( Miyuri Pov )
Seryoso na nakatingin ako sa aming harapan. Papalapag pa lamang kami sa lugar na kung saan nakita ni Sir Gregory ang simbulo
Since hindi naman namin alam ni Silver ang lugar na tinutukoy ni Sir Gregory sinama namin si Sir Gregory kaya tatlo kaming magkakasama
"That's the place" wika ni Sir Gregory at tinuro ang malawak na lupain na puno ng mga sira sirang gusali
Agad naman namin pinalipad ang aming dragon sa direksyon na itinuro ni Sir Gregory. Mabuti na lamang madali lamang kaming nakarating at nakalapag
Bumaba naman kami sa pagkakasakay sa aming dragon at sinundan si Sir Gregory na papunta sa natumba na arko habang ako ay nagmamasid sa buong lugar
"So? What do you think?" biglang tanong ni Sir Gregory. "Do you have any idea?"
Tiningnan ko naman ang arko at nakita ang simbulo ng pakpak. Hindi namin mabasa ang mga letra na nakaukit dito dahil sa kalumaan
Hindi ko na muna iyon pinansin at napagpasyahan na maghanap hanap ng ebidensya sa paligid
Naglakad lakad ako habang tinitingnan ang bawat lugar. Kinakalawang na ang ibang kabahayan habang ang iba ay napapaligiran na ng mga iba't ibang halaman. Mukhang napakatagal na ng nasira ang lugar
Babalik na sana ako sa pwesto ni na Silver ng may mahagip ang aking paningin. It was a small flag at nakaukit doon ang isang buong pakpak habang meroong dalawang pababa na linya ang nakadugtong dito
Kinuha ko iyon at kaagad na nilapitan si Silver. Wala akong sinayang na oras at kaagad na itinaas ang damit nito
Mukhang nagulat pa silang dalawa ni Sir Gregory ngunit hindi ko iyon pinansin at pinipigilan ang pagbaba ni Silver sa kanyang damit
"What the fuck are you doing?" tanong niya. "Are you a pervert?"
Napangisi naman ako sa tanong nito. "Oh! I'm i?"
Tumaas naman ang kilay nito dahil sa naging tugon ko ngunit hindi ko iyon pinansin at malakas na itinaas ng tuluyan ang damit ni Silver
Napangiti na lamang ako ng makita ko ang kagayang simbulo ng flag sa kanyang kanang bahagi ng bewang. Tiningnan ko naman si Silver at ipinakita sa kanya
"You have the same symbol," untag ko. "You must be related to them"
Nagtataka na nagpalipat lipat ang tingin niya sa simbulo na nasa bewang niya at sa flag na hawak ko
"What? How?" he ask
I shrug. "Diba ikaw na ang nagsabi na wala kang maalala sa nakaraan mo. The only thing you remember is that a goddess messed up your life"
Napakuyom naman ito ng kamao at ibinaba ang kanyang damit. I can perfectly see kung paano manginig ang kanyang kamao dahil sa galit
"Maybe your life is connected to them, hindi mo lang maalala especially the c-"
"Then i have to find out the truth," putol nito sa aking sasabihin. "I will find out the truth even if the only thing i could remember is the face of the goddess who messed up my life"
Napabuntong hininga naman ako bago tiningnan ang buong kapaligiran muli. Ngayon ko lang napansin na nakatayo pala kami sa natumbang kastilyo
"Didn't i told you i know everything?" saad ko
Hindi naman siya nagsalita habang ngumiti na lamang ako ng mapait bago humarap sa kanya at nagsalita
Nagtagpo ang mata namin while he still look so serious and emotionless. Not even any single emotion could be seen through his eye
Napahawak na lamang ako sa buhok kong sumasabay sa ihip ng hangin bago nagsalita habang nagulat siya sa aking sinabi
"She's alive Silver, she never died"
( Jay Pov )
"You're mine, Jay. Only mine!"
Agad kong iniling ang aking ulo ng maalala ang sinabi ni Chief Damon. Hanggang ngayon ay hindi parin naalis sa aking isipan ang kanyang mga sinabi kanina
Nagpapasalamat na lamang ako dahil kahit paano pinakawalan niya ako. Baka hindi ko pa kayanin kung mananatili ako sa kwarto niya
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kumagat sa pagkain ko
"May problema ba, Jay?" napatingin naman ako kay Ara ng magtanong ito. "Kanina ka pa tahimik"
Binigyan ko naman ito ng tipid na ngiti. "Don't worry, ayos lang ako"
Sinuklian naman niya ako ng ngiti habang ako ay muling ipinagpatuloy ang aking pagkain at habang ngumunguya ay tiningnan ko ang aking mga kasamahan
Mayroong tatlong araw kaming pahinga. Kanina ang ginawa ko lang ay ang layuan si Chief Damon ngunit ngayon naman ay wala talaga akong kawala dahil sabay sabay kaming kumakain kasama ang mga Superior maging si Sir Carl at Miss Lana
Hindi nga ako makatingin ng deretso sa aking unahan dahil kaharap ko ang hari ng mga bampira na muntik ng ubusin ang dugo ko ngunit ngayon ko lang napansin na wala si Night
"Nasaan si Night?" tanong
"He's on a confidential mission kasama si Queen Miyuri" sagot naman ni Dylan
"Headmaster Silver, Jay" biglang madiin na untag ni Miss Lana. "Give him a respect, he's the headmaster while you are just a student"
"Chill Lana! Wala naman na kaso kay Silver ang tinatawag sa kanya ni Jay" Chief Race said
Madiin na inilapag ni Miss Lana ang kanyang kutsara at seryoso na binalingan si Chief Race
"Silver is the headmaster while Jay is just a student. Ano na lang ang iisipin ng mga estudyante kapag narinig nila na Night lang ang tinatawag ni Jay kay Silver? Do you think those higher ups wouldn't know na may isang estudyante ang hindi ginagalang ang headmaster?"
Hindi naman kami nakapagsalita dahil sa sinabi ni Miss Lana. Sa katunayan kasi tama naman siya. Stupid me!
"Isipin na ninyong masama ako, i don't care. We all know na tama ako. I'm not only protecting Silver but also Jay"
"Come on, Lana. Hindi nga natin tinatawag na headmaster si Silver, okay lang iyan. Chill ka lang!" pagpapagaan ni Chief Dylan sa aming kapaligiran ng maramdaman ang kaseryosohan
"Mag kaiba ang status natin sa kanila, Dylan. We are school official and you are a chief. Walang kaso sa mga higher ups kung ano man ang itawag natin kay Silver, but them? They are student" muling wika ni Miss Lana
"Come on, guys! Calm down! Pangalan lang iyan huwag na kayong magtalo talo" ani namin ni Chief Vanrick
Nagulat na lamang kami bigla ng tumayo si Miss Lana ng padabog. Mukhang nawawalan na ito ng pasensya
"Pangalan lang huh!" bigla naman tumawa ng pagak si Miss Lana. "Hindi lang pangalan lang ang pangalan ni Silver! His name and his self is one of the respectful god. Chief's, you do know kung ano talaga ang totoong Silver. If i were you, i better start giving him respect"
Kinuha ni Miss Lana ang kanyang tray at tumalikod sa amin ngunit bago pa man siya umalis muli siyang nagsalita
"Silver isn't emotionless for no reason. He's not what ypu think he is."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tuluyan na siyang umalis. Kami naman ay napatihimik na lamang habang iniisip ko ang huli niyang sinabi
He's not what you think he is.
Anong ibig niyang sabihin? May hindi ba kami nalalaman?
Napabuntong hininga na lamang ako at tahimik na kumain muli. Kung ano man iyon huwag ko muna na intindihin
Tama din naman si Miss Lana. Isang headmaster si Night at estudyante lang ako. Dapat binibigyan ko siya ng respeto
"Sorry about Lana. She just care about Silver kaya ganoon na lamang ang reaksyon niya," paumanhin ni Chief Vanrick. "Lumaki siyang nakakasama si Silver, siya din ang nakasaksi ng mga oras na naghihirap si Silver kaya kapag si Silver na ang pinag uusapan sobra sobra ang pag proprotekta niya"
Magsasalita na sana ako ng magtanong si Ara. "Naghihirap? Bakit naghihirap si Headmaster Silver? Naubusan ba sila ng pera?"
Bigla naman tumawa si Raven maging si Chief Dylan dahil sa tanong ni Ara
"Hindi ganoon na klaseng paghihirap, Ara" sagot ni Raven
Nagkibit balikat na lamang si Ara at kumain muli habang napailing na lang ako
"Katulad ng sinabi ni Lana, Silver isn't what you think he is. Everyone has a secret even a guy like him, am i right?"
Tumango naman kami sa sinabi ni Sir Carl dahil sa pagsasangayon. Tama naman kasi siya. Everyone has a secret or some of us
"Mas mabuti pa siguro na hindi na natin pakialaman ang personal na buhay ni headmaster Silver" Raven said na sinang ayunan namin
Ipinasawalang bahala ko na lamang iyon at inubos ang aking pagkain. Matutulog na lang siguro ako ulit. Hindi parin kasi bumabalik ang lakas ko dahil sa rami ng ininom na dugo ni chief Damon
Pagkatapos kong kainin ang aking pagkain agad naman akong nagpaalam sa kanila
Wala akong sinayang na oras at kaagad na pumunta sa aming dorm. Naalala ko nga pala, may bago daw kaming member sa grupo pero hindi ko pa nakikilala dahil inaasikaso daw pa nito ang pag transfer. Baka bukas ko pa daw ito ma kilala, nagtaka pa nga ako ng mukhang naiinis si Ara
Napangiti naman ako ng tuluyan akong makarating sa aking kwarto. Agad akong humilata doon ngunit kaagad din akong napabangon ng bigla na lamang may sumulpot na babae sa aking kwarto
Napabangon ako at handa na sana itong atakehin ng biglang lumingon sa direksyon ko ang babae
Napahinga na lamang ako ng maluwag na si Miyuri lang pala ang babae
"Miyuri? Ano ang ginagawa mo dito?" agad kong tanong
Binigyan naman niya ako ng matipid na ngiti bago inilahad ng kamay. Napataas na lamang ang aking kilay ng makita ang kwintas doon na may pendant na crystal
"Take it" wika nito
Kinuha ko naman iyon habang puno parin ng pagtataka. "Para saan ito?"
"That's a memory"
"Memory? Paano nakapasok dito? At kanino na alaala?" sunod sunod kong tangon
"It's from someone. Mas mabuti pang itago mo muna iyan. Makakatulong iyan sayo, sa inyo" wika niya
"Saan naman ito galing?" tanong ko muli. "Baka ninakaw mo lang ito?"
Tinaasan naman niya ako ng kilay dahil sa aking sinabi. "Hindi ako magnanakaw, no!" nakataas na kilay niyang saad. "May pera ako, kaya kong makabili ng libo niyan"
Natawa na lamang ako ngunit pansin ko na mukhang nagmamadali siya dahil patingin tingin siya sa kanyang relo
"May problema ba?" hindi ko napigilan na tanong
"I have to go," sabi niya. "Baka magtaka pa si Silver kung bakit ako nawala"
"Bakit?
"Mission," simpleng saad niya. "Listen, Jay! That necklace is important. One day that necklace will be the answer from the past"
Bigla naman niyang inayos ang kanyang pagkakatayo at binigyan ako ng tipid na ngiti
"Kung sa tingin mo na kailangan mo na ng tulong ng kwintas na iyan, isa lang ang dapat mong gawin"
Sumeryoso naman ako at tumango sa kanya. I have to trust her. Mas marami siyang alam compared to me
"Break the crystal, Jay"
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ang tuluyan niyang pagalis habang naiwan akong nag iisa dito sa aking kwarto
Napabuntong hininga na lamang ako bago tiningnan ang kwintas na ibinigay ni Miyuri. Wala naman akong nagawa kundi ang ilagay iyon sa aking drawer bago bumalik sa aking kama
Hihiga na sana ako ng may pumulupot na kamay sa aking bewang. Balak ko na sanang gamitin ang aking kapangyarihan bigla na lamang nagsalita siya
"It's me"
Mabilis na napaharap ako only to see the face of chief Damon. Gulo gulo ang buhok nito habang nakatingin sa akin
Paano siya nakapsok? Kailan pa siya nandito?
Napaiwas naman ako ng tingin ng maalala ang eksena namin kanina. Kung malakas sana ako kanina baga hindi niya nadampian ang labi ko. Tsk!
"Anong ginagawa mo dito?" iwas na tingin kong tanong
Hinwakan niya ang aking chin at pinaharap sa kanya. Halos hindi naman na ako huminga dahil sa lapit ng kanyang mukha sa akin
Ang isa din niyang kamay ay pumulupot sa aking bewang habang unti unting sumisilay ang ngisi sa kanyang labi
"I'm here to own you" mapaglarong wika niya
Bumilis naman ang aking paghinga habang pinipigilan na mapakagat ng labi sa harap niya
"You can't own me, Damon" matigas kong wika
Lumawak ang ngisi niya habang unti unting lumapit sa aking may leeg. Napasinghap na lamang ako ng sinupsop niya ang aking leeg
Una, ininom niya ang dugo ko. Pangalawa, ginalaw niya din ang labi ko tapos ngayon leeg ko naman
Pilit ko na tinutulak ito ngunit dahil nga kulang pa ang enerhiya ko at hindi ko din magagamit ng mabuti ang kapangyarihan ko kaya parang wala lamang sa kanya ang ginagawa ko
Fuck you, Damon!
Minura ko na ito sa aking isipan ng bigla naman itong tumigil sa aking leeg. Hindi ko alam kung ano na ang susunod niyang gagawin ngunit namula na lamang ako dahil sa sunod nitong sinabi
"I can always fuck you, mate"