ONSE ELEMENTOS

By BisayangAuthor1

55.3K 2.7K 607

(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first fo... More

Author's Note
Prologue: ONSE ELEMENTOS
1: ONSE ELEMENTOS
2: ONSE ELEMENTOS
3: ONSE ELEMENTOS
4: ONSE ELEMENTOS
5: ONSE ELEMENTOS
Author's Note
6: ONSE ELEMENTOS
7: ONSE ELEMENTOS
8: ONSE ELEMENTOS
9: ONSE ELEMENTOS
10: ONSE ELEMENTOS
11: ONSE ELEMENTOS
12: ONSE ELEMENTOS
13: ONSE ELEMENTOS
14: ONSE ELEMENTOS
15: ONSE ELEMENTOS
16: ONSE ELEMENTOS
17: ONSE ELEMENTOS
18: ONSE ELEMENTOS
19: ONSE ELEMENTOS
20: ONSE ELEMENTOS
21: ONSE ELEMENTOS
22: ONSE ELEMENTOS
23: ONSE ELEMENTOS
24: ONSE ELEMENTOS
25: ONSE ELEMENTOS
26: ONSE ELEMENTOS
27: ONSE ELEMENTOS
28: ONSE ELEMENTOS
29: ONSE ELEMENTOS
30: ONSE ELEMENTOS
31: ONSE ELEMENTOS
32: ONSE ELEMENTOS
33: ONSE ELEMENTOS
Author's Important Update
34: ONSE ELEMENTOS
35: ONSE ELEMENTOS
36: ONSE ELEMENTOS
37: ONSE ELEMENTOS
38: ONSE ELEMENTOS
39: ONSE ELEMENTOS
40: ONSE ELEMENTOS
41: ONSE ELEMENTOS
43: ONSE ELEMENTOS
44: ONSE ELEMENTOS
45: ONSE ELEMENTOS
Epilogue: ONSE ELEMENTOS
Shout Outs!!!
Special Chapter?
(●♡SPECIAL CHAPTER♡●)
(●♡SPECIAL CHAPTER♡●)
(●♡SPECIAL CHAPTER♡●)
(●♡SPECIAL CHAPTER♡●)

42: ONSE ELEMENTOS

677 38 0
By BisayangAuthor1

Alexyz' P.O.V

Napatingin ako sa nagsasalita. Ang bilis ng tibok ng puso ko nang nakita ko siya. Nakaitim, nangingitim ang ibaba ng kanyang mata pero 'di mawawala ang kagwapohan niya.

"Maligayang Pagbabalik mahal na prinsesa!" Sarkastiko niyang sabi.

Tinignan ko siyang mabuti. Inikot ko ang paningin ko sa paligid at binalik sa kanya. Ngumingiti siya, pero ibang iba sa ngiting nakasanayan ko.

"Wag kang mag-alala ako lang mag-isa dito!" Sabi niya at tinitigan ako.
"Hindi mo ba ako yayakapin? Hindi mo ba ako namiss?" Dagdag niya pa.

Weird.

"Hindi i-ikaw yan!" Sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya ng kakaiba, "Ako pa rin ito Uno..."

"Hindi ikaw ang Dos na nakilala kong mabait, masunurin at... M-mahal ako!" Sabi ko.

"Mahal pa naman din kita hanggang ngayon, pero hindi na ako mabait at masunurin... Bakit?! Gusto mong sundin ka all the time kahit mali? Hindi ka karapat-dapat sa posisyon mo!" Sigaw niya at sumabay ang malamig na ihip ng hangin.

Medyo sumakit ang puso ko ng narinig sa kanya mismong bibig ang mga salitang ayaw ko marinig sa kanya. Tinignan ko lang siya at alam kong hindi siya iyan.

"Bakit? Masakit ba ang katotohanan Uno?" Tumawa siya. "Kung alam mo lang, noon pa kitang gustong pabagsakin... Masaya nga akong nawala ka eh, solo ko ang pagiging lider." Sarkastiko niyang sabi.

"Hindi totoo yan!" Sigaw ko at sinugod siya. "Hindi ka si Dos... Saan si Dos?!" Nakakunot noo na tanong ko.

Ginamit ko ang sword and shield ni Dos, nilabas niya rin ang weapon niya. Pero alam kong impostor lang siya, hindi ako maniniwala sa hayop na yan kung sino man siya. Dahil hinding-hindi ni Dos masasabi ang ganun kahit nasa itim na kapangyarihan siya. Kilalang kilala ko si Dos, Ang Eman ko.

 Naglalaban na kami ngayon, medyo mabigat itong hawak ko pero tiniis ko iyon. Dahil ngayon ko lang ulit na gamit ang mga weapon ko ay medyo nababaguhan ako. Nakaiwas ako sa bawat pag tuon niya ng espada sa akin, alam kong mas malakas siya sa akin dahil lalaki siya pero hindi ito hadlang para tumigil ako. Kakayanin ko siya dahil ako ang prinsesa. Nagpatuloy lang kami hanggang sa hinihingal na ako, pero nag patuloy pa rin ako para makita ko na ang totoong Dos.

"Pagod ka na ba?" Sarkastiko na tanong ko sa kanya.

Tumawa siya ng malakas, "Baka ikaw ang pagod? Nakita mo bang pagod ako?" Tanong nito.

"Hindi napapagod ang prinsesa!" Sigaw ko at hinablot ulit ang espada.

"Talaga?! Maganda kung ganon para magamit naman ang malaki kong katawan!" Sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at tumakbo papunta sa likod ng malaking kahon. Tumawa pa siya lalo.

"Hindi ka makakatakas dito Uno!" Sabi niya. "Kahit saan ka pupunta makikita at mahahanap kita Uno!" Dagdag niya pa.

"Hanapin mo ako, wag kang maraming satsat!" Sigaw ko sabay takbo sa ibang kahon.

Ginamit ko ulit ang starknife ni Seven at pasimpleng itatapon sa kanya, napasigaw naman siya. Palipat-lipat ako para hindi niya matrace kung saan nanggaling ang starknife. Pinatuloy ko lang ang ginawa ko. Nang hindi ko na narinig ang pang sisigaw niya ay nagdesisyon akong lumabas na. Dahan-dahan akong lumabas at mas lalong naging seryoso baka biglang magpakita na hindi ko malaman. Tumakbo ako kung saan pero may kung anong sumakit sa binti ko.

"Akala mo mapapatay mo ako?!" Patawang sabi niya. "Bobo kaba?!" Dagdag niya pa.

"Mapapatay talaga kita!" Sabi ko.

Nang humarap ako ay bigla niya akong sinuntok. Kahit babae ako ay nagawa ko ring suntukin ang pagmumukha niya. Masakit na ang mukha ko, alam kong may mga galos na akong nakuha galing sa mga suntok niya. Siya naman ay may galos din, pero advantage siya dahil may sugat ang binti ko.

"Ano?! Suko kana?!" Mapaglarong ngiti ang nakikita ko sa kanya.

"Walang elementos ang sumusuko!" Sabi ko at sinuntok siya sa mukha. Nahilo siya saglit kaya nakalayo ako sa kanya.

Kahit sumakit ang binti ko ay tumakbo pa rin ako at naghahanap sa pwedeng mataguang lugar para hindi niya ako mahanap. Medyo nanghihina na talaga ako pero tiniis kong hindi ma out of balance. Nang nakarating na ako sa isang malaking kahon ay kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang weapon pero wala akong nakapa. Narinig ko ang tawa sa impostor ni Dos.

"Well... Sino sa atin ngayon ang mamatay pag nalaman niyang wala ang weapon niya." Sabi niya.

Kumakabog ang puso ko dahil may alas na siya sa akin. Naramdaman ko na rin ang pagkahilo ko pero na lalabanan ko pa iyon.

"Ang mas mabuti pa, lumabas ka jan at harapin mo ako..." Sabi niya. "Or else, dudurugin ko ang sira mong weapon." Dagdag niya pa.

Nagdalawang isip pa ako kung lalabas ba ako o hindi kaso kailangan kong bawiin ang weapon ko or else mamamatay ako. Hinarap ko siya at ngumiti siya.

"Kawawang prinsesa... Mamamatay na dito, wala kahirap-hirap!" Sabi niya.

"Hindi ako mamamatay!" Sigaw kong sabi sa kanya.

"Talaga ba?!" Nakangiting sabi niya.

Maya-maya may nakita akong dalawang tao sa malayo. Hindi ko pinahalatang may tinignan ako at binalik agad sa kanya ang paningin ko.

"Bakit?! Sino tutulong sayo dito?" Tumawa siya. "Last word mahal na prinsesa?" Sabi pa niya.

"Mamatay ka!" Sigaw ko.

Nakahiga na siya sahig at naglaho bigla ang katawan. Nakahinga ako ng malalim nang namatay na ang impostor ni Dos. Tinignan ko ang tumulong sa akin, lumapit sila sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Paano kayo nakapunta dito?" Tanong ko sa kanila.

"Ang sabi lang namin ay magpahinga kami ate Lumi, hindi nila alam na umalis kami." Sabi ni Leilani. "A-ate Lumi... Naalala mo na ako? Kami?!" Tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Oo Lei, naalala ko na lahat." Sabi ko.

"I missed you Ate Lumi" sabi nito at niyakap ako ulit. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Ate Lumi, nasaan na si Kuya?!" Tanong ni Dark.

"Hindi ko pa siya nakita Dark... Ang mabuti pa, umuwi na kayo, ako na ang bahala maghanap sa kuya mo!" Sabi ko sa kanila.

"Tutulungan ka namin ate Lumi" sabi ni Leilani. "Magaling na kami sa mga ganito." Dagdag niya pa.

"Tsaka ate Lumi, tignan mo sarili mo... Napuno kana sa dugo tsaka," napatingin siya sa weapon at binawi niya ito.

Inayos niya ang weapon ko at bumalik na sa dati, nanumbalik na rin ang enerhiya ko. Isa iyon sa ability ni Dark. Nagpasya na kaming hanapin si Dos. Sinigaw namin ang pangalan niya pero walang sumasagot. Nang pumikit ako may kung bumulong sa akin na wala si Dos doon. Napadpad kami sa college building. Naalala ko ang building na ito, dito kami nagtago nina Belle at Kiara. Nasa first floor na kami pero tahimik lang ito, parang walang tao.

"Ate Lumi, sigurado ka bang nandito si Kuya?" Tanong ni Dark.

"Dito raw kasi... Tumahimik na lang muna tayo." Sabi ko.

Dahan-dahan kaming umakyat sa second floor. Ramdam kong malapit na namin makita si Dos.

"Ate Lumi, may tao!" Sabi ni Leilani kaya pumasok muna kami sa isang classroom.

"Kailan kaya sila ulit lulusob dito?"

"Kung lulusob sila ay paniguradong ubos tayo, ang liit na lang natin."

"Tsaka hindi pa natatapos ang ginawa nila..."

"Pero sabi ni Kadong ay matatapos din iyon bukas.."

Lumabas kami sa classroom at pinatay namin sila. Magaling na sina Leilani at Dark sa pakikipag-away. Alam nila ang galaw ng kalaban kaya napadali naming natumba ang tatlo, agad din namin tinago ang patay na katawan para hindi nila maramdaman na may ibang tao sa building. Ngumiti ako sa kanila at pinuri, masaya naman sila dahil sa sinabi ko. Nagpatuloy na kaming naglakad at unti-unti ko na ring naramdaman si Dos.

"Stick to the plan Dark, Okay?" Sabi ko sa kanya at tumango naman siya. "Ikaw na muna ang bahala dito sa labas Leilani, kaya?" Sumagot din agad ito kaya sinimulan na namin ang plano namin. Nagtago kami ni Leilani sa katabi ng classroom kung saan sila naroon ni Dos.

"Kuyaaaa Ace!" Sigaw ni Dark.

Hindi nagtagal naramdaman kong lumabas si Dos.

"D-dark?! Sino kasama mo dito?!" Narinig ko muli ang boses ni Dos.

I missed you so much!




Please Vote and Comment below👇
Follow niyo na rin ako guys.
READ AND BE A FAN. Labyuuuu all<3

Continue Reading

You'll Also Like

20.1K 1.7K 28
"WOOD LAND, GHOST'S PROPERTY" Hindi man yan ang iksaktong nakasulat sa karatula na nakita ng magkakaibigan. Yan naman ang ipinapahiwatig ng mga pangy...
106K 2.2K 44
gangster worlds... turns to some love triangle battle.... with a twist of a killer or killers arounds them... would they have a happy ending??? or ju...
746K 17.8K 44
Nerdy Girl Turns To A Sexy Gangster. Nathalie Rina Q. Padilla isang Nerd noon Artis-- joke lang! Nerd noon Sexy Gangster na ngayon. #1 in Rina #339...
70.8K 3.7K 46
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...