Chapter 25 Taming The Bully

64 4 0
                                    

Chapter 25

[Francis' POV]

Pagkatapos ng klase namin sa isang subject niyaya ko si Edz kumain sa school cafeteria,

"Edz tara kain tayo!"

"Sure! Wait lang, Clarence gurl tara kain tayo sa cafeteria, hindi ako nakapagbreakfast this morning eh, nalate ako ng gising kaya medyo gutom na rin ako. Sama ka? Anyaya naman nya kay Clarence.

" Go ahead guys, I have to finish something. I'll try to catch up pag tapos na ako dito." Tugon naman ni Clarence.

"Sure ka gurl?" Tanong ni Edz.

"Yup gurl, eat well na lang ok." Tugon naman ni Clarence.

"Tara!" Yaya ko naman kay Edz.

Habang kumakain,

"Did you notice?" Tanong ni Edz.

"Notice what?" Sagot ko naman.

"Lately parang aloof sa atin si Clarence." Sambit naman nya.

"Aloof? Talaga!?" Tugon ko naman.

"Yup! lately maaga syang umuuwi which is very unlikely of him. Dati hinihintay nya pa talagang makauwi ang lahat bago sya umuwi. Isa pa dati hindi sya nagpapahuli sa paglabas labas natin, ngayon nakukuha nya na tayong tanggihan." Pagmamaktol naman ni Edz. "Hindi mo ba napansin yon? Dapat napansin mo yon dahil close kayo ni Clarence di ba? Dagdag pa niya.

Sabagay may punto nga si Edz medyo nakakapanibago yung mga kilos ni Clarence lately.

"Syempre napansin ko rin yon, kaya lang kasi, di ba nga hindi naging maganda yung kinalabasan nung outing naten, baka napagsabihan sya ng mga parents nya dahil sa nangyari kaya ganon." Paliwanag ko sa kanya

"Sabagay tama ka dyan." Tugon naman nya.

"Intindihin na lang natin sya, pasasaan eh babalik din sya sa dati." Dagdag ko pa.

---------------000000000000000--------------------------

[Clarence's POV]

Ugok talaga yang Francis na yan. As if naman jojoin ako eh si Edz lang yung niyaya nyang kumain sa cafeteria. Kung hindi ko lang alam na gusto nyang masolo si Edz sasama na ako eh, kaya lang hindi naman ako Bobita Peron para sumama noh. Alam ko kung ano ang gusto ng ungas na yon.  Mas mabuti na rin yung ganito, kaya lang sa pag iwas ko sa kanya napapaiwas din naman ako kay Edz nakakasad tuloy.

Habang nagmumuni muni naman ako biglang,

"Look who's here! It's Francis' lover!" Sambit ng boses.

"Ano raw!!???

Paglingon ko umappear naman sa paningin ko ang kampon ng karimlan, Deadma lang ako kunwari'y wala akong nakikita at naririnig.

"Hey, fag! You're going solo, where's your knight in shining armor? Pang aasar naman ni Owens.

Tiningnan ko lang sya sabay balik sa ginawagawa ko. Leche sya kung maka English! Mukha syang probinsyano na trying hard mag English!!! Nakita ko naman na nakatayo lang si Ryan habang pinanunuod ang eksenang ginagawa ng mga alagad nya.

Hindi pa nakuntento ang mga hinayupak sa panglalait, bigla naman hinablot ni Beam yung notebook na pinagsusulatan ko.

"What are you going to do now Fag!? Panlalait nito.

"Iiyak na yan. Iiyak na yan." Dagdag naman ni Owens.

Hindi naman ako kumibo pinagmamasdan ko lang ang mga leche.

Beki and the Beasts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon