Chapter 13: Droplet

7.4K 291 10
                                    

Hindi ako mapakali sa aking upuan simula ng aming klase. Simula ng nakaraang gabi ko pa inaalala ang sinabi ni Silver

Hindi na dapat ako nabigla sa kanyang sinabi dahil talagang may mga oras na gagamitin namin ang aming kapangyarihan. Pero ano ang gagawin ko? I can't show my power? Hindi ko kayang palabasin ang aking kapangyarihan

Lumipas ang mga oras na hindi pa din nawawala ang aking nararamdaman. Natapos na ang klase namin sa history pero heto ako at tulala na nakatingin sa labas ng bintana. Tulala lamang ako na nakatitig sa bumubuhos na ulan

"Jay!" dahan dahan na liningon ko ang taong tumawag sa akin

Nakita ko si Erla na papalapit sa akin. Mayroon itong hawak na bote ng tubig. Binigyan ako nito ng ngiti bago nagsalita

"Pinapatawag tayo ng mga Chief" sa sinabi niya mas lalong kumabog ang aking puso

Nagsimulang mamutla ang aking labi habang nanlamig naman ang aking kamay. Ilang mura na ang nasabi ko sa aking isipan ngunit kumakabog parin ang aking dibdib

"I can't come. Ma-masama ang pakiramdam k-ko" utal kong saad kay Erla

Nabalot naman ng pag aalala ang mukha nito at hinawakan ang aking noo. Mukhang nakumbinsi ko naman ito since namumutla ako

"Sige magpahinga ka na muna ipagpapaalam na lang kita sa mga chief"

Tumango ako hanggang sa pinagmasdan ko na lamang ang papaalis na pigura ni Erla. Tumayo ako sa aking upuan ng hindi ko na makita si Erla

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa ngunit hinayaan ko lamang ito. Hindi ako nakatingin sa aking dinadaanan at hinahayaan ang aking paa sa kung saan man ito makarating

"Jay? Anong ginagawa mo dito?"

Napaangat ako ng tingin ng makarinig ako ng boses. Nakita ko ang aking pinsan na nagtatakang nakatingin sa akin habang mayroong lumulutang na tubig sa kanyang mga kamay

Pinagmasdan ko ang aking kapaligiran at mukhang nakarating ako sa isang terrace ng isang building. Hindi naman kami nababasa dahil mayroon siyang ginawang tubig na bubong

Dumapo ang aking paningin sa kanyang kamay na may tubig at kung paano gumalaw ang bolang tubig sa kanyang mga kamay. Para bang napakalambot na bola noon habang makikita ang perperktong kulay nito na transparent ngunit parang isang crystal kung masisinagan ng kaunting araw

Lumapit ako sa kanyang pwesto at pinagmasdan ang tubig na bubong. Sinubukan ko itong hawakan ng biglang nagsipagtulo sa aking mukha ang iilan resulta ng aking paghawak but i smile ng tumama ito sa aking mukha

"Magpapalabas kami ng aming kapangyarihan"

Nahulog ang bolang tubig sa galing sa kanyang kamay. Tiningnan ko ang kanyang mukha na meroong emosyon na pinapakita ko din kanina

"So? Anong plano mo? Ipapakita mo ba sa kanila? Kaya mo ba?"

Bumalik ang aking mga tingin sa bubong na tubig bago muling napangiti ng mapait dahil sa kanyang mga tanong. Para bang na sa ilalim ako ng tubig habang nakatingin dito like a paradise but i also felt like drowning

Habang nakatitig ko sa bubong na tubig hindi ko mapigilan na hindi mapaisip. Can i possibly show it? Can i control it? Will they remember?

Hidden Controller [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon