Chapter 39: Cursed God

7.7K 321 108
                                    

"Class dismissed"

Napaunat naman ako ng aking mga braso ng matapos na ang aming klase. Tatlong araw na din ang lumipas, tapos na din ang pahinga namin kaya ngayon balik na kami sa pagpasok

"Jay!"

Agad naman akong napangiwi ng marinig ang boses niya. Alam ko na may baguhan sa grupo namin pero ni minsan hindi ko naisip na siya ang magiging bago

"Jay! Tara kain tayo"

Tiningnan ko naman siya ng nakangiwi pero siya ay mukhang masaya pa. Kumikinang pa ang mga mata nito habang nakatingin sa akin

"Umayos ka nga!" wika ko at pinandilatan ito

Ngumuso naman ito sa aking harapan at biglang hinawakan ang aking mga kamay. Napabuntong hininga naman ako at tiningnan sina Ara na papalapit

"Ano ba ang dapat kong gawin sa kanya?" iling na wika ko

Natawa naman si Erla habang piningot naman ni Ara ang lalaki na ayaw bitiwan ang kamay ko

"Umayos ka, Xenley! Masyado ka naman bakla bakla!"

Yes, si Xenley ang baguhan. Muntik ko na nga itong kutusan ng malaman ko na siya ang isa sa magiging parte ng aming grupo

"Ano ba, Ara!? Hindi ikaw si Jay kaya huwag mo akong mahawak hawakan!"

"Ano!?"

Tumayo na lamang ako habang hinahayaan si Ara at Xenley na mag away. Simula ng makasama namin si Xenley hindi na magkasundo ang dalawa, parang aso't pusa lang sila

"Hayaan niyo na nga ang dalawa na iyan. Tara! Punta na tayo sa cafeteria" wika ko at nagsimulang maglakad

Napatigil naman ang dalawa sa pagbabangayan at sumunod sa amin. Hindi na namin sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad

"Hoy! Baka daanan ka ni Chief Damon" sulpot ni Ara. "Ayaw mo bang hintayin siya?"

Tiningnan ko naman si Ara ng masama. Simula ng sinabi ko sa kanila na mate daw ako ni Chief Damon ay hindi na din niya ako tinantanan

"Pakialam ko sa kanya!" inis kong wika. "Manigas siya!"

Bigla naman itong tumawa sa aking tabi at tinapik tapik ang balikat ko. Si na Dixon naman ay mukhang nakikinig lamang

"Huwag ka naman harsh kay future hubby mo," natawang saaad ni Ara. "Baka tirahin ka niya kapag nanigas talaga"

Humagalpak sa tawa si Dixon at si Vishna. Ako naman ay halos mamula na dahil sa pinagsasabi ni Ara, nakakahiya naman kasi ang mga pinagsasabi niya

Lahat na lamang ay ginagawa niyang berde. Paano ko ba ito naging kaibigan?

"Huwag ka naman ganyan, Ara," sabat ni Dixon. "Baka magkalasug-lasog si Jay, mahirap na"

"Syempre pag nagkalasug lasog may magiging malambot" dugtong ni Vishna

Muling nagtawanan ang tatlo habang ako ay namumula na dahil sa hiya. Marami din kasi na mga estudyante ang napapatingin sa amin

"Tumigil nga kayo!" nahihiyang wika ko

Binigyan na lamang ako ng nakakalokong ngisi ng tatlo habang ko ay napasimangot na lamang

Tumalikod na ako sa kanila at nagsimula muli maglakad. Naririnig ko pa ang tawanan nila pero hindi ko na iyon pinansin, bahala sila

"Kami na bibili ni Xenley ng pagkain, maghanap na lang kayo ng mauupuan natin"

Tumango naman kami sa sinabi ni Dixon bago naghanap ng mauupuan. Mabuti na lamang wala pa masyadong estudyante ang nandito kaya nakahanap kami agad

Agad naman kaming dumeretso sa may bakanteng lamesa at umupo sa upuan

Hidden Controller [Revising]Where stories live. Discover now