Chapter 41: The Lost Place

6.3K 316 45
                                    

( Lana Pov )

Nandito kami ni Carl sa opisina ni Silver. Hindi namin alam kung para saan ang pagtawag niya sa amin ngunit mukhang importante

Kanina pa siya seryoso at mukhang may malalim na iniisip. Hindi naman namin alam ang kanyang iniisip at parang blankong papel lamang ang kanyang mukha

"Miyuri said my sister never died" simula niya

Napaderetso naman kami ni Carl ng tingin kay Silver dahil sa kanyang sinabi

"And you actually believe her?" i ask

Tiningnan naman niya ako ng walang emosyon dahilan para makaramdam ako ng panlalamig. Nakakatakot naman kasi talaga ang tingin ni Silver

"You know that i always believe Miyuri," saad niya. "Miyuri have my full trust"

Napahawak naman ako sa aking noo habang si Carl naman ay napabuntong hininga sa aking tabi

"Then what do you want us to do?" Carl ask

May kinuha siya sa kanyang drawer at ipinakita sa amin ang isang larawan. Napataas ang aking kilay ng makita kung sino ang dalawang tao na nandoon sa larawan

"Find their personal information, i need to know"

Hinablot ko ang larawan at ipinakita iyon sa kanya. "Are you serious? Are you even sure na related sila sayo?"

Sumandal siya sa kanyang upuan at hinilot ang kanyang noo bago muling nagsalita

"Miyuri gave me a clue," buntong hininga niyang wika. "Every clue point to them"

Magsasalita pa sana ako ngunit kinuha na ni Carl ang larawan at hinila ako papalabas sa opisina ni Silver

"Carl, what are you doing?" tanong ko. "Gagawin ba talaga natin ang pinapagawa ni Silver?"

"We have no choice, Lana" nababagot na sabi lamang ni Carl

Ayaw ko naman kasing makialam sa mga ganyan na bagay. It's not my thing, hangga't sa maara ayaw kong maki chismis sa buhay ng dalawa na iyan

"Gawin mo mag isa!" untag ko dito

Napabuntong hininga na lamang ito dahil sa akin at mukhang nawawalan na din siya ng pasensya

"Silver believe Miyuri, the least you could do is to trust Silver" pahayag niya. "Sa ganitong paraan natin siya matutulungan"

Napayuko na lamang ako sa sinabi ni Carl. He actually have a point at mukhang wala na akong ibang magagawa pa

( Jay Pov )

Para bang na sa hangin lamang kami na lumulutang lutang sa lugar na ito. Ang mga kasama naman namin ni ate Mae ang sadyang tumitingin sa kapaligiran

"What is this place?" Grey ask out of nowhere

"I've heard about this place before," untag naman ni Chief Vanrick. "This is the lost city called Artia. People think this is just a pure legend but i never knew it's real"

Hindi namin siya pinansin habang lumutang lamang ako papunta sa nakatayo pang kastilyo

Sumunod sa akin si Ate Mae habang kasunod niya ang tatlo. I controll the door at walang hirap na inalis iyon. Walang ingay na bumagsak naman iyon habang lumutang naman kami papasok

Pagkapasok namin ay agad na bumungad ang kumakalawang na loob. Meroon din na iilang isda ang lumalangoy habang ang ibang kagamitan ay sira sira na

Hinayaan namin ni Ate Mae ang tatlo na maglibot libot habang kami naman ni Ate Mae ay pumunta sa gitnang parte kung nasaan ang trono ni Tita

Hidden Controller [Revising]Where stories live. Discover now