Romancing the Nanny

By jennaration

6.3M 77.8K 6.1K

[COMPLETED] When the handsome shipping magnate Kier Falcon hired Helga Diaz to be his twins' temporary Nanny... More

RTN
Author's Note
Chapter 6 - Meet the Falcon's
Chapter 7 - Meet the Falcon's 2
If Only
Sweet child of mine
River Falcon
Rivals
Crossing the line
Not the right time
Crazy in love
Wife..what?
Date
Romancing 101
Rights
Lunch
Phone Call
Dinner
Hugs and Kisses
Revenge
Who is she?
Sundo
Meet the past
Things to tell
face to face
Going home
Panic
Wrong timing
End-point
Four years later
Amanpulo
First night, First Date
Meet the Falcon's part 3
Epilogue
Epilogue 2: as told by Kier
Bonus: 4 years ago as told by Kier
Bonus: 4 years later as told by Kier

Another day, another date

34.7K 717 28
By jennaration

Helga's POV

Everyone is now boarding a double-decker boat. Lerma decided that we should do snorkelling first before paddle boarding. Bale yung mga tatlong lalaki na balak mag-windsurfing ay nauna na sa kanilang location. Ang mga kasama ko sa aming boat ay sina Kier, Lerma, Romeo, Hunter, Alejandra, River, Clyde and the woman whom Kier was talking to since last night. 

Lahat kami nakaupo na nang magsimula umandar ang boat. Nasa tabi ko si Kier at ang nakaupo sa kabilang side niya ay yung babae. Sa kabila ko naman ay si River na katabi si Clyde. Nasa kaharap namin sina Hunter at ang iba na nagkwekwentuhan na ngayon. 

Sina River ay nagsimulang tanggaling ang beach cover nila. Isa-isang binigyan kami ni Clyde ng life vest pero wala halos may gusto magsuot nito. Yung binigay niya sa akin ay nilagay ko muna sa lapag dahil balak ko tanggalin muna ang dress ko.

I take off my dress to reveal my yellow triangle bikini top and yellow string cheeky bottoms.

"Ate twinning tayo!" sabi ni Alejandra. She was wearing a yellow one shoulder bikini top and a black bikini bottoms. 

Natawa ako. "Oo nga!"

Isinilid ko sa aking tote ang dress ko tapos hinugot ko mula sa ilalim ng bag ang sunscreen ko.

Hinarap ko si River. She is now wearing a cropped long sleeve rash guard over her bikini top.

"Do you have a face sunscreen? I only have for the body."

"Wala ate. Magtatanong din sana ako sa'yo kasi nakalimutan ko yung akin. Ayoko pa naman magka-wrinkles. Ikaw ate Lerma?"

"None. Pambata pa nga itong body sunscreen ko."

"Oh!

"I have!" sabi nung babae. Napilitan akong humarap sa kanya. Napapagitnaan namin si Kier na na nakikipag-usap sa bangkero. Nakatukod ang mga siko niya sa kanyang mga binti kaya sa bandang likuran niya kami nag-uusap nung babae. 

She is wearing a white one piece strappy bikini. Inabot niya sa akin ang isang shiseido na sunscreen. Super liit nung kaya I'm pretty sure it was for the face.

"Thank you."

Agad akong nag-apply sa mukha ko ng sunscreen. Nakangiting ibinalik ko sa kanya iyon.

"Ate pahiram din ako." sabi ni River. Kaya ibinigay ulit nung babae sa akin ang sunscreen. Iniabot ko kay River.

Tumingin ulit ako sa babae.

"I didn't catch your name," sabi niya.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Nakipag-kamay siya sa akin.

"Helga Marithe Diaz."

She smiled. "Isabel Villareal Rodriguez, a family friend and kinda gate crasher ako sa outing niyo. Sabi kasi nina Kier sumama na ako dahil mag-isa lang ako sa isla."

"me too... I wasn't supposed to be here."

"Oh you seems close with them. You're family friend too?

Hindi na ako nakasagot dahil inabot ni River kay Isabella yung sunscreen. At sila na ang nagkwentuhan. 

Hindi ba niya narinig kaninang lunch yung mga pinag-usapan namin ni Lerma? If I say, I'm a Nanny. She will asked why am I hanging out with my employers. Okay na lang din kasi hindi ko rin naman ang alam ang isasagot. And I don't like follow up questions.

Nagkibit-balikat ako. Umupo ng maayos si Kier. Kaya medyo napatigil ang usapan nina Isabella at River. Napilitang tumayo at tumabi si River kay Isabella para makapag-usap ng maayos.

Inaabot ni Kier sa akin ang life vest ko na nasa lapag kanina.

"Here."

"I have to apply some of this first." sabi ko sabay pakita sa kanya ang sunscreen bottle na hawak ko.

"I'll help you." 

He took the bottle from my hand and squeezed a generous amount of lotion onto his palm. He rubbed his hands together.

"Turn around," utos niya.

I sighed before I turn my back to him. Then, I tucked my left foot underneath my right thigh. Dahil wala na nga si River sa tabi ko, si Clyde ang nasa harapan ko na nakikipag-biruan kay Romeo at Lerma. Kinindatan ako habang tumatawa. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Kier began to spread the sunscreen across the top of my back and shoulders. The smell of vanilla and SPF teased my nose. So good... The smell or his touch? Tanong ng makamundo kong utak. Napangiwi ako sa tanong na 'yun. He lightly lift the tie closures of my top, probably to spread the lotion evenly. Then, he worked his way down to the upper edge of my bikini bottom. 

I gulped. I could feel my whole face turned red because of his warm touch. Yes, definitely it was his touch that felt good.

"O-okay n-naa," I stuttered. I faced him and grabbed the lotion from his lap. I immediately squeeze some onto my palms and rubbed it over my legs, arms and chest.

Inaantay siguro ako ni Kier dahil nang mag-angat ako ng tingi ay nakahawak na ito sa lifevest ko at handa na siyang ipasuot sa akin. I tossed the sunscreen bottle into my tote. 

"Ah huwag na pala ako mag-vest. I'm thinking of diving down the water." sabi ko.

"Okay." Ibinalik niya sa ilalim ng upuan namin ang vest.

"Sunscreen?" I asked.

"Sure, if you will help me."

"Alright since tinulungan mo ako kanina."

I took the bottle from my tote. Then, I squeezed a lotion onto my hand while looking at him slowly pulling his shirt off. My eyes wide as they traveled up and down his chest then to his chiseled abs down to his... 

God help me.

Sa lahat ng travels ko, everyday akong nakakakita ng mga lalaking mukhang modelo at mukha at katawan. Nakabalandra sa daan o kaya sa mga beach na pinupuntahan ko. Iba talaga ang epekto ni Kier. Siguro dahil may feelings ako para sa kanya.

Napaigtad pa ako nang biglang nagsalita ng malakas si Alejandra.

"Hunter baby, ang sweet nila oh! Lagyan din natin yang likod at abs mo ng sunscreen," ungot niya kay Hunter.

"Babe, I don't like to be greasy."

"Eh? Bakit last month greasy din yung ni---"

Tinakpan na ni Hunter ang bibig ni Alejandra kaya napatigil ito sa pagsasalita.

"Oo na. Lagyan mo na itong likod ko." napipilitang sabi niya bago tinanggal ang pagkakatakip sa bunganga ni Alejandra.

Pumalakpak si Alejandra tapos hinalikan sa pisngi ang nobyo niya.

"Spoiled brat girlfriend!" komento ni River na nasa tabi pa rin ni Isabella na tumatawa.

"Bitter ka lang kasi wala kang boyfriend." 

Natawa na rin ako. Humarap ulit ako kay Kier.

Yumuko si Kier at itinukod ang mga siko nya sa kanyang mga binti. I rubbed the lotion on the skin of his upper back that was exposed. Isinama ko na rin pati ang braso niya na malapit sa akin.

"Okay na. Ikaw na sa kabilang braso kasi hindi ko abot."

"Thanks." 

Inabot niya ang bottle sa akin at inumpisahan lagyan ng spf ang kabilang braso pati na rin ang mga binti niya tapos ang dibdib at abs niya. Pinapanood ko lahat ng galaw niya. Bale naging live show ng Magic Mike ang simpleng paglalagay ng sunscreen.

Bago pa man ako magkasala muli ay narating na namin ang area kung saan kami mag-snorkel. Lahat kami tumayo at isa-isang kaming nagsuot ng kanya-kanyang masks. Walang may gustong magsuot ng fins.

"Can someone carry the go pro under the water!?" Lerma shouted.

"I'll do it!" River shouted. "I want to get the best shots to share in my account."

Kier got my attention when he snake his arm around my waist.

"You good?" he asked. 

"Yeah. I'm excited to go in the water." nakangiting sabi ko habang ipinalibot ang tingin sa karagatan. I can't get over the colour of the water... it was a mixed of light blue and green, so beautiful.

"Ang ganda," natutuwang sabi ko kay Kier. 

Nakangiti din siya sa akin. "Mas gumanda lalo." 

My mouth parted. He smiled again then he kissed the back of my head. 

 "Ayusin na natin yan mask mo dahil bababa na tayo."

"O-okay."

Tinulungan niya ako ipwesto ang mouthpiece sa bunganga ko. I bite on it. He did the same to his own mouthpiece. Pinauna niya akong bumaba sa tubig gamit ang hagdan sa gilid ng boat.

I swim a little bit further to give a space for him in the water. When I've seen that he reached the water, I lay flat on my stomach. I put my face in the water and tried to breath in and out through the tube. When that is done, I begin looking for fishes.

Hindi ko alam kung saan nagpunta si Kier. Pero may mga nakita akong parrotfish so sinundan ko kung saan sila patungo. I got so excited when I spotted an albino parrotfish. That was so cool.I looked around the water to see if River is nearby. Nakita ko ang swimsuit niya sa di kalayuan.

I submerged myself and swim towards River. Kaya lang napuno agad ng tubig ang tube ko kaya umahon ako para makahinga. I took my mouthpiece out of my mouth to release the water that filled my breathing tube.

Nakita ko si River na nakaahon din kaya kinawayan ko siya.

"THERE ARE PARROTFISHES OVER THERE!" sigaw ko sabay turo sa kung saan ako galing kanina.

"COMING!" sigaw niya pabalik. Nakita ko siyang lumusong ulit hawak ang gopro sa isang kamay.

Kumaway si Kier sa akin. I did the same. He point at something underneath. 

So I swim closer to him to see what it is. Umahon muna ako ulit para sumagap ng hangin. Pati siya ganun din ginawa. We were just floating now.

"Ano yun?" tanong ko. 

"A Turtle."

"Really? I'm going in."

I put on my mouthpiece and dive down again. 

Buti na lang mabagal ang turtles kaya hindi pa siya nakakalayo. It was massive. First time ko makakita ng ganito kalaking turtle sa buong buhay ko. Sinundan ko lang yung turtle. Nasa kabilang side nung turtle si Kier.

He thumbs up. I just waved at him coz I was so happy... seeing a turtle and experiencing this with him.

I resurfaced again so I can breath. Sumunod si Kier sa akin.

"Are you okay" he asked.

"Yeah. That was amazing!" 

"Are you happy?"

"Very! I want to see other fishes."

"Let's not dive down this time. Just stay in the surface."

"I will."

At iyun nga ang ginawa namin. Nasa tabi ko lang siya the whole time. Sumabay kami sa mga ibat-ibang uri ng isda sa paglangoy. The corals and sea urchins on the bottom were also beautiful. 

Paminsan-minsan sumusulpot sa pwesto namin ang magpipinsan. Si River naka-pokus sa pagkuha ng shots sa mga isda at sa aming lahat.

We all resurfaced to take photos with the fishes na nasa ibabaw. We lift our snorkel mask up to our forehead.  

Nakakatuwa kasi napapalibutan kami ng mga isda... pwede namin sila hawakan - zero effort coz they just come to us. The boat drivers were feeding the fish with croissants - talk about fine dining.

"Ate Helga, Kuya... tingin kayo sa camera." 

Nasa harapan namin siya at nakatutok ang gopro sa amin.

"Is that a video?" tanong ni Kier sa kapatid.

"Yeah. Do something sweet... like a kiss," she was giggling. 

Itinutok ko na lang ang atensyon ko sa kulay orange na isda na hinahawakan ko habang lumalangoy siya. Ang laki-laki kasya sa tote ko. 

Napahagikgik ako sa naisip kaya lang natigil ako ng bigla na lang hawakan ni Kier ang mukha ko at hinalikan ako sa pisngi. Muntik ko pang masakal yung isda sa gulat. 

Siniko ko siya na tawang-tawa naman sa akin.

"Hoy ano ka ba!" singhal ko. Nakalayo na tuloy yung isda na sinusundan ko. 

Itinuro niya si River. 

"Ang cute niyo! Punta muna ako kina Kuya Hunter. Kuhanan daw ko sila pang-profile picture ng jowa niya."

Naiwan kami Kier doon naghahanap ng malalarong isda.

"I'll go back to the boat." biglang paalam niya.

"Sama na ako. Mahapdi na itong braso ko."

Magkasunod kaming lumangoy patungo sa boat. Nauna na siyang umakyat. Inalalayan nya lang ako ng nasa pang-huling baitang ako ng hagdan. He immediately wrapped a blue towel around my shoulders. Kumuha pa siya ng isa para pamunas sa buhok ko. Madaming dala ang bangkero na blue towels - complimentary.

"Ako na."

"Okay. Are you cold?" tanong niya habang pinunasan ang kanyang braso.

Umiling ako. Maikli lang naman ang buhok ko kaya hindi kailangan matagal punasan. 

"Come here," utos ko.

Hinarap niya ako. Tumingkayad ako para punasan ang ulo niya na basang-basa pa rin.

"You should dry your hair first before your body, Sir." sabi ko.

I heard him chuckled. "Okay, Maam."

Ibinigay ko sa kanya ang towel pagkatapos kong punasan ang buhok niya.

"Bring the kids here next time." sabi ko. Abala ako sa pagpupunas ng legs ko gamit ang towel na nasa aking balikat.

"Yeah. Lerma scheduled them for snorkeling tomorrow morning."

Tumango ako. Kumuha ako ng bagong towel sa upuan. At iyon ang ipinulupot ko sa aking balikat para hindi ako lamigin. Ayoko pang isuot ang dress ko kasi mababasa.

He sat down, one arm behind me. His shoulders shifted so he was almost facing me. I met his gaze.

"So what is the plan for tonight?" he asked.

I twitched my lips.

"Ahm... eh..."

"Don't tell me you're planning to ditch me tonight."

"No! I just... well... ahm,"

"Well?" he demanded.

"I don't really have a plan for tonight." 

He laughed. Sinipa ko ang kanyang paa.

"What is so funny? I just thought we can do spontaneous things tonight."

"Like?"

"I don't know... stroll in the beach while watching the sunset?"

"Hmm... I like that. Be ready by 6 then." 

"But I remember Lerma said we are going paddleboarding before sunset."

"We can go paddleboarding, then stroll." he suggested.

Inakbayan niya ako kaya medyo napasandal ako sa hubad niyang katawan.

"Hoy, kanina ka pa. Nakakarami ka na, hindi pa tayo mag-on ulit noh!"

"Okay lang yun. We are dating, so pretty much the same thing."

"Anong the same? We are going on a date coz I owe you one."

He groaned. 

Pinanood lang namin yung mga pinsan at kapatid niya na nasa tubig pa rin. Hanggang sa dumapo ang tingin ko kay isabella na nakikipag-usap kay Hunter.

"Did you date her?" tanong ko.

"Who?"

"Isabel."

"No. She is a family friend. Pinsan siya ng isa sa mga bestfriends ko, si Yvo."

"tss... why don't you date her? She is hot."

Humigpit ang pagkaka-akbay niya sa akin. Kulang na lang umupo ako sa lap niya sa sobrang dikit namin sa isat-isa. Kami pa lang naman ang nasa boat.

"You're hotter than the sun."

Napanguso ako para itago ang kilig ko.

"Mambobola."

Tumawa siya. "Are you jealous? She is just like a sister to me."

"I'm not jealous!  And you have a sister."

"okay.. okay... I'm just trying to be a nice. Is that an enough reason?"

Nagkibit-balikat ako. Nice? Lahat ng babaero, ganun ang litanya. 

Ilang minuto ang lumipas at isa-isang umakyat sa boat ang mga kasama namin. Nauna si Isabella. I snorted when Kier gave her a towel. Siya talaga binigyan pero yung kapatid niya di niya inabutan eh magkakasunod lang naman sila. 

Tumayo ako at humagilap ng tuyong towel. I walked towards Clyde and gave the towel to him.

"Thank you." sabi niya sabay kindat sa akin. 

Nginitian ko lang siya sabay lakad pabalik sa pwesto namin ni Kier. 

Tinaasan niya ako ng kilay.

"What?" inosenteng tanong ko. 

Umupo ako sa tabi niya.

"Clyde is standing right next to the towel rack."

I smiled sweetly. 

"I'm just trying to be nice."




Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 22.6K 58
(Rated SPG) She thought she knew her limitations with alcohol but she's wrong and then she got drunk. She became wild and had her first sex with a to...
2.1M 56.6K 46
"I dont do love, Maddy. I do fucking." Nagulat ako sa sobrang bulgar ng mga salita niya ngunit hindi ako nagpahalata. "Then atleast make love to me."...
1.2K 217 24
"Looks can be decieving...better check twice before you get tricked.." Fixed marriage. It is the only solution for Helga's parents to save thier com...
2.7M 40.2K 40
Manang si Candida Iceliana o Ice kung tawagin ng mga nakakilala sa kanya. Pinalaki siya ng Lola na konserbatibong babae. Kaya naman nang sabihan siya...