Chapter 3: Goddess of Water

10.1K 374 13
                                    

Pangalawang araw ng klase namin ngayon sa Akademya at hindi ko mapigilan na kabahan dahil sa sinabi sa akin ni Ara kahapon. Todo bantay ako sa aking pinsan na mukhang ipinagtataka nito

Alam ko ang pwedeng mangyari sa oras na malaman nila ang katotohanan sa aking pinsan. Ipinangako ko kay Tita na proportektahan ko si ate Mae lalo na sa kanila hanggan sa kaya ko. Kaya hanggan sa maari dapat iwasan namin sila lalo na siya

Papunta kami sa aming kwarto ng bigla na lamang may nakabunggo sa akin muntik pa akong matumba mabuti na lamang na balanse ko ang aking katawan

Tiningnan ko ang babae na nakabunggo sa akin ngunit tinarayan lamang ako nito at linagpasan. Napailing na lamang ako at humarap ulit sa aming harapan ngunit napapitlag ako ng nasa harap ko na si Sir Terence ang lalaki na pumasok sa amin kahapon na may salamin

"Mukhang dederetso kayo sa silid paaralan ngunit wala sila doon" nangunot naman ang aking noo sa sinabi nito

"Bakit nasaan sila?" tanong ko dito

Pinasadahan ako nito ng tingin bago sinagot

"Nasa silid ng pagsasanay ang mga kaklase ninyo kasama ng mga superior" napatayo naman ako ng maayos sa sinabi nito

"Bakit sila nandoon?" seryosong tanong ko

Napansin nito ang kaseryusohan sa aking boses, binigyan muna ko nito ng nagtataka na tingin bago ako sinagot muli

"Noong isang araw ay may isang palaro sa akademya at ang seksyon ninyo ang nanalo na minsan lamang mangyari kaya nabigyan sila ng opotunidad na makalaban ang mga superior na ngayon gaganapin" explenasyon ni Sir Terence

"Kasali ba kami?" tanong ni Ara na nanginginig

"Oo, kabilang na kayo sa section kaya kabilang na kayo" nabaling ang tingin ko kay Ara na ngayon napatingin sa akin

Agad akong tumakbo at hinanap ang training room, sumunod naman sa akin sina Dixon at Ara habang si Sir Terence ay sinundan kami ng tingin na puno ng pagtataka

"Jay ngayon-" pinutol ko ang sasabihin nito dahil ayaw ko ng may marinig pa

"Ayaw ko ng marinig pa Ara" malamig na tugon ko

"Ano ba ang nangyayari?" nagtatakang tanong naman ni Dixon

"Huwag na muna ngayon Dixon" malamig muli na wika ko

Hindi pa nga kami nagtatagal sa akademya na ito ngunit nasisiwalat na ang lahat. Ang sikreto na dapat ay mukhang mabubunyag pa

"Nasaan si Ate Mae? Kanina ko pa siya hindi nakikita" tanong ko sa dalawa

"Maaga siyang nagising at nauna na umalis sa atin" binilisan ko ang aking takbo ng marinig ang sinabi ni Ara

Agad kong binuksan ang pintuan ng makita na may nakaukit na training room sa may pintuan ngunit natulos ako sa aking kinatatayuan ng makita ang nasa loob

Marami ang nagulat, nakatayo, at ang hindi makapaniwala na nakatingin sa aking pinsan na ngayon ay nakatayo sa gitna habang kaharap ang lalaki na may abong mata ngunit ako ay iba ang nararamdaman

Kaba, iyan ang masasabi ko na nararamdaman ko habang nakatingin sa aking pinsan na ngayon ay may pinapalutang na tubig sa kanyang kamay

"She's a water user"

"She could be the goddess of water"

"Pwedeng hindi din"

"I can't believe this"

Dinig ko ang mga ilan sa mga bulong bulungan nila habang ang Superior ay nakangiti na nakatingin sa aking pinsan

"Jay" tawag sa akin ni Ara

Hidden Controller [Revising]Where stories live. Discover now