Melting Ice Princess 3

By jaysanj

1.5M 61.3K 27.9K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 58

16.1K 774 524
By jaysanj


Tyrant's POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Dite. Nasa sala kaming dalawa habang nakaunan ako sa hita nya at sya naman ay hinahaplos ang pisngi ko. Parehas kaming nanonood ng soccer game ng sunod nilang makakalaban bukas. Mukhang hindi naman sya seryoso sa pinapanood nya. Sa galing ni Dite sa soccer, kayang kaya nyang talunin ang mga yan.

"Dite." tawag ko sa kanya. Tumingin sya sakin. "I don't know what to do now." tinignan nya ako na nagtataka. "Eloi and Samantha."

"Heh..." sabay tingin nya ulit sa tv. "Akala ko dahil sa pagkatalo nyo kaya ka nandito pero iba pala." napanguso ako. "Nag-break lang sila, bumalik na ang nararamdaman mo sa kanya."

"Hindi naman nawala yung feelings ko sa kanya eh." pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Wag mo akong tanungin sa ganyan. Remember, tinakbuhan ko yung sakin?" natawa ako sa sinabi nya. "Kung gusto mong i-pursue ang nararamdaman mo kay Eloi, tapusin mo muna kung ano meron sa inyo ni Samantha." sabi nya. 

Tama naman sya pero natatakot akong masaktan si Samantha pagkatapos ng mga nagawa nya para sakin. Kaya nga ngayon ay naguguluhan na ako. Alam ko naman na wala akong pag-asa kay Eloi pero gusto ko pa rin i-try na ngayong hindi na sila magkakabalikan pa ni Ate Kriza kahit anong gawin nya. Gagawin ko lahat kahit pa hamunin ko pa sya dahil alam ko, kaya ko syang talunin.

"Ah!" napaupo ako nung may maalala ako. Tumingin ako kay Dite. "Hindi ka busy, hindi ba?"

"Mukha ba?" napahalikgik ako.

"Let's run!" napakunot ang noo nya tapos tumingin sa oras. Ala una pa lang ng tanghali. "Wag ka ngang mag-inarte dyan, mas madalas ka ngang nasa initan eh." sabi ko at tumayo na para tumayo na rin ito.

"Katamad." sabi nya tapos sumandal sa couch. "Si Lulu na lang yayain mo." sabi nya pa.

"Ano ka ba? final game na nila bukas kaya natural lang na nagpra-practice sila ngayon at tsaka kaya nga kita niyaya dahil sa kanya. Minaliit nya ako kahapon eh!" sabi ko. Kainis 'yon akala ko ako ang haharapin nya pero si Astris pa at ang mas nakakainis doon ay kaya nya pantayan ang bilis ni Astris. Kaasar talaga.

"Fine. Magbihis na tayo." ngiting wagi ako. Hindi talaga ako matitiis nito.

Humiram ako ng damit kay Dite. May mga damit naman sya na kakasya sakin. Sa una ay mabagal lang takbo namin ni Dite pero nung bigla syang bumilis ay para kaming bata na nag-uunahan kahit na wala kaming patutunguan. 

Hindi na nakakagulat na isang soccer player itong si Dite dahil ang bilis nyang tumakbo, hindi ko sya maabutan. May dalawang metro ang layo naming dalawa pero alam kong hindi nya pa binibilisan. Arh! inaasar din ako nito eh.

Tumigil lang kami nung sinabi kong ayoko na. Naupo kami sa tapat ng sari-sari store. Bumili ng coke at tubig si Dite, sa kanya ang coke at sa akin naman ang tubig. Habang nagpapahinga kami ay nakita namin si Eloi at Samantha na magkasama. Nakita kami ni Samantha kaya lumapit sila samin.

"Eww pawisan." sabi ni Samantha sakin. Sinamaan ko sya ng tingin. "Bakit kaya kapag sa sex mabango ka kapag pawisan ka?" nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Napatingin samin yung dalawa.

Nagulat kami nung biglang kwelyuhan ni Dite si Samantha. Napatayo ako para pigilan si Dite sa kung ano ang gagawin nya.

"He-hey! It's just a joke!" nauutal na sabi ni Samantha.

"Dite! nagbibiro lang si Samantha!" sabi ko. Tinulak palayo ni Dite si Samantha. "Jeez! wag ka kasing magbibiro ng ganon kapag nandyan si Dite!" sermon ko kay Samantha.

"My bad." kamot-kamo ng ulong sabi nya. Napailing ako at tumingin kay Dite na seryosong nakatingin kay Samantha.

"Hey, stop it. Masyado kang seryoso dyan eh." sabi ko kay Dite. "Saan pala kayo papunta?" tanong ko sa dalawa.

"Sa bahay nila Monique, nandon kasi sila Astris at Daily." sabi ni Samantha. "Aayain nga sana kita kaso hindi mo naman sinasagot ang tawag ko." may pagtatampong sabi nya. Natawa naman ako at kinurot ang pisngi nya.

"Iniwan ko kasi sa bahay nila Dite ang cellphone ko." sabi ko. "At hindi rin ako sasama kung sakali."

"Bakit?" nakangusong tanong ni Samantha. Nanlalambing lang ito eh.

"Mas gusto kong kasama ngayon si Dite eh."  nakangising sabi ko. Napasimangot na lang si Samantha. "Sleepover rin ako sa kanila. Tabi kami." patuloy na pang-aasar kay Samantha. Ni minsan ay hindi pa kami nakakatulog ng magkatabi ni Samantha kaya ganyan na lang sya maka-react.

"Tyrant, let's go." pag-aaya ni Dite. Tinignan ko si Samantha na nang-aasar bago sumunod kay Dite na nauna nang maglakad.

"Makakahabol ba tayo bukas sa laban nila Lulu?" tanong ko. Hindi na kami tumatakbo ngayon, naglalakad na kami pauwi.

"I don't think so, siguro second half na lang." sagot nya. Maaga ang parehas ang laro nila kaya medyo conflict, mas maaga lang ng isang oras ang kanila Dite kaya siguro makakahabol kami sa fourth quarter.

Nagtataka ako nung tumingin sakin si Dite pero wala syang sinabi sakin. Naguguluhan ako sa kanya pero hindi ko na lang ito pinansin.

"Hindi mo pinansin si Eloi kanina." ekk...akala ko mananahimik lang sya.

"Hindi rin naman nya ako kakausapin." nakangiting pilit na sabi ko.

"Kahit na nakatingin sya sa inyo kanina?" bigla akong napatingin sa kanya pero nung makita ko ang ngisi nya ay alam kong hindi sya nagsasabi ng totoo.

"I hate you!"

"Same." napasimangot ako sa sagot nya.

Kinabukasan habang nag-aalmusal kami kasama ang pamilya ni Tito Al ay mga naghaharutan ang mga bata. Ginugulo nila si Dite na halos hindi na makasubo dahil sa mga bata. Natatawa na lang ako at naaawa rin dahil may laro pa sya mamaya kaya naman ako na nagsubo ko sa kanya at dahil sa ginawa akong 'yon ay pati yung katabi kong bata ay gusto rin magpasubo.

"Manonood ba sila Alexa mamaya?" tanong ni Tito Al na nasa tabi ng Mama nila. Nasa gitna ng kabisera ang punong ama ng pamilyang De Vera habang sa kanan nya ang asawa at nasa kaliwa ang panganay na apo na halos kasing edad lang ni Zandy.

"Yes po." sagot ni Dite habang hinihila ang braso nya ng isang pinsan nyang five years old. Gusto nitong magpasubo kay Dite dahil nainggit sya sa ginawa ko sa kapatid nyang three years old.

"May team dinner mamaya ang basketball, hindi ba?" tanong ni Tita Lovely. Tumango lang kaming dalawa ni Dite.

Pagkatapos ng almusal ay nagpaalam na kami na pupunta na sa field. Hindi manonood sila Tito Al dahil sobrang busy nila ngayong araw kaya si Aldrich ang proxy nila. Kaming dalawa lang ni Aldrich ang nagkwe-kwentuhan habang nasa byahe.

"Ah si Eloi 'yon hindi ba?" tanong ni Aldrich. Tinuro nya ang nasa harapan at nakita namin si Eloi na naglalakad. Nanlaki ang mga mata ko nung tumigil si Aldrich sa gilid. Napatigil si Eloi sa paglalakad nung makita nya kami.

"Hey." may alanganin na bati ko tapos tumingin kay Aldrich kung bakit ba sya tumigil.

"Saan punta mo?" nakangiting tanong ni Aldrich. Ah, naalala ko na. May crush pala itong si Aldrich kay Eloi.

"Nowhere." sagot ni Eloi. Napatingin sya sakin.

"May laro ngayon si Dite sa soccer, gusto mong sumama?" pag-aaya ko. Nakakahiya naman kung hindi namin sya yayayain kung wala syang pupuntahan.

"Hey." napatingin ako sa likuran nung magsalita si Dite. "Sumama ka na."  nagulat naman kami ni Aldrich sa pag-aaya ni Dite pero mas nagulat ako nung pumasok ng sasakyan si Eloi. Hindi ko talaga maintidihan ang dalawang 'to!

Pumwesto kaming tatlo sa hindi kami maiinitan at makikita ng maayos si Dite. Pinaggigitnaan ako ng dalawa. Busy si Aldrich sa cellphone nya habang tahimik naman yung isa kaya naman nakakapanis ng laway.

"Hindi mo ba papanoorin ang laban nila Ate Kriza?" tanong ko kay Eloi kaysa mapanis ako ng laway ay yun lang ang alam kong pwedeng itanong sa kanya.

"Hindi." simpleng sagot nya. Paano ko pa itutuloy yung pakikiusap sa kanya kung ganon ang sagot nya?

Nakatanggap ako ng text mula kay Samantha at nagtatanong ito kung nasaan ako. Sinabi ko na nandito ako sa soccer field para suportahan si Dite at tinanong ko rin sya kung nasaan sya. Mabilis mag-reply si Samantha kaya nakuha ko agad ang sagot nya. Nasa arena na sila kasama ang ibang mga kaibigan para manood ng final game. Magre-reply na sana ako sa kanya pero may pahabol sya.

From: SamanthaPerv
I missed you na. Inaasar nila ako dito na nag-away daw tayo.

Napangiti ako dahil may sad emoji pa sa dulo.

To: SamanthaPerv
Parang hindi tayo nagkita kahapon ah? Akalain mo nga naman naaasar ka rin?

Natawa ako nung sinend ko 'yon sa kanya.

"Tyrant, kailangan kong umalis." napatingin ako kay Aldrich na nagtatanong. "Pasabi na lang kay Dite na may emergency sa bahay. Nagwawala kasi yung mga bata." sabi nya at tumayo. "Una na ako, Eloi. Ingat kayo." sabi nya at nagmamadaling umalis.

Napatingin ako sa cellphone ko nung mag-vibrate ito ulit.

From: SamanthaPerv
Araw-araw kitang miss eh. Pinagbibigyan ko lang sila.

May kasamang evil emoji ang message nya. Napangiti ako at nireplyan sya na magsisimula na ang laro ni Dite kaya ite-text ko na lang sya mamaya. 

Pinanood ko ang laban ni Dite. Nakakahanga talaga itong si Dite dahil sya ang nakakapuntos lahat sa tulong ng mga kasama nyang pigilan ang mga humahabol sa kanya. Napapahiyaw ako kasama ang mga fans ni Dite kapag nakakapuntos ito. Manang mana talaga sa Mama nyang habulin ng mga babae.

Natapos ang laro na panalo sila Dite. Masaya ako para sa kanya kahit na mukhang hindi naman sya masaya. Natawa na lang ako habang nakikita ko ang mga teammates nya ay masaya dahil sila pa rin ang champion pero itong si Dite ay wala man lang kaemosyon sa mukhan. 

Lumapit samin si Dite pagkatapos nyang makipag-usap sa mga kasamahan nya. Hindi ito nakapagpalit ng damit kaya pawisan sya. Kinuha ko ang towel nya at pinunasan ang mukha nya.

"Heh..." napatingin kami ni Dite sa likuran nya. Nandon ang mga teammates nya na nakatingin samin ng makahulugan. "Kung hindi ko lang alam na girlfriend ni Tyrant si Samantha ay iisipin ko na kayo." sabi ni Ate Talia. Nagkatinginan kami ni Dite at natawa ako.

"No, Ate Talia. May mas malala pa sakin kung umasta ay girlfriend ni Dite." sabi ko at pinunasan ang likod ni Dite. "Ganito lang talaga kami sa isa't isa." dagdag ko.

"Okay!" tila hindi kumbinsidong sagot ng iba. Nagpaalam na kami sa kanila.

"Ikaw, Eloi? saan ka na ngayon? pupunta kasi kami sa arena." sabi ko kay Eloi na medyo nakalimutan ko.

"Sasama ako. May team dinner mamaya." sagot nya. Palihim naman akong napangiti.

Since wala na ang aming driver na si Aldrich dala ang kotse nya ay nag-commute kaming tatlo. Sumakay kami ng jeep. Nung una lima lang kaming nakasakay pero habang palapit sa arena ay dumadami ang sumasakay. Hindi naman ako nasisikipan dahil pinaggigitnaan ako ng dalawa at kapag ganitong napupuno ang jeep ay sinisigurado ni Dite na hindi ako naiipit.

Pero nagulat ako nung umakbay sakin si Eloi at pinatong ang jacket nya sa hita ko. Tinignan ko sya na nagtatanong pero nakatingin lang sya sa harapan kaya naman tumingin ako sa tinitignan nya. May matandang lalaki ang nasa harapan namin. Hindi kaya...

"Nandito na tayo." bulong ni Dite bago naunang bumaba. Pinauna ako ni Eloi bumaba at sumunod sya.

"Yung jacket mo." sabi ko habang inaabot ang jacket nya.

"Takpan mo hita mo." sabi nya at naunang naglakad. Nagugulantang nakatingin ako sa kanya.

"Gamitin mo na. Bakit kasi nagmaikling short." sabi ni Dite at sumunod kay Eloi.

Minsan, magkasundo ang dalawang ito.

Pagpasok namin sa loob ng arena ay nagulat ako sa nakita kong score. Lamang ng isang puntos ng Dragon Empire ang Meteorite pero ang mas nakakagulat sa lahat ay parehas na nasa court ang kambal.



Zaparta's POV

"Final game na. Gusto kong manalo kayo pero gusto ko ring i-enjoy ninyo ang laro lalo na kayo, Stace at Lyte. Ito na ang huli ninyong laro dito sa Dragon Empire. Make it memorable. Don't regret what you did. Stay focus and enjoy." nakangiting sabi ni coach Avey. 

"Yes coach!" seryosong sabi ng dalawa.

"Wala na akong ibang sasabihin dahil alam kong kaya na ninyo yan. Manalo o matalo, ginawa ninyo ang lahat para sa larong ito." sabi ni coach Ella. "Stace." tawag nya.

Nagpalibot kaming mga miyembro.

"Let's do this. Dragon Empire!" sigaw nya.

"Fight!" at sigaw naman naming lahat. Narinig namin na sumabay samin ang ilang manonood sa sigaw namin.

Isa-isa na tinawag ang mga manlalaro. Inuna ang Dragon Empire. Ang first five samin ay kami nila Marceline, Stace, Blythe at Kriza. Sinunod na tinawag ang Meteorite. Mas maraming fans ang Meteorite dahil mas malakas ang hiyaw nila kumpara samin. Mukhang nasapawan kami ng Meteorite.

"Number eleven. Blizzard Hinata." gulat na napatingin ako kay Blysse na mabagal na tumakbo habang nakikipag-apir sa buong miyembro ng Meteorite.

"Hey, hey, ang aga naman nyan." sabi ni Marceline.

"Number ten. Sylvia Chavez." sabi ng announcer.

"Seryoso nga sya na maglalaro sya kapag kalaban nya na si Zap." sabi ni Stace. Nakatingin kami kay Sylvia na nakipag-apir kay Blysse tapos kumaway pa sa mga fans nya.

"Number nine. Asta Chavez."

"What the hell?" gulat na sabi ko. Balak pa ata kaming lampasuhin ng mga 'to. Mukhang mahihirapan kaming talunin sila.

Nag-umpisa ang laro na kami agad ang nakapuntos pero hindi kami masaya dahil feeling namin ay hinayaan nila kaming makaunang makapuntos. Nagulat kaming lahat nung mabilis na tumakbo ang dalawa, si Sylvia at Blysse. Nakalagpas sila sakin kaya hindi ko na sila nagawang pigilan. Mabilis lang nakapuntos si Sylvia.

Seryosong tinignan ko yung dalawa.

"Kriza, ikaw na bahala kay Blysse at Zap, kay Sylvia. Ako bahala sa bola." sabi ni Marceline. Tumango ako.

Binantayan ko si Sylvia katulad ng sinabi ni Marceline at nakita kong ganon din ginawa ni Kriza kay Blysse. Nagkatinginan kami ni Marceline pero kay Kriza nya ibinigay ang bola. Sumugod si Kriza at hindi nagpatinag kay Blysse. Aggressive na nag-dunk si Kriza.

Napangiti ako na may alanganin. Hindi rin magpapatalo si Kriza sa kanila kaya ganon rin dapat ako.

Patakbo si Sylvia sakin habang drini-dribble ang bola. Seryosong binantay ko sya pero ipinasa nya ang bola sa gilid. Napatingin ako don at nakita kong open si Asta. Nasa three point line sya at itinira ang bola.

"Don't mind her! ako ang bahala kay Asta!" sigaw ni Marceline.

"Ikaw ang bahala pero open sya?" may pang-aasar na tanong ni Blythe. Nagitlang si Marceline.

"Hehe...nawala sya sa paningin ko." pagrarason nya. Napailing na lang kami.

Lamang ng isa samin ang Meteorite.

Napamura ako nung makuha ni Sylvia ang bola kay Stace. Dali-dali kaming bumalik sa kabilang side ng court.

"Shit! si Asta!" sigaw ni Marceline. Napatingin kami kay Asta na open sa left wing at ipinasa sa kanya ang bola.

"Akala ko ba ikaw bahala?!" sigaw ni Blythe.

Pero mas nagulat kami nung mabilis na nakaabot si Kriza kay Asta. Tumalon si Kriza pero hindi tumalon si Asta. Tsaka lang sya tumalon nung pababa na si Kriza at itinira ang bola sa ring. Pasok na pasok ang bola sa ring.

Nakarinig kami ng pito at sumigaw ng time out. Tumingin kami at nakita namin na ang Dragon Empire ang nag-time out. Naglakad kami papunta sa bench. Binigyan kami nila Math ng tubig.

"Marcy, ano 'yon?" nakakunot ang noong tanong ni Blythe.

"Sorry, ang bilis ni Asta kaya nawala agad sya sa paningin ko." paumanhin ni Marceline.

"Ngayon lang natin nakita maglaro si Asta." sabi ni Stace. "Siguradong hindi pa sya nagseseryoso hindi katulad ng dalawa." dagdag nya. Marahil tama sya, hindi namin alam kung paano maglaro si Asta.

"Kapag nagpatuloy ito, i-switch out ninyo ako kay Lulu." sabi ni Blythe.

"Huh? bakit?" may pag-aalalang tanong ni Marceline.

"Wag kang mag-isip ng kung ano. Mas mabilis lang si Lulu sakin. Pwede nyang bantayan si Blysse habang si Kriza kay Asta." sabi ni Blythe. Tumingin ako kay Lulu tapos sa isang tao.

"How about, Marceline to Faith?" suggest ko. Nagulat silang lahat sa sinabi ko. "I mean..." napakamot ako ng ulo. "Mataas rin tumalon si Faith hindi ba? Magaling rin naman sya sa passing kaya pwede syang pumalit kay Marceline. Hindi sa pinapaalis kita, Marceline pero kailangan mo munang panoorin si Asta. Alam kong hindi ka pa nakakagawa ng plano para talunin ang Meteorite kaya pagkakataong mo ito para hanapan ng butas ang Meteorite." sabi ko.

"Fine." pagsang-ayon nya. Natapos ang time out kaya nagpatuloy kami sa paglalaro.

Katulad ng inaasahan ay si Asta pala ang nakakapuntos at puro tres ang itinitira nya. Hindi na magawa pang bantayan ng maayos ni Marceline si Asta kaya nag-switch na kami. Ginawa namin ang lahat para pigilan ang pagdagdag ng lamang ng Meteorite kahit na mahirap. Kahit papaano ay napipigilan ni Faith si Asta pero mabilis sila nagbago ng plano. Si Veloce na ngayon ang pumupuntos. Mahirap naman na iwanan ni Faith si Asta dahil baka sya naman yung pumuntos. Yung dalawa naman ay parang naging decoy dahil hindi sila pumupuntos. Lagi lang sila nag-aassist. Kaya naman ang hirap basahin ng Meteorite.

Third quarter na pero hindi pa rin namin mapigilan ang pagpuntos ng Meteorite. Lamang sila ng thirteen samin. Mahirap mag-double team sa team na 'to dahil isa lang na maging open sa kanila ay easy score. Ang hirap!

"Zap, Kriza." napatingin ako kay Marceline. Nakangisi sya samin. "Wala akong maisip para pigilan sila pero may naisip ako kung paano natin hahabulin ang score sa kanila." sabi nya.

"Ano naman 'yon?" takang tanong ko at bakit kaming dalawa lang kinakausap nya?

"Naaalala nyo pa ba ang mga tinuro sa inyo ng dalawang coach?" napakunot ang noo ko. "Hindi yung solo, yung duo kayong dalawa." nakangiting sabi nya. Napatingin ako kay Kriza pero seryoso lang itong nakatingin kay Marceline. "I know hindi pa kayo okay pero ito lang ang paraan para makapuntos tayo. We need the Empire Duo." napaawang ang bibig ko pero itinikom ko rin.

"Hindi ako sigurado dahil matagal na rin yung huling training naming dalawa." sagot ko at pasimpleng tumingin kay Kriza.

"Alam kong kaya nyo." hindi nya pinansin ang sinabi ko. Pambihira naman 'to.

Tumingin ako kay Kriza pero hindi sya tumitingin sakin. Napabugga ako ng hangin. Sana lang makipag-cooperate sakin si Kriza.

Nag-umpisa na ulit kaming maglaro. Sumusugod si Blythe pero hindi sya makalagpas kaya naman ipinasa nya ang bola kay Marceline. Tumingin sya sakin. Napalunok naman ako tapos isinalo ang bola. Tumakbo ako papunta sa right wing, sinundan naman ako ni Sylvia. Tumingin ako kay Kriza at nakita ko syang nakatingin sakin. Tumakbo sya papunta sa ring. Nag-dribble ako ng mabilis. Humakba ako pasulong pero bumalik rin agad nung mapaatras si Sylvia. Itinira ko ang bola sa ring. Sinubukan kong ipasok ang bola pero naagapan ni Sylvia ang bola nadampian nya ng daliri. Pero nandon si Kriza, tumalon ito at sinalo ang bola tsaka inirekta sa ring.

"Yes!" napasigaw ako sa saya dahil kahit papaano ay nag-work ang plano namin.

"Defense!" sigaw ni Stace.

Seryosong hinintay ko si Sylvia na pumunta sa pwesto ko habang nagdri-dribble. Huminga ako ng malalim at sinundan si Syvia nung makalagpas sya sakin. Tumigil sya pero mabilis kong naagapan ang katawan ko. Umastang ititira ni Sylvia ang bola kaya naman hinampas ko ito. Sigurado kong hindi ko matatamaan ang kamay nya.

"Back!" sigaw ko. Nakuha ni Blythe ang bola kaya nagmamadali itong pumunta sa ring pero mabilis na nakasunod sa kanya si Blysse. Ipinasa ni Blythe ang bola kay Kriza. Nagmadali naman akong pumunta sa right wing sa three point line. Dalawa ang sumugod kay Kriza, si Blysse at Abi pero bago pa nila makuha ang bola ay pinasa nya sakin ang bola. Tumalon ako at itinira ang bola sa ring.

Napahiyaw kami nung pumasok ang bola. Nakipag-apir ako kanila Stace habang pabalik sa kabilang side ng court. Pero hindi sapat ang duo namin ni Kriza kung panay rin naman ang pagpuntos nila Sylvia kaya dapat rin silang pigilan.

Na kay Blysse ang bola. Nagmamadaling itong tumakbo pasugod kay Kriza. Mabilis nyang nalagpasan si Kriza pero mabilis rin sumunod si Kriza. Napatigil si Blysse kaya naman natumba si Kriza. Tumalon si Blysse para itira ang bola pero mabilis na nakatayo at nakatalon si Kriza kaya napigilan iyon. Nagtakbukan kami sa kabilang side. Sinalo ko ang bola galing kay Marceline. Nasa harapan ko na si Asta at Sylvia. Napatingin ako sa likuran nila at nakita ko si Kriza. Itinira ko ang bola sa ring. Tumalon si Kriza para saluhin ang bola at nag-dunk.

Gusto kong makipag-apir kay Kriza pero mukhang hindi ako papansinin. Parang deja vu lang dahil ganitong ganito rin kami sa training kaya naman napagsasabihan kami ng dalawang coach.

"Asta!" napatingin kaming lahat kay Sylvia. "Ball." nakangising sabi ni Sylvia. Bigla naman kaming naging alerto. "Okay, girls. Plan B." nagtataka kami kung ano ang sinabi ni Sylvia pero marami silang plan na nakahanda.

Nagulat kami nung mabilis na naipasa ni Sylvia ang bola kay Asta na nasa left wing na. Hindi na sya naabutan pa ni Marceline kaya madali nyang naipasok ang bola sa ring.

"Nice one!" sigaw ni Sylvia. "Defense four!" nagtataka kami sa sinasabi ni Sylvia pero nagulat kami na dalawa ang nagbantay kay Kriza, si Asta at Abi. Si Blysse naman ang nagbantay sakin habang si Sylvia kay Marceline at kay Blythe ay si Sunny. Naging open tuloy si Stace.

Kinuha ni Marceline ang pagkakataon na ipasa kay Stace ang bola pero mabilis kumilos si Blysse papunta kay Stace. Susundan ko dapat sya pero pinigilan ako ni Abi. Napatingin ako kay Kriza. Nanlaki ang mga mata ko dahil ang bilis kumilos ng Meteorite. Dalawa pa rin ang bantay ni Kriza at si Blythe ang naging open.

"Nice steal!" sigaw ni Sylvia. Nagsitakbuhan kami pabalik sa kabilang court. Mabilis nakapuntos si Blysse dahil hindi sya nahabol ni Stace.

Hingal kaming tumigil dahil tumawag ng time out si coach Avey. Naglakad kami papunta sa bench namin. Pagod na napaupo ako sa upuan.

"Sa tingin ko ay ginagamitan na tayo ng strategy ng kambal." sabi ni Lyte.

"Sa tingin ko nga rin." pangsasang-ayon ni Stace habang nakatingin sa Meteorite na nag-uusap-usap.

Delikado ito. Dapat makaisip kami ng pangontra sa kanila.

Napatingin kami kay Kriza dahil bigla itong tumayo. Ang seryoso ng mukha nya at hindi ko alam pero iba ang nararamdaman kong aura sa kanya. 

Pero nung inakala ko na may gagawin si Kriza ay hindi nangyari dahil panay ang puntos ng Meteorite. Ang galing ng defense nila tapos ang bilis nila mag-offense kaya naman nalalamangan nila kami higit sa fifteen. Hindi na rin nag-work ang duo namin ni Kriza dahil laging dalawa ang nagbabantay sa kanya.

Ganito ba talaga kagaling ang Meteorite at hindi namin sila magawang matalo? Pero hindi ako papayag na matalo ako. Ibabalik ko ang pagkahanga sakin ng mga kakilala ko na kayang kaya kong talunin ang mga magagaling na manlalaro kahit sino pa sila. Wala ng makakatalo pa sakin. Wala na.

"Zap!" naririnig ko ang pagtawag nila sakin dahil hindi ako sumunod nung makuha nila Marcelina ang bola.

Huminga ako ng malalim ng ilang beses. Nakapikit ang mga mata ko na nagco-concentrate. Idinilat ko ang mga mata ko at mabilis na tumakbo papunta sa kabilang court. Nakita ko si Blysse na hinihintay ako. Dire-diresto ako papunta sa kanan nya at huminto tsaka umikot papunta sa kaliwa. Nakita kong itinira ni Blythe ang bola pero mukhang hindi ito papasok sa ring kaya naman tumalon ako at sinalo ang bola ng isang kamay ko tsaka ko dinunk.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa tatlong nakatingin sakin. Walang emosyon akong nakatingin sa kanila.

Dahan-dahan na lumapit si Sylvia samin habang nagdri-dribble. Pagkaharap nya sakin ay nag-lower body sya kaya alam kong susugod sya. Mabilis ang pag-dribble nya pero hindi ko sya pinalagpas. Nakita ko ang pagkainis sa mukha nya.

"Sylvia!" rinig kong sigaw ni Asta. Pagkasabay na pagkapasa nya kay Asta ang bola ay tumakbo ako papunta kay Asta. Mabilis syang tumalon para itira ang bola pero mabilis rin akong nakatalo at nahampas ko ang bola pero lumabas ito ng court.

Nakatingin sakin ang kambal na seryoso. Tinalikuran ko sila at puwesto. Nakita ko naman na nakatingin sakin si Kriza at Blysse pero hindi ko rin sila pinansin.



---------------------


Continue Reading

You'll Also Like

40.5M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
260K 7.4K 36
I woke up in a strange room. It seemed to be designed for a proper girl, someone completely different to me. The walls were pastel blue, the bed shee...
615K 31.1K 32
1ST BOOK OF BRIDE SERIES✨✨ Don't do this, leave my parents, don't ruin my life, I will die. She was begging infront of him joining her both hands. Th...
3.1M 130K 59
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...