejandra too much nagiging pareho na kayo sa lahat."

"Duhhh... I still dont like her pero I dont have a choice eh siya lagi nakikita ko. Alam mo naman yun kung nasaan si Kuya Hunter, nandoon siya. Anyways come to Amanpulo okay or else pagsisisihan mo."

"Baka huwag muna this year. Pupuntahan ko na si Helga this weekend tutal sabi mo gumalaw galaw ako baka mamaya umalis na naman yun"

"Huh? Wag muna, sa Monday na lang. Family first. Kung hindi magsisisi ka!"

"Ang gulo mo kausap!"

"Basta sinabihan ko na yung kambal kaya malamang kukulitin ka nila. Alam mo namang gustong gusto nila pumunta doon tapos ikaw super KJ."

"Okay fine! Umalis ka na."

"Sige. Doon muna ako sa inyo matutulog tonight."

"Bakit ka pa nagpunta dito kung magkikita naman pala tayo sa bahay? Inistorbo mo pa ako. "

"Eh naexcite kasi ako ibalita yung tungkol kay Ate Helga. If i know, natutuwa ka naman."

"Alis!"

"Again, you should pay me. Ok? Bye, see you tonight."

Napakakulit talaga ng kapatid ko. Noon ayaw kong makibalita ng kahit ano kay Helga, parang nananadya pa siya na laging nagtatanong ng tungkol kay Helga. Tapos siya pa lagi nagpapakita sa akin ng mga pictures ni Helga. Inuupdate niya lang daw ako eh ayaw ko nga muna makita siya. Kaya nasanay na ako kapag nakikita ko si River, lagi akong nageexpect na may ipapakita siya sa akin.

Napapailing na pinundot ko ang intercom ko.

"Bring the files from the Finance department." utos ko sa assistant ko.

"Right away,Sir."

I guess wala na akong magagawa kundi sumama sa reunion.

Heto kami ngayon sa airport lounge, we were just waiting to get on board. We will be flying with the whole clan this time. The family rented a plane just for the family.

"Joaquin, Juancho, get your backpacks."

"Yes dad" magkasunod nilang sabi.

Nasa tabi ko silang dalawa habang yung assistant ko at iba pang empleyado ng airport ay nasa likuran nakasunod sa amin.

"Sino na ang nasa plane?" tanong ko. My assistant immediately answered.

"Sir, most of your relatives already boarded the plane. Except the Monreau's because they already took the first scheduled plane. They should be in Amanpulo by now." Iyon ang update niya sa akin.

Tumango. "Okay. If there is an emergency at the office, contact Ninong Fernand."

"Copy, Sir. Have a good vacation."

Iniwanan na namin siya sa may gate ng lounge. Nasa labas na kami naglalakad patungo sa plane.

"Patty will be coming, Dad?" tanong ni Juancho

"Actually, nandoon na siguro sila."

"Cool. And Mommy will be there too."

Tinignan ko silang dalawa na mataman nakatingin sa akin.

"Dad?"

"Hmm, no. Who told you that?"

"Tita River."

"Maybe she was just kidding."

"But she said Mommy will be there. She wasn't laughing so that means she was serious. Right, Dad? Unless she is crazy that's why she laugh for no reason." sabi ni Joaquin.

"Ah, she is partly crazy so minsan kung ano-ano ang sinasabi."

"Hindi ba doon siya nagbakasyon, Dad?"

"Son, im not sure. How about if we get there we will look for her. If she's not there maybe she is in Manila already okay?" Sinabi ko na lang yun kasi alam ko naman nasa Manila si Helga. At least yung sinabi ko makatotohanan.

Hindi na sila nagsalita pa dahil paakyat na kami ng plane. Agad kaming sinalubong nina River at Alejandra.

"Hello, my mga gwapo kong pamangkin," bati ni River. Pinaupo nila ang mga bata sa bandang likuran ko. Sa tabi ko naman si River na nakangisi. Si Hunter na tinanguhan lang ako ay nakaupo sa tabi ni Alejandra. Sa harapan namin ni River sila nakaupo. Binati ko din ang mga ibang pinson at mga pamangkin na nakaupo sa bandang likuran.

"Kung ano-ano sinasabi mo sa mga bata." inis kong sabi kay River ng makaupo ako sa tabi niya.

"Are you excited, Kuya? coz I am so excited!" makahulugang sabi niya. Binalewala niya ang aking sinabi.

"Baliw ka nga. Kanino ka ba nagmana?"

"She is adopted," sabat ni Alejandra na bahagyang humarap sa amin.

Napatawa ako. "That is maybe true."

"Tss... Kuya Hunter, enjoy your handful."

"I'm enjoying it, don't worry, lil sis!" sagot naman ni Hunter.

Binelatan ni Alejandra si River bago bumalik sa maayos na pagkakaupo. Hindi na talaga nagkasundo ang fiancee ni Hunter at si River. I checked my kids if what they are doing. Si Joaquin ay nagbabasa ng libro habang si Juancho ay may nilalaro sa kanyang iPad.

Pagkadating namin sa Amanpulo, nagkanya-kanya kaming punta sa aming casitas para makapagpahinga. Kasama ko ang kambal at si River sa iisang casitas. Hindi ko na isinama si Ana dahil

Papalubog na ang araw ng makarating kami.

"Kuya, puntahan namin sina Kuya Romeo. Isasama ko ang kambal."

Tumango ako. "I'll be going to the main clubhouse and see if what can I get for the kids to eat. Do you want anything?"

"Nah. I'm on a diet. I don't want to look like a bloated whale in my swimsuit." sabi niya sabay talikod at inaaya sumama sa kanya ang kambal.

"Huwag kung ano-ano na naman ang ikinu-kwento mo sa mga bata kapag wala ako!" pahabol kong sigaw.

Tinakpan niya lang kanyang mga tainga. "Wala akong narinig!" sigaw niya pabalik at hinila na ang kambal ko. Hindi na tuloy sila nakapag-paalam sa akin.

Naiiling na tinapos ko na ang paglalagay ng mga damit namin sa may closet. Pagkatapos ay napagpasyahan ko nang lumabas at pumunta nga sa main clubhouse ng isla. I rode a buggy to get there.

I entered the clubhouse which were packed with members eating their dinner.

"Welcome to the clubhouse. Table for how many Sir?" tanong ng isang empleyado.

"Hmm..." I looked around to check if some of my cousins are here. Ilang lingon pa ang ginawa ko at hindi naman ako nabigo.

I looked back at the employee. "Maybe later."

"Alright, Sir. Just let us know."

Ngumiti ako sabay diretsong tinungo ang pinsan ko ang asawa niya na Filipino-French.

"Leticia," tawag ko nang makalapit ako sa kanila.

"Hey, Kier!" natutuwang bati niya sa akin. Tumayo siya nakipag-beso sa akin.

Nakipag-kamay ako sa asawa niya. "How was your flight? Aren't you two exhausted?" tanong ko sa kanila.

"We are but we were also starving." sagot ng asawa ni Leticia.

Tumango-tango ako.

"Ikaw? Nasaan ang kambal?" tanong ni Leticia.

"Well, isinama ni River kina Romeo. Nandito lang ako para mag-order ng pagkain para sa mga bata."

"Sana itinawag mo na lang."

"That's okay. Gusto ko rin naman maglibot. Matagal na ng huling punta ko dito."

"So where is Patty? The twins were excited to see her."

"Oh she is with our Nanny."

"really?"

"Yeah. She is really pretty." nakangiting sabi ni Leticia.

Tinawanan ko lang ang pahangin niya. Hindi alam ni Leticia na ang dati kong girlfriend ay Nanny din. Lahat ng pinsan kong babae, hobby na nila ang pagrereto sa mga pinsan nilang single. kaya hindi na ako nagugulat kung binebenta ni Leticia ang Nanny niya sa akin.

Tinapik niya ang braso ko.

"Hindi ako nagbibiro."

"Leticia, I'm not interested. Geez!"

Yung asawa napapailing na lang sa pinagsasabi ng pinsan ko.

"Nonesense!.. Speaking of her, she is walking towards us. Ipapakilala kita baka magbago ang isip mo."

Nakangiting lumingon ako sa tinutukoy niya. Unti-unting tumikom ang aking bibig nang makita sino ang Nanny na tinutukoy niya.

Is this a dream?

That's Helga. My Helga.

Nang magkasalubong ang tingin namin sa isa't-isa, bumagal ang lakad niya papunta sa amin. Mukhang hindi rin niya inaasahan na magkikita kami dito.

Tama nga ako. Mas gumanda siya at bumata. Siguro dahil medyo pumayat siya at mas maikli na rin ang buhok niya. Mukha siyang ate lang ni Patty.

Makalipas ang ilang minuto, nakalapit na din siya sa amin. I could smell her sweet perfume. I want to hug and kiss her. I have so many things to say to her. But I don't want to overwhelm her.

"Kier, this is Helga, our temporary Nanny. Helga, this is Kier, my cousin," narinig kong pakilala ni Leticia sa akin kay Helga.

I offer my hand for a handshake. She looked at my hand then back to my eyes. Nakangiwing tinanggap niya ang pakikipag-kamay ko. I grip her hand lightly for a second then gave it a gentle squeeze. Her hand was so cold. Is she nervous? Maybe she was not comfortable with my gesture. Ako na ang naunang bumitaw.

Bumalik ang tingin ko sa pinsan ko.

"I told you so," bulong ni Leticia. Hindi na lang ako nagsalita.

"May playdate ang bata bukas. Ok? Sabihan mo ang kambal."

Tumango ako.

"Anyways, I have to go. I'll see you tomorrow."

"Ok see you." I kissed her cheeks. tinapik ko sa balikat ang kanyang asawa.

"Goodnight, Patty." paalam ko sa bata na hindi ko napansin na nasa kandungan na ng Daddy niya.

"Night, tito."

Naglakad na ako paalis. Hindi na ako nagpaalam kay Helga dahil parang hindi naman siya komportable na makausap ako.

Binigyan ako ng mesa ng isang empleyado. Hindi yun kalayuan sa kinaroroonan nina Helga. I ordered food for the twins. Aantayin ko na lamang iyon.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

4.4M 73.5K 44
Si Mariel ay isang simpleng babae lamang na walang ibang hangad kundi ang makakabuti sa kanyang pamilya. Sya ang nagtataguyod at nagpapaaral sa kany...
4.1M 87.6K 56
COMPLETED WARNING: CONTAINS MATURE SCENES, EXPLICIT LANGUAGES, INTENSE SEXUAL OR GRAPHIC VIOLENCE, NOT SUITABLE FOR MINOR READERS. Except: Sini...
109K 51 1
Because of the debt, Courtney was forced to marry a stranger. Isang kasal na kailan man ay hindi niya pinangarap. Matapos siyang ikasal kay Travis ay...
105K 4.5K 31
For the people who knew her, Yvonne's life is a lonely painting. The canvass, the colors of paints, and her family are enough for her to survive. She...