Melting Ice Princess 3

By jaysanj

1.5M 61.2K 27.9K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 57

16.3K 749 329
By jaysanj



Zaparta's POV

"Zap!" tumigil ako sa pag-jogging at nilingon ang tumawag sakin. Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang towel na nakasabit sa leeg ko habang hinihintay na lumapit sakin si Lulu.

"Good morning. Ang aga mo ah?" tanong ko sa kanya. Casual lang ang suot ni Lulu ngayon at sa pagkakaalam ko ay malayo layo ang bahay nila sa lugar namin kaya naman nagtataka ako na nandito sya.

"Good morning! pupuntahan ko lang si Dite. Nandito daw sya ngayon eh." sabi nya.

"Ah oo, dadamayan daw nya si Zandy na natalo natin kahapon." sabi ko. Napahalikgik si Lulu.

"Sweet talaga ng Dite namin." sabi nya. Sabay na kaming naglakad pauwi samin. Tapos na rin naman ako mag-jogging.

"Pero ang aga mo pa rin pumunta ah?" tanong ko sa kanya. Uminom ako ng tubig.

"Kung hindi ko kasi aagahan, hindi ko sya maabutan. Kilala naman natin si Dite, mas busy pa sya sa isang business man." parehas kaming natawa sa sinabi nya. Once a month lang nakakauwi ng bahay si Dite tapos ilang oras lang ay aalis din agad sya. Iniisip nga namin na dahil pa rin kay Rigel kaya umiiwas sya.

"Bakit hindi mo kasama si Tyrant?" tanong ko ulit.

"Busy sa practice. Alam mo naman, tayo ang sunod nilang makakalaban." nakangising sabi nya pero nawala din at ngumuso. "Gusto ko na rin maglaro at makalaban si Tyrant." napangiti ako. Ngayong Cup Tournament ay hindi pinayagan ng dalawang coach namin na maglaro si Lulu kahit na ang kalaban namin ay madaling talunin. Hindi ko rin alam sa dalawang coach namin kung bakit, may potential naman si Lulu.

Nakarating kami sa bahay nila Dite. Saktong nasa garden lang yung dalawa kasama si Lee. Nagmamadaling lumapit si Lulu kay Dite at niyakap ito. Sa totoo lang, kung hindi ko lang alam na girlfriend ni Lulu si Asta, iisipin kong mag-girlfriend ang dalawang ito eh. Si Tyrant kasi hindi sya ganong ka-clingy kay Dite, hindi katulad ni Lulu na sa tuwing makikita nya si Dite niyayakap nya ito.

"Zap." tumingin ako sa pintuan ng bahay nila. Si Ate. "Laro tayo?" pag-aaya nya. Napangiti naman ako at lumapit sa kanya. Ngayon lang ulit kami maglalarong dalawa ni Ate kaya masaya ako na niyaya nya ako.

Pumunta kami sa likod ng bahay nila. May court sila doon. Nandon sila Ate Alexa, Tita Linnett at Tita Steph. Binati nila ako kaya ganon din ako sa kanila.

"Malaki laki ang naging improvement mo, Zap. Nagawa mong talunin si Kennie." sabi sakin ni Ate at ibinato ang bola. Itinira ko muna ang bola sa ring. Napangiwi ako dahil hindi ito pumasok. Tumama lang sa rim.

"Thanks to Sora." nakangiting sabi ko.

"Medyo nagtatampo ako dahil hindi ka na sakin humihingi ng payo." nakangusong sabi ni Ate at itinira ang bola sa ring. Pumasok naman 'yon.

"Si Ate talaga oh. Syempre, kalaban namin kayo at si Kennie itong gusto kong talunin." sabi ko.

"Si Eloi na ang sunod mong makakalaban. Mukhang kaya mo naman sya dahil nagawa mo syang talunin nakaraan." sabi nya. Napatingin ako sa itaas na para bang nag-iisip.

"Not sure. Malay natin, nag-improved din sya dahil nga natalo ko sya nung nakaraan." kinuha ko ang bola at tumakbo papunta sa ring. Nag-lay up ako. "Pero hindi ako papayag na matalo nila ako." nakangiting sabi ko kay Ate. Napangiti sya sakin. 

"Good luck, Zap. Kahit na natalo mo kami, may tiwala ako kayo ang mananalo." nag-fist bump kaming dalawa ni Ate.

Pagkatapos kong mag-almusal sa bahay nila Ate, umuwi na ako sa bahay namin nila Mama Alicia pero dumalaw muna ako saglit kanila Papa. Nakita ko si Sora na nasa sala na natutulog. Hindi ko na muna ito pinansin at tumungo sa kwarto. Naligo at nagbihis na ako tsaka pumunta sa kwarto nila Mama Alicia. Nakita ko sya na nagtutupi ng damit nila.

"Hi, Ma." bati ko at lumapit sa kanya. "Pinuyat ninyo na naman si Sora." panunukso ko. Sinamaan ako ng tingin ni Mama. Natawa naman ako. Ang sarap lang asarin ni Mama Alicia.

"Kumain ka na ba?" imbis na tanong nya. Nagpatuloy lang sya sa pagtupi ng mga damit.

"Yes po, kanila Ate. May lakad nga pala ako ngayon." pagpapaalam ko.

"Saan ka naman pupunta at sino ang kasama mo?" tanong nito.

"Manonood ng laban ng Meteorite. Kasama ko si Marceline." sabi ko tapos humiga.

"Makakalaban ninyo muna ang Shakers pero Meteorite agad ang papanoorin ninyo." sabay kaming napatingin ni Mama Alicia sa pintuan. Nandon si Sora na masungit na nakatingin samin. Ganyan sya kapag bagong gising, halatang beastmode.

"Sila Stace naman ang manonood ng laban ng Shakers ngayon." sabi ko at bumalik sa pagkaupo sa higaan.

"Whatever, doon muna ako sa kwarto mo. Ang ingay sa labas." sabi nya at iniwan kami ni Mama Alicia.

"Ang sungit talaga non kapag kulang sa tulog kaya dapat hindi mo pinupuyat eh." panunukso ko at nakatanggap naman ako ng hampas kay Mama. Ang saya lang dahil para kaming tropa ni Mama pero syempre, ginagalang ko pa rin sya. Masaya lang talaga na kapag ang magulang ay natuturingang mong kaibigan.

Pagsapit ng tanghali, pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kanila Mama na aalis na. Pinahiram ako ni Sora ng sasakyan nya para hindi na daw kami mahirapan mag-commute. Sinundo ko si Marceline sa kanila. Kaming dalawa lang ang manonood na himalang nangyari simula nung naging sila ni Blythe, kapag may lakad kasi kaming dalawa laging kasama si Blythe kaya nakakagulat na niyaya nya akong manood ng laro ng Meteorite.

Nakarating kami sa Arena, bago kami bumaba ay nagsuot kami ng sumbrero at sunglasses. Hindi naman sa pinagyayabang pero pinagkakaguluhan na kami simula pa nung natalo namin ang Shakers tapos ngayon ang Miracle.

Hindi na kami bumili ng drinks at snacks ni Marceline. Nagtungo na agad kami sa loob. Nag-uumpisa na ang laro nung dumating kami pero limang minuto pa lang nakakalipas simula nung nagsimula. Hindi na kami lumapit pa sa court. Nakatayo kami sa gilid habang nakatingin sa court.

"Hindi naman maglalaro yung tatlo sa larong ito." sabi ko kay Marceline.

"Alam ko pero nagbabakasakali lang ako." sabi nya. Nagtataka ako kung bakit ganon na lang sya kainteresado sa Meteorite. Simula nung sinabi sa kanya ni Stace na sya ang sunod na captain ng Dragon Empire, masyado na syang tutok sa Summer Cup. Nararamdaman kong katulad din nila Stace itong si Marceline kapag naging captain sya.

"Sino ba gusto mong makitang maglaro?" tanong ko rito.

"Si Asta." sagot nya na ikatingin ko sa kanya. "Sabihin natin na magaling mag-point guard si Abi at Nicole pero mas magaling si Asta lalo na isa rin syang shooter. May dalawa syang choice sa bawat laro nya. Sa kanilang lahat, si Asta ang mahirap talunin." well, may point sya don kaya siguro talaga hindi naglalaro si Asta dahil mahirap syang talunin.

Natapos ang laro ng Meteorite na hindi naglaro ang isa sa tatlo. Akala ko mukhang lugi si Marceline dahil hindi nya nakita maglaro si Asta pero seryoso pa rin. Nakakagulat talaga na seryoso ang taong ito. Sanay ako na pilyo ito eh.

"Punta tayo sa bahay ng Dragon Empire." sabi nya habang pabalik kami sa kotse.

"Ano meron?" tanong ko. Sabay kaming pumasok sa kotse ni Sora.

"Hihiramin ko yung mga tapes ng laban ng Meteorite." sagot nya habang inii-start ko ang engine.

"Masyado kang tutok sa Meteorite ah? Shakers muna ang makakalaban natin bago sila." sabi ko. Pinaandar ko na ang sasakyan patungo sa bahay ng Dragon Empire. May ilan-ilan na doon natutulog at kapag may meeting ay doon kami nagpupulong-pulong.

"Wag kang mag-alala. Bago pa mag-umpisa ang Summer Cup, nakaisip na ako ng plano kung paano sila tatalunin." sabi nya.

Tumingin ako saglit sa kanya. "Bakit sa Miracle ay wala kang plano?" tanong ko sa kanya.

"Actually, meron kaso ayokong makialam kung paano mo tatalunin si Kennie." muli ko syang tinignan, nakangiti sya habang nakatingin sa harapan. Ibinalik ko agad ang tingin sa daan. "Ba-back-up-an na sana kita kaso nakita kong seryoso ka kaya taga-bigay na lang kami ng bola sayo at taga-pigil kanila Julia."

"Wow." sabi ko sabay tingin sa kanya. Maangas naman syang tumingin sakin sabay turo sa ulunan nya. Natawa ako.

Nakarating kami sa bahay ng Dragon Empire. Nagulat kami ni Marceline dahil si Kriza lang ang nasa bahay. Ang awkward tuloy. Hindi nagpansinan yung dalawa, dumiretso si Marceline sa shelf kung saan nakaligay ang mga tapes ng bawat laro. Si Kriza naman ay nagbabasa ng libro sa couch. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta kaya nakatayo lang ako sa may pintuan.

Pero nakakapagtataka na nandito si Kriza. Silang dalawa ni coach Avey ay sa kanila sila umuuwi kaya bakit sya nandito? Hindi ko naman sya matanong dahil hindi na ako papansinin.

"Nakuha ko na." napatingin ako kay Marceline. "Hindi ko alam sa Dragon Empire kung bakit puro naka-cd pa rin ang mga copy nila ng mga laro." natawa naman ako sa sinabi nya.

"May back-up sila sa flashdrive pero gusto nila na naka-cd pa rin." nakakatuwa lang dahil ginagawa pa rin nilang cd yung copy kahit na nakakadagdag lang ito sa kagamitan. Kapag napuno na ang shelf ay babawasan nila ito at dadalhin sa camp. May library doon at may isang pwesto doon na nakaligay lahat ng mga copy ng laro simula sa pinakauna.

"Tara na?" pag-aaya ko tapos nilingon ko si Kriza. Hindi ako sure kung magpapaalam pa kami sa kanya na aalis na kami.

"Let's go." sabi nya at nilagpasan ako. "Mauuna na kami, Kriza." napangiti ako sa sinabi nya bago sya tuluyan makalabas ng pintuan. Nilingon ko si Kriza at lumabas na rin.

Ngayong araw ay laban namin sa Shakers. May isang oras pa bago mag-umpisa ang laro kaya naisipan ko munang mag-jog sa paligid. Hindi ko naman papagurin sarili ko pero wina-warm up ko na. Shakers itong makakalaban namin, si Eloi at Astris kaya isa rin itong big event sa lahat. Kung sino ang mananalo ngayong araw ay magkakaroong ng 50-50 na chance maging champion. Hindi rin madaling makalaban ang Meteorite kaya hindi pa ganong kasigurado ang panalo.

Pabalik na ako sa loob nung nakatanggap ako ng message kay coach Avey nung makita ko sina Eloi at Charles sa fire exit. Napatigil ako at pinagmasdan sila. Para kasing hindi sila magkasundo. Kita ko ang inis sa mukha ni Charles habang seryoso lang si Eloi. 

Nanlaki ang mga mata ko nung masapak ni Charles si Eloi, halos matumba si Eloi sa suntok ni Charles. Bigla akong napatakbo papunta sa kanila. Aambagan pa sana ni Charles si Eloi ng isa pang suntok pero tinulak ko sya palayo kay Eloi.

"Talagang nananakit ka ng babae?!" sigaw ko sa kanya sa sobrang gulat sa ginawa nya at sa galit dahil nagawa nyang manakit ng babae.

"Wag kang mangialam dito!" galit na sigaw nya na may kasamang duro.

"Nasisiraan ka na ng ulo! Babae pinapatulan mo!" sigaw ko sa kanya.

"Sinabing wag kang makialam!" sabi nya at hindi ako nakailag nung sikmuraan nya ako. Napaubo ako ng dugo sa sobrang lakas nyang manuntok. 

"Zap!" rinig kong sabi ni Eloi nung matumba ako sa sahig. Agad nya akong nilapitan at inalalayan makaupo man lang.

"Kayo! kayong dalawa ang peste samin ni Kriza! kung nanahimik lang sana kayo, hindi kami maghihiwalay!" sigaw nya.

"Fuck you." malamig na sabi ni Eloi habang masamang nakatingin sa kanya. "Wag mong isisi samin kung bakit ka nya hiniwalayan dahil umpisa pa lang, hindi ka nya minahal." mas nagalit si Charles sa sinabi ni Eloi kaya naman itinaas nya ang kamay nya para suntukin ito. Kusang ko naman pinagpalit ang pwesto namin ni Eloi para saluhin ang suntok ni Charles. Napapikit ako habang hinihintay ang suntok nya pero walang dumampi sakin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nilingon si Charles.

"Dite." banggit ko sa pangalan na lumigtas sakin. Hawak ni Dite ang braso ni Charles. Nasa likuran nya si Tyrant at Lulu na nag-aalala na nakatingin sa dalawa.

"Wag kang makialam dito!" sigaw ni Charles at winawasik ang pagkahawak sa kanya ni Dite pero hindi sya nakawala. Sa inis ay ginamit nya ang isang kamay nya para suntukin si Dite. Napasigaw yung dalawa pero mabuti na lang nasalagan ni Dite. Pinalipit ni Dite ang braso ni Charles sa likod at tinadyakan ang paa para matumba sa sahig. Dinaganan nya ito habang subsob sa semento si Charles.

"Dite!" sigaw ni Lulu.

"What?! ako na yung masusuntok, hindi pa ako lalaban?" may inis na sabi ni Dite.

"Ayoko lang mapahamak ka, okay?" may irita at pag-aalalang sabi ni Lulu.

Tinulungan ni Tyrant makatayo si Eloi tapos inalalayan nya ako. Isinabit nya ang braso ko sa balikat nya para sumuporta. Sa totoo lang nanghina ako sa ginawa ni Charles sakin. Hindi ako makatayo ng maayos.

"Ate Zap, hindi kayo okay." natawa ako pero napangiwi rin dahil sa sakit na naramdaman ko. Fuck talaga. Ang sakit manuntok ni Charles. Bakla ata ito para pumatol sa babae.

"Dite!" muling sigaw ni Lulu nung aambagan ng suntok ni Dite si Charles. Nagpupumilit si Charles na kumawala kay Dite. "Sinabi ko sayo na wag kang mananakit!"

"Pero sinaktan nya si Zap." nandidilim na sabi ni Dite. Ang sama ng tingin nya kay Charles. Ngumiti ako dahil nag-aalala sakin si Dite pero bigla akong napaubo na may kasamang dugo.

"Stop, Dite!" sigaw ni Lulu. Huli na para pigilan ni Lulu si Dite. Nasuntok na ni Dite ang mukha ni Charles at nakatulog ito sa lakas. "Hindi mo ako sinunod, Dite!"

"Wala akong paki." sabi ni Dite at tumayo. Nakita ko na naman ang dark side ni Dite. Nakakakilabot sya. Kapag ganyan sya, wala syang ibang susundin kundi ang nasa isip nya lang. Wala syang pakikinggan. Hindi namin alam kung paano sya pakakalmahin. Halatang galit si Dite ngayon. Parehas nakayukom ang dalawa nyang palad habang walang emosyon na nakatingin kay Charles. Parang balak nya itong patayin. Kinakabahan ako kay Dite, hindi ko sya mapipigilan dahil nanghihina ako.

Nagulat naman kami nung halikan ni Lulu si Dite sa labi. Napanganga ako sa nakita ko. Hindi ko naisip na magagawa ni Lulu 'yon kahit pa ganon sila ka-close ni Dite. Nagdududa na talaga ako sa dalawang ito.

"Ano? kalmado ka na ba?" tanong ni Lulu ka Dite. Nakahawak ang dalawang kamay ni Lulu sa mukha ni Dite. Magkatinginan silang dalawa. Ilang segundo silang ganon hanggang sa mapadila si Dite ng labi nya.

"I like your lips, but you shouldn't do that again." sabi nya. Nakita na namin na napanguso si Lulu.

"Wala naman akong balak halikan ka pero no choice ako ngayon. Wala sila Ninang para pakalmahin ka." sabi ni Lulu at binitawan ang mukha ni Dite.

"Siguro, kung hindi ka lang bestfriend ni Dite, mauulit yung kiss." natatawang asar ni Tyrant. Naintindihan ko naman agad ang tinutukoy ni Tyrant. Si Ate na mahilig sa mga labi, hindi malabong mamana ni Dite 'yon.

"Anong gagawin natin kay Kuya Charles?" tanong ni Lulu. Nilapitan nya ito para tignan. "Amoy alak si Kuya Charles."

"Kaya naman pala nagawang saktan kayo dahil lasing." sabi ni Tyrant.

"Hindi, Tyrant. Lasing o hindi, kayang manakit ni Charles ng babae. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na masuntok nya ako." sabi ko. Konti lang na nakakaalam na si Charles ang may gawa sa pasa ko noon.

"Baliw na yan." sabi ni Eloi na ikatingin namin sa kanya. "Hindi nya matanggap na hindi na babalik sa kanya si Kriza kaya nasiraan na ng ulo." dagdag nya pa.

"Balita ko nga, natanggal sya sa boys." sabi ni Lulu.

"Tinanggal sya dahil nasaktan nya si Kriza." sabi ko. "Apo si Kriza ng may ari ng Dragon Empire kaya ginawa agad ng action. Wala na ang tiwala sa kanya ng Walker-Lou family." dagdag ko. Inalis ko ang pagkaalalay ko kay Tyrant.

"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ulit ni Lulu. "Iwan na lang natin ng ganito? Mag-uumpisa na kasi laro natin."

"Ako na bahala." may pagdududang tinignan namin si Dite. "Umalis na kayo." sabi nya na hindi pinapansin ang tingin namin sa kanya.

"Hindi, Dite. Sasama ka samin. Iiwan na lang natin ito dito." sabi ni Lulu at nilapitan si Dite. Hinawakan nya ang kamay ni Dite.

"Anong kaguluhan ito?" napatingin kami sa officer dito na lumapit. Agad sya nagtanong kung ano ang nangyari kay Charles. Kinuwento agad ni Lulu ang nangyari at sinabi ng officer na sila na ang bahala kay Charles kaya naman bumalik na kami sa dug-out. Pagdating namin ay ang daming tanong na ibinato sakin kung ano ang nangyari sakin. May naiwang dugo sa damit ko kaya nagulat sila. Si Lulu na ang nag-explain sa kanila habang pina-check up naman ako.

Masamang balita ang sinabi sakin ng dalawang coach. Hindi ako makakalaro sa laban sa Shakers. Pinipilit ko sila na paglaruin ako pero hindi nila ako pinayagan dahil nga sa suntok na natamo ko sa sikmura. Luging lugi ako na nakaupo sa bench. Hindi na ako pinasali sa warm up kaya naman ako lang naiwan dito sa bench kasama si coach Ella.

"Magtiwala ka lang sa kanila." napatingin ako kay coach Ella. Nakatingin sya sa mga kasamahan ko. "Hindi lang ikaw ang star player ng Dragon Empire." sabay lingon nya sakin na nakangiti.

Hindi na ako nagsalita. May tiwala ako sa mga kasamahan ko na kaya nilang manalo. Kaya ko lang naman pinipilit na maglaro ay dahil kay Eloi, gusto ko ulit syang talunin. Pero mukhang hindi nila ako paglalaruin kahit pa siguro natatalo na sila.

Ang first player namin ay sila Stace, Jacky, Kriza, Marceline at Kylo habang ang Shakers ay sila Eloi, Tyrant, Astris, Samantha at Monique. Muling magkakalaban sila Kriza at Eloi. Nakapwesto na silang dalawa para bantayan ang isa't isa. Nung napunta kay Kriza ang bola, hindi sya pinalagpas ni Eloi kaya naman ipinasa nya ang bola kay Marceline.

Sa sobrang focus ko sa dalawa, hindi ko napasin na si Astris na ang panay puntos sa Shakers. Hindi kaya ni Jacky pigilan si Astris. Kung ako nga nahirapan sa kanya. Delikado talaga si Astris.

"Defense! Defense! Defense!" sigaw nila Lulu. Nakuha ni Monique ang bola kaya balik na naman sila sa defense mode.

Mabilis na naitira ni Tyrant ang bola sa three point line. Naiwanan syang open dahil tinulungan ni Kylo si Jacky pigilan si Astris. Mahirap ito, isa lang na maging open sa kanila, makakapuntos sila. Kung may isa lang na kayang pigilan si Astris.

Napahiyaw sila Math nung makapuntos na si Jacky. Ngayon lang kami nakapuntos sa loob ng tatlong minuto. Nakalamang na sila ng sampu samin. Problema 'to. Tumingin ako sa dalawang coach ko.

"Go Kriza!" muli kong ibinalik ang tingin sa court. Saktong bumalik si Kriza sa kabilang side ng court habang drinidribble ang bola kasunod nya si Eloi. Tumalon si Kriza sa free throw line at nag-dunk. Napahiyaw ang buong fans ng Dragon Empire kasama ang mga kasamahan ko dito sa bench.

Napatingin ako sa humawak sa balikat ko, si coach Ella.

"I told you." nakangiting sabi nya. Tumingin ako kay Kriza. Kaya nga ba talaga?

"Woah! One on one!" sabi ni Math sa tabi ko.

Magkaharap ngayon si Kriza at Eloi. Napahiyaw ang mga kasamahan ko nung makuha ni Kriza ang bola kay Eloi. Dali-daling tumakbo ang sampu sa kabilang side. Si Astris ang nakahabol kay Kriza habang sumusunod sa kanya si Eloi. Tumalon si Kriza at ganon din si Astris para i-block ang bola. Nahawakan ni Astris ang bola pero malakas si Kriza kaya naipasok ang bola sa ring. Napahiyaw ang mga tao sa nakita.

"Wow." alam kong magaling mag-dunk si Kriza pero ang lakas nya. Hindi sya napigilan ni Astris.

Muli na naman nakuha nila Marceline ang bola. One on one na naman si Kriza at Eloi. Nagsimulang tumakbo si Kriza at pilit na pinipigilan naman sya ni Eloi. Natapik ni Eloi ang bola kaya bumalik sila sa kabilang side. Hinahabol ni Kriza si Eloi. Tumigil si Eloi sa pagtakbo at smooth naman na nakatigil si Kriza kaya hindi ito natumba. Mabilis na nag-dribble si Eloi. Nag-step forward sya sa kanan tapos pinadaloy ang bola sa likod papunta sa kaliwa. Mukhang napansin ni Kriza na pupunta sa kaliwa si Eloi kaya mabilis nyang naikilos ang katawan nya pero tumuloy si Eloi sa kanan at nag-lay up. 

Nagmamadaling tumakbo si Kriza pagkapasa sa kanya ng bola. Nalagpasan nya si Monique at doon naman sumulpot si Eloi. Napatigil sya at nag-crossover tapos  humakbang pasulong, napaatras si Eloi. Bumalik sa pwesto si Kriza at tumalon para itira ang bola. Nagulat kami dahil halos nasa three point line sya nakapwesto. Napahiyaw lahat nung pumasok ang bola sa ring.

Tumingin ako kay Kriza na may gulat at pagkamangha. Sa pinapakita nya ngayon, kayang kaya nyang manalo kay Eloi.

Pero kahit na kaya nyang talunin si Eloi, may iba pang magaling sa Shakers bukod kay Astris, si Tyrant. Dahil kailangan i-double team si Astris, madalas na naiiwang open si Tyrant at sya ang gumagawa ng paraan para makapuntos ang Shakers. Humahabol si Kriza pero nahuhuli sya palagi.

"Lulu." napatingin kaming lahat kay coach Avey. "Get ready." nakangiting sabi nya.

"Yosh!" sabi ni Lulu at nag-warm up sa gilid. Napangiti ako dahil ito na ang hinihintay nya.

Maya-maya lang ay nagpa-change player na sila, Lori to Lulu. Pansin ko na nag-usap ang dalawang mag-bestfriend na may paghahamon sa mukha. Magkakaharap na naman sila.

"Eh? bakit..." nagtatakang tumingin ako kay coach Avey. Naguguluhan ako kung bakit si Astris ang babantayan ni Lulu.

Nagulat ako na kayang pigilan ni Lulu si Astris. Alam kong magaling talaga si Lulu pero nagagawa nyang pigilan si Astris, si Astris na nahirapan pa akong talunin sya noon dahil sa bilis nya. Kung hindi lang sya injured noon, baka natalo nya ako pero itong si Lulu, kayang kaya nyang pantayan ang bilis ni Astris.

"Hindi na nakakapagtataka sa isa syang Sawada." sabi ni coach Ella. Tumingin sya sakin. "Actually, hindi lang kayo ni Kriza ang pasekreto namin trine-train." napaawang ang bibig ko sa gulat tapos tumingin kay Lulu na nakangiting nakikigitgitan kay Astris.

Lumayo si Lulu tapos tumalon. Tumalon din si Astris pero hindi nya na-block ang bola. Pumasok ang bola sa ring. Mabilis tumakbo si Astris nung makuha nya ang bola at sinabayan naman sya ni Lulu. Naharangan nya si Astris! Wala ng nagawa pa si Astris kundi ipasa ang bola pero bago pa masalo ni Tyrant ang bola ay naagaw ni Kriza. Dali daling tumakbo si Kriza sa kabilang ring kasabay ni Eloi. Tumalon si Kriza nung nasa free throw line sya pero nahampas ni Eloi ang bola. Mabuti na lang nakuha ni Marceline kaya nagawa nya itong ipasok sa bola.

Magkaharap si Astris at Lulu, hawak ni Astris ang bola. Hindi napansin ni Lulu si Tyrant na nasa likuran nya kaya nai-screen-an sya. Hindi na rin hinayaan ni Tyrant na habulin ni Lulu si Astris at sya na mismo ang nagbantay dito. Magaling magbantay si Tyrant, hindi na makaalis sa kanya si Lulu.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Eloi at Kriza. Naggigitgitan silang dalawa. Hindi ko pa masabi kung sino ang mananalo sa kanila pero masasabi ko na kaya na nga ni Kriza si Eloi. Sana manalo sya.

Tumunog ang buzzer na hudyat na tapos na ang laro. Maraming naghiyawan at maraming naghinayang, may mga naiyak na players sa pagkatalo at may matuwa sa pagkapanalo. Nakahinga ako ng maluwag dahil nanalo sila Kriza. Hindi man ganong kalaki ang lamang na nagawa nila Kriza pero mabuti na lang nanalo sila. Nung una muntik ng matalo dahil hindi makawala si Lulu kay Tyrant at panay ang puntos ni Astris pero nung pinalitan ni Blythe si Jacky na kayang sabayan ang bilis ni Astris kahit papaano ay hindi na kailangan pang i-double team si Astris. Natatalo na rin ni Kriza si Eloi kaya naman nakapuntos sya ng thirty-five points sa buong laro.

Isa lang ibigsabihin nito. Dito na magtatapos ang relasyon nila. Natalo na ni Kriza si Eloi na hindi ko aakalain na magagawa nya sa loob ng anim na buwan. Hindi ko alam kung paano nagawa iyon ni Kriza pero proud na proud ako sa kanya kahit hindi kami okay ngayon. Sa pinakita nya ngayon ay walang dudang matatalo nya nga ako pero hindi ako papayag na matalo nya ako kahit na hindi kami agad magkakaayos. Nagawa namin magkaayos na hindi pa kami nagkakalaban kaya naman magagawa ulit namin magkaayos kahit na hindi nya ako matalo.

"Wooh!" napatingin ako sa loob ng court dahil sa sigaw ng mga tao.

Napaawang ang bibig ko sa nakita ko. Sa gitna ng court ay magdikit ang mga labi ni Kriza at Eloi. Nasasaktan ako. Akala ko, ngayong natalo na ni Kriza si Eloi ay matatapos na kung ano ang meron sa kanila pero bakit may pahalik pa? ang mas masakit ay ang tagal ng halik nila kahit na magkadikit lang ito. Kahit na gusto kong ialis ang tingin ko sa kanila ay hindi ko mawala. Napako ang tingin ko sa kanila. Ito na naman ako eh, sinasaktan ko na naman ang sarili ko.

Hindi ko lang sila nakita nung may nagtakip ng mga mata ko. Medyo may kalakihan ang mga daliring tumakip sa mata ko.

"Wag ka ngang tanga." boses iyon ni Dite. Nilingon ko sya.

"Kailan pa humaba ang mga daliri mo?" imbis na tanong ko sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay tapos iniwanan nya ako para puntahan si Tyrant na umiiyak.

Napansin ko naman na pabalik na si Kriza. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumayo. Napahawak ako sa tiyan ko bago ako naglakad papunta sa mga kasamahan namin na nagce-celebrate sa loob ng court. Pasimple kong tinignan sya sa bench. Kausap nya si coach Avey.





----------------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 201 30
I offered my sister to help with teaching her new private student. I don't know her that well but I recognize her. We met a long time ago by accident...
286K 13.1K 44
Alina Fairgrieves never thought she'd make friends while battling monsters from other dimensions, but sometimes life surprises you. 𝐄𝐗𝐓𝐄𝐍𝐃𝐄𝐃...
61.4K 1.7K 38
Ashley starts to notice slight changes in Andy, he seems upset about something but won't say. He can't admit to himself that Andy could possibly be s...
40.4M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...