Chapter 6 Swallowing the Ego

130 6 1
                                    

Chapter 6

[Francis' POV]

Kinabukasan sa school cafeteria Edz and Clarence were having their meals nang biglang dumating yung tatlong ungas. Walang sabi sabi umupo yung tatlo sa table nung dalawa.

"Makikisabay kami sa inyo ha!?" Bungad ni Ryan.

"Actually we're done eating eh, we're about to go na." Tugon ni Eds. "Clarence let's go."

Akmang tatayo na yung dalawa nang biglang hinawakan ni Beam si Clarence sa magkabilang balikat at itinulak ito pa upo sabay sabi ng "Sit down fag! You're not going anywhere."

"What are you doing?" Biglang sigaw ni Eds.

"Chill, we just want to eat with you that's all." Sagot ni Ryan while wearing an evil grin.

"Stop picking on him. That's bullying! I can report you to the school administration for that." Pagtatanggol ni Eds.

"Who said we're bullying him? We're not bullying him. We're just doing him a favor, right fag?" Sarkastikong sambit ni Owens. " He wanted to have a fun and memorable school year, right! So this is it. We're making it fun for him." Dagdag pa nito sabay tawanan ng tatlo.

Suddenly biglang tumayo si Clarence sabay sabi, " Thanks sa effort, but I prefer to have it my  way and that doesn't include trash." In a sarcastic tone.

"What did you just say?" Sabay kwelyo sa kanya ni Owens.

"Hey stop it! You're hurting him." Biglang sigaw ni Edz.

Bigla na akong tumakbo palapit sa kanila since 3 tables away lang ako. "Hey, hey dude stop it!" Sabay hawak ko sa kamay ni Owens na nakahawak pa rin sa kwelyo ni Clarence. "You're getting attention from the other students, You don't wanna end up in the detention office, do you? Paliwanag ko pa.

Binitawan naman ni Owens si Clarence sabay sabi "Be careful fag. We're not done with you!"

"Clarence let's go." Sabay hila ni Edz dito para lumayo.

"Let's go guys." Yaya naman ni Ryan dun sa dalawa.

After ng class nakita ko naman si Clarence nakatayo sa may gate ng campus tila may inaantay. pag lapit ko,

"Uii, Francis thank you nga pala kanina ha."

"It was nothing." Tugon ko.

"Sige una na ako, salamat ulit." Sabay talikod at hakbang papalayo.

Hindi pa man sya nakakalayo,

"Hey! Clarence wait!" Bigla kong sigaw sabay takbo papalapit sa kanya.

"Bakit?" Tanong nito.

"Uhm, eh, Uhm" anak ng tinapa hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Hind ako sanay nakiki usap. Isa pa naalala ko rin yung naging treatment ko sa kanila ni Edz nung last time pinuntahan nila ako sa gym.

"Uii, may kailangan ka ba?' Tanong ulit nito.

"Uhm, ehh, uuwi ka na ba?" Bigla kong naitanong.

"Oo eh bakit my kailangan ka ba? Tanong nito.

"Ah, eh wala naman. makikisabay sana ako." Lakas loob kong tugon.

Ilang segundo din itong hindi naimik. Halata yung pag kabigla at pag tataka sa mukha nito.

"Ah eh sige, ok lang." Sagot nito.

Habang naglalakad kami tahimik lang at walang kibuan. Para bang pinakikiramdaman namin ang bawat isa. Nag iisip ako ng sasabihin. Anak ng tinapa hindi ko alam tuloy kung anong approach ang gagawin ko sa kanya. Hindi ako sanay nakiki halobilo sa mga kagaya nya. Hindi ko alam kong paano ko sya pakikitunguhan. Hindi ako komportable. Ilang minuto lang halos sabay kaming nagsalita.

Beki and the Beasts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon