Prologue:
May mga bagay na mahirap unawaiin at tanggapin. Madalas ito ay salunghat sa nakagisnan at nakaugalian. At mdalas pilit man natin itong iwasan ay mag dudulot lamang ito ng sakit at kalungkutan.
Hindi ko alam kung bakit nangyari at saan nagsimula. Pinilit kong pigilan at iwasan nung una, subalit sa bandang huli mas pinili ko na lang itong tanggapin. Wala akong pinag sisisihan dahil sa bandang huli mas lalo lang akong namulat, na sa mundong umaayon sa nakaugalian at nakagisanan, tanging mga puso lamang ang makakaunawa at makakaalam.
Hindi tayo ang pumipili ng pag ibig, ang pag ibig ang pumipili sa atin....
BINABASA MO ANG
Beki and the Beasts (Completed)
HumorPaano kung tumibok ang puso mo sa hindi inaasahang tao? Paano mo mamahalin ito gayong iba ang nilalaman at ginugusto ng isip mo? Paano kung nahulog na rin pala sayo yung babaeng nangako na hindi iibig dahil sa takot na baka masaktan? Iibigin mo ba y...