Chapter 17 Francis' Realization

61 3 2
                                    

Chapter 17

[Francis POV]

Putek!!!! Sobrang guilty ang naramdaman ko nung nakita ko si Clarence sa ganong kalagayan. Pero anong magagawa ko nalagay na ako sa alanganin. Mas uunahin ko munang protektahan  yung reputasyon ko bago yung iba. Hindi ko sya masisisi kung sakaling maging sukdulan man ang galit nya sa akin. Putcha! Putek din kasi sya eh, nakita na nga na kasama ko yung grupo nila Ryan nag tuloy tuloy pa rin ang engot. May pagka engot rin talaga sya. Tsk! Tsk! Tsk!.

Hindi tuloy ako nakatulog buong magdamag. Paano sa tuwing ipipikit ko yung mga mata ko nakikita ko yung eksena kung paano namin sya iniwan. Putek! Kinokonsensya na ata ako ah?

Pagpasok ko sa school, just as I expected wala si Clarence, para na naman namatayan yung mga ka group mates namin. Tahimik lang at wala kang maririnig na tawanan. Si Edz pag wala si Clarence inuubos nya yung oras nya sa pagbabasa o di kaya'y sa pagsusulat. Ang tanging nag iingay lang ay yung mga ungas na kagrupo ni Ryan at this time iba na naman ang kanilang pinagdidiskitahan.

Mabilis natapos ang oras ng klase. Direstso naman ako agad sa practice game. Medyo wala rin ako sa mood mag laro ngayon marahil dahil sa hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Pagkatapos ng practice nagyaya naman lumabas sina Ryan pero hindi na ako sumama, gumawa na lang ako ng dahilan para hindi makasama.

This is the 3rd day wala pa rin si Clarence. I kinda eavesdropped from my group mates that they went to visit Clarence' house however nobody was at home. I think even up to now nobody knew what happened to him. He wasn't even responding to their calls and text messages. Pakshet!. What if he did something bad like he committed suicide? Putcha habang buhay ko pang dadalhin sa konsensya ko yon. Habang tumatagal binabagabag na ako ng konsensya ko.

Last day ng class for this week, after ng class namin sa first period papalabas kami ng room ng biglang dumating naman yung tatay ni Clarence. Kinawayan naman ako nito sabay ngiti.  Putcha, lalo tuloy tumindi yung guilt na nararamdaman ko. Hindi ko na nakuhang kamustahin si Clarence dahil kinausap na sya ng prof. namin at kailangan na namin magpunta sa susunod na class.

During the weekend, I didn't want to go to the community service, however. Abel together with the rest of the guys convinced me to go since Clarence was not yet around, nobody would lead the team so I joined them.

 The kids were very happy to see us. We had our activities with them. This time we taught them how to brush their teeth and everything about proper hygiene. Although we were laughing and enjoying the time with the kids, it still felt different.  Everyone was lethargic and listless esp. Edz. After the lesson, the kids started to play, while they were playing Edz stood up and went outside. After a couple of minutes I followed her outside.

"Hey are you ok? I asked.

"Yup, I was just wondering what could happen to Clarence. He's been absent for almost a week and he hasn't reached out yet. He's not even responding to any of the calls and text messages and the last time we went to their house nobody was home." She explained.

"Maybe they just had a trip or something. Wasn't yesterday, Clarence's dad was in school, right? Maybe on Monday, he'll be back to school." I responded.

"I hope your right." She said.

 "C'mon there's nothing bad coud've happened to him, tingnan mo man sa Monday nandyan na sya." I said convincingly.

"Sana nga, iba kasi pag wala sya, parang ang lungkot lungkot. Parang walang buhay ang grupo. Sa totoo lang ngayon ko lang na enjoy yung pag aaral ko. Iba yung pakiramdam, yun bang pag gising mo sa umaga excited kang pumasok kaagad kasi alam mo nag hihintay sayo yung mga kaibigan mo. Tapos buong araw nyo puro kayo tawanan at biruan at kung saan saan pa kayo nakakarating at pag uwian na parang ayaw mo pang matapos yung oras kasi nag eenjoy pa kayo. At pag may exam o mga project chill lang kasi alam mo may mga kaibigan kang tutulong at susuporta sayo.

Beki and the Beasts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon