Behind Every Playboy

By Thinkerbil

231K 6.1K 536

Behind Every Playboy, is a man with a dark past. Behind Every Playboy, is a man with a crushed heart. Behind... More

Behind Every Playboy
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Note

Kabanata 25

3.6K 98 9
By Thinkerbil

Messy

Sinalubong agad kami nina Tita Mariella, Manang Zana at ang kanilang mga bisita maging ang iilang kasambahay.

Isinugod na nila Mayor Hex at Vice Mayor Gileon si Webster sa hospital. Ipinaliwanag naman ni Heros at Tito Heu ang nangyari bago nagpaalam sila sa'min para pumunta sa presinto para mag bigay rin ng statement. Kino-contact narin nila ngayon ang mga Gonzalez, pamilya ni Webster, para ipaliwanag ang nangyari.

Hindi muna ako ipinasama ni Heros dahil hanggang ngayon ay nanginginig parin ako sa trauma. Pero giniit ko na bukas ay pupunta ako sa presinto para mag bigay ng statement at para mag sampa ng complain. What Webster did should not be taken lightly. He almost rape me. Kung hindi dumating sina Heros ay baka nababoy niya na ako.

Pina inom nila ako ng tubig. Yakap ko parin ang maluwang na checkered long sleeves ni Heros. Pina-upo nila ako sa sofa at pinakalma. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang yakapin si Manang Zana at matulala.

"Papupuntahin ko dito bukas si Doctor Alfred Manang Zana. Aya needs to be check up. She have some few bruises." Ani Tita Mariella.

"Maraming salamat, Mariella. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa batang ito. Lagi nalang sinusundan ng kapahamakan." Si Manang Zana habang umiiyak.

"Tama na po Manang Zana. Huwag na po kayong umiyak at baka makasama sayo." Ani Hellina sabay abot kay Manang Zana ng isang basong tubig.

"Sorry po, Auntie Zana. Pinag-alala ko na naman po kayo." Sabi ko at mas hinigpitan ang pag yakap sa kanya.

I've always put myself to mess. Kung hindi pag-aalala ay perwisyo naman ang dinadala ko sa kanilang lahat. I don't want to be the center of their attention yet I always fail not to do it.

"Hindi na talaga kita papayagan sa susunod na umalis ng mag-isa. Simula ngayon, dito ka lang sa loob ng mansyon." Aniya.

"Mabuti pa't ipagpahinga narin muna natin siya, Manang Zana. She has still trauma and it's better for her to take a rest." Usal ni Tita Mariella.

Tumango naman si Manang Zana at tumayo. Giniya nila ako papunta sa kwarto. Sandaling nag bihis ako at ng matapos ay humiga na sa kama. Tinabihan ako ni Manang Zana habang naka upo siya sa gilid ko at sinusuklay ang aking buhok. Hindi na ako nakaramdam ng gutom sa paghahalo-halo ng emosyon ko.

Nagising ako kinabukasan at andoon parin si Manang Zana sa tabi ko at natutulog. I look at her and I smile faintly. Ilang sandali lang ay nagising narin si Manang. Sabay kaming lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina.

Pag dating namin roon ay naabotan namin sina Manang Susanna, Manang Auring at April na naghahanda ng breakfast.

"Oh, Zanaida. Gigisingin ko na sana kayo eh. Ang sabi ni Ma'am Mariella eh sumabay na daw kayo sa agahan nila ngayon. Pumunta na kayo sa dining table at andoon na silang lahat." Saad ni Manang Auring.

"Nakakahiya naman. Dito nalang siguro kami, Auring." Sabi ni Manang Zana.

"Ayy sus, sige na Zanaida. Hiling iyon ni Ma'am Mariella at Sir Heustacio." Giit nito.

Hindi na komontra si Manang at tumungo nga kami sa dining area. Nahagilap agad ng mga mata ko si Heros. His eyes went directly to mine when we entered the room.

"Manang Zana and Aya please saluhan niyo po kami. Diyaan na kayo tumabi kay Heros." Ani Tito Heu.

Ngumiti at tumango naman si Manang Zana saka niya ako giniya kung saan naupo si Heros. Si Tito Heu ang naka upo sa center chair at sa kaliwang side niya si Tita Mariella kasunod si Hellina at ang asawa nito si Vice Mayor Gileon. On the right side ay si Mayor Hex kasunod si Heros, ako at si Manang. Sa kabilang center chair ay ang padre pamilya ng bisita nila. Iyong sa kaliwang side na katabi ni Manang ay ang asawa ata. At sa right side malapit sa tabi ni Vice Mayor Gileon ay ang isang magandang babae. Nakita ko na sila kahapon pero dahil sa medyo pag out of space ay ngayon ko lang sila natitigan ng maayos.

Batid ko ay ito ang sinasabi ni Pia na ex-fiancee at great love ni Heros. Sa ganda niya pa lang ay masasabi mo ng ito ang tipong kinahumalingan ni Heros. She's pale white but not as pale as mine. She had thin redish lips and almond shape brown eyes. Her dark brown hair is wavy and long. She looks like a model in Vogue magazine.

We prayed silently before we started eating.

"Wala na kayong dapat ika-bahala kay Webster. I already talk to his father and even his dad, Solomon, wants to punish Webster for his malicious and unforgiveable act. Pero nasa sayo parin Aya ang desisyon kong makikipag-areglo ka sa kanya o sasampahan mo siya ng kaso." Panimula ni Tito Heu.

"He deserves to rot in jail. There's no need to ask her that, Dad." Matapang na sabi ni Heros bago siya bumaling sa'kin. His soulful eyes were full of concern.

"I don't want to interfere but why file a case against it kung hindi naman natuloy ang nangyari? Makipag areglo ka nalang hija. It is better if you bury it. Mas mabuti kasing huwag ng palakihin pa ang gulo." Boses ng Mommy ni Jazmine.

Lahat kami napalingon sa kanya. She just chuckle and sip on her glass of orange juice. Napatingin naman ako kay Heros at kitang-kita ko ang pag tagis ng bagang niya at ang pag lalim ng gitla ng kanyang noo.

"I don't think so, Beatrice. It was still an act of rape. Hindi man natuloy but still, he could almost rape poor Aya kung hindi dumating ang anak ko at sina Heustacio. That shouldn't be taken lightly or else, Webster and people would think that they can always get away with it if the victim will back off." Paliwanag ni Tita Mariella na halos tinangoan ng lahat maliban ni Beatrice.

Napa ubo ang Daddy ni Jazmine at tumaas lang bahagya ang isang kilay ni Beatrice habang hilaw na ngumiti. Para siyang nabuhosan ng yelo sa sinabi ni Tita Mariella.

"I agree with Tita Mariella, Mom." Ani Jazmine sabay tingin sa'kin. "You should fight for your rights, Aya." She said and faintly smile.

Napatitig lang ako sa kanya. Ni hindi ko man lang magawang suklian ang pag ngiti niya sa'kin. Ngayon ko lang pala kasi naalala kung bakit nga ba ako umalis kahapon at inaliw ang sarili na naging udyok sa kapahamakan ko.

I almost forgot that I should talk to Heros. Like what he always said that whenever there's an issue about him with other girls and it messed my thoughts, I should talk it to him. Ngayon lang bumalik ang familiar na kirot sa dibdib ko ng maalala ang sinabi ni Pia that Heros and her are getting married a month from now.

"I agree with it too, Aya." Si Hellina.

Nagpatuloy ang pag-uusap pero iniba na nila ang topic hanggang sa matapos ang breakfast.

Naligo muna ako at nag bihis. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay Manang Zana para pumunta sa presinto kasama si Tito Heu at Heros para mag release ng aking sariling statement at mag press ng case.

Sabay kaming lumabas ni Heros sa mansyon. Nasa bulwagan pa lang kami ay napatigil na ako.

Jazmine is sitting in the front seat inside Heros's Ford ranger. Nag baling agad ako ng tingin kay Heros.

"I'm sorry, baby. I say no to her when she ask me that she'll come with us but she's so stubborn and said no." Aniya.

"Okay lang..." Sabi ko kahit hindi totoo.

He heave a deep sigh before he leaded the way. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa likod at ilang sandali pa siyang tumitig sa'kin habang hawak ang pinto ng saksayan niya. Sininyasan ko lang siya gamit ng mga mata ko at maamo naman siyang sumunod.

Tahimik kaming tatlo sa biyahe. Naka convoy lang kami kina Tito Heu kasama ang mga bodyguards nito.

"I'm sorry to bother you two but Heros, can you accompany me after this? I need to buy a new simcard para may magamit ako dito sa Pilipinas." Ani Jazmine.

Napatingin ako sa rear view mirror at medyo nagulat na naka tingin din doon sa'kin si Heros awaiting for my answer as if ako ang tinanong ni Jazmine.

Tumango nalang ako. Magpapasama lang naman siya eh. Ngunit kumunot lang ang noo ni Heros sa pag tango ko. Huminga siya ng malalim bago sinagot si Jazmine.

"Okay." Tunog nababagot nitong sagot.

"Great!" Tuwang-tuwang sabi ni Jazmine saka niya ako nilingon. "Don't worry, Aya. Ihahatid ka muna namin pabalik bago kami pumunta ng palengke." She said and smile at me. "You should rest after going there. I know you're too exhausted."

Tipid na ngumiti lang ako pabalik. I don't know but I feel something off about her. Hindi ko siya magawang kamuhian o kainisan dahil napakalumanay niyang mag salita. She's so soft spoken and gentle. She's very prim and poise too. But there's this feeling I can't name about the way she look and smile at me.

"No. She's coming with us. On the way naman sa palengke kapag umuwi." Sabi ni Heros.

"I beg to disagree. She needs rest, Heros." Giit ni Jazmine.

Nag tagis ang panga ni Heros at masamang sumulyap siya kay Jazmine. Bago pa sila magtalo ay inunahan ko na sila.

"Sige, ayos lang. Tama si Jazmine, Heros." Sabi ko kahit hindi nakakapanatag sa loob ang desisyon ko.

Suplado lang na tumingin si Heros saka siya huminga uli ng malalim. Mas lumaki lang ang ngiti ni Jazmine sa'kin bago siya bumaling sa harapan niya.

"See?" Mapanuya nitong sabi.

Iritado parin ang mukha ni Heros hanggang pag dating namin sa presinto. Mukhang biyernes santo ang mukha niya sa sinabi ko. Jazmine on the other hand is smiling ear to ear. Iniwan ko silang dalawa kasama si Tito Heu sa sofa at sumama ako sa mag iinterview na police sa interview room.

I told every detail from the beginning til the last. I also sign up the form for my complaint. Chineck pa ako ng psychologist na police din at ang leader ng investigator team na naka assign sa complaint ko bago ako nakalabas sa interview room. Tinanong pa nila ako kung gusto ko ba raw maka usap si Webster but I decline it. I'm not ready to face him. What he did was more traumatic than my experience when I was gun fired by men.

Inihatid ako ng nag interview kina Tito Heu. Nagkamayan sila ng hepe ng pulis at nagpasalamat si Tito sa pag-asikaso sa'min saka kami lumabas na ng police station.

"Son, dadaan muna ako ng palengke dahil may pinapabili ang Mommy mo sa'kin. Dumeretso nalang kayo sa bahay pauwi. Don't worry dahil ka-convoy niyo sina Sebastian at Victor." Saad ni Tito Heu.

"Kung ganoon, sumabay ka nalang sa kanila." Ani Heros sabay baling kay Jazmine.

"Huh?" Takang tanong ni Jazmine.

"Can you accompany her, Dad? She needs to buy something too in the market. Isabay niyo nalang siya. Iuuwi ko na si Aya dahil kailangan niya ng pahinga." Ani Heros.

Umawang lang ang labi ko habang nawala naman ang ngiti ni Jazmine. Tito Heu open the door of his Hi-Lux widely for Jazmine.

"Ganoon ba, hija. Sige sumabay ka na sa akin." Saad ni Tito Heu.

Hilaw na ngumiti nalang si Jazmine saka siya napilitan na sumakay sa sasakyan ni Tito Heu. Hindi din nag tagal at umalis na sila leaving Heros and I alone.

Nang mawala na ang bulto ng sasakyan nila'y mabilis na hinila ako ni Heros sa baywang. Ikinulong niya ako sa kanyang bisig.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Nagugulumihan akong napatitig sa kanya.

Kinurot niya ang tungki ng ilong ko saka siya ngumiti ng malapad. "I don't want to make my little girl jealous."

Umirap ako sa kanya sabay ng pag pigil kong mapangiti. I feel so sorry for Jazmine but then my heart can't stop beating wildly in triumph. Pakiramdam ko ang haba hana ng buhok ko.

"Come on. We need to do something when we come home." Sabi nito sabay pilyong nginitian ako.

"Anong gagawin natin?" Takang tanong ko.

"Something extremely wild and passionate." Taas-babang kilay niyang sabi.

Tinulak ko naman siya pero humalakhak lang siya. "Heros!"

"Come on!" He said and pulled my waist while leading me towards his black Ford ranger. "You have to tell me what issue did you hear again about me. Mang Manuel told me you were crying yesterday."

Hindi makapaniwalang tumingin lang ako sa kanya habang pinapapasok niya ako sa loob ng kanyang sasakyan. He knew that?

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.6K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
31.8K 906 44
𝘛𝘩𝘦 𝘨𝘳𝘦𝘢𝘵𝘦𝘴𝘵 𝘦𝘯𝘦𝘮𝘺 𝘰𝘧 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘪𝘴 𝙛𝙖𝙩𝙚. A story written by 𝐀𝐑𝐓 Started: 09/17/2021 (Official start d...
59.8K 2K 56
An Arcella Series Erina Yestia Alvia. She lived an unlucky life, so to speak. Her parents are dead due to an accident. Her sister commited suicide...
33K 921 36
Paano nga ba kapag ang amo mo ang makakatuluyan mo? At paano nga ba kapag dumating ang araw na pinaghiwalay kayo ng tadadhana sa hindi inaasahang pan...