KNIGHTS I-2: Demon's Destruct...

By oaxygenknight

1.7M 54.9K 4.8K

Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue

Chapter 2

34.1K 1K 15
By oaxygenknight


Arrow Perez

"Please take care of yourself habang malayo ka sa amin, my angel. Baka mamatay ako sa sobrang pag-aalala kapag nabalitaan kong may nangyaring masama sa 'yo." Umiiyak na hinaplos ni mommy ang balikat ko.

"Mom, don't cry po. I promise that I'll be a good girl, here. Just don't cry mom," naiiyak ko siyang niyakap.

"You little kid, ayaw mo akong makitang umiiyak pero ikaw naman ang iiyak!" Pinalo ni mommy nang bahagya ang balikat ko.

"Ehh, mommy. I'll miss you and daddy so much, please visit me here kapag hindi po kayo busy." Pagmamakaawa ko.

"Ofcourse my dear, bibisita ako dito para kumustahin ka, okay?" Ginulo ni daddy ang buhok ko kaya napanguso ako.

I wish I can always be with them. Mami-miss ko talaga sila nang sobra, I can't afford living here without my mom and dad.

Baka hindi pa ako tumagal ng isang linggo ay gustuhin ko ng umuwi.

"I love you, my angel, we have to go na. Kailangan mo na ring pumasok, your tita Kathleen will guide you inside the University." Patukoy ni daddy sa babaeng katabi ko.

Naka-formal attire ito, yung parang secretary.

Yumuko ako at bumati. "Hello po, ang ganda ganda ninyo po."

She blushed 'saka yumuko pabalik. "You too, you are so gorgeous my dear."

Napahagikhik naman ako sa sinabi niya.

They all laughed with what I did.

"Mom, ingat po kayo. Daddy, drive well, ha. Baka po umiyak kayo habang nasa daan, don't think about me that much para po hindi kayo maging emotional." Bilin ko sa kanila.

"Your daughter is so sweet, Victoria, why did you transfer her here anyway?" bulong ni tita Kathleen kay mommy.

But I still heard what she said.

"He just told me to do so, wala akong magagawa, Kathleen," nakangiting sabi ni mommy, pero parang may sinasabi ang mga mata niya.

Sino yung tinutukoy ni mom na he? Is it dad? Maybe it's dad.

"I understand. Ingat kayo sa pag-alis, I'll take care of your daughter, Victoria and Henry." Ngumiti sa akin si tita Kathleen na nginitian ko pabalik.

"Thank you, Kathleen. Aalis na kami. Anak, please take care of yourself. Mag-iingat ka dito." Dad kissed my forehead.

Hinalikan ko sila ni mommy sa pisngi bago sumunod kay tita Kathleen.

Namamanghang tiningnan ko ang buong University.

Napakaganda ng paligid, ang gaganda rin nung mga buildings.

Kaso lang natatakot ako sa mga estyudante dito. Bakit lahat sila nakatingin sa gawi namin ni tita?

"Tita Kathleen, bakit po sila nakatingin sa atin? May ginawa po ba tayong mali?" takang tanong ko.

Tumawa ito at humarap sa akin. "It's because you are so beautiful, sweety. Kailangan mo atang takpan iyang mga mata mo, they're so beautiful."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Salamat po, although hindi ko alam kung paano ko ito nakuha. Si mommy at dad naman po hindi gold ang mata nila."

"Let's not talk about that anymore, sweety. Halika, ililibot kita para maging familiar ka na rin sa bago kong school." I nodded and smiled sweetly.

Hinaplos niya ang buhok ko katulad ng ginagawa ni mommy.

"You are so beautiful especially when you're smiling, Arrow. Sana lang ay hindi maalis ang mga ngiting 'yan sa labi mo." Makahulugang sabi niya bago ako hilahin.

NAKANGITING kumaway ako kay tita na naglalakad na palayo sa akin.

Hinatid niya kasi ako dito sa tapat ng dorm ko. Excited na nga akong makilala kung sino yung mga dorm mates ko, sana ay maging close kaming lahat.

Nang mawala na sa paningin ko si tita ay kumatok na ako sa pintuang nasa harapan ko.

Ilang segundo pa ang hinintay ko bago bumukas ang pintuan.

Ngingiti na sana ako pero bigla akong natakot sa babaeng bumungad sa akin.

Ang gupit nito ay parang sa lalaki, kulay pula rin ang buhok niya. Tapos may mga tattoo rin siya sa mukha at makapal na eyeliner.

Kulay itim din ang lipstick niya na mas lalo pang nagpadagdag ng takot sa akin.

"H-Hello po." Alinlangang pagbati ko.

Tinaasan ako nito ng kilay at ngumuya-nguya pa ng bubble gum.

"Who the hell are you?" Napaatras ako dahil sa lalim ng boses niya.

"A-Ako po s-si Arrow, yung b-bagong lipat po dito." Magalang akong yumuko.

Baka kasi mamaya ay bigla na lang niya akong suntukin.

"Oh." Pinalobo niya ang bubble gum at pinutok din ito.

Napangiwi ako sa ginawa niya dahil dumikit pa ang gum sa bibig niya.

"Come on, I'm Miyuki by the way." Binuksan niya ang pintuan na ikinatuwa ko.

Akala ko talaga ay susuntukin na niya ako.

"S-Salamat po." Pumasok na ako sa loob, pagkatapos non ay sinarado na rin niya ang pintuan.

"Lakad na, nandoon sila sa kusina." Nilagpasan niya ako at nagsimula nang maglakad.

Sinundan ko na lang siya dahil hindi ko pa naman kabisado ang lugar dito.

Nang makarating kami roon ay bumungad sa akin sa kusina ang dalawang babaeng nagkakasiyahan.

Miyuki stopped the music dahilan para mapatingin yung dalawang babae sa amin.

"Oh, so here's our new dorm mate!" Bigla akong napaatras nang sumugod sa akin ang babaeng naka-dress na pula.

Hapit na hapit ito sa katawan niya at halos makita na rin ang kaluluwa niya sa suot niyang 'yon.

Pero bagay naman sa kaniya kasi sexy siya.

"Hi, beautiful! I like your contact lense!" she said.

Magsasalita na sana ako pero bigla na lang siyang sumayaw sa harapan ko.

Katulad ng mga napapanood ko sa pelikula, para siyang sumasayaw sa dance floor ng isang bar.

Hindi ko alam kung ano ba ang iaakto ko. Hindi naman ako sanay makipag-usap sa mga kagaya nila.

"H-Hindi po ito contact lense," nahihiyang sagot ko.

Tumigil siya sa pagsayaw at tiningnan ako ng diretsyo sa mata.

Pagkatapos non ay bigla na lang siyang nagsisigaw.

"Oh my gosh, Miyuki, Saiko! Totoo na gold ang mga mata niya!"

Napangiwi ako sa lakas ng pag-irit niya.

Is it normal here to create that kind of noise? Baka pagalitan kami.

Nag-angat ng tingin sa akin ang babaeng kahit sumasayaw ay may hawak na libro.

Lumapit siya sa akin at pinaningkitan ako ng mata.

"Yeah, her eyes seems real," simpleng sagot nito 'saka muling binaling ang atensyon sa libro.

Napakamot na lang ako sa batok dahil hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko.

Mom, dad, it's scary here.

Continue Reading

You'll Also Like

262K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...