Chapter 36: Mate

7.4K 372 104
                                    

( Ara Pov )


"Jay is Grey ex fiance"

Nabalot kami ng katahimikan dahil sa aming narinig. Ako naman ay muntik ng mapatampal sa aking noo dahil sa sinabi ng ina ni Grey

Wala naman bumalak na magsalita sa amin lalo na ng maramdaman namin ang tatlong magkakaibang masasama na presensya

Chief Vanrick was smiling ngunit mahahalata na pilit lamang iyon. Ang kanyang mga mata din ay nakatitig kay Grey na seryoso lamang, sa tingin niya pa lamang para bang gusto na niya itong patayin

Napatingin naman ako kay Headmaster Silver na ngayon ay nakayuko lamang at dahil katabi ito ni Dixon na katabi ko, nakikita ko ang nakakuyom nitong kamao na para bang nagpipigil

Napalipat naman ang tingin ko sa katabi ni Jay na si chief Damon. He was seriously glaring at Grey mother. Para bang handa siyang manakal anytime

Ang mga Royalties naman na galing sa Zanvier ay nakatitig lamang sa amin. Hindi sila nagsasalita at nakamasid lamang sa amin

Tumingin naman ako kay Jay na ngayon ay binibigyan ng pilit na ngiti ang ina ni Grey bago napabuntong hininga

Jay, alam ko na mahaba ang buhok mo pero hindi ko naman akalain na napakahaba na pala niyan para makasungkit ka ng tatlo

"Are you with Grey again?" pagbabasag ng katahimukan ng ina ni Grey

Parang nataranta naman si Jay na para bang hindi alam ang sasabihin. Napailing na lamang ako dahil sa mga nangyayari

"No! We're just friend" biglaan na saad ni Grey

Lahat naman kami napatingin kay Grey na ngayon ay nakatitig kay Jay. Para bang may ipinapahiwatig ito na sila lamang na dalawa ang nakakaalam

"Y-yeah. Magkaibigan lang po kami" alinlangan na saad ni Jay

Napasimangot naman ang ina ni Grey. Mukhang gustong gusto talaga ng ina ni Grey si Jay

"Okay, i can wait" ani nito at ibinalik ang ngiti

"Mom!" ani naman ni Grey

"What? A friends can become a lover" wika muli ng ina ni Grey

Napataas na lamang ang aking kilay ng inikutan lamang ni Grey ng mata ang kanyang ina. Bakla ba siya? Kaya ba ayaw niya na fiance si Jay?

Dixon was about to say something ng biglang may lumapit sa amin na dalawang babae. Halos hindi ko maalis ang aking tingin sa kanila dahil sa angkin nilang ganda

"Tita Cassy, we've been looking for you" nakangiting wika ng babae na may kulay blonde na buhok

Nakipagbeso ang dalawang babae na buhok kay Tita Cassy habang kami ni Dixon ay puno ng pagtataka

Who are they?

( Jay Pov )

Napatitig ako sa dalawang bagong dating. It's been a long time ng huli ko silang makita. Hindi parin sila nagbabago, napakaganda parin nila

"Who are they?" biglang tanong ni Dixon

Lahat naman kami napatingin sa kanya dahil sa kanyang tanong. Ako naman ay hindi makapaniwala dahil sa hindi niya kilala sila samantalang kagaya niya naman

"Oh right. Why don't you introduce yourself para naman makilala nila kayo"

Ngumiti naman ang dalawa sa amin ng magtagpo ang mata namin ni Kyla. Lumawak ang ngiti nito ng makita ako bago nagsalita

Hidden Controller [Revising]Where stories live. Discover now