Beki and the Beasts (Complete...

Per Intoxicatingwine14

3.7K 161 70

Paano kung tumibok ang puso mo sa hindi inaasahang tao? Paano mo mamahalin ito gayong iba ang nilalaman at gi... Més

Beki and the Beasts
Chapter 1 The First Encounter
Chapter 2 The Bekies and the Beasts
Chapter 3 Clarence's Dilemma
Chapter 4 Edz's Revelation
Chapter 5 Steamy night, Crazy night
Chapter 6 Swallowing the Ego
Chapter 7 Clash of the Beauty and the Brawn
Chapter 8 Misunderstood
Chapter 9 Boodle Fight
Chapter 10 Meet the Parents
Chapter 11 Patching Things Up
Chapter 12 Ate Boy Girl's Scandal
Chapter 13 Sabel's Parents
Chapter 14 Wanted
Chapter 15 Fiesta Galore
Chapter 16 Francis' Gain Clarence's Pain
Chapter 17 Francis' Realization
Chapter 18 Chasing Happiness
Chapter 19 Dare to Dare
Chapter 20 The Bullies Strike Again
Chapter 21 Taking The Challenge
Chapter 22 The Escapade
Chapter 24 Walking Home
Chapter 25 Taming The Bully
Chapter 26 Breaking Heart
Chapter 27 Breaking Heart part 2
Chapter 28 Crash And Burn
Chapter 29 Change of Heart
Chapter 30 A total Change of Heart
Chapter 31 What Makes a Real Man
Chapter 32 A Heart that Understands
Chapter 33 Turn the Table
Chapter 34 A Failed Chance
Chapter 35 Fleeting Time
Chapter 36 A love that's Pure
Chapter 37 Love knows no gender
Chapter 38 The Awakening
Chapter 39 Losing inhibitions
Chapter 40 A Summer that Lasted Forever

Chapter 23 The Escapade part 2

83 4 3
Per Intoxicatingwine14

Chapter 23

[Clarence's POV]

Kinahapunan naman saktong hindi na ganon katindi ang sikat ng araw kaya niyaya ko na silang mag swimming sa dagat. Sabay sabay naman kaming nag change outfit nila Edz kasama yung dalawang girls. Nagsuot sya ng two-piece na bathing suit na pinatungan nya ng knitted na top. Saka sya nag suot ng sexy shorts. Kahit sina Iris at Airo hindi rin naiwasan na humanga sa kanya.

"O gurl ba't nag shorts ka pa? Seksi ka naman! Keri na yung naka bathing suit ka lang." Sambit ko naman sa kanya.

"Hindi ko keri gurl! Hindi ko kering magpaka daring hahaha." Tugon naman nya.

 Tiyak na agaw eksena ang looks ni Edz. Paano nga naman lalong lumutang yung kaseksihan nya dahil sa outfit nya. Madalas kasi nakikita namin sya naka school uniform and naka outside dress lang pag lumalabas.  Siguradong maglalaway ang mga kalalakihan sa sisteret namin lalo na si Francis sa isip ko naman.

Paglabas  namin sa bahay hindi nga ako nagkamali. Paglapit namin sa mga boys lahat sila nakatitig naman sa amin kasama nila sina Pareng Che at si Ronnie. For sure hindi kami ang tinititigan ng mga ungas na to kundi ang sisteret naman na si Edz. Napatingin naman ako kay Francis, halos lumuwa na yung mga mata nito sa pagkakatitig kay Edz. Lumapit naman ako sa kanya sabay  hawak sa baba nya "Sarado mo yan baka pasukan ng langaw! Biro ko naman sa kanya. Nagtawanan naman silang lahat.

Pagpunta namin sa dagat nagtopless naman yung mga boys. Ayan umuulan ng abs hahaha. Dahil bukod sa amin may mga bakasyonista rin na nakastay sa resort na malapit lang sa lugar namin. Ang ending tuloy napapalunok na lang ako sa ganda ng mga nasisilayan ng aking mga mata hahaha.

Enjoy naman kami sa mga pinaggagawa namin, nariyan na tinabunan namin ng buhangin ang mga boys na ulo lang ang nakalitaw kasama si Che then kinuhanan namin sila ng pictures, nariyan din na naghaharutan lang kami sa dagat. Parang engot lang na naghahabulan. Ito namang si Francis umiimbestigador lang ang peg "Hindi kita tatantanan" ang eksena nya kay Edz. Bigla ko tuloy naramdaman ang pag ka O.P. Wala na kung nagawa kung hindi hayaan silang mag moment. Akma naman akong paahon ng dagat ng tawagin ako ni Edz."Gurl san ka pupunta?

"Hindi ka na ba maliligo? Segunda naman ni Francis

"Hindi kukunin ko lang yung camera para ma pictsuran ko kayo." Palusot ko naman.

Habang kinukuhanan ko naman ang lahat kitang kita naman sa lente ng camera yung chemistry nung dalawa. Para talaga silang mag jowa. Ilang saglit naman nakapatong na yung mga girls sa balikat ng mga guys. Si Iris kay Mart then si Airo ang kapartner ni Abel samantalang si Edz at Francis naman ay abala sa paglangoy. Habang si Ronnie naman at Che ay nanunuod lang sa kanila.

Habang pinagmamasdan ko yung dalawa bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Hindi ko alam pero I know I should be happy for them but why do I feel differently. Ba't parang ouchie! Maya maya lang tumatawag ang mga adik.

"Gurl sali ka dito! Bubuhatin ka daw ni Che!" Sigaw naman ni Abel.

"Loko loko! Haha" Tugon ko naman.

"Clarence tara! Dagdag naman ni Francis. Hindi naman ako kumibo pinagmasdan ko lang sya sabay talikod. Nagtungo naman ako sa may ilalim ng puno kung saan nakalagay yung mga gamit namin at isa isa kong chinicheck yung mga kuha kong litrato. Ilang saglit naman lumapit sa akin si Ronnie.

"Oh anong ginagawa mo dyan? Tingnan mo ang saya ng mga kaibigan mo, ba't nag sosolo ka dyan? Bungad naman nya.

"Chinicheck ko lang yung mga kuha kong litrato." Tugon ko naman.

"Pwede bang makita? Tanong naman nya.

"Sure" Sabay abot sa DSLR camera.

"Ang ganda ng mga kuha mo ah." Puri naman nya.

"Hindi naman, maganda lang yung backdrop kaya maganda yung kinalabasan ng mga pictures." Tugon ko naman.

Ilang saglit naman nakarinig na lang kami ng malakas na sigaw,

"Saklolo! Tulungan nyo ako hindi ako makalangoy! Sigaw ni Eds.

Bigla naman kaming napatayo ni Ronnie at akma naman kaming patakbo ng nakita namin si Francis na palangoy papunta kay Eds. Ilang saglit lang buhat buhat na ni Francis si Eds at patungo na sa direksyon namin.

"Aray ang sakit ng binti ko, numumulikat yung mga binti ko." Daing naman ni Edz.

Ibinaba naman sya ni Francis sa towel na inilatag ko.

"Teka lang wag kang magalaw mamasahiin ko." Tugon naman ni Francis habang hinahagod hagod at pinipisil pisil nito yung binti ni Edz.

"Aray! Aray! Daing naman ni Edz.

"Relax ka lang, maya maya lang eh mawawala na rin yan."Tugon naman ni Francis.

Habang pinagmamasdan ko silang dalawa hindi naman maikakaila yung pag aalala sa mukha ni Francis.

"Masakit pa ba? Tanong naman ni Francis habang minamasahe pa nito yung binti ni Edz.

"Hindi na masyado." Tugon naman nito. "Sya nga pala salamat Francis ha, baka nalunod na ako kung hindi mo ako agad tinulungan." Dagdag pa nito.

"Wala yon."Tugon naman ni Francis.

Maya maya lang din umahon na yung iba at nagdesisyon ng bumalik sa bahay medyo gumagabi din naman. Habang naglalakad pabalik nakaalalay pa rin si Francis kay Edz.

Pagdating naman sa bahay unahan naman sa pagligo. Dahil iisa lang yung banyo kaya sabay sabay naman naligo yung iba. Nauna munang naligo sina Edz, Iris at Airo. Si Che naman ang sumunod. Pinapasabay na sya nung mga girls pero ayaw daw nyang maligo ng may kasabay. Ang arte ha. Anyway babae pa rin naman sya. Naloka ako kay Che dahil ang tagal nyang maligo ang dami pa atang seremonyas ng leche sa banyo.

Dahil sa gabi na nagsimula naman umihip ang malamig na hangin, lalo naman akong nilamig. Pagkatapos naman ni Che nakipag unahan naman si Mart dahil napapajebs daw ang putek, sumabay naman si Abel sa kanya hindi na na keri yung lamig.

Nag abang na ako sa harap ng banyo baka maunahan na naman ako. Pagkatapos nung dalawa dali dali naman akong pumasok sa banyo. Akma ko naman isasara yung pinto ng may biglang tumulak dito. Pagtingin ko naman kung sino yon, walang iba kung hindi ang loko lokong si Francis.

"Sasabay na ako! Sabay pasok naman nya sa loob.

"Ano ka hilo! Mauna ka na. Ayaw kong may kasabay." Sambit ko naman sabay lalabas ng banyo. Pero bago pa man ako nakalabas ng banyo isinara na kaagad ng tukmol ang pinto.

"Huwag ka ng maarte dyan. Malamig sa labas. Isa pa ano bang pinoproblema mo? Pareho naman tayong lalaki." Paliwanag naman nya.

"Anong pareho!? Kahit na ba, nakakaasiwang may kasabay no." Tugon ko naman.

"Wag ka nga. Ano ba sa palagay mo ang gagawin ko sayo? Baka nga ikaw ang may gawin sa akin eh, hehehe." Sabay ngiti nyang nakakaloko. Hindi naman ako agad nakaimik sa sinabi nya. Bigla tuloy nawala yung katarayan ko. Adik talaga ang ungas na ito. Hindi nya ba alam kung anong idinudulot ng mga ginagawa nyang ito sa akin. Ginugulo nya yung isipan ko, ganon din ang damdamin ko.

"Hoy! Hindi ako kagaya ng mga beki dyan na nakikita mo noh. Ibahin mo ko!" Wala na akong ibang nasabi.

"Talaga lang ha! hehehe"Tugon naman nya sabay hubad sa shorts nya.

"Wahaahaha!!! Francis anong ginagawa mo!? Sigaw ko naman. Hindi ko tuloy naiwasan na makita yung bukol nya sa harapan.

"Ano ba sa palagay mo? Natural maliligo! Wag ka ngang O.A. dyan."Kaswal naman nyang sagot.

"Anong O.A!? Engot ka ba!? Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Alam mo ba kung anong epekto ng ginagawa...." Hindi ko naman nakuhang tapusin yung sasabihin ko. "Ugok ka talaga! Sabay bukas ko sa pinto at labas ko sa banyo. Humagalpak lang sya sa pagtawa.

Ugok talaga ang hinayupak na yon. Ano ba sa palagay nya ang ginagawa nya? Tinutukso nya ba ako? Bigla tuloy uminit ang pakiramdam ko. Leche sya! Wag nya akong tinutukso tukso ng ganyan. Marupok lang ako baka matukso ako, sya rin hihihihi. Ay lechugas ano tong pinagsasabi ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala yung nakita ko kanina. Talagang brighter future ang bombilya nya sa harapan hihihi. Ayan leche! naging malikot tuloy ang imahinasyon ko.

Pagkatapos naman makaligo ng lahat tumulong naman kami sa paghahanda ng dinner. Habang abala ang mga boys sa pag iihaw ihaw, tumulong naman kami ng mga girls sa tito at tita ni Mart sa pagluluto sa kusina parang fiesta galore tuloy ang naging eksena. Walang tigil sa tawanan at hagikgikan. Si Edz naman hala nakikiharutan na rin kay Francis.

Habang pinagmamasdan ko naman silang nagkakasiyahan bigla naman akong inatake ng matinding kalungkutan. Hindi ko alam na kahit pa pala sa gitna ng maingay na tawanan makakaramdam ka rin pala ng kalungkutan marahil dulot ito ng aking pinagdadaanan. Sinikap ko na lang ipakita ang nakangiti kong mukha para naman hindi sila mabahala.

Pagkatapos naman ng isang masarap at nakabubusog na hapunan nagyaya na sina Mart na mag bonfire sa dalampasigan. Kahit papaano medyo natuwa naman ako sa narinig ko. Kaya sumunod kami kaagad nila Edz kasama yung ibang girls kina Mart sa may dalampasigan. Good thing I brought maliit na banig na pwedeng ilatag sa buhanginan. Dinatnan naman namin doon si Ronnie na nangangalap ng mga tuyong sanga na pwedeng sigaan. Ilang saglit lang sinindihan na ito ni Ronnie. Inilatag naman namin ni Eds yung maliit na banig atsaka kami umupo. Kanya kanya naman hanap ng pwesto yung iba. Tamang tama naman yung init na dulot ng bonfire dahil malamig yung ihip ng hangin. Habang nakayap naman sa akin si Edz at ganon din ako sa kanya, bigla naman dumating sina Abel, Francis at Che buhat buhat yung ice box na may lamang drinks na baon namin sa byahe.

"Ok guys inuman na!!!!! Sigaw naman ni Che sabay hagis ng red horse in can kay Mart.

"Umiinon ba yang pinsan mo? Tanong naman ni Che kay Mart.

"Oo umiinom yan. Sige bigyan mo." Tugon naman ni Mart.

"Tol oh saluhin mo." Tugon naman ni Che sabay hagis sa Red horse in can. "Girls we have softdrinks in can if you want." Dagdag pa nito.

Magkayap naman kami ni Edz ng biglang sumingit sa gitna namin ang mokong na Francis.

"Sali nyo naman ako dyan oh." Sambit nito sabay siksik sa amin ni Edz.

"Kailangan ba talagang sumiksik!" Sarkastiko kong sambit.

Nginitian lang ako ng leche sabay offer ng softdrink in can kay Edz,

 "Edz oh......., Gusto mo rin Clarence? Kuha ka na lang don." Sambit naman ng leche. Bigla naman akong nakaramdam ng pagka inis sa ginawa nya. Ang sarap nyang batukan. Hindi na lang ako kumibo at tumayo na lang ako.

"Gurl san ka pupunta? Tanong naman ni Edz.

"Dyan lang sa tabi tabi yung malayo sa mga asungot!" Bwisit kong tugon sabay lakad palayo sa kanila.

"Hala napikon mo ata si gurl." Dinig ko naman na sambit ni Edz kay Francis.

 "Hindi ok lang sya. Sanay na sya sa akin. hehe" Tugon naman ng tukmol. Sanay pala ha! Bwisit sanayin mo ang mukha tukmol! Sa isip ko naman.

Naglakad lakad naman ako sa may dalampasigan na medyo malayo sa kanila. Parang mas gusto ko yung mapag isa at mag muni muni muna. Dahil sa bilog ang buwan medyo maliwanag naman yung kapaligiran kaya hindi rin nakakatakot maglakad lakad mag isa. Umupo naman ako sa may buhanginan para pag masdan yung buwan at mga bituin. Maaliwalas ang kalangitan parang tadtad ng dyamante ang kalangitan sa dami ng mga bituin. Ang sarap din sa pakiramdam ng malamig na simoy ng hangin, sa bawat dampi nito sa akin ay parang panibagong lakas ang aking nadarama.

Nasa ganito akong sitwasyon ng may biglang humawak sa balikat ko,

"Ay kabayong bundat! Sambulat ko. Natawa naman ang leche. "Ikaw pala ginulat mo naman ako." Dagdag ko pa.

"Pasensya na kung nagulat kita." Tugon naman ni Ronnie. "Anong ginagawa mo dyan?" Dagdag pa nito.

 "Nag momoment mag isa! Hindi charing lang. Gusto ko lang maappreciate yung kapaligiran ng mag isa. Yung preskong simoy ng hangin, yung tunog ng alon ng dagat, pati yung moon and stars hehe. Sa siyudad kasi walang ganito eh."Tugon ko naman.

"Ganon ba, sabagay kahit ako rin mas gusto kong mag isang pumupunta dito sa pagsapit ng gabi." Sambit naman nya.

"Mag isa? Gabi gabi? May inaabangan ka? Tanong ko naman.

"Wala naman. Mas nakakapag isip kasi ako ng malalim pag mag isa lang ako isa pa gaya nga ng sabi mo mas maappreciate mo ang lahat ng nakapaligid sayo pag ikaw lang mag isa kasi nga walang abala." Paliwanag naman nya.

"Ahh, akala ko may inaabangan ka hehe" Biro ko naman.

"Wala noh. Sino naman ang aabangan ko dito?" Depensa naman nya.

"Malay ko! Baka mga sireynang buhangin. Hahaha" Tugon ko naman.

 "Sireynang buhangin? Nalilito naman nya tanong. Tila napaisip naman sya at "Ahhh!!!! oiii hindi no hindi ako pumapatol sa mga ganon." Depensa naman nya.

"Hahahaha. Oii joke lang no ito naman defensive kaagad." Tugon ko naman.

"Tara na nga balik na tayo baka hinahanap na nila tayo." Yaya naman nya.

Pagbalik naman namin nakatingin silang lahat sa amin.

"Oii gurl anong ginawa nyo? Saan kayo galing? Bungad naman ni Francis.

 " Ayan! Anong ginawa talaga ang tanong!? Loko nag bilang kami ng buhangin!" Asar ko namang tugon. Hindi naman sya nakakibo.

"Uii Gurl virgin pa yang pinsan ko. Hehe" Pang aasar naman ni Mart.

"Oii Mart na green minded! Virgin din naman ako ah sa skin pores ugok!" Tugon ko naman. Sabay tawanan naman silang lahat.

"Adik ka talaga gurl!" Tugon naman ni Mart. No comment naman si Ronnie. Tawa tawa lang din ang adik.

"Dito ka nga gurl! Sabay hablot ni Mart sa kamay ko. "Dito ka sa tabi ko." Dagdag pa nito sabay hagod nito sa mukha ko. " Mag shot ka para mawala yang pagka aasar mo." Napa upo naman ako sa may buhangin sa tabi nya sabay palupot ng braso nya sa leeg ko. Inabot naman nya yung lata ng Red horse na iniinom nya. Medyo nakainom na ang leche kaya makulit at madaldal na ito. Inabot ko naman yung lata ng alak at saka ininom ng biglang,

"Oii Mart bawal uminom yan!" Sambit naman ni Francis in his very assertive tone.  Nasamid tuloy ako sa narinig ko.

"At sinong may sabi? Tanong ko naman na may pagkairita.

 "Ako hindi mo narinig! Yon ang bilin ng tatay mo." Dagdag pa nito.

Medyo nagpanting naman ang tenga ko sa sinabi nya, "At bakit ikaw ba ang tatay ko!!!" Bigla ko namang sambulat sa kanya. Napansin naman ng lahat ng medyo nagkakainitan na kami kaya pumasok na rin sa eksena si Edz.

"Hey hey guys, that's enough. We're here to enjoy. Kung mag aaway din lang naman kayo mabuti pa itigil na natin yan at matulog na tayo." Suwehistyon naman ni Edz.

"Ikaw lang tong inaalala. Kung ayaw mo sige bahala ka laklakin mo lahat ng alak dyan!" Sambit naman ng ungas sabay tayo at lakad palayo sa grupo.

"Talaga!" Sagot ko naman ng pabalang. Ang leche ang daming kinikiver. Hindi ko na nga sya kinikiver pinapakialaman pa ako. Pero ganon pa man medyo na hurt din ako sa sinabi nya. As if naman ganon ako kahayok sa alak para laklakin ko lahat ng alak leche sya.

 "Anong problema ng isang yon? Tanong naman ni Mart

"Never mind him Mart! Let's not ruin our night with some insignificant childish peevishness! Let's drink guys! Anyaya ko naman sa lahat.

"Hoy gurl hinayhinay ka sa pag inom baka mawala ka na naman sa sarili." Paalala naman ni Edz.

"Ay gurl Edz hayaan mo ako, mag eenjoy ako gaya ng sabi mo. And don't worry hindi ako magpapakabangag." paliwanag ko naman.

"Sige gurl, puntahan ko lang saglit si Francis para kausapin." Tugon naman ni Edz.

"Bahala ka gurl." Tugon ko naman.

-------------------------0000000000-----------------------

[Francis' POV]

Putcha! Ako na nga itong nag aalala ako pa ang lumalabas na pakialamero. Masama bang mag alala sa kanya. Natural magkaibigan kami kaya normal lang na mag alala ako sa kanya. Putek simula ngayon hindi ko na sya pakikialaman. Bahala syang magpakalasing.

Maya maya lang nakita ko naman si Edz na palapit sa akin.

" O ayos ka na? Tanong naman ni Edz.

"Oo ok na ako, medyo nainis lang ako kanina. Sya lang itong inaalala ko eh, pero wala na yon ngayon. " Paliwanag ko naman.

"I understand na nag aalala ka sa kanya bilang kaibigan pero parang sumobra nga naman yang pag aalala mo. Hindi naman bata si Clarence para pigilan mo syang uminom, isa pa si Mart naman yung nagyaya sa kanya hindi naman ibang tao eh. Don't you think you over reacted? Paliwanag naman ni Edz.

Putek nag over react nga ba ako? Siguro nga, Ewan ko hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko napigilan yung sarili ko ng makita kong magkasama sila kanina ni Ronnie. Ewan ko pero nakaramdam ako ng pag kainis. Isa pa lalo akong nairita nung hilahin sya ni Mart at hagurin nito ng kamay nya ang mukha ni Clarence. Ako lang ang gumagawa ng ganun sa kanya. Ang nakakaasar pa hindi man lang nag react o tumutol si Clarence nung ginawa yon ni Mart.

"Siguro nga nag over react ako, hayaan mo na, pasasaan at magkakaayos din kami." Tugon ko naman kay Edz.

"Oo naman no si Clarence pa, I'm sure hindi ka matitiis nun." Dagdag pa nito.

"Thanks Edz ha!" Sambit ko naman

"Para saan? Tanong naman nya.

"For listening." Tugon ko naman. Hindi naman sya nagsalita ngumiti lang sya.

"Oiii Francis dito  na nga kayo! Tama na yang drama. Nandito tayo para mag saya." Sigaw naman ni Che sa amin ni Edz.

"Tara na puntahan na natin sila." Yaya naman niya.

Paglapit naman namin sa kanila nagkakantahan naman silang lahat habang nag gigitara si Ronnie. Umuwi pala ito kanina para kunin yung gitara nya sa bahay. Magaling pala syang mag gitara. 

Wala pa rin kibo si Clarence at tila nakakarami na rin sya ng inom. Pinagmamasdan ko lang sya habang nakasandal naman ang ulo nya sa balikat ni Mart. Ni hindi man lang sya tumungin sa amin ni Edz simula ng pagdating namin. Sa kalagitnaan ng kasiyahan, tinungga naman nito yung alak na hawak hawak nya at saka tumayo.

" Oh gurl saan ka pupunta? Tanong naman ni Mart.

" Babalik muna ako sa bahay." Tugon naman nya.

"Ayos ka lang gurl? Gusto mo samahan kita? Offer naman ni Edz.

Ngumiti naman ito sabay sabi " Keri lang ako gurl. Dyan ka na lang gurl at mag enjoy. Saglit lang ako babalik din ako kaagad." Tugon naman nito saka naman lumakad pabalik ng bahay.

"Ayos lang kaya yon? Tanong naman ni Edz pag alis naman ni Clarence.

"Naka 4 lata rin sya ah." Sambit naman ni Che.

"Hindi nyo man lang sya pinigilan." Sambit naman ni Edz.

"Ay Edz as if naman magpapapigil yon." Tugo naman ni Airo.

"Don't worry mukha naman syang ok eh. Isa pa babalik din daw sya kaagad, "Paliwanag ko naman,

------------------------000000000000000------------------------------

[Clarence's POV]

Pagdating sa bahay dumiresto naman ako sa kubo para magmuni muni. Hindi tuloy maalis sa isip ko yung naging reaksyon ko earlier. Kahit papaano nagiguilty rin ako sa mga nasabi ko kay Francis. Leche naman kasi sya eh. Hindi ko sya ma dig. Kung makabawal daig nya pa ang tatay ko. Pati tuloy ako naguguluhan na rin. Hindi ko tuloy alam kung hindi ko ba sya maintindihan o hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ay leche!

 Aaminin ko sa tuwing magkasama sila ni Ez nakakaramdam ako ng lungkot at inggit. Hindi kaya yon ang dahilan? Kung tutuusin hindi naman big deal yung ginawa nya kanina pero over ang naing reaksyon ko. Is it true I over complicated things? Para saan? Naalala ko tuloy yung nabanggit ni Shok noon na kung minsan people tend to complicate trivialities para mapansin sila. Para makuha nila yung atensyon na ninanais nila. Dahil hindi nila masabi ng diretso ang nais nila kaya gumagawa na lang sila ng paraan para mapansin sila. Oh my gad!!!! This can't be!!!

Hindi kaya yon ang gusto ko? Na pansinin din ako ni Francis? Lechugas! Hindi kaya ito na yung tinatawag nilang "Jealousy" OH MY GUMS AGAIN!!!! Nag seselos na ata ako? May nararamdaman na ba ako para kay Francis? Think Clarence! Think! Hindi ito pwede! Pareho mo silang kaibigan. Kahit saang anggulo titingnan hindi talaga pwede. Sabagay wala naman palang anggulong titingnan dahil pareho kaming lalaki!!!!! Pagirl lang nga ako hindi naman girl. Hay!!!. Putek!!!! Ang hirap!!! Mas kumplikado pa to sa Algebra, Geometry, Trigo atbp. Buti pa ang Math basta alam mo lang ang formula ok ka na eh, dito walang formula na pwedeng gamitin. Gusto ko naman maiyak sa kumplikado ng sitwasyon Putek!!! Ba't kasi ang babaw ng luha ko sandali agad akong naiiyak. Bading na bading talaga leche!

Isip Clarence isip! Be rational. Don't let your emotion run over you dahil kung hindi disaster ang ending nito.....

"Oh hijo ba't nag iisa ka dyan? Ba't hindi mo kasama yung mga kaklase mo? Bigla naman sambit ng boses.

"Ay baklang kabayo!! Bigla ko naman sambulat. Paglingon ko si Tita Mira pala.

"Ay pasensya na kung nagulat kita. Anong nangyari sayo? Umiiyak ka ba? Dagdag pa nito.

" Ay hindi po medyo naparami lang po ako ng inom, nauna na ako para magpahinga." Pagsisinungaling ko naman.

"Ganon ba, Pwede ka ng umakyat sa itaas kung gusto mo ng matulog." Anyaya naman nito.

"Mamaya na po siguro magpapahangin mo ako dito." Tugon ko naman. "

 "Si Tito Luisito nga po pala? Tanong ko naman para maiba lang ang usapan.

"Ayon tulog na. Maagang natutulog yon kasi maaga rin syang bumabangon." Tugon naman nito.

" Ah.... Ang sarap po sigurong matulog dito no? Ang presko presko ng hangin." Dagdag ko naman.

"Naku sinabi mo pa. Tuwing magbabakasyon sina Mart at ang pamilya nya dito. Dito madalas matulog yung mag pinsan. "Banggit naman nya.

"Talaga po!..... Pwede po kayang dito na lang din ako matulog? Tanong ko naman.

"Sigurado ka? Baka lamigin ka dito. Isa pa paano yung mga kaklase mo? Tanong naman nya.

"Naku ok lang po sa kanila yon. Baka dito rin nga po sila matulog nyan eh." Sagot ko naman.

"O sige ikaw ang bahala. Saglit lang kukuha lang ako ng kumot at unan at sapin." Sambit naman nya.

 "Thank you po tita."

Ilang saglit lang nga may mga dala na itong kumo't at unan at sapin sa higaan. Pag alis naman nya nagpatuloy naman ako sa pag iisip kung anong mabuting gawin. Ano bang dapat gawin? Pag iwas ba ang tamang solusyon? Sabagay hindi naman tama ang pag amin. Kung ganon lang sana kadali ang umamin. Kung sana sa pag amin walang mag babago kaso hindi eh, siguradong malaking pag babago ang pwedeng mangyari at pwedeng maglaho ang lahat sa isang maling pag amin lang. I can't afford to lose my friends. They are the reason why I'm still intact not shaken, the reason why I still exist..Hay tama na ang drama naiiyak lang tuloy ako. Bahala na nga go with the flow na lang.

-----------------------------00000000000--------------------------

[Francis' POV]

Isa't kalahating oras na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Clarence.

"Wala pa si Clarence! " Sambit ni Edz. "Isa't kalahating oras na ang lumipas ah." Dagdag pa nito.

"Baka naka tulog na yon. Ang dami nya kasing nainom eh." Paliwanag ni Che.

"I'd better check! Tugon naman ni Edz.

"Samahan na kita." Suggestion ko naman sabay ubos sa lata ng alak na hawak hawak ko. " Wait lang guys chicheck lang namin si Clarence" Dagdag ko pa.

Habang naglalakad naman kami ni Edz patungo sa bahay pareho lang kaming tahimik. Kumukuha lang ako ng magandang pagkakataon para kausapin uli sya tungkol sa balak kong panliligaw. Good thing I was intoxicated. I could easily say my feelings for her. Pagdating sa may kubo huminto naman ako ng paglakad sabay tawag kay Edz.

"Edz! Huminto naman ito. " Naghihintay lang ako ng tamang pag kakataon para kausapin ka ulit." Gusto kita Edz! I really really really like you Edilyn Largo. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ko na tapat ang hangarin ko para sayo. Ayos lang sa akin kung gusto mo akong maghintay. Maghihintay ako pero sana pag isipan mo ng maigi. " Buong loob kong sambit sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Hindi naman sya nakakibo kaagad. Ilang saglit lang ngumiti naman sya at, "Sige pag iisipan ko." Tugon naman nya.

"Talaga! Yes! Tuwang tuwa kong sambit.

"Yes, yes ka dyan! Sabi ko pag iisipan ko." Tugon naman nya.

"Ayos na din yon! Atleast kahit papaano alam kong may pag asa ako sayo. Hahaha" Tugon ko naman.

"Sira ka talaga." Sambit naman nya.

Hindi naman namin inaasahan bigla namang lumabas si Clarence sa loob ng kubo.

"Clarence! Gurl nandyan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinihintay. Sabi mo sandali ka lang." Sambit naman ni Edz.

"Sorry gurl nagpahinga lang ako saglit. Matutulog na sana ako ng makarinig ako ng ingay." Paliwanag naman nya.

"Anong matutulog!? Maaga pa tara kailangan nating mag enjoy. Hahaha" Sambit ko naman sabay akbay ko sa kanya. Hindi naman sya kumibo.

"Uii wag mong sabihin ng galit ka pa rin hanggang ngayon? Sige na sorry na. Clarence sorry na!! paglalambis ko naman sa kanya sabay hagod ko sa mukha nya. Hindi naman sya nag salita medyo nainis lang sya sa ginawa ko. " O yan bati na tayo ha!"

"Francis tumigil ka na. Medyo lasing ka na rin oh madaldal ka na." Sambit naman ni Edz.

"Hindi ako lasing! Nakainom lang ako hehehe." Depensa ko naman. " Tara na puntahan na natin sila." Anyaya ko naman kay Clarence.

" Gusto ko ng magpahinga." Matipid naman nyang tugon.

"Clarence is right. It's getting late na rin. We should be taking our rest by now. May bukas pa naman eh." Segunda naman ni Edz. "We should call the others." Dagdag pa nito.

" Yes, ma'am sinabi mo eh. Hahaha." Masaya ko namang tugon kay Edz. "Ako na lang ang tatawag sa kanila. Dito na lang kayo." Offer ko naman.

Ilang saglit lang kasama ko na yung iba. Akma naman na lumabas ng bahay si Tita Mira.

"Mart magsipag tulog na kayo. Lumalalim na ang gabi. Bukas nyo na lang ipagpatuloy yan." Sambit naman nito.

"Opo tita." Tugon naman ni Mart.

"Sige guys pasok na kayo sa loob at dito na lang ako matutulog sa kubo." Tugon naman ni Clarence.

"Talaga! Kung ganon pala tabi tabi na tayong tatlo ng pinsan ko." Tugon naman ni Mart.

"Hoy hindi pwede yan! Dapat kasama ako dyan." Bigla ko namang tugon.

"Ganito na lang kayong mga babae doon na kayo sa taas sa guest room. Kayo naman Mart kung dyan kayo matutulog maglabas na kayo ng kumot at unan." Suwehistyon ni Tita Mira. " Ronnie tulungan mong maglabas ng kumot at unan at sapin ang pinsan mo." Dagdag pa nito.

"Opo nay." Tugon naman ni Ronnie.

"Kayo namang mga babae pasok na sa loob." Tugon naman ni Tita Mira.

"Paano naman ako? Tanong naman ni Che.

" Sa loob ka na rin." Tugon naman ni Tita Mira. "Sige pasok na!" Dagdag pa nito.

 "Good night guys! Good night gurl!" Sambit naman ni Edz kay Clarence sabay yakap dito.

 "Good night Edz." Sambit ko naman. "Good night guys." Dagdag ko pa atsaka na sila pumasok.

Pag alis naman nina Mart at Ronnie para kumuha ng unan at kumot Pumasok na kami nila Clarence at Abel sa kubo. Medyo malapad naman yung kubo kaya kasya lima hanggang sampung katao. Dahil na rin sa kalasingan kung saan na lang humiga si Abel. Si Clarence naman may kumot at unan na pala at naka pwesto naman sya malapit sa may bintana. Humiga na ito at tumalikod na sa akin paharap sa may dingding. Umupo naman ako sa gitna ng sahig. Ilang saglit lang dumating na sina Mart at Ronnie dala dala ang mga unan at kumot at sapin sa higaan.

"O magsapin kayo, malamig ang sahig baka ubohin kayo." Offer naman ni Ronnie.

"Tol san ka banda matutulog? Tanong naman ni Mart sa akin.

Umusog naman ako sa tabi ni Clarence sabay sabi, "Dito na lang siguro." Tugon ko naman.

"Sige dito na lang ako sa kabila mo at dito naman si Ronnie sa  tabi ko. Si Abel na lang ang sa dulo." Tugon naman ni Mart.

Pagkatapos kong sapinan ang higaan tumayo naman ako para sapinan ang higaan ni Abel. Putcha nabangag si Abel. Ang sarap na ng tulog nya, pagakatapos kung ayusing yung unan at higaan nya kinumutan ko naman ito saka na ko bumalik sa higaan ko.

Isang oras na ang lumulipas hindi pa rin ako makatulog. Ang sarap na ng hilik nina Mart ngunit gising pa rin ako. Putek! Hindi ako sanay ng walang sandayan sa paa. Gusto ko ng maraming unan pag natutulog. Gusto ko ng may niyayakap na unan. Maya maya bigla naman tumayo si Clarence.

"Uii san ka pupunta? Tanong ko.

"Magbabanyo!? Tugon naman nya.

Hindi naman ito kaagad bumalik. After 30 minutes dun pa lang sya bumalik.

"Ba't ang tagal mo? Tanong ko.

"Ay bakit? E ano naman sayo kung matagal ako. Grabee!!!" Sarkastiko naman nyang tugon.

"Oh akala ko ba bati na tayo? Nag sorry na nga ako kanina di ba. Grabe naman yang galit na yan walang katapusan." Tugon ko naman. Hindi naman sya nakaimik kaagad.

" Nag hilamos at nag toothbrush muna ko kaya natagalan ako." Tugon naman nya sabay higa at talikod sa akin.

Lumipas naman ang sandali tulog na ang lahat at gising pa rin ako.

Humarap naman ako sa kanya habang sya naman ang nakatalikod sa akin. Gusto ko sanang isanday ang binti ko sa kanya dahil hindi ako makatulog pero siguradong magagalit na naman ito sa akin. Putek lalo tuloy lumamig ang nipis pa ng kumot namin. Pinakiramdaman ko naman kung tulog na ito. Patay malisya kong idinikit yung binti ko sa binti nya. Hindi naman ito kumibo. Tulog na to sigurado lang ang dami nitong nainom eh sa isip ko naman. Ilang saglit pa tuluyan ko ng isinanday ang binti ko sa kanya. Bigla naman inalis ng binti nya sa pagkakapatong ang binti ko. Sinubukan ko uli at sa ikalawang pagkakataon humarap naman ito sa akin sabay pikit ko naman sa mga mata ko.

 "Francis ano ba!? Ang bigat bigat ng mga binti mo!" Sambit naman nya sabay alis sa mga binti ko.

Gumawa naman ako ng ungol para kunwari'y tulog na ako. Ilang saglit lang naramdaman ko naman na bumalik na ito sa dati nyang pwesto. Dahan dahan ko na mang idinilat yung isa kong mata to check kung nakatalikod na nga ito sa akin. Hindi ko na rin napigilan dahil sa nakasando lang ako at tumatagos ang lamig sa nipis ng kumot isinanday ko na yung binti ko ulit sa kanya sabay yakap sa kanya.

"Leche Francis alam ko gising ka pa, alisin mo nga yan! ang bigat kaya ng binti mo." Sambit naman nya habang kumakawala sya sa pagkakayakap ko. Hindi naman ako kumibo.

"Isa! Dalawa! aalisin mo ba yan o ano? Wag ka ng magtulog tulugan dyan hindi ka magaling umarte." Sambit naman nya.

"Wag ka na lang magalaw! Hayaan mo na lang akong makatulog." Tugon ko naman. "Dito ka nga" Sabay lagay ko ng braso ko sa ilalim ng ulo nya para maunanan nya.

"Nahihirapan ako ano ba?.... Yung ano?... Naaano ako." Sambit naman nya.

Dahil sa init na nagmumula sa kanya mas lalo ko naman syang niyakap ng mahigpit. "Grabe ang lamig! Sambit ko naman.

"Leche yung ano mo! Bumubunggo sa likod ko." Reklamo naman nya.

"Hayaan mo lang yan hindi ka naman nyan tutuklawin. Hehehe" Pilyo ko namang tugon.

"Ugok ka.!" Ang tangi nyang nasambit.

"Matulog ka na nga! Wag ka ng maingay baka magising pa yung mga kasama natin sa ingay mo." Iritable ko namang sambit sa kanya. Nanahimik naman ito.

 -------------------00000000000000000---------------------------

[Clarence's POV]

Pagkatapos mag good night ni Edz at ng iba pa pumasok na sila sa loob para matulog. Sumunod na din sila Mart at Ronnie para kumuha ng unan, kumot at sapin sa higaan. Pag alis nila pumasok na kami nila Abel at Francis sa loob. Humiga naman kaagad si Abel dahil na rin siguro sa kalasingan.

Since nakahanda na yung higaan ko humiga na rin ako at hindi ko na pinansin ang lechugas. Tumalikod na lang ako sa peste. Sumagi na naman sa isip ko yung narinig ko earlier. How Francis confessed his feeling to Edz for the second time. How desperate he sounded. It only raised the level of pain I was dealing before I heard them. Ang leche, of all places kung saan pwedeng magtapat kung nasaan pa talaga ako dun pa talaga nag tapat. Parang nananadya ang hinayupak na to ah. Sabagay they didn't know I was inside the hut.

Naalala ko ring yung naging reaksyon ni Francis nung sinabi ni Edz na pag iisipan nya. Ang kumag pag iisipan pa lang kung maka react parang sinagot na sya ni Edz. Ganon nya ka love si Edz. Sa sobrang tuwa nya nakipagbati ng di oras ang ugok.

Maya maya naman narinig ko na sila Mart at Ronnie na dumating sabay bigay nila sa unan, kumot at sapin na dala dala nila.

Tinanong ni Mart kung saan banda matutulog ang kumag ng bigla ko na lang maradaman na lumapit ito sa tabi ko, "Dito na lang siguro" Sagot naman nya. Ilang saglit lang pagkatapos nyang ihanda ang higaan nya naramdaman ko naman na bumangon ito. Saan naman kaya pupunta ang kolokoy na to? Narinig ko na lang sya na ginigising si Abel para ayusing ang higaan nito. In fairness may tinatagong kabutihan din ang mokong na to. Inalala pa talaga nya si Abel then bumalik na sya sa kanyang higaan.

 Sa wakas tahimik na rin sa loob ng kubo. Tulog na siguro silang lahat saka naman ako nakaramdam ng pagka ihi kaya bumangon ako para lumabas. Nabigla naman ako ng tanungin ako ng mokong kung saan ako pupunta. Gising pa pala ang ungas. Magbabanyo sagot ko naman sa tanong nya.

 Since nasa banyo na rin ako nag hilamos na rin ako at nag toothbrush. Kinuha ko pa yung gamit ko sa itaas ng bahay kaya medyo natagalan naman ako at kinailangan pang umikot dahil sarado na sa harap ng bahay. Sa kusina na lang ako dumaan.

Pagbalik ko naman, tulog na siguro yung ungas na yon mas naunang uminom sa akin yon eh at huli din syang natapos. Sabagay kanina ngang nagtatapat ang putek medyo madaldal na kaya pala malakas ang loob nya. Leche sya.

Pagpasok ko naman, " Ba't ang tagal mo? " Bungad naman ng peste.

Hala ba't gising pa ang leche. "Ay bakit? E ano naman sayo kung matagal ako. Grabee!!!" Ang tangi kong nasabi dahil sa inis ko. Ba't hindi pa kaya matulog ang ungas na to?

"Oh akala ko ba bati na tayo? Nag sorry na nga ako kanina di ba. Grabe naman yang galit na yan walang katapusan." Sagot naman nya. Hindi tuloy ako nakakibo. Nakonsensya tuloy ako. Leche talaga sya.

" Nag hilamos at nag toothbrush muna ko kaya natagalan ako." Mahinahon ko namang tugon sabay higa at talikod ko sa kanya. Ilang sandali lang tahimik na ang lahat. Sa wakas tulog na rin siguro ang ungas na Francis na to. Ang damin nyang isyu sa buhay pati pagtagal ko sa banyo pinoproblema pa ng leche. Habang nag eemote naman ako at iniisip ko kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito, naramdaman ko naman na dumikit yung binti ng ungas sa binti ko, ang leche talaga malikot matulog.

Bumalik naman ako sa pag momoment ko, gusto ko tuloy maiyak dahil sa hirap ng sitwasyon na pinagdadaanan ko. Siguro mainam na pigilan ko ang sarili ko at ibahin ko na lang ang pakikitungo ko sa kanya. Siguro mas mainam din kung iiwasan ko na lang sya pero hindi naman yung bigla bigla para hindi naman sya magtaka dahan dahan lang na pag iwas hanggang sa masanay sya. Dahil alam ko naman sa istorya naming tatlo sila ang bida at ako lang ang ekstra na kailangan umexit sa eksena.

Nasa kalagitnaan naman ako ng aking pag iisip ng bigla itong mahinto dahil sa pag sanday ng binti ng leche sa binti ko. Ungas sya ang bigat kaya ng paa nya. Ang sarap kutusan ng ungas. Inalis ko naman sa pagkakapatong ang binti nya sa binti ko ng bigla naman nya itong ibinalik sa dating posisyon. Lechugas talaga ang hinayupak! Bigla tuloy akong humarap sa kanya pagkatingin ko nakapikit naman ang mga mata ng putek. Pinagmasdan ko muna ang mukha nya, in fairness ang amo nga ng mukha ng ugok pagtulog, ng bigla ko naman napansin yung mga mata ng adik. Hindi pa talaga sya tulog, nag tutulog tulugan lang ang putek!!!!!

"Francis ano ba!? Ang bigat bigat ng mga binti mo!" Sambit ko naman sa kanya, umungol ang tukmol. Leche sya hindi convinvcing ang drama nya. Bumalik naman ako sa pagkakahiga sabagay parang ngang lalo pang lumamig habang lumalalim ang gabi.  Nabigla naman ako ng bigla nya ulit isanday yung binti nya at this time niyakap na rin ako ng tukmol.

"Leche Francis alam ko gising ka pa, alis mo nga yan! ang bigat kaya ng binti mo." Reklamo ko naman habang sinisikap ko naman tanggalin ang binti nya at braso nya sa akin. Hindi man lang kumibo ang tukmol pinanindigan talaga nya ang pagtutulog tulugan nya.

"Isa! Dalawa! aalisin mo ba yan o ano? Wag ka ng magtulog tulugan dyan. hindi ka magaling umarte." Sambit ko naman sa kanya.

"Wag ka na lang magalaw! Hayaan mo na lang akong makatulog." Tugon naman nya. "Dito ka nga" Dagdag pa ng ugok sabay lagay ng braso nya sa ilalim ng ulo ko para maging unan.

Sa kalagitnaan ng inis ko bigla naman itong napawi ng may naramdaman ako na kung ano sa likuran ko. Ayan leche biglang nag init tuloy ang pakiramdam ko at ang aking mapaglarong imahinasyon ay nagsimula ng bumuo ng mga kahindik hindik at karimarimarim na mga imahe na tiyak namang magpapatayo ng lahat ng pwedeng tumayo sa katawan ko wahahahaaha. Bugok na Francis na yan! Hindi ko tuloy masabi sa kanya dahil sa sobrang hiya ko. Ako pa talaga ang nahiya sa kanya ha.

"Nahihirapan ako ano ba?.... Yung ano?... Naaano ako." Reklamo ko naman sa kanya at ang bugok tila wala naman narinig bagkus lalo nya pang hinigpitan ang yakap nya. Lalo tuloy dumiin yung matigas na ano nya sa likuran ko. "Grabe ang lamig! Sambit pa ng tukmol wahahaha.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya "Leche yung ano mo! Bumubunggo sa likod ko."

"Hayaan mo lang yan hindi ka naman nyan tutuklawin hehe" Parang wala lang sa kanya.

"Ugok ka.!" Ang tangi kong nasambit sa sobrang hiya ko.

Tila nairita naman sya sa ingay ko kaya "Matulog ka na nga! Wag ka ng maingay baka magising pa yung mga kasama natin sa ingay mo." Sambit ng putek. Wala na akong nagawa kung hindi manahimik.

Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Hindi ko na tuloy magawang magalit o maiinis sa kanya. Sino ba naman ang beki na magagalit sa ganoong sitwasyon na kung saan mas nangingibabaw ang kapilyahan kesa sa ano pa mang emosyon. Ugok sya kung ibang beki lang ako napagsamantalahan ko na sya kaya lang mas nangingibabaw ang respeto ko sa kanya at sa sarili ko. Nakakatukso, oo sino ba naman ang hindi matutukso pero alam ko sa isang maling galaw pwedeng mag bago ang lahat. Ayoko naman na magbigay yon ng daan para mawala ang respeto namin sa isa't isa at bastos bastusin na lang nya ako kung sakaling mag take advantage ako sa sitwasyon.

Hay lechugas hindi ba talaga sya nag iisip? Nananadya ba talaga sya? Hindi ba sumagi sa isip nya na may pakiramdaman din ako. Bading ako pero hindi ako manhid na sa ginagawa nya lalo nya akong tinutulak sa tukso, tinutulak nya ko para mas lalong masaktan.

Everything needs to end. Before things get worse, before we reach the point of hating one another I need to draw the line as soon as possible. Pero sa ngayon nanamnamin ko muna yung pagkakataon dahil alam ko ito na ang una't huling makakasama ko sya ng ganito.

Ilang saglit lang nakatulog na nga ang mokong dahil nawala na nga yung higpit ng pagkakayakap nya sa akin. Nang masiguro ko naman na tulog na sya dahan dahan naman akong bumaliktad ng posisyon paharap sa kanya.Kahit nakainom ang ugok mabango pa rin sya. Sinumpong naman ako ng kapilyuhan since nakasando lang sya at open na open naman ang underarm nya ayan hindi ko na napigilan para kasi akong hinihypnotized kaya sinimsim ko na lang ang smell nito. Infairness amoy sabon panligo pa rin. Oh my gums! adik talaga ako sa kilikili. May sakit na ata ako.Wahahahaa

 Itinigil ko rin agad ang kalokahan ko any moment magising pa ang ugok baka maaward ako ng di oras.

Habang pinagmamasdan ko ang mukha nya naisip ko tuloy ba't naman kasi may bakla at tomboy pa? Ba't hindi na lang kasi lalaki kung lalaki, babae kung babae. Tuloy pagdating sa love kumplikado ang lahat. Hay!!!!Parang panaginip lang ang lahat. Kung bangungot lang ito keri lang na wag ng magising. This time, hindi ko na napigil ang pag agos ng mga luha ko dahil alam ko pagkatapos ng gabing ito kasabay din matatapos ang lahat.

Bigla naman sumagi sa isip ko yung sitwasyon ko na nagdudulot din ng matinding pasakit. Leche naman oh, wala na bang katapusan ang mga pasakit na ito. Sa dami ng iniisip ko, kahit nakainom ako hindi tuloy ako madalaw ng antok. Dahan dahan ko naman inangat yung braso nya na nakapatong sa akin ganun din yung binti nya. Atsaka ako dahan dahan na tumayo para dumungaw sa bintana. Palubog na pala ang buwan at ilang saglit naman sisikat na nyan ang araw. Sa sobrang katahimikan, mga huni lang ng kuliglig ang maririnig mo, ganun din ang tunog ng alon ng dagat abot hanggang dito. 

Ang dagat! Gusto kong makita ang itsura ng dagat sa paglubog ng buwan at pagsikat ng araw. Dahan dahan naman akong lumabas ng kubo hanggang sa tarangkahan ng bahay. Dahil sa bilog at liwanag naman ng buwan para naman akong aparisyon sa gitna ng katahimikan habang naglalakad. Ano ba tong  mga kaengotang pinaggagawa ko? Sabagay minsan lang naman ito mangyari at hindi na mauulit pa kaya itotodo ko na ang aking kabaliwan. Pagdating ko naman sa may dalampasigan umupo ako sa may buhanginan at matamang pinagmasdan ang mga alon, ang dagat at ang paglubog ng buwan.

It actually felt good. I felt I was born again. I felt alive. I felt the universe revolving around me and I was at the center of it. They say the only time you start to appreciate the things that you have is the moment you lose them. Maybe that's the reason why I have a deeper appreciation now for almost everything it's because I'm slowly losing them. I'm slowly losing my grip!

Ilang oras naman ang lumipas at nagsimula ng magkulay kahel ang kabilang ibayo ng dagat.

Continua llegint

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...