Chapter 3 Clarence's Dilemma

133 8 4
                                    

Chapter 3

[Francis' POV]

                "Okay guys as a part of you NSTP curriculum you will do a community service. You will choose a certain baranggay where you will do the community service. It's all up to you what kind of community service you will provide to your chosen baranggay. What we are aiming here is that as students you should make an impact to the community." Paliwanag ng prof.

"You will make a progress report at the end of the school year to see if you have achieved your goal. Now I will divide you into 2 groups. Each group must choose a leader and that leader will report every end of the month." Dagdag pa nito.

"What the hell! Wala na bang alam ituro yang mga teachers na yan. Eh trabaho ng baranggay captain yan ah. Is that what we are paying for in this school?" Sambit ko kay Arkee ng biglang,

"Yes, Mr. Enriquez, you were saying?" Biglang sabi ng prof sabay taas ng kilay.

Putek ang lakas ng pandinig daig pa ang stethoscope kung makasagap ng tunog. "No, ma'am nothing." Bigla kong tugon.

"Well, well, well, it seems Mr. Enriquez  cannot contain his excitement, as for that he will be the leader of the first group." May panunuya nyang tugon.

"What!? that's not fair!"

"What is fair Mr. Enriquez?...

Putek hindi ako nakasagot. Kung hindi lang to prof natira na to eh sa isip ko. Wala na akong nagawa kundi manahimik. Tawanan naman ang grupo nila Ryan kasam ang ungas na si Arkee.

"Now I'm warning you guys, this will greatly affect your grade so you better take it seriously." Dagdag pa nito.

     ---------------------------oooooooooooooooooooooo----------------------------

During break time nagyaya si Arkee magpunta ng gym. May try out daw para sa mga interesadong maging varsity player ng school sa basketball. Since matangkad naman ako at hilig ko rin mag laro ng basketball sumang ayon na lang din ako. Habang nagtatry out nakita ko sa di kalayuan yung grupo nila Edz at Clarence na nagkukwentuhan. Sila nga pala yung first group para sa community service namin. Malamang pinag uusapan nila yon.

Maya maya lang, sa di kalayuan nakita ko sina Ryan at yung 2 kolokoy na papalapit sa kanila. Kausap na ni Ryan si Edz nang bigla nitong hawakan sa kamay si Eds at parang pinipilit nya itong sumama sa kanya. Ilang minuto lang nasa gitna na nila si Clarence at tila pinipigilan nito si Ryan. Binitwan naman ni Ryan ang kamay ni Edz. Hinila naman ni Edz si Clarence para lumayo. Akmang papaalis na sila nang biglang pinatid ni Beam si Clarence na ikinabagsak nito sa sahig. Sabay tawanan naman ang grupo nila Ryan habang papalayo. Biglang natahimik ang buong gym sa pangyayari. Tinulungan naman ni Eds tumayo si  Clarence at tuluyan na rin silang lumabas ng gym.

[Clarence's POV]

  Sa pantry,  

"Ok ka lang ba Clarence? nasaktan ka ba? tanong ni Eds.

"Ano bang tanong yan, ikaw ba naman ang masubsob una ang mukha hindi ka masasaktan teh. Syempre hindi ako ok noh, ang sakit kaya." Pabiro kong sagot.

"Sorry!..Ikaw naman kasi bat ka naman humarang sana hinayaan mo na lang, kaya ko naman yon noh, Yan tuloy nasaktan ka." Paliwanag ni Edz.

"Naku Edz, nakita mo ba yung katawan ng damulag na yon, isama mo pa yung dalawang bakulaw nyang kasama. ano naman ang magagawa mo dun teh?" Tugon ko.

"We have to report them to the school authorities para mapatawan sila ng disciplinary action." Suggestion ni Edz.

"Palagay mo titigil sila pag ginawa mo yon,. I don't think so. It will only infuriate those bastards. english yon teh, hahaa". Aray! Sabay hawak sa pisngi ko.

Beki and the Beasts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon