Serendipitous Love [Escuadra...

By MizAnonymous04

1.7K 334 8

[On-Going ] A bitchy conyo girl, enough to describe Lei Angelique T. Gibas, oh and also a troublemaker. Not u... More

Characters
SL: Prologue.
SL 1: C.K.B.
SL 2: Oo!
SL 3: Pustahan
SL 4: Sayang
SL 5: Blackmail
SL 6: Choices
SL 7: Trouble
SL 8: Sleepover
SL 9: Talk
SL 10: Reconcile
SL 11: Infinity
SL 12: Silver Anniversary
SL 13: Pinky Promise
SL 14: Eavesdrop
SL 15: Tamiyah
SL 16: Devilish Act
SL 17: Argument
SL 18: Birthday Party
SL 19: Jude
SL 20: Reconcile 2.0
SL 21: Belief
SL 22: Balikat
SL 24: Galit
SL 25: Numb
SL 26: Missing
SL 27: Disturbance
SL 28: Christmas Surprise
SL 29: Run Away

SL 23: When in Baguio

22 1 0
By MizAnonymous04

Ysha's P.O.V.

"Ellie, sino bang kasama natin dito sa room natin?" sigaw ko kay Ellie na nasa may banyo ngayon at naghihilamos ata tsaka nagto-toothbrush. Katatapos ko lang kaya sumunod naman kaagad s'ya.

Nandito ako ngayon sa may balkonahe ng room namin ni Ellie, may isa pa raw kaming makakasama dito ngunit hindi ko alam kung sino.

Ang alam ko'y kasunod lang naman namin kanina si Riel na baka ngayon ay nasa kabilang room na namin ngunit hindi ko alam kung sino ang kasama. Baka 'yung syota? Charot lang, wala nga pala s'ya noon.

Narinig ko ang pagclick ng lock sa bathroom at nang lumingon ako ay nakita ko ang palabas na si Ellie na kaagad din naman akong nahagilap.

"Ahh, si MJ daw." nangunot naman kaagad ang noo ko nang banggitin nito ang pangalan ni MJ.

"Oh, kung si MJ pala, nasaan s'ya ngayon?" sabay lapit ko pa sa kinaroroonan nito.

"Nagsabi sya kanina sa'kin na may kakausapin lang daw s'ya. Hindi ko nga lang alam kung sino. Basta ang sabi niya, susunod din kaagad daw siya. Edi pinabayaan ko na." paliwanag pa niya habang naglalagay ng sunblock sa mukha at mga braso.

"Eh, parang ang tagal na niyang nasa baba, ah?" nag-aalala kong tanong dito.

"Aba, ewan ko. Sabi naman kasi niya 'mabilis' lang daw s'ya, kaya hinayaan ko na. Malay ko bang magtatagal siya ng ganito." paliwanag muli ni Ellie.

Napagdesisyunan ko kaagad na pumunta sa baba para hanapin si MJ.

Saktong binuksan ko ang pinto papunta sa labas ng hotel room ay nakita ko si MJ na nakabusangot ang mukha.

Ano na naman bang nangyari dito?

Magtatanong na sana ako sa kanya nang pigilan niya ako at tsaka s'ya nagsalita.

"Mamaya na'ko magkukwento. Kailangan ko munang maghilamos at magtoothbrush, baka maiwanan ako. Nasa baba na ang iba," sabay lakad nito papasok ng room namin.

Sumunod naman ako dito na kaagad ibinaba ang backpack at padabog na nagpunta sa may bathroom.

Napatingin naman ako kay Ellie na ngayo'y nagsasalita ngunit walang nalabas na anumang ingay sa bunganga nito.

"Anong nangyari doon?"

"Ewan ko?" mahinang tugon ko kasabay ng pagkibit-balikat ko.

"Ysha," pukaw ni Ellie sa akin ngunit may boses ng nalabas sa bibig nito.

"Oh?" maiksi kong tugon.

"Si Riel ba, Dein at Gelay ang magkakasama sa kabilang room?" she said while having a confused expression in her face.

Oh, english yun. Laban? Charot.

"Ang alam ko. Ba't mo natanong?" pabalik kong tanong dito.

"Kaya naman pala. Rinig na rinig ang ingay nilang tatlo dito, eh. Nagsama-sama ang mga bungangera. Nagtataka lang talaga ako kung ba't hindi ka pa sumama sa tatlong 'yun?" tsaka ko lamang na-realize ang mga nabanggit nito sa huling pangungusap.

"Gago ka, ah!" sigaw ko rito na akma pang susuntukin ito.

Si luka naman ay humahagikhik lamang sa isang tabi na animo'y baliw.

"Paano mo naman nalaman na magkakasama ang tatlong 'yun? Aber?" tanong ko dito.

"Bingi ka ba Ysha o nagbibingi-bingihan? Magcotton buds ka kaya muna? Hindi mo ba naririnig 'yun?" sasagot pa sana ako ng pabalang dito nang takpan nito ang aking bibig at unti-unti ay naririnig ko ang mga sigawan sa tabi naming kwarto.

Siguro'y nagtataka kayo kung bakit namin naririnig ang pagsisigawan sa kabila gayong sound-proof ang bawat kwarto dito sa hotel na ito.

Bago ako umalis kanina sa may balkonahe ay nakita kong nililipad ng hangin ang isang kurtina sa may kabilang kwarto sapagkat bukas ang pinto ng balkonahe ng sumunod sa aming kwarto.

Doon yata nakacheck-in ang tatlo kaya rinig na rinig namin ngayon ang pagsisigawan ng mga ito.

"Oh, narinig mo na? Hindi man lang mga nahiya 'noh?" Sabay ngisi pa ni Ellie na ito.

Nga pala, kung kaming tatlo dito at silang tatlo doon sa kabilang kwarto. Pwes, nasaan si Andrei kung ganoon?

Bago ko pa matanong si Ellie ay lumabas na si MJ na babagong hilamos ang mukha at nakabusangot pa rin hanggang ngayon.

Riel's P.O.V.

"Anong sabi mo!? Umamin si Kendrick kay Gelay kaga-- Awch!" Gosh! Ang lakas ng boses! Eh, paano kung marinig siya ni Gelay na nasa bathroom lang! Edi lagot kami! Buti na lang talaga nasa may balcony kami ng hotel room na ito!

"Ba't mo naman tinampal ang nguso ko!? Tangina ka talaga!" sabay haplos pa nito sa kanyang nguso na kakatampal ko lamang dahil sa kanoisy-han niya.

"Eh, Dein naman kasi! Paano kung marinig ni Gelay! Baka nakakalimutan mo, ha? Tulog si Gelay noong mga oras na iyon! She's sleeping that time! At panigurado 'yun lang ang natatanging chance ni Kendrick para umamin! Meaning lang na torpe ang gago!" mahinang pagpapaliwanag ko dito na ikinairap na lang ng kanyang mata. Here she goes again!

"Tsk! Eh, may tanong ako sayo, paano kung manligaw si Kendrick kay Gelay? Payag ka? Boto ka? O ayaw mo? Pipigilan mo?" sunud-sunod nitong tanong sa akin.

"Jeez, wait a minute! Doon sa una mong tanong, ano naman ang gagawin ko kung manligaw si Kendrick kay Gelay? Oo, payag ako! Sino ba ako para pigilan sila, right? Boto? I don't know? Basta huwag niyang lolokohin ang kaibigan natin! Ayaw ko? Kung paglalaruan niya lang ang feelings ni Gelay. Pipigilan ko? Kapag sobra na siyang nasasaktan!" hingal na hingal kong tugon sa mga tanong nito sa'kin.

Magsasalita pa sana si Dein nang biglang sumulpot si Gelay na hindi man lang namin napansin ni Dein na lumabas na pala ng bathroom kaya agad akong kinabahan nang makita ang nakakunot nitong mga kilay habang nagpapalipat-lipat ang mga titig nito sa akin at kay Dein.

"Kanino umamin si Kendrick kagabi? At.. may nililigawan na si Kendrick? Ba't hindi ko alam?" nakakunot ang kilay na tanong nito sa aming dalawa ni Dein.

Huminga muna akong malalim para magsabi ng totoo kay Gelay sa nararamdaman sa kanya ni Kendrick. Alam kong wala ako sa posisyon para magsabi pero... wala na kaming takas ni Dein eh!

"Ang totoo niyan Gelay... Umamin kasi si Kendrick kagabi sa--"

"KAY TAMIYAH!"

"--kay Tamiyah.. teka, kay Tamiyah!?" nagugulat kong tanong kay Dein na ngayo'y ninenerbyos na tumingin sa akin.

Nakita ko naman si Gelay na mas lalong nangunot ang kilay dahil sa aming nasabi. Patay ka sakin mamaya, Dein!

"Umamin kagabi si Kendrick kay.. Tamiyah? At siya.. 'yung balak ligawan ni Kendrick?" ngumuso naman ito at bumusangot ang mukha sa hindi ko malamang ideya kung bakit.

"Ahh, Gelay.. nagseselos ka ba kaya ganyan ang reaksyon mo?" matapang na tanong ni Dein kay Gelay na ikinalisik ng mata nito.

"Nahihibang ka na ba, Dein? Ba't naman ako magseselos? Hindi ako nagseselos. Na.. Na.." kulang na sambit nito kay Dein.

"Na?" tanong ko rito.

"Nagagalit.. tama! Nagagalit lang ako, kasi hindi man lang siya nagsabi na may nililigawan na pala s'ya. Mas nauna niyo pang nalaman, eh ako yung mas close sa kupal na 'yun! U-uuna na'ko sa baba. Bye," sabay labas nito sa balcony at nagdere-deretso patungo sa pinto ng labasan ng room naming ito.

Nang marinig na namin ang pagsarado ng pinto ay hinubad ko kaagad ang isang sapatos ko at mukhang alam na ni Dein ang mangyayari kaya agad-agad itong tumakbo patungo sa salas ng room naming ito at kinuha ang bag tsaka nagtatakbo patungo sa labas.

Ganoon lang din ang ginawa ko at nagtuluy-tuloy sa labas ngunit sa paglabas ko ng hotel room ay nagulat ako nang may tao pala sa harapan ko at hindi ko na napigilan ang aking pagtakbo kaya naman napabagsak na lang ako.

Saktong pagbagsak naming dalawa noong nakabanggaan ko sa sahig ay ang pagbukas ng pintuan ng katabi naming kwarto at kaagad kong nakita ang nanlalaking mata ni Ysha na kaagad naman akong tinulungan sa pagtayo.

Tumilapon ang hawak kong sapatos at nakita ko ito sa tapat ng taong nakabanggaan ko na nakaupo parin hanggang ngayon sa sahig at hawak-hawak ang kanyang tuhod na sa tingin ko'y namimilipit sa sakit ngayon.

Kaagad akong nagtungo sa kinaroroonan nito para tignan ang kalagayan ng "lalaking" nakabanggaan ko.

"A-Ayos ka lang ba?" ang inakala kong ngiti ang sasalubong sa akin ay isang nakakunot na noo habang ang sama-sama ng titig ang sumalubong sa mukha ko na ikinatakot ko.

Aalalayan ko na sana siya sa pagtayo nang hawiin nito ang kamay kong umaalalay sa balikat niya.

Gosh! Siya na nga lang ang tutulungan ko, ayaw pa s'ya!?

"I-I'm sorry, hinahabol ko kasi ang friend ko." paumanhin ko dito na ikinangisi nito.

"Playground ba ang tingin mo dito para makipaghabulan ka? Tsk, next time na tumakbo ka, wag kang patanga-tanga." tsaka ito naglakad na paalis sa tabi ko.

Ang huling kataga na nasabi nito ay ang nagpanganga ng bunganga ko dahil sa pagkagulat.

Nang makalayo itong bahagya ay agad naman kumulo ang dugo ko. Hinagilap ko ang aking sapatos at tsaka naglakad patungo sa direksyon nito.

"Riel, 'wag! Lintek naman, wag nga sabi!" pipigilan pa sana ako ni Ysha nang maibato ko ang aking sapatos na hawak at.. boom.

Headshot. Gosh, Riel ang galing mo talaga.

Nakita ko ang unti-unting paglingon ng lalaking binato ko at bahagya kong nakita sa mata nito ang galit na nararamdaman niya nang dahil sa ginawa ko.

Wow, I'm so afraid naman.

Nagtungo ako sa kinaroroonan nito para humingi ng paumanhin.

"Sorry.." tsaka ko kinuha ang sapatos ko at tinignan ito. "Sorry Nike baby, naibato pa kita nang wala sa oras. Nadumihan ka tuloy. Don't worry, next time. Hinding hindi ko na hahayaang mangyari ito. Na makasalamuha ang isang aroganteng lalaki na katulad mo!" tsaka ko sinuot ang sapatos ko at tinignan ng matalim ang ngayong nakaismid na lalaki dahil sa ginawa ko.

Bago umalis ay ngumisi muna ako at tsaka naghair flip bago tumalikod at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi porque gwapo ka, sasambahin na kita. Dapat ang mga ganyang lalaki, nagpapatiwakal na, hindi na nabubuhay.

Jeez! Agang-aga, nakakapang-init ng blood.

---

[Revised]

~♡[MizAnonymous04]♡~

Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 555 22
[ SAALVADERA SERIES # 1 ] Summer Elena Gonzales always believe that romantic love is not for her. As marriage didn't work with her parents and betra...
29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
44.1K 929 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
2.1M 98.9K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...