The Paramount Code (The Odd O...

Von ayrasheeeen

538K 28.7K 4.2K

(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their uni... Mehr

i.
ii. The Paramount Class
iii. Admission Letter
Prologue
001. Scientia Est Potentia
002. Youngblood
003. Polar Opposites
004. A Turbulent Combination
005. The New Paramount
006. The Curse of Oddity
007. Birth of a Technopath
008. Complex Beings
009. The Paramount's Purpose
010. A Strange Sonata
011. Visions in Voices
012. A Play on Words
013. To Wreak Havoc
014. Hidden, Not Lost
015. Raging Fist
016. True Strength
017. The Guardian
018. Broken Memories
019. The Troubled Mind
020. Four Pieces of One
021. Taking Over
022. The Enraged, The Mischievous, and The Paranoid
024. Taking the Lid Off
025. The Orphan Who Lived
026. The Odd Family
027. Sui Generis
028. Rare
029. Unfinished Business
030. The Power of the Mind
031. Cursed Whispers
032. Silent Agony
033. Odd One Out
034. The Danger Awaits
035. Hidden in Plain Sight
036. Captured
037. Lullabies
038. The Intruder
039. Pawns in the Game
040. The Strength From Within
041. Growing Suspicions
042. Silent Heartbeat
043. Different Wars, One Enemy
044. Revealing A Monster
045. Partial Truths
046. The Metahuman Factory
047. Lost Boys
048. Completing the Puzzle
049. Superior
050. The Watcher
051. Reckless
052. Uprising
053. A Price for the Truth
054. Crowded Mind
055. Instinct Over Reason
056. To Fight and Survive
057. The Way to the Truth
058. Look Back, Look Forward
059. Eerie Resemblance
060. Double-Edged Sword
061. Annoyingly Intuitive
062. Now or Never
063. Sonic
064. The Guardian and The Beast
065. Game of Survival
066. Objects of Fear
067. Betrayal
068. The Resistance Begins
069. Eight
070. Release Them All
071. War of the Peculiars
072. Chaos
Aftermath
Age of Resistance (The Odd Ones, Book 2)

023. All For One

4.8K 365 43
Von ayrasheeeen

As Sketch walked through the dark hallways, he can feel his energy slowly getting even more depleted. Ilang araw din siyang walang malay, at wala pang kinakain o iniinom man lang. Alam niyang hindi niya na kakayanin kapag nagtagal pa siya, pero kailangan niyang gawin iyon dahil alam din niya na sa kanya lang pwedeng makinig ang mga iba niyang personalidad, lalong-lalo na si Kei.

Hindi naman nag-aalala si Sketch para kay Kit at Steven. Alam niya ang mga pag-uugali nito, at kahit papaano ay madali rin pakiusapan ang mga ito. Pero si Kei... Alam niyang galit sa kanya si Kei.

He knew Kei abhorred him, after he chose to suppress and hide them, after all, instead of embracing them as a part of him and his life. Kahit pa alam niyang walang masamang balak sa kanya ang mga alters na taglay niya, pinili niyang itago sila dahil sa kagustuhan niyang kahit papaano ay magkaroon ng normal na buhay.

"Kei... Lumabas ka na, please? Mag-usap tayo..." Sketch shouted, hoping that his alter will hear him, "Harapin mo ako... Ako ang kailangan mo, hindi ba? Andito na ako... Makikinig ako sa'yo."

Halos hilahin na ni Sketch ang sariling katawan, at tanging ang mga pader sa paligid ang nakakapitan ng mga kamay niya para makapaglakad habang hinahanap ang isa sa mga alters niya.

"Hinahanap mo ba ako?"

Napalingon si Sketch sa likuran niya, at nakitang lumabas si Kei mula sa isang kwarto sa hallway na iyon. Mukhang doon ito nagtatago.

"Kei... Mag-usap naman tayo."

"Mukhang hinahanap mo nga ako ah... Kaya lang ako ang nakahanap sa'yo eh," ani Kei habang nginingisian siya, "Why are you looking for me? Ah, do you plan to take me back in your body?" Isang pagak na tawa ang namutawi mula sa kanya. "Oh no... No freaking way. Ayoko nga. Tapos ano? Susubukan mo na naman kaming tanggalin sa utak mo?"

"Hindi ko kayo tinanggal -"

"Pero itinago mo ako... Kami ni Steven. Si Kit ang may kontrol sa lahat ng bagay, kaya wala akong magawa. You never gave me the chance to get the light... Bakit si Kit? Hindi naman siya ang totoong pumuprotekta sa'yo eh... Ako! I was the one protecting you from the very beginning... But still, you chose to suppress me..."

"Kinailangan kong gawin 'yun, Kei... I cannot lead a normal life with the three of you inside my head... I cannot let the three of you take over my life!"

"But we never wanted to destroy you, Sketch..." Kei said before laughing sarcastically, "Ang totoo, mahina ka... Dinadaan mo sa tawa lahat. Para kang bata... At higit sa lahat, natatakot ka sa aming tatlo... And you know what that means? You are terrified of yourself, because I am you, and you are me... We live inside your head and yet you're scared of us! Pero oo, tama ka naman... Gusto kong kunin ang pwesto mo. Gusto kong agawin ang buhay mo. I wanted to be you. Imposible 'yun noon, pero ngayon iba na. Before, I am nothing but a part of your mind. But now..." Kei smiled creepily, clenching his fists while looking at Sketch, "I have my own body... Hindi na lang ako basta parte ng isipan mo... Tao na rin ako."

Sinubukan ni Sketch na lapitan si Kei habang pilit na tinutulungan ang sarili na makatayo. "Kei... Huwag namang ganito. Makinig ka muna sa akin... Kaya nating ayusin 'to."

"Aayusin? Papano? Itatago mo ako ulit? You're going to suppress me again?" Kei chuckled dryly, "I don't think you can do that... You're weak, and you're a coward, Sketch."

"Just come with me, please..." pagmamakaawa sa kanya ni Sketch, "I promise you, I'm not going to hide the three of you."

"It's too late for that, you know? And by the way, I'm not coming with you," Ngumisi si Kei habang palapit sa kanya, bago nito hinawakan ang braso niya, "You're coming with me..."

Sketch was not able to respond as Kei started dragging him away. He is already weak, and his alter is overpowering him in every way.

"Saan tayo pupunta, Kei?" Sketch managed to say while he was dragged recklessly by his duplicate.

Kei stopped walking and looked at him with a dark and chilling expression on his face. "We're going to decide who becomes the alter... and who takes over."

********

Nang marating ni Jacob ang rooftop, sakto namang naabutan niya sina Sketch at Kei na nagtatalo. Nakatayo ang alter sa isang delikadong bahagi ng rooftop, at anumang galaw niya ay maaari siyang mahulog mula roon.

Halatang pilit na pinapakiusapan at pinapakalma ni Sketch ang duplicate niya, pero bakas din sa mukha ni Kei na hindi ito basta magpapadaig at magpapadala sa mga pagsusumamo ng kausap.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang iba pa nilang mga kasama sa Paramount Class kasama ang class adviser nilang si Daniel at ang dalawa pang duplicates na sina Kit at Steven.

Isang malakas na tawa ang lumabas mula kay Kei habang pinagmamasdan silang lahat. "Wow... Iba rin. All-star cast talaga? Ang astig naman..."

"Kei, alam kong masama ang loob mo," ani Sir Daniel sa kanya, "Pero pwede natin 'tong pag-usapan. Bumaba ka muna diyan... It's seriously dangerous from where you are standing."

"Sir, kaya nga ako pumwesto dito eh... Because it's dangerous. And I love danger..."

Akma na sanang susugod si Nico, pero mabilis siyang pinigilan ni Gwen. "Huwag... Hindi natin issue 'to. Parte sila ni Sketch, kaya siya lang dapat ang mag-ayos nito."

"Kapag hindi mo itinigil 'to... mapipilitan akong saktan ka, Kei..." pagbabanta ni Sketch na unti-unting naglalakad palapit sa duplicate niya.

Kei sighed as he rolled her eyes, before going down from where he was standing and moving towards Sketch. "Sige... Tara dito. Saktan mo ako."

Hindi makagalaw si Sketch sa kinatatayuan niya, kaya pinagtawanan siya ng kaharap.

"Hindi mo naman pala kaya eh... Pero ako," Inilabas ni Kei ang isang kutsilyo mula sa bulsa niya, at iniamba ito sa leeg niya, "Kayang-kaya kong gawin 'yun." Kei then smirked as he looked at all of them with dead eyes, "Alam mo ba kung ano ang nadiskubre ko nitong mga nakaraang araw? Kapag nasusugatan ka ang isa sa 'tin, masusugatan din 'yung iba. Kaya kapag ginilitan ko ang leeg ko, pare-pareho tayong mamamatay. Ang galing, 'di ba?"

Napahinga nang malalim si Kit at nagsimulang lumapit sa kapwa niya duplicate na si Kei. "Itigil mo na 'to... Kahit anong gawin mo, walang mangyayari. Parte lang tayo ng utak niya, at hindi tayo magiging si Sketch... Hindi tayo magiging tao."

"Hindi mo ako naiintindihan, Kit... You don't know what I feel... You don't how frustrated I am."

"Frustrated ka man o hindi, hindi tama 'tong mga ginagawa mo. Itigil mo na 'to, at ibigay mo na sa 'kin ang kutsilyo na 'yan."

Saglit na natigilan si Kei at pinagmasdan ang kutsilyong hawak niya. A bone-chilling smirk then appeared on his face.

"No fucking way..." Pagkatapos ay mabilis niyang iginalaw ang kamay upang bahagyang matamaan si Kit ng kutsilyong hawak niya. Dahil doon kaya nagkaroon ng mababaw na sugat ang lalaki.

Napatingin si Gwen sa katabing si Sketch, "Totoo nga ang sinabi niya... Masusugatan ka pa rin kahit hindi ikaw ang tinamaan."

Hinawakan ni Sketch ang pisngi niya, at nang tingnan niya ang kamay ay doon niya nakita ang dugo na nagmula sa sugat niya.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Siya ang may-ari ng katawan na iyon, kaya siya dapat ang namamahala sa kanilang lahat. Kung hindi siya kikilos, mas lalo lamang silang magkakagulo.

"Tama na, Kei..." ani Sketch bago pinabalik si Kit sa likuran, "Makinig ka naman sa 'kin."

"Bakit ako makikinig sa'yo? Ikaw ba, nakinig ka sa 'min? Hindi naman namin hinihingi ang buhay mo, Sketch! Ang gusto lang namin... magkaroon kami ng pagkakataon na maging bahagi ng mundong ginagalawan mo. We wanted to get the light too..." Isang pagak na tawa ang namutawi mula sa kanya, "But you hid us... You hid us because you're afraid of us. You are afraid of yourself, you fucking coward."

"I am not a coward..." mariin ang pagkakasabi noon ni Sketch.

Lumapit sa kanya si Kei, giving him a provoking look. "Oh really?" he said sarcastically, "Then prove it."

Hindi na nagdalawang-isip pa si Sketch, at agad inundayan ng suntok si Kei. Dahil doon kaya nagsimula nang magsakitan ang dalawa. Walang patawad ang pananakit nila sa isa't isa, hanggang sa tuluyan nang sinakal ni Kei si Sketch.

Doon na nagsimulang mahirapan sa paghinga sina Kit at Steven, na nakahawak sa mga leeg nila.

Agad na inalalayan ng iba ang dalawang duplicates, habang sina Jacob, Nico, at Axis naman ang umawat sa dalawa at pilit silang pinaghihiwalay.

Nang ilapat ni Jacob ang kamay niya sa balikat ni Kei para pigilan ito sa ginagawa niya kay Sketch, pakiramdam niya ay tumigil ang oras at nawalan ng tunog ang buong paligid. Nakaramdam siya ng kung anong init mula sa balikat ni Kei, bago biglang lumakas ang tibok ng puso niya.

All of a sudden, a strange wave of emotions hit him. There is so much rage wrapped around the feelings of fear and sadness. It was a weird feeling, not because of the combination, but because he has no reason to feel that way. Wala namang dahilan para magalit, matakot, o malungkot siya, pero nararamdaman niya pa rin iyon.

The emotions were too much that it made him struggle to breathe, and he wished it would stop. Sinubukan niyang tanggalin ang mga emosyon na iyon, pero hindi niya magawa.

Unti-unting lumingon sa kanya si Kei na tuluyan nang binitawan ang leeg ni Sketch. Nagtama ang mga mata nila, at hindi maipinta ang mukha ng duplicate na hawak niya pa rin ang balikat.

"Anong ginagawa mo?" tanong sa kanya nito.

Tuluyan nang bumitaw sina Axis at Nico sa dalawa, at tinulungan na lamang si Sketch na bahagyang makalayo kay Kei.

"Tama na..." was all Jacob managed to say, "Tama na, Kei..."

All of a sudden, the enraged duplicate started to calm down. Bumagsak ang mga kamay nito na parang nawalan siya nang enerhiya. Nanatiling nakapako ang mga mata niya kay Jacob, hanggang sa tuluyan nang umagos ang mga luha mula sa mga mata nito.

"Nahihirapan ako... Mahirap 'yung itinatago ka sa dilim... Natatakot din ako na baka burahin ako sa isipan niya..." Doon na nagsimula na humikbi na parang bata si Kei, "Ang gusto ko lang naman... Tanggapin niya kami bilang mga parte ng buhay niya... Hindi 'yung pilit niya kaming binubura."

Napatingin si Jacob kay Sketch na patuloy pa rin sa paghahabol ng hininga. Lumapit siya rito, at habang nakapatong ang isang kamay niya sa balikat ni Kei, ipinatong niya naman ang isa pa sa balikat ni Sketch.

Napahawak sa dibdib niya si Sketch, at bigla na lamang tumulo ang luha mula sa mga mata niya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka habang nangyayari ang lahat ng iyon.

Nang tanggalin ni Jacob ang mga kamay niya sa balikat ng dalawang lalaki, maging siya ay nalilito rin sa mga nangyari. Napatingin siya sa sariling mga kamay, at tuluyang umatras para hayaan ang mga ito na makapag-usap.

"A-anong... Hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak... Pero may nararamdaman ako..." ani Sketch na hindi maintindihan kung bakit nagkakaganoon siya, bago itinuon ang tingin kay Kei na patuloy pa rin ang pag-iyak, "S-sorry... Pangako ko sa'yo... Hindi ko na kayo itatago. Hindi ko na rin kayo buburahin sa isipan ko... Sorry talaga..."

Iniwas ni Kei ang tingin sa kanya, kaya ibinaling niya ang atensyon sa iba pa niyang mga duplicates. "Magtiwala kayo sa 'kin..."

Nilingon muna ni Steven sina Leia at Emma na kasama niya, bago tuluyang tumakbo palapit kay Sketch.

Isang maliit na ngiti ang ibinigay sa kanya ni Steven. "Lagi naman akong may tiwala sa'yo, Sketch..."

Pagkatapos ay hinawakan ni Steven ang kamay ni Sketch, at tuluyan itong naglaho sa pwesto niya.

Kit chuckled and just shook his head while walking towards him, "That was tense," Tinapik ni Kit ang balikat niya, "Alam kong kakayanin mo, Sketch."

Pumwesto si Kit sa bandang likuran ni Sketch, at humawak sa balikat nito. Kagaya ni Steven, tuluyan na ring naglaho ang ikalawang duplicate.

Lumapit si Sketch sa huli niyang duplicate, before handing out his hand to him. "You can trust me this time, Kei."

Napahinga nang malalim si Kei bago pinunasan ang mga luha sa pisngi niya. Pagkatapos ay ipinatong niya ang kamay sa bandang dibdib ni Sketch.

"Tuparin mo ang pangako mo..." ang mga huling nasabi nito habang unti-unting naglalaho sa harapan ni Sketch.

Nang tuluyan nang makabalik ang tatlong duplicates sa katawan ni Sketch, bigla na lamang bumagsak ang katawan nito dahil sa labis na panghihina. Agad na nagtakbuhan ang lahat palapit sa kanya, at mabilis siyang kinarga ni Nico para madala sa clinic.

Habang isa-isang nagsusunuran ang lahat palabas ng exit ng rooftop para samahan ang walang malay na si Sketch, napansin ni Jacob na nakatuon sa kanya ang tingin ng class adviser nilang si Daniel.

Hindi umimik ang guro habang nakatingin sa kanya, hanggang sa tuluyan na itong umalis at sinundan ang mga kasama nila.

Jacob was then left alone, still definitely confused with happened earlier. He looked at his hands, before shaking his head and leaving the rooftop to follow his peers.

********

Pagkatapos mamili sa department store ay agad ding umuwi si Sketch sa dorm. Isa-isa niyang inilabas ang laman ng malaking paper bag na bitbit niya, at bago kinuha ang isa pang mas maliit na paper bag na toiletries ang laman. Dinala niya iyon sa loob ng banyo, at inilabas isa-isa ang mga toilet paper, sabon, shampoo, at iba pang produkto.

Nang inilalagay niya na ang isang malaking tube ng toothpaste sa lababo, napatingin siya sa repleksyon niya sa salamin na nakapwesto sa pader.

Habang pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin, tiningnan niya ang sugat sa mukha niya na natatakpan ng bandage bago bahagyang natawa. Habang nakatingin sa sariling repleksyon, naisip niyang hindi lamang siya ang nagmamay-ari ng mukhang iyon. Iisa lamang ang mukha nila nina Steven, Kit, at Kei. Kahit pa magkakaiba ang pag-uugali ng tatlo, bahagi pa rin sila ng pagkatao niya, at hindi niya na sila basta mabubura.

Alam niyang marami pa siyang pagdadaanan para tuluyang maintindihan ang mga alters na matagal niyang itinago, pero sigurado siyang hindi magtatagal ay magkakasundo at magiging maayos rin ang samahan nilang apat.

Sketch is certain about that, because even though they are different personalities, they all share the same body. They are still one person.

Napahinga si Sketch nang malalim, bago inilagay ang tatlong bagong biling mga toothbrush sa lalagyan, katabi ng toothbrush na ginagamit niya.

Pagkatapos ay humarap siya sa salamin para muling tingnan ang repleksyon niya, bago tuluyang sumilay ang isang ngiti sa mukha niya.

********

Pagkatapos lumabas ng campus para mag-withdraw ng pera sa ATM, naglakad na pabalik si Vladimir sa loob ng vicinity ng Faircastle High School.

Habang papunta sa Paramount Building na may kalayuan sa main gate, narinig niya ang mga mahihinang kaluskos mula sa likuran niya. Saglit siyang napatigil sa paglalakad para lingunin ito, pero nang wala siyang makita ay nagpatuloy siya sa paglalakad.

However, Vladimir knows that there is an entity lurking behind him, so he decided to stay vigilant. Patuloy siyang naglakad papunta sa building nila, pero nanatili siyang alerto.

Nang malapit na siyang mapadaan sa isang poste na may pundidong ilaw, mas lalong tumindi ang kabog ng puso niya. Alam niyang merong mali sa sitwasyon niya.

Pilit niyang binilisan ang paglalakad, pero bago pa magawa iyon ay may isang lalaki na biglang lumitaw sa harap niya. Nakasuot ito ng itim mula ulo hanggang paa, at may suot din na itim na mask para matakpan ang kalahati ng mukha niya.

Kahit papaano ay may alam naman si Vladimir sa martial arts, kaya agad siyang umatras at bumwelo para sana undayan ng suntok ang kaharap. Pero hindi hamak na mas mabilis ang lalaki, na agad naiwasan ang suntok niya, bago hinawakan ang braso niya at basta na lamang siyang binalibag hanggang sa tumama sa pader ang likod niya.

Nang susubukan niya na sanang tumayo, mabilis na nakapwesto sa harap niya ang misteryosong lalaki. Bigla nitong hinawakan ang ulo niya, kaya hindi na siya nakagalaw. Pakiramdam ni Vladimir ay naninigas ang buong katawan niya habang nararamdaman niya kung anong enerhiya na nagmumula mula sa mga kamay ng lalaking kaharap niya. Kahit pa gusto niyang lumaban ay wala naman siyang magawa.

Nanatili siyang nakaupo sa lupa at nakasandal ang likod sa pader, habang nakahawak naman ang lalaking nakaitim sa ulo niya, at ang mga hinlalaki nito ay nakalapat sa sentido niya.

Hindi nagtagal ay nakaramdam na si Vladimir ng matinding sakit ng ulo, and some memories started to flash inside his mind even though he was not even thinking about them.

At that moment, he understood what happened to Jacob. The man in front of him was the same man in the video that knocked Jacob unconscious. He is a metahuman, just like them.

Pero habang pinagmamasdan ni Vladimir ang bahagi ng mukha nito na hindi natatakpan ng mask, napansin niyang hindi ito ang class adviser nilang si Daniel. Makikilala niya ang teacher nila kahit pa kalahati lang ng mukha nito ang makita niya, kaya sigurado siyang hindi ang class adviser nila ang kaharap niya.

Pilit niyang ginagalaw ang kamay kahit pa sinasalanta ng matinding sakit ang buong katawan niya para sana tanggalin ang maskarang suot ng lalaki, pero wala siyang magawa. The pain is just too much for him to bear, but he can't even make a sound. He wanted to scream. He wanted to move. He wanted to fight back... but to no avail.

Napapikit na lamang si Vladimir, at pilit na nilabanan kung ano man ang ginagawa ng lalaki sa kanya. Pero bago pa man siya tuluyang mawalan nang pag-asa, naramdaman niyang nabitawan siya ng lalaki. Nawala na ang sakit na nararamdaman niya, pero tuluyan naman siyang bumagsak sa lupa dahil sa panghihina.

Ilang segundo siyang nahiga, bago tuluyang nakapag-ipon ng lakas at bumangon mula sa lupang kinabagsakan niya. Nang tuluyan siyang makaupo, palapit na sa kanya si Gwen na humahangos pa.

"Hindi ko na siya nahabol... Bigla na lang siyang tumagos sa pader eh," she told him, before reaching out her hand to help him stand up, "Ayos ka lang ba?"

The whole situation has not sank in inside Vladimir's mind, but he tried to respond to her question.

"Oo... Ayos lang ako."

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

39.9K 1.7K 26
Mysterious Trilogy #1 [COMPLETED] -Ang kahapon ay hindi kailanma'y matutuldukan, hangga't ito'y hindi pa tuluyang natatapos.- Felix, Oira, Usef, Rose...
142K 1K 8
Maelanie Inocencio is a senior high school student in Saint Augustine Academy, a prestigious school in Hespheria, ang bayan kung saan ipinanganak ang...
2.2K 233 31
Stars in my Dark Nights is Historical fiction set in the Spanish colonial Philippines. The story is all about the love triangle between Isabella, her...
5.1M 195K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...