Chapter 13 Sabel's Parents

77 5 2
                                    

Chapter 13

[Francis' POV]

Kinahapunan nagkikita kami ulit para sa community service namin. Pagdating ko doon hindi ko kaagad nakita si Clarence.

"Nasaan si Clarence? Wala pa ata sya?" Tanong ko sa kanila.

"Nag text sya sa akin at hindi daw sya makakarating medyo nahihilo pa rin daw sya at masakit ang ulo nya. May hangover ang lola nyo." Paliwanag ni Edz.

"Paano naman kasi kung magyabang sya kagabi akala mo talagang umiinom ang loka, ginawa nyang tubig yung alak yan tuloy na possessed ang bakla at nawala sa sarili  hahaha." Biro naman ni Che, tawanan naman silang lahat.

"Ok, so tayo na muna ang bahala dito habang wala sya." Tugon ko naman.

Ilang saglit pa dumating na yung mga bata at may iba pa silang kasama. Malayo pa lang masayang nagtatakbuhan ang mga ito habang kumakaway sa amin. Paglapit sa amin sabay yakap naman ni Jasper sa binti ko.

"Kuya Francis!!!" Sigaw naman nito.

"Kumusta ka na?" Tanong ko dito habang hinihimas ko ito sa ulo.

"Kuya may candy ka?" Sagot naman nito na ikinatawa ko.

" Hala candy kaagad haha, mamaya bibigyan kayo ni ate Edz nyo ng maraming candy." Paliwanag ko dito.

"Yehey!!" Sigawan ng mga bata.

Nagsimula yung activities sa pagtuturo sa mga bata na manalangin isang bagay na dapat habang bata pa lang sila ay matutunan na nila ayon kay Edz. Pagkatapos nun binigyan sila ng papel at lapis. Tinuraan silang magbasa at sumulat ng letra. Bawat isa sa amin ay may tinututukan na bata.

"Ate Edz asan si Ate Boy girl?" Bigla naman tanong ni Moymoy.

"May sakit si Ate Boy girl nyo ngayon, eh kaya wala sya." Paliwanag ni Edz.

"Wawa naman si Ate boy girl." Tugon naman ng bata.

Pagkatapos naman nilang mag aral nakipaglaro naman kami sa kanila. Ang kulit kulit ng mga kutong lupang ito lalo na si Sabel medyo may pagkapilya. Nakita naman nito yung cellphone ko at ito naman ang pinag diskitahan.

"Kuya may picture picture ba yan?" Tanong nito.

"Picture? Oo, bakit gusto mo bang magpapicture? Tanong ko naman. "Tara mag selfie tayo." Tugon ko naman dito sabay kalong ko sa kanya para mag picture. Tuwang tuwa naman ito ng makita nya yung picture naming dalawa. Bigla naman lumapit si Jasper at tila nag seselos. 

"Oii doon ka nga kuya ko yan eh." Bigla nitong sambit.

"Hindi kaya! Kuya naten sya no." Sagot naman ni Sabel habang nakapamewang.

Bago pa man mag away yung dalawa nagsalita na ako "Wag mag aaway.. Para masaya, tara mag picture picture tayong tatlo."

"Sige akin na ang cp mo kukuhanan ko kayo." Offer ni Edz.

Kalong kalong ko yung dalawang bata at tuwang tuwa naman sila habang kinukuhanan kami ng picture ni Edz.

"Ate, ate sali ka, sali ka sa amin." Yaya ni Sabel kay Edz.

"Ha eh."

"Sige na Edz sali ka na sa amin." Anyaya ko sa kanya.

"Sige na nga." Tugon naman nito. Kinalong naman ni Edz si Sabel habang kalong kalong ko naman si Jasper. Si Che naman ang kumukuha ng picture.

"Wow para tayong pamilya! Ang ganda ganda naman." masayang masayang sambulat ni Sabel habang tinititigan yung litrato.  Maya maya lang bigla na lang itong natahimik.

Beki and the Beasts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon