LASH (Light and Shadow High):...

Von FiveNocturnals

1.2K 24 0

Kung hindi kayang ipagtanggol, mawawala. Kung hindi kayang pangasiwaan, masisira. Kung hindi sapat ang lakas... Mehr

Panimula: Biringan City
Kabanata 1: Anino
Kabanata 2: Boey
Kabanata 3: Laban sa Poblacion
Kabanata 4: Kasunduan
Kabanata 5: Mga Bagong Estudyante
Kabanata 6: Unang Pagkikita
Kabanata 7: Mall?!
Kabanata 8: A
Kabanata 9: Unang Klase
Kabanata 10: Meow!
Kabanata 11: Kinabukasan
Kabanata 12: Pares [pt. 1]

Kabanata 12: Pares [pt. 2]

66 1 0
Von FiveNocturnals

(random drawing of "Thristan Rostelle" of the Grand GES Team, illustrated by p.)

(Luna's PoV)

"Tubig at apoy?!" sabay naming sabi ni Thristan.

Nagulantang kaming lahat sa pares na ginawa ng principal. Nakita kong mabilisang ngumisi si Ms. Stones bago niya hikayating bumaba si Josie at Christian ng viewing box. Ano kayang balak niya?

"Hindi ako nagbibiro. Bilisan niyo na." malumanay na sabi ni Ms. Stones.

Nagkatinginan si Josie at Christian, mapagtanong at nalilito ang ekspresyon sa kanilang mga mukha. Marahan na ngumiti si Christian kay Josie at ibinalik naman 'to ng pinsan ko. Dahan-dahan silang bumaba papunta sa gitna ng training room.

Pagbalik namin ni Thristan sa viewing box, agad na binati at tinapik-tapik siya ng mga lalaki.

"Galing talaga ni mader Earth." pang-aasar ni ate Xapphrina sa'kin. Pabiro naman akong bumelat pabalik sa kanya; at doon ko lang napansin na nakatingin pa rin si Thristan sa'kin. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya at binaling ang ulo ko sa mga pinsan ko. Binigyan naman ako ni ate Callista ng thumbs-up at maliit na ngiti.

"Hala Ky! Ikaw nalang pati si..." muntikan nang makalimutan ni Xapphrina ang pangalan ng kapares ni Kyshie. Saktong-sakto, nabilaukan si Kyshie sa lollipop na kinakain niya nang makita niya ang katabi niya, "Chance!" gulat at inuubong bati ni Kyshie.

Napahagikhik kami sa kanilang dalawa. Kalmadong bumati pabalik si Chance na para bang wala siyang alam sa pinag-uusapan namin.

Umurong ako papunta sa gitna para makita ko nang maayos ang labanan na magaganap. Huminga ako nang malalim para mabawasan ang pakiramdam ng dumadaloy na adrenaline sa katawan ko.

Nakita ko nalang na may bitbit na spear si Josie. "1... 2... 3..." pabulong na bilang nila ate Kyshie at Xapphrina, "Let's go, Jo!" sabay nilang sigaw pagkatapos ng tatlo.

Tiningnan lang sila ni Jo at seryosong hinarap si Christian. Halatang kinakabahan si Josie sa pagkakakunot ng noo niya; pero nagmistulang handa siya makipagbakbakan sa sampung tao dahil sa tayo niya.

"Ay." nakabusangot si Xapphrina nang hindi sila pansinin ni Josie. "Hayaan mo na. Baka kinakabahan siya," nakangiting sabi ni Kyshie kay Xapp.

"Go!"

Sa isang iglap, nahayo agad ni Christian ang tubig mula sa batis sa training room na mukhang gubat. Nilihis niya ang kamay niya papaharap at agad naman na inatake ng tubig si Jo.

Naglabas naman si Josie ng apoy sa kanyang palad para harangan ang tubig na papunta sa kanya. Sa unang tingin, para bang mahina lang ang apoy dahil sa liit ni Josie; ngunit bigla itong lumaki at napuno ng usok ang kapaligiran.

Tubig at apoy isang malaking lagitik.

Pagkawala ng usok sa hangin, ginamit ni Christian ang tubig mula sa mga ugat ng puno at lupa ngunit bago pa siya makaatake, naglabas agad si Josie ng lumiliyab na apoy. Walang pigil si Josie sa pag-atake kaya naman dumepensa si Christian at ginawang malaking harang ang tubig.

Nainis si Josie. Hinablot niya ang kinuha niyang spear at naglabas siya ng galit na sigaw bago niya ibato 'to kay Christian.

"Luh, agagalet?" bulong ni ate Callista.

Laking gulat naming lahat nang saluhin ni Christian ang spear. Natakot ako bigla sa matapang na tingin ni Christian. Binato niya ang spear sa malayong puno bago niya inapak ang kaliwang paa niya papalikod. Pagtaas niya ng mga kamay niya, gumawa siya ng malaking tornado gawa sa tubig.

Mabilisang tumalon si Josie papunta sa kanan niya. Halos madaplosan siya ng atake ni Christian pero tulad ng porma ni Christian, inapak ni Josie ang kaliwang paa niya sa likod at sa pagtaas niya ng kanang paa niya, naglabas siya ng malaking apoy sa talampakan niya para kontrahin ang tubig na papunta sa kanya. Muling nagkaroon ng makapal na usok at nawala ang apoy at tubig sa ere.

"Woah. Ngayon lang siya paulit-ulit nawalan ng tubig." sabi ni Nick.

"Oo nga," sang-ayon naman ni Leon sa tabi ni Nick, "Sa lahat ng training natin noon, parang hindi pa 'yan nangyayari." tuloy ni Thristan.

Nakita nalang namin ang mga silhouette ni Josie at Christian na nagsusuntukan.

"Aray ko!" sambit ni Josie nang mapatumba siya ni Christian sa sahig. Napapikit ako sa tunog ng paghulog niya. "Ouch." bulong ni Ky.

"Stop," utos ni Ms. Stones. Hinawi niya ang usok sa hangin at nawala ito sa isang iglap. Tinulungan ni Christian tumayo si Josie pero nakasimangot pa rin si Josie kay Christian kaya napatawa ito sa kanya.

"Ky, kayo nalang ni Chance." mahina kong ani sa kanya. Pasikretong tinignan ni Kyshie si Chance pero nakatingin pala 'to sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni ate Ky bago niya iniwas ang tingin niya.

"Good luck, pre. Nakakatakot yung isa diyan." biro ni Nick kay Chance. Tinignan lang siya ni Chance habang kami ni ate Xapp ay napapigil ng tawa.

Pag-akyat ni Christian at Josie, tumayo na agad si Chance kahit wala pang sinasabi si Ms. Stones. Napabuntong-hininga lamang si Kyshie bago niya nginuya ang lollipop at tinago ang stick nito sa bulsa niya. "Siya pa talaga 'no? Paulit-ulit na kaya akong napahiya sa kanya," mahinang sabi ni Kyshie sa'min para hindi marinig ng mga lalaki. Natawa naman kami nila ate Xapp at Calli.

"Ang huling pares natin, Chance at Kyshie." anunsyo ni Ms. Stones.

"Hayst, makakahinga na rin." komento ni ate Xapphrina. Nawala rin ang tensyon sa viewing box pero saglit lang pala 'to. Kinabahan agad ako nang makita kong kumuha ng kutsilyo si Chance sa mga armas at ginaya naman siya ni Kyshie. Ohmygad magsasaksakan nalang sila, ganon?!

Habang naghahanda si Chance at Kyshie, nakita kong nakaakyat na si Josie at Christian dito sa viewing box. "Nice one, pre!" bati ni Nick kay Christian na may kasamang apir pa.

"Si Boss Chance nalang ngayon," ulat naman ni Thristan.

"Galing mo kanina, Jo!" bati ko kay Josie. Ngumiti lang siya at tumabi sa'min para panoorin sila Kyshie at Chance.

Nagharap na si Kyshie at Chance sa gitna ng training ground. Hindi ako masyadong kinabahan dahil alam ko namang kayang-kaya ni ate Ky si Chance eh. Napansin ko nga lang na ang liit tignan ni Kyshie sa tabi ni Chance kahit siya ang pinakamatangkad sa'ming magpipinsan.

"Iba rin 'tong si Kyshie ah." interesadong sabi ni Leon. Mukhang binabasa niya ang mga utak nila dahil sa seryosong titig niya kay Kyshie at Chance.

"Woy! Tantanan mo utak ng pinsan ko!" tapik ni Xapphrina kay Leon. Natawa si Leon bago niya nakita na nakabusangot si ate Xapp, "'Yoko nga! May laman kasi utak niya, di tulad ng sa'yo!" asar ni Leon kay Xapphrina. Lalo namang sumimangot si Xapphrina ngunit natigil ang asaran nila nang sumigaw na si Ms. Stones.

"Go!" hudyat ng principal.

Bumalik ang tensyon sa buong training room nang umatake agad si Chance. Pakanan siyang umikot at pababa niyang binato ang kutsilyo. Umiwas kaagad si ate Kyshie na para bang inasahan niya na 'to. Sa pagtalon niya, tinadyakan niya si Chance na agad namang napaatras.

"Go, Ky!" hiyaw naming magpipinsan.

Sumugod kaagad si Kyshie at dumepensa naman si Chance gamit ang kanyang kutsilyo. Pantay masyado ang lakas nilang dalawa; pero napansin ko lang na hindi nila ginagamit ang kapangyarihan nila.

Unti-unting napaatras si ate Ky dahil mukhang tinotodo na ni Chance ang mga atake niya na paulit-ulit na hinaharangan ni Kyshie. Bigla kami napasinghap ni Josie sa gulat nang mahulog ang kutsilyo ni Kyshie dahil sa abansa ni Chance.

"Hala, tae," kabado kong bulong sa hangin.

Habang wasiwas pa ang titig ni Kyshie, hindi na nagdalawang-isip si Chance na atakehin siya gamit ang kanyang kutsilyo. Bigla naman itong napigilan ni ate Ky gamit ang kaliwa niyang kamay habang inaabot niya ang balikat ni Chance.

Natahimik ang lahat nang magtama ang kanilang mga mata. Agad na naging kulay pula ang mga mata ni Kyshie at naging dark blue naman ang kay Chance. Doon ko lang naalala na halos parehas nga pala sila ng kapangyarihan. Kinilabutan ako kahit nakatayo lang sila at tinitignan ang isa't isa sa mga mata.

"Boss Chance..." dinig kong sabi ni Thristan na para bang nag-aalala siya.

Nabitawan ni Chance ang kutsilyo niya. Unti-unti siyang namutla habang si ate Kyshie naman ay humihindik na. Napatakip ako ng bibig nang makita ko ang luha mula sa kaliwang mata ni Kyshie. Pagkatapos ng ilang segundo, sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ni Kyshie sa kanyang pisngi.

Tulad ni Josie at Christian, isang malaking lagitik ang mga kapangyarihan ni Chance at Kyshie. Gayunpaman, kahit hindi nila maitodo ang paggamit nito sa isa't isa, pursigido pa rin silang naglaban.

"Tigil!" sigaw ni Ms. Stones.

Sabay-sabay kaming lahat na napabuntong-hininga. Hindi namin namalayan na pinipigilan pala namin ang paghinga namin sa huling segundo ng kanilang laban. Napaluhod si Chance at Kyshie sa sahig habang pilit nilang hinahabol ang kanilang hininga.

"Ang intense n'on ah," sabi ni Leon. Napatango lamang si Xapphrina at Nick sa kanya habang si ate Calli ay mukhang nag-aalala kay ate Ky.

Nakita ko naman na may dalawang baso ng tubig si Christian. "Gusto mo?" alok niya kay Josie. Tinaasan siya ng kilay ni Josie at mukhang nandiri siya, "Ha? S'an galing 'yan?" sagot naman ni Jo. Namula ang mga pisngi ni Christian nang maintindihan niya ang iniisip ni Jo. "Huh—? Hindi! Ayun o, may water dispenser," turo ni Christian sa likod niya.

Kumunot ang noo ni Josie pero tinanggap niya naman ang baso ng tubig. "Kala ko kung s'an galing eh. Salamat," ani niya.

Binalik ko ang titig ko kila ate Kyshie at Chance. Nagkatinginan sila at sa madalang na panahon, napangiti si Chance. Ngumiti rin si Kyshie pabalik bago siya natawa habang pinupunasan ang luha niya. Tumayo si Chance at inalalayan si Kyshie sa kanyang mga paa.

"Sorry." hindi nila sinasadyang sabay sabihin sa isa't isa. Nagtawanan uli silang dalawa bago nila ibalik ang mga kutsilyo sa pagpipiliang armas.

Bumalik na silang dalawa sa viewing box at inutusan kami ni Ms. Stones na tabihan ang mga kapares namin. Pagtingin ko kay Thristan, nakangisi na 'to sa'kin kaya naman inirapan ko siya.

"Hoy, Thristan. Tigil-tigilan mo 'ko sa mga ngiti mong 'yan, ah." bulyaw ko sa kanya. Natawa naman siya at kahit ayaw ko, bumilis ang puso ko. "Bwisit! 'Wag marupok, Luna!" sigaw ng utak ko.

"Bakit? Naffall ka na ba sa'kin?" mapaglaro niyang sagot pabalik. Sinamaan ko siya ng tingin pero ayaw makisama ng mga namumula kong pisngi sa hiya.

"Hoy! 'Wag nga kayong maglandian sa harap ko. Pag-uuntugin ko kayong dalawa!" sita ni ate Xapphrina na nakatayo pala sa likod namin ni Thristan. Natawa lang si Leon sa tabi ni ate Xapp at todo naman ako sa pagtanggi.

"Hindi ko nilalandi 'yan 'no!" masamang tingin ko kay Thristan. Nagpeke-pekean naman siyang nasaktan sa sinabi ko nang sumimangot siya.

"Aw, I wish you did though." mahinahon at seryosong sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang sagutin pero parang may nakahawak sa dila ko na nagpipigil sa'kin. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at 'di na nawala ang pamumula ng mga pisngi ko.

Lalo akong napahiya nang mapansin niyang nagulantang ako sa sinabi niya. Pasalamat nalang nang ibaling niya ang tingin niya sa iba habang humahagikgik siya.

"Grand GES team," tawag ni Ms. Stones. Natahimik kaming lahat at tinoon ang pansin sa kanya. "Simula ngayon, trabaho niyong bantayan ang kapares niyo kapag training. Makikilala niyo ang mga coach niyo sa susunod na linggo. Maaari na kayong magpahinga."

Aalis na sana kami nang may marinig kaming palakpak at mga yapak sa hagdanan ng viewing box. Nagulat kami nang bumungad sa harap namin si Mr. Oh. Base sa ekspresyon niya, mukhang napanood niya ang laban namin sa kung ano mang CCTV.

"Pagbutihin niyo pa. May rason kung bakit kayo ang pinili namin."

Kumalabog ang puso ko. Ngumiti lang si Mr. Oh pagkatapos niya sabihin 'yon sa'ming lahat. Lalo lang akong kinabahan nang tignan niya 'ko sa mga mata, at naintindihan ko na para sa'min talagang magpipinsan ang mga salita niya.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

371K 27.6K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
60.1K 1.8K 65
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
27.9K 595 28
Fara Quezon, isang sikat na story writer. Wala siyang ibang gusto kundi ang gumawa ng iba't ibang klase ng story, she's obsessed with her hobby. Hang...
9.9M 494K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...