ONSE ELEMENTOS

By BisayangAuthor1

55.3K 2.7K 607

(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first fo... More

Author's Note
Prologue: ONSE ELEMENTOS
1: ONSE ELEMENTOS
2: ONSE ELEMENTOS
3: ONSE ELEMENTOS
4: ONSE ELEMENTOS
5: ONSE ELEMENTOS
Author's Note
6: ONSE ELEMENTOS
7: ONSE ELEMENTOS
8: ONSE ELEMENTOS
9: ONSE ELEMENTOS
10: ONSE ELEMENTOS
11: ONSE ELEMENTOS
12: ONSE ELEMENTOS
13: ONSE ELEMENTOS
14: ONSE ELEMENTOS
15: ONSE ELEMENTOS
16: ONSE ELEMENTOS
17: ONSE ELEMENTOS
18: ONSE ELEMENTOS
19: ONSE ELEMENTOS
20: ONSE ELEMENTOS
21: ONSE ELEMENTOS
22: ONSE ELEMENTOS
23: ONSE ELEMENTOS
24: ONSE ELEMENTOS
25: ONSE ELEMENTOS
26: ONSE ELEMENTOS
27: ONSE ELEMENTOS
28: ONSE ELEMENTOS
29: ONSE ELEMENTOS
30: ONSE ELEMENTOS
31: ONSE ELEMENTOS
32: ONSE ELEMENTOS
33: ONSE ELEMENTOS
Author's Important Update
34: ONSE ELEMENTOS
35: ONSE ELEMENTOS
36: ONSE ELEMENTOS
37: ONSE ELEMENTOS
38: ONSE ELEMENTOS
39: ONSE ELEMENTOS
40: ONSE ELEMENTOS
41: ONSE ELEMENTOS
42: ONSE ELEMENTOS
43: ONSE ELEMENTOS
44: ONSE ELEMENTOS
45: ONSE ELEMENTOS
Shout Outs!!!
Special Chapter?
(●♡SPECIAL CHAPTER♡●)
(●♡SPECIAL CHAPTER♡●)
(●♡SPECIAL CHAPTER♡●)
(●♡SPECIAL CHAPTER♡●)

Epilogue: ONSE ELEMENTOS

946 36 9
By BisayangAuthor1

Alexyz' P.O.V

Matapos ang madugong labanan namin ay sa wakas naging maayos ang aming buhay, hindi man namin napatay si Fe ay alam kong may tamang panahon para sa kanya. Unti-unti kaming lahat bumabangon dahil sa pagkawala ng mahal namin sa buhay. Kahit hindi maganda ang hiwalayan namin ni Justin ay hindi ko maitanggi na naging masaya ako sa kanya, pinuno niya noon ang buhay ko ng kanyang matatamis na pagmamahal at hinding-hindi iyon mawawala sa puso ko. Nawalan ako ng isang Justin na bawat segundo ay nandito lang sa tabi ko at pinapasaya lang ako. Nawalan din ako ng Prof June na noon pa pala ay tumutulong na sa akin para maprotektahan ako, maprotektahan ako sa tunay na kalaban.

Nandito kaming lahat sa tabi ng dagat; ang Onse Elementos, Sina Tita Mitch at Tito Bernard, Apat na pinili ng propesiya, Sir Laude at pamilya ni Prof June.

"Prof June, nasaan ka man ngayon gusto ko lang ulit magpasalamat sa lahat-lahat na ginawa mo para sa akin. Mamimiss kita Prof!" malungkot na sabi ko at dinadama ang lamig ng paligid.

"Papa..." Panimula ni Teo. "Salamat po s-sa pagkupkop sa akin. Salamat dahil naging masaya ako dito kapiling kayo, S-sana maging masaya ka kung saan ka man ngayon. Hinding-hindi kita makakalimutan P-papa!" humahagulgol na sabi ni Teo habang yakap ang urn.

Isa-isa ring nagpapasalamat ang onse elementos at ang asawa ni Prof. Habang pinakawalan ang abo ni Prof June ay lumamig lalo ang buong paligid. Nakangiti ako ngayon dahil alam kong nasa tabi lang namin si Prof June. Nang matapos na ay nagpasya na kaming umuwi na para mapag-usapan ang mga bagay na hindi pa tapos.

"Okay ka lang?!" Tanong ni Ace sa'kin. Hinaplos niya ang likuran ko sabay ayos ng nakalugay kong buhok.

Ngumiti ako. "Okay lang ako," mahinang sabi ko. 

Hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari, may mas nagawa pa sana ako. Nang nakarating na kami sa bahay ay agad akong sinalubong ni Lia ng yakap.

"Ito ang unang beses na yakap kiita matapos ang gulong nangyari... Miss na miss kita Lumi," sabi niya at muli akong niyakap.

"Ako din, miss na miss ko ang matalik na kaibigan ko," sabi ko.

Nasa roof top kaming lahat na mga elementos. May importante kasi akong ipagtatapat sa kanila na noon ko pa tinatago.

"Sorry!" Panimula ko. Tila lahat sila ay natahimik at napalingon sa akin ang atensyon na kanina ay abala sa pangungumusta.

"Kanino ka nag so-sorry?" Tanong ni Belle.

"Sayo... Sa inyo, sa lahat," diretso kong sagot. Napa hinga ako ng malalim at nalito kung saan at paano ako magsisimula.

"Bakit Lumi?!" Tanong ni Lia.

"Noon pa man ay nagsisinungaling na ako sa i-inyo!" Sabi ko at tinignan ko si Belle. "Belle sorry at tinago ko ang katotohanan sa iyo." Sabi ko.

"Ano ba ang ibig mong sabihin Luminous?" Nakakunot na sigaw na nitong si Windy.

"Naalala niyo ba ang pangyayari sa masquerade ball?" Tanong ko at iniisa-isa silang tinignan at tumango naman sila. "Pagkatapos ng pangyayaring yun ay may naalala na ako, maybe it's a half of my memory... Nakilala ko na ang sarili pero nung na ay hindi ako naniniwala. Tinago ko iyon dahil nangako ako sa sarili ko na... Sina Tita Mitch lang ang pamilyang pasasalamatan ko buong buhay, dahil sila lang ang meron ako noon. Alam kong napakaselfish ko pero yun ang d-desisyon ko." Sabi ko at yumuko ako.

"Sa panahon bang nagtatanong ako sayo tungkol sa mga nararamdaman ko ay alam mo na lahat iyon?" Tanong ni Belle at tumango ako dahan-dahan. "B-but why?!" Tanong niya.

"Ayokong madamay ka pa Belle... Ayokong may masaktan." Sabi ko at natahimik siya.

"Pero Xyz, may karapatan akong malaman ito." Mahinahong sabi niya.

"A-alam ko iyon... Hindi ko kasi inakalang ganito ang mangyayari. T-tsaka... Naging duwag akong umamin sa inyong lahat, hindi ko alam kung bakit." Mahinhin kong sabi.

Ramdam kong nilapitan ako ni Lia kaya tinignan ko siya. Niyakap niya ako at niyakap ko siya pabalik. Sa lahat ng kasama ko, si Lia lang talaga ang nakakaintindi sa akin, kahit nasa Brahmanda pa kami.

"Hindi lang si Lumi ang may tinatago," sabi ni Lia at napatingin ako sa kanya. Napakunot ang noo ko at ngumiti lang siya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin Lia?" Tanong ni Ace.

"S-sino pa ang may tinatago diyan sabihin niyo na ngayon. Akala ko ba sina Teo at Frean lang, pati ba naman kayo!" Galit na sigaw ni Windy sa amin.

"Windy please!" -Oddyssa

"Go Lia, sabihin mo na." -Frean

"A-alam kong may n-naalala na si Lumi noon, dahil sa tuwing magkikita kami ay alam kong nagsisinungaling siya." Sabi niya at naalala ko bigla na ability niya pala ay Lie Detector. "Hindi ata naalala ni Lumi na isa sa ability ko iyon." Natawa siya.

Bakit hindi ko naisip yan noon?

"Hindi ko rin sinabi sa inyo dahil alam kong may magandang rason siya upang itago iyon sa inyo, it's not my story to tell. Kaya hinayaan ko siyang itago iyon. Kaya patawad sa inyo," sabi ni Lia.

Niyakap ko siya bilang pasasalamat at niyakap niya ako pabalik. Tumahimik ang paligid at ang lahat ay natulala, dahil na rin siguro sa sinabi namin ni Lia.

"Bakit hindi mo naisipang sabihan si Lia? Eh alam mo namang mapagkakatiwalaan mo siya?" Tanong ni Ace.

"Wala akong lakas na loob upang makalapit sa kanya noon dahil pinagdududahan ko pa rin ang sarili ko, pero nagparamdaman naman ako sa inyo." Diretsong sabi ko.

"Huh?" -Mace

"Paano?" -Iggy

"May pinadala akong kahon sa inyo, kulay itim. Puno ng litrato niyo at may mga mensahe pa." Paliwanag ko.

"Teka may kukunin lang ako," paalam ni Ace.

Nang nakabalik ay may mga dala na siyang kahon, iyon ang kahon na pinabigay ko kay Kiara sa kanila.

"Ito ba?" Tanong ni Ace sabay labas ng mga gamit.

Tumango ako at nilapitan siya. Tinignan ko ang mga bagay na nasa loob. Hindi lahat ng gamit sa loob ay sa akin, napakunot ang noo ko dahil wala nama akong pinadalang mahabang papel maliban sa mga litrato. Nakita ko ang isang liham.

"Ang sabi sa liham mo, tsaka lang namin basahin kapag kumpleto na tayo kaya ngayon ko lang naalala ulit ito." Sabi ni Ace.

"Teka, wala akong pinadalang liham, mga pictures lang." Sabi ko naman. Hindi makapaniwala si Ace.

"Eh, sino ang nagbigay niyan?" Tanong ni Belle.

"Si Kiara lang naman ang humawak kasi sa kanya ko binilin yan." Dagdag ko.

Naging tahimik kaming lahat. Wala akong bakas na hinala, impossible namang si Kiara na wala naman siyang alam. Tumikhim si Teo at nabaling sa kanya ang atensyon namin.

"Ang mas mabuti pa, hindi na muna natin yan babasahin dahil hindi pa natin alam kung sino ang nagbigay. Tsaka kung ano man yan ang tinatago niyo, ang mas mahalaga ngayon ay nalagpasan natin ito. We all deserve to be forgiven, we all deserve to have second chances. Kaya okay lang Lumi at Lia," sabi ni Teo at kinahinga namin ng maluwag.

Salamat sa lahat Gani!

8 months after

Ang lahat ng problema ay malalampasan kung ito ay pagtutulungan at hindi sinosolo. Walong buwan ang lumipas, nakabalik ang lahat sa Brahmanda, nag-eensayo na sa paparating na ritwal. Puno ng galak ang namumuhay sa Brahmanda nang nakita nila ang kompletong onse elementos. Nabuhayan sila ng pag-asa na maibalik ang dating Brahmanda, ang dating Brahmanda na maganda ang paligid, masasayang tao ang naninirahan, at walang pangamba na iniisip.

Kasalukuyang nag-eensayo ang mga elementos nang dumating ang apat na may busilak ang kalooban. Sina Dark, Leilani, Azura at Aiden. Sila ang napiling tagasunod ng onse elementos, at ang propesiya mismo ang pumili sa kanila. Sumama sila sa pag-eensayo at masaya silang lahat na nagtutulungan. Bigla nalang nahimatay si Azura, at kinabahan silang lahat.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Uno kay Diyes. Kapatid ni Diyes si Azura.

"Hindi ko alam Uno, parati nalang siyang nahihimatay at paggising niya ay umiiyak siya." Sagot nito.

Natigil ang pag-eensayo nila dahil hinintay nilang magising si Azura. Maya-maya ay nagising na siya at nakatunganga at walang mailabas na salita.

"O-okay ka lang ba Azura?" Tanong ni Uno.

Niyakap siya ni Azura, "Pwede mo bang sabihin sa akin Ate Lumi, hindi mo kami iwan ulit." Luhang sabi nito.

Kinabahan silang lahat sa sinabi ni Azura. Hindi maipaliwanag na reaksyon ang pininta sa kanilang mga mukha.

"A-anong ibig mong sabihin na iiwan ulit?!" Kabadong tanong ni Onse.

"May plano ka bang iwan kami ulit ate Lumi?!" Seryosong tanong nito.

"H-ha?! Bakit ko naman yun gagawin Azura?" Buntong hininga siya. "Gagawin pa namin ang ritwal, nandito na ang pamilya ko... Kaya ba't ako aalis pa?" Tanong niya pabalik.

"Naku Zur, umuwi ka na muna sa bahay at magpahinga ka. Kung ano-ano pa yang sinasabi mo! Pinakakaba mo kami." Sabi ni Diyes.

"T-teka!" Pagpigil ni Fourth. "Anong napanaginipan mo Azura, ba't mo nasabing aalis si Uno?" Tanong nito.

"A newly world Brahmanda, peaceful one..." Napatigil siya. "M-may sumpa itong mundo natin!" Takot na sabi niya at tumingin sa paligid.

"Anong sumpa?!" Tanong ni Dos.

"Yun ang hindi ko alam Kuya Dos... Patawad at hindi kita masasagot jan," sabi nito.

Nagpasya si Diyes na pauwiin muna si Azura para makapag pahinga. Sinamahan siya ng mga kaibigan niya. Pag-alis nilang apat ay halata na natahimik si Uno, kinakabahan. Nilapitan siya ni Dos.

"Wag mo nang masyadong isipin ang sinabi ni Azura... Nagkamali lang siguro siya!" Sabi ni Dos.

Hindi mapalagay si Uno, "Walang panaginip ni Azura na naging palpak. Lahat ay naging totoo," hinarap niya si Dos. "What if... aalis nga ako?!" Tanong niya kay Dos.

Niyakap siya nito, "Hindi pwede... Hindi kita papayagan, sapat na iyong dahilan para hindi ka aalis." Ngumiti si Uno.

Pumunta sila sa bahay katanungan upang itanong ang mga bagay-bagay. Mausisa din si Uno sa kaya sila pupunta doon. Pagdating nila ay tahimik ang bahay katanungan.

"Inang Babaylan!" Tawag nila.

"Kami po ito, mga elementos!" Sigaw ni Uno.

"Inang babaylan, may itatanong lang kami." Sigaw naman ni Fourth.

Lumabas si Inang babaylan at ngumiti ito. Kinabahan naman sila nang biglang sumulpot sa harap si Inang babaylan.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?!" Tanong nito.

"A-ahh si Azura kasi may nasabi tungkol sa mangyayari!" Sabi ni Dos.

"Anong mangyayari kuno?!" Tanong niya. Ngumiti.

"Sabi niya may sumpa daw itong mundo natin." Sabi ko. "Totoo po ba?" Tanong ko.

"Matagal ko nang alam na may sumpa ang mundo natin ngunit hindi ko iyon pinansin dahil nabuo na kayong mga elementos." Sabi niya.

"Ano po ba ang sumpang iyon?" Tanong naman ni Tres.

"Patawad, ngunit hindi ko iyon masabi sa inyo." Sabi niya at tumingin kay Uno. "Ako'y paparusahan."

"Sino ang magpa-parusa?" Tanong naman ni Uno.

Hindi na nagsalita pa ang Inang Babaylan at bigla nalang naglaho. Wala na silang magawa kaya lahat sila ay bumalik na sa pag-eensayo. Pinag sa walang bahala na muna ni Uno ang sinabi ni Azura at kay Inang Babaylan. Nang lumapit ang isang kawal sa kanila ay tumigil muna sila.

"Mga mahal na elementos, pinatawag kayo ng Amang hari sa harap ng palasyo. Maraming salamat!" Sabi niya at umalis din.

Lahat sila ay pumunta doon at naghihintay na lumabas ang Hari ng Brahmanda. Tumayo sila at yumuko nang lumapit ito sa kanila.

"Masaya akong makita ang kumpleto kong Elementos... Bukas na ang takdang panahon para sa ritwal, inaasahan kong handa na kayo nito at sigurado akong magagawa ninyo ng maayos ang ritwal upang mamuhay na ang lahat ng taong naninirahan sa Brahmanda." Mahabang sabi nito.

"Makakaasa kayo Ama!" Sabi ni Uno.

"Gagawin po namin ang sinasabi sa propesiya." Dagdag ni Dos.

"Salamat at ako'y lalaho na," paalam ng hari at bumalik na sa palasyo.

Kinabukasan ay maaga silang naghanda para sa ritwal. Lahat ng naninirahan sa mundong Brahmanda ay pinapasok sa kanilang mga tahanan dahil gagawin na ang nakasulat sa propesiya. Ang onse elementos lamang ang tanging nasa labas dahil sila lamang ang makakagawa ng ritwal.

"Kaya natin ito!" Sabi ni Uno.

"Light Element Power Activate!" -Uno

"Darkness Element Power Activate!" -Dos

"Water Element Power Activate!" -Tres

"Fire Element Power Activate!" -Fourth

"Air Element Power Activate!" -Fifth

"Earth Element Power Activate!" -Cinco

"Ice Element Power Activate!"  -Seven

"Cosmic Element Power Activate!" -Otso

"Telekinesis Element Power Activate!" -Siyam

"Time Element Power Activate!" -Dyes

"Electricity Element Power Activate!" -Onse

Activated na ang lahat ng kapangyarihan nila. At naghahanda na sa ritwal. Kumanta na sila para sa unang bahagi ng ritwal.

"Kos benediktos deyo, benediktos kos deyo!" Sinimulan ni Uno.

"Kos benediktos deyo, benediktos kos deyo!"

Kinanta nila ito pabalik-balik at unti-unti nang lumalabas ang nakatakda. Mas nilakasan pa nila ang pagkanta nila para makalabas na ito ng tuluyan.

"Lambida umbura simpakaaa!" Sigaw nilang lahat at unti-unti nang nagbabago ang paligid.

Naging makulay ang buong paligid. Bumabalik na sa dati ang Brahmanda, unti-unting lumalabas ang mga tao. Tumatalon, Sumisigaw dahil nakamit na ang dating Brahmanda na nakasanayan nila. Lahat sila ay masaya at napagtagumpayan nila ang ritwal.

"Nagawa na'tin!" Masayang sigaw ni Fourth.

"Uno, anong nangyari sa katawan mo!" Nakaturong sabi ni Dos kay Uno.

Unti-unting lumalaho ang katawan ni Uno. Lahat sila ay napatingin dito. Walang ideya si Uno sa nangyayari sa kanya. May nagsalita sa kung saan.

"Nangyari na ang nasa propesiya!"

"Pero paano ito mapaliwanag?..." Tanong ni Dos.

"Dahil sa uhaw na makuha ang palasyo, ninakaw sa mga kamay ng palasyo ang libro, kinuha ang huling pahina at sinunog ito. Ito ang naging sumpa sa Brahmanda at walang nakakaalam nito."

"Ano yung nasa huling aklat?!" Tanong ulit ni Dos.

"Maaaring magawa ang ritwal kahit hindi kumpleto ang Elementos ngunit may mawawala sa inyo..."

"Kumpleto na naman kami?" -Tres

"Yan ang nilakihan niyong paniniwala ngunit isa lang itong kasinungalingan. Ito'y sinekreto sa amang hari at inang reyna. Sa katunayan, labing dalawa kayong elementos, nawala ito sa isipan ng mga taga rito dahil may gumawa ng bagong huling pahina... Kaya patawad, naibalik niyo na ang dating Brahmanda ngunit mawawalan na kayo ng kasama."

Naglaho ang boses ng babae at si Uno ay unti-unti na ring lumalaho. Hindi nila lahat naiintindihan ang sinabi ng isang boses.

Tumakbo palapit ang Hari kay Uno at umiyak, "Patawarin mo ako anak... Hindi dahil sa kagustuhan ko, patawad. Ako ang may kasalanan sa lahat, kung di dahil sa akin hindi ka nagkaganyan. Hindi ko inaasahan na ikaw mawawala!"

"Unooo!" Sigaw naman ng inang Reyna.

Ngumiti ng pilit si Uno. "Ama, maiintindihan ko..."

"Uno... May magagawa pa tayo!" Pagmamakaawa ni Dos.

"Ang propesiya ay propesiya, hindi na iyon mababago. Sana maging masaya kayo dito kahit wala na ako. Alagaan mo ang sarili mo at si Dark. Laging mong tatandaan, mawala man ako dito, hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo." Sabi niya at niyakap si Dos kahit hindi na siya gaanong mahahawakan.

"Hindi ito maaari! Hindi ko kaya, wag kang umalis. May magagawa pa tayong paraan, may magagawa pa tayo." Natataranta na sabi ni Dos.

Ngumiti lamang si Uno hanggang sa naglaho na siya na parang bula. Ang nakasaad sa propesiya ay nangyari na. Wala nang makapabago doon. Hindi mapalagay na umiyak si Dos, nilapitan siya ni Sixth. Binuhos niya pa ang luha niya.

"Talaga bang wala na siya Sixth?" Umiiyak na sabi ni Dos.

"Tahan na Dos, malalampasan din natin ito." Sabi ni Sixth.

Dumating sina Azura at Leilani. Hinahanap nila si Uno pero huli na ang lahat at wala na si Uno.

"Ate Lumi, sabi mo hindi ka aalis ulit!" Sigaw ni Azura.

"Ate Lumi!" Sigaw naman ni Leilani sa paligid. "Ate Lumi, wag mo kaming iwan ulit. Sabi mo magsasama pa tayo ng mahaba pa, Ate Lumi ang daya mo."

"Lei, tahan na! Nasa paligid lang parati si Ate Lumi mo. Ayaw niyang makita kang nagkaganyan... Hindi mo lang alam gaano ka niya kamahal..." Sabi ni Onse habang umiiyak.

Ang kaharian ng Brahmanda ay nabalot ng lukot matapos ang nangyari. Hindi man nila inaasahan iyon, ay wala silang magagawa.































Ang akala nilang tapos na ang lahat ay nagkamali sila. May babaeng tumakbo palapit sa ginagawan ng ritwal at nilabas ang kapangyarihan nito.

"Ether Element power Activate!" Sigaw ng babae.

Pinunan niya ang kulang bahagi ng ritwal at unti-unting umiilaw ang estatwa.

"K-kiara?!" Nasambit ni Onse bigla.

"Belle!" Sabi niya at niyakap niya ito.

"P-pero wala na si Alexyz," malungkot na sabi ni Belle.

"P-anong?... Huli na pala ako?" Nanginginig na sabi nito.

Naliwanagan ang lahat ng tao sa Brahmanda. Dahil kumpleto na ang Elementos, Ang tanging hiling nila ay bumalik si Uno. Naghintay pa sila ng ilang oras, nagbabakasakali na bumalik si Uno. Nang nagtagal, nagpasya na ang palasyo na manumbalik na sa isa-isang bahay nila. Kaya napilitan na silang umalis. Nagpaiwan si Dos at hindi nagsasalita.

Kinabukasan ay bumalik silang lahat kung saan nangyari ang ritwal, nagbabakasakali pa rin  na bumalik si Uno. May ibang ginagawa rin si Kiara upang maibalik niya si Uno.

"Wala na talaga tayong pag-asa," mahinang sabi ni Otso.

Hindi sila umalis sa kinaroroonan nila, wala silang ibang iniisip kundi ang makabalik si Uno.

"Ang mas mabuti pa, sa palasyo na lang tayo maghintay." Pag-aaya ni Onse.

"T-teka!" Sabi ni Aiden.

"Halika na Aiden, tanggapin na natin ang katotohanan na..."

"Ate Lumi!"

Tumingin ang elementos sa sigaw ni Aiden at nakita nila si Luminous na nakangiti. Nilapitan nila ito at niyakap ng mahigpit.

"Akala ko iiwan mo na ako!" Sabi ni Dos. "Salamat Gani!"

Ngumiti si Uno, napansin niya si Kiara sa likod at yumuko siya.

"Mahal na prinsesa!" Sabi niya at pinagtataka nilang lahat. "Magbigay puri sa tunay na prinsesa ng Brahmanda!" Sigaw ni Uno at sinunod naman siya ng lahat.

"No... Alexyz please!" Sabi ni Kiara. "I am not belong to Brahmanda anymore, wala na akong pamilya dito." Dagdag niya.

"Sorry... Sorry dahil sa angkan ko ay nawala kayo sa trono." Iyak na sabi ni Uno kay Kiara.

"Hindi ka dapat nagsosorry, kung ako man ang umupo ngayon sa trono... Wala na ang Brahmanda, please tahan na!" -Kiara

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dumating ang araw sa seremonya na at pinasalamatan ng palasyo ang mga elementos at pinakilala sa harap ang ika-labing dalawang elementos.

"Ether Element! Ang Huling Elemento ng Brahmanda. Isa siya sa nakatakda sa propesiya, isa sa nawawalang elementos." Anunsyo ng inang Babaylan.

"Handa akong bumaba sa pwesto dahil sa nagawa kong kasalanan. Patawad sa inyo dahil nagawa ko iyon," sabi ng hari.

"No need!" Diretsong sabi ni Kiara. "I am Kiara, the Ether Element. At di ko gustong bababa ng trono ang amang hari." Sabi niya sabay yuko.

"Ang lahat ng tao ay nagkakamali, at ang lahat ng tao ay bibigyan ng isa pang pagkakataon. Sapat na iyon," sabi ni Kiara at ngumiti sa lahat. "Salamat sa inyong angkan, napaganda ninyo ang Brahmanda."

"Salamat!" -amang Hari.

Nasa harap na ang Dose Elementos at pumapalakpak ang buong populasyon sa Brahmanda.

"Uno!"

"Dos!"

"Tres!"

"Fourth!"

"Cinco!"

"Sixth!"

"Seven!"

"Otso!"

"Siyam!"

"Diyes!"

"Onse!"

"Dose!"

Matapos nilang mag activate lahat ay lumiwanag ang kalangitan.

"Ipagmamalaki kong ipakilala sa inyo ang aking Dose Elementos... Mahusay ninyong napagtagumpayan ang iyong misyon at maibalik ang dating Brahmanda." Sabi ng hari.

Matapos ang seremonya, naninirahan na sila ng matiwasay. Humingi na rin si Dos ng pahintulot na mapapangasawa si Uno. At nakuha ni Dos ang matamis na sagot ng Hari.

"Manirahan kayo ng matiwasay at magbinhi ng masiglang mga anak. Kayo ay kasal na, sa pamamagitan ng pahintulot ni Gani. Dos, maaari mo nang halikan ang mahal mong si Uno."

"Hahahahahahahahaha!"

May bigla silang narinig na tawa galing sa kung saan.





"Fe?!" Sigaw nilang lahat.






~WAKAS~







Please Vote and Comment below👇
Follow niyo na rin ako guys.
READ AND BE A FAN. Labyuuuu all <3

Continue Reading

You'll Also Like

4.1K 91 16
This is an ordinary love story, with an extra ordinary twist that will keep you wanting to read the next chapter. :)
HORROR TRAIN By akosiKirby

Mystery / Thriller

17K 316 14
Paalala lang po sa lahat nang mambabasa, ang kwentong ito ay naglalaman ng mga brutal na pangyayari at salita kaya sa mga bata at ayaw sa ganoong tem...
4.7K 249 63
May mga sumusulat dahil malungkot Yung tula na rin mismo yung mga luha nila, higit pa sa papel na lukot May mga sumusulat dahil masaya Yung galak nas...
106K 2.2K 44
gangster worlds... turns to some love triangle battle.... with a twist of a killer or killers arounds them... would they have a happy ending??? or ju...