The Paramount Code (The Odd O...

By ayrasheeeen

539K 28.7K 4.2K

(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their uni... More

i.
ii. The Paramount Class
iii. Admission Letter
Prologue
001. Scientia Est Potentia
002. Youngblood
003. Polar Opposites
004. A Turbulent Combination
005. The New Paramount
006. The Curse of Oddity
007. Birth of a Technopath
008. Complex Beings
009. The Paramount's Purpose
010. A Strange Sonata
011. Visions in Voices
012. A Play on Words
013. To Wreak Havoc
014. Hidden, Not Lost
015. Raging Fist
016. True Strength
017. The Guardian
018. Broken Memories
019. The Troubled Mind
021. Taking Over
022. The Enraged, The Mischievous, and The Paranoid
023. All For One
024. Taking the Lid Off
025. The Orphan Who Lived
026. The Odd Family
027. Sui Generis
028. Rare
029. Unfinished Business
030. The Power of the Mind
031. Cursed Whispers
032. Silent Agony
033. Odd One Out
034. The Danger Awaits
035. Hidden in Plain Sight
036. Captured
037. Lullabies
038. The Intruder
039. Pawns in the Game
040. The Strength From Within
041. Growing Suspicions
042. Silent Heartbeat
043. Different Wars, One Enemy
044. Revealing A Monster
045. Partial Truths
046. The Metahuman Factory
047. Lost Boys
048. Completing the Puzzle
049. Superior
050. The Watcher
051. Reckless
052. Uprising
053. A Price for the Truth
054. Crowded Mind
055. Instinct Over Reason
056. To Fight and Survive
057. The Way to the Truth
058. Look Back, Look Forward
059. Eerie Resemblance
060. Double-Edged Sword
061. Annoyingly Intuitive
062. Now or Never
063. Sonic
064. The Guardian and The Beast
065. Game of Survival
066. Objects of Fear
067. Betrayal
068. The Resistance Begins
069. Eight
070. Release Them All
071. War of the Peculiars
072. Chaos
Aftermath
Age of Resistance (The Odd Ones, Book 2)

020. Four Pieces of One

4.9K 369 64
By ayrasheeeen

Gwen smirked at the question, and gave Sketch a provoking look. "Kaibigan ko si Sketch, at madali kong makikilala ang bawat galaw niya. Pero ikaw... Hindi kita kilala."

Napahinga nang malalim si Sketch habang nakangisi, at tumingin-tingin sa paligid. "Grabe ka naman, Gwen... Ako pa rin naman si Sketch. Nakakasama ka naman ng loob. Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit hindi mo ako makilala?"

"You cannot convince me otherwise," Gwen responded, "You are not Sketch, and I will keep insisting regardless of how many times you tell me you are him."

The man's brows furrowed as he laughed sarcastically. "Kung hindi ako si Sketch, eh 'di sino pala ako?" Bigla itong natawa, at pilit na kinalma ang sarili bago muling nagsalita, "Wait... Natatawa ako dun sa tanong ko... Ang lakas maka-existential question eh."

"Malalaman ko rin kung sino ka..." tugon ni Gwen, "Just so you know, I have my ways. Ililihim ko muna 'tong nalalaman ko mula sa iba nating mga kasama... After all, madidiskubre rin lang naman namin kung sino ka."

Isang mayabang na ekspresyon ang sumilay sa mukha ng binata. "Alam mo, hindi mo basta –"

"Huwag ninyong sasaktan si Sketch... At sabihin mo sa mga kasama mo na magtago sila nang mabuti. I know where they are hiding."

Unti-unting nawala ang mayabang na ekspresyon sa mukha ni Sketch at napalitan ng pagtataka. "Paano mo nalaman..."

Gwen smirked mysteriously. "I told you... I have my ways."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay tuluyan nang tumalikod si Gwen at naglakad palayo. Naiwan si Sketch sa kinatatayuan niya na nagtataka sa itinugon ng babae. Bahagya siyang kinabahan, lalo na't iba ang pakiramdam niya sa sinabi nito. It was like Gwen was certain that she knows everything regardless of how much he hides it.

Mabilis siyang naglakad paalis sa lugar na iyon at dumiretso sa kwarto niya sa Paramount Building. Inilabas niya ang key card mula sa bulsa, at luminga-linga muna sa paligid bago tuluyang dumiretso sa loob ng kwarto.

Pagpasok niya, agad siyang sinalubong ng isa pang Sketch. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito, at panay ang kagat sa mga daliri at kuko niya sa kamay.

"N-nahalata ka ba nila?" tanong nito sa kanya.

"Hindi... Pero si Gwen... Alam niyang hindi ako si Sketch," naiinis niyang tugon habang hinuhubad ang suot na hoodie.

Natawa na lamang ang isa pang Sketch na nakaupo sa swivel chair sa harap ng study table. "Sinabi ko na sa'yo eh... Kahit matalino si Vladimir, hindi ka niya mapapansin dahil wala naman siyang pakialam sa ibang tao. Pero si Gwen, imposibleng hindi ka niya mahalata. Mabilis ang pick-up 'nun... She's very intuitive," saad nito habang gumagawa ng isang origami gamit ang isang piraso ng coupon bond na nakuha niya sa ibabaw ng mesa.

Napaupo ang nag-aalala at kabadong bersyon ni Sketch sa kama kung saan nakahiga at walang malay ang tunay na Sketch. "P-papano 'yan, Kei? Paniguradong aalamin ni Gwen ang totoo... Anong gagawin natin?"

Napaupo na rin sa kama ang bersyon ni Sketch na tinawag na Kei. "Hindi niya na kailangang alamin 'yun, Steven, dahil alam niya nang nag-eexist din kayong dalawa ni Kit. Mukhang alam niya rin na dito rin tayo nagtatago sa mismong kwarto ni Sketch..."

Ibinaling ng napapraning na si Steven ang tingin sa duplicate ni Sketch na abala pa rin sa paggawa ng origami. "Kit... Anong gagawin natin?"

"Eh 'di wala... Ano bang magagawa natin? Hindi naman magtatagal, malalaman din nilang andito tayo. Utot nga hindi mo basta matatago, tayo pa kaya." Nang matapos siya sa paggawa ng crane origami ay inilagay niya ito sa tabi ng unan ng natutulog na si Sketch, "In the end, they're going to find out that we're here, so I suggest that we enjoy these moments habang hindi pa tayo nakakabalik sa katawan ni Sketch."

"At pagkatapos, ano? Susubukan na naman nilang burahin tayo sa buhay ni Sketch?" galit na saad ni Kei habang pinagmamasdan ang dalawang kasama. "Ayoko. Hindi ako papayag."

"At ano naman ang gagawin mo?" tanong sa kanya ni Kit, "Ilang araw pa lang ang nakakaraan magmula noong humiwalay tayo sa katawan ni Sketch, but it doesn't change the fact that we're just his alters. We are still a part of him... We may look and sound like him... But we're still different, and we will never be Sketch."

Saglit na napaisip si Kei at pinagmasdan ang walang malay na si Sketch na nakahiga sa kama. Isang ngisi ang unti-unting sumilay sa mukha niya, bago niya itinuon ang tingin sa uniporme na nakasabit sa likod ng pinto.

"Not anymore..."

********

Napag-usapan nina Jacob at Vladimir na magkita sa rooftop ng Paramount Building pagkatapos ng quarterly assessment nila noong gabing iyon. Nauna na si Vladimir doon, na nakakaramdam na ng kaunting inis dahil ilang minuto na rin siyang naghihintay sa meeting place nilang iyon.

Nang makarating si Jacob, agad niya itong binigyan ng isang malamig na titig. "Bakit ang tagal mo?"

"Pasensya na..." tugon ni Jacob, "Kasama ko kasi kanina sina Axis at Nico... Tinakasan ko lang sila kasi panay ang tanong nila kung –"

"Stop explaining. I don't care," Vladimir responded, sounding peeved. "Wala bang nakasunod sa'yo?"

Nagtaka si Jacob sa tanong sa kanya nito. "Wala naman. Bakit?"

"Naninigurado lang ako. Mahirap na..." Pagkatapos ay iniabot ni Vladimir ang brown envelope sa kanya, "Here are the files... Huwag mo na akong tatanungin ulit tungkol sa bagay na 'to. Ayokong madamay sa mga problema mo."

Tiningnan muna ni Jacob ang laman ng envelope, at nang makumpirmang iyon nga ang mga files ay nakahiga siya nang maluwag. "Salamat sa tulong mo..."

"Don't thank me. I did not do this for you," Vladimir crossed his arms against his chest, "Aaminin kong nacurious ako sa mga nireresearch mo, pero hindi ibig sabihin noon na tinutulungan kita."

Isang ngiti ang nabuo sa nabuo sa mukha ni Jacob. "Pero salamat pa rin..."

"By the way... Kailan nagsimula 'yung pakiramdam mo na parang may nakalimutan ka?"

"Basta pagkatapos akong kausapin ni Sir Daniel noong araw na nagkagulo kayo ni Nico, nawalan ako ng malay sa hallway... Paggising ko sa clinic, ganito na ako."

Vladimir nodded, and a thought suddenly crossed his mind. "Hindi ka man lang ba nagtataka sa nangyari sa'yo?"

"Syempre nagtataka rin ako... Pero wala naman akong magagawa kasi hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula sa pag-alam ng kung ano ang nangyari sa 'kin."

Vladimir scoffed and rolled his eyes. "May nakalimutan ka lang naman, pero kaya mo pa rin namang mag-isip... Bahala ka na nga sa buhay mo. Hindi mo na kailangang ibalik ang mga files na 'yan sa 'kin."

Hindi na hinintay pa ni Vladimir na makapagsalita si Jacob, at tuluyan na itong iniwan sa rooftop. Habang pababa siya sa palapag kung saan naroon ang mga kwarto nila, napatingin siya sa CCTV camera na nakakabit sa entrances, exits, at sa mga daan sa loob ng Paramount Building.

Napatigil siya sa paglalakad pababa ng hagdan at nakipagtitigan sa isang CCTV camera na nakita niya. An idea crossed his mind, as he looked at his hands before smirking.

********

Bago siya pumunta sa Paramount Building para sa after-school classes ng Paramount Class, dumaan muna si Daniel sa opisina ng school director na si Benjamin Alcantara. Dala niya ang mga assessment files ng mga estudyanteng may manifested abilities, at inilapag ito sa mesa ng director.

Nginitian siya ni Benjamin na kinuha ang mga files at ipinuwesto sa harap niya. "This new batch is really impressive and interesting. Hindi na ako makapaghintay na makita ang iba pa nilang mga kakayahan."

Tumango si Daniel bilang pagsang-ayon. "I agree with you, Sir. Mas interesting nga ngayon dahil kung hindi man nadedevelop lalo ang mga abilities nila, nagkakaroon agad sila ng secondary at additional mutations. Kagaya na lang ni Axis na meron nang kakayahan na mag-mute ng tao."

"Namamangha ako sa present batch ng Paramount Class, Daniel... Their abilities are manifesting fast... Wala pa silang tatlong buwan dito sa program pero may secondary mutations na sila. Isipin mo, nag-manifest agad ang ability ni Vladimir kahit wala pa siyang tatlong linggo dito sa program. Tapos ngayon, sunod-sunod nang nagkakaroon ng developments sa bawat isa sa kanila. They're the fastest to have manifested abilities among all the batches that we had."

"Iyon nga rin po ang ipinagtataka ko. The student with the shortest time before their abilities manifested was in Batch 2018. She gained it after approximately three months and a week. Pero si Vladimir, wala pang isang buwan, nag-manifest na."

"Well, hayaan na natin... At least they're all developing fast. Their stay here in the Paramount Program will be so interesting in the coming months. And it will benefit us as well," Benjamin then scanned the files in front of him, before keeping it on a file rack. "Yung ability pala ni Jacob, hindi pa rin ba nagmamanifest?"

"Hindi pa po eh..." tugon ni Daniel, "Um, Sir... Kung hindi niyo po mamasamain ang pagtatanong ko, bakit po ba kayo interesado sa kanya? Dahil po ba kamukha siya ni Dr. Anthony Ledesma?"

"Napansin mo rin pala 'yun?" bahagyang natatawa pa ang school director, "Sa totoo lang, akala ko talaga anak siya ni Anthony. Pero pinaimbestigahan ko siya out of curiosity, at wala naman siyang koneksyon kay Ledesma."

"Siguro po talagang magkahawig lang sila... Meron namang mga ganung kaso, hindi po ba?"

"But I'm still disappointed, you know... Matagal nang patay si Anthony, pero hindi ko basta makakalimutan ang mga ginawa niya para sa Paramount Laboratories. If only there was a way to help even his family... Pero nakakapagtaka na wala siyang nilagay na next of kin sa files niya."

Tumango-tango si Daniel sa sinabi ng school director. "Sa pagkakaalala ko po, ulila na siya. Wala rin siyang nabanggit na asawa o girlfriend man lang...Medyo malihim rin kasi ang taong 'yun eh."

"Kawalan talaga ng Paramount Laboratories ang pagkamatay niya..." Benjamin then sighed, "

We need more people like him in the team."

"Sir Benjamin, maiba lang po ako... Meron lang po sana akong itatanong."

"Ano 'yun?"

"Bakit po pala ninyo gustong magpa-conduct ng mga karagdagang physical tests kay Gwen at Jacob?"

"Ah, 'yun ba? Alam mo kasi Daniel, iba ang nakikita ko sa dalawang 'yan... As you know, as a metahuman, I have the ability to "sense" people like us. Iba ang kulay ng aura na nakikita ko sa kanila. Normal humans have colorless auras in my sight, but metahumans... I see a surrounding red aura around them. But with Gwen and Jacob... It's totally different. Instead of red, I see a blue aura on the two of them. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin nun, at kung ano ipinagkaiba nila sa ibang metahumans. Dahil nga diyan kaya binantayan ko na si Jacob kahit noong una pa lang siyang pumunta dito para mag-transfer. Sa totoo lang, ayaw nga siyang payagan ni Helga na lumipat dito noon dahil medyo bitin ang grades nung bata, but I insisted because I know his genes are that of a metahuman."

Bahagyang nag-alangan si Daniel dahil sa sinabi ng school director, pero tumango siya at ngumiti. "Now I understand why you're so interested with Jacob. Sige po, Sir Benjamin... Magpapa-schedule po ako ng bagong tests para sa kanilang dalawa."

Ngumiti si Benjamin. "Thank you, Daniel. I know that you will never fail me."

Pagkakatapos ng pag-uusap nila ng school director, naglakad na pabalik ng Paramount Building si Daniel. Papasok na sana siya sa classroom para simulan ang supplemental class, pero natigilan siya sa may pintuan at pinagmasdan ang mga miyembrong dumating na sa loob. Kahit naroon na sina Leia, Emma, at Axis, itinuon niya ang tingin kay Jacob at Gwen na abalang makipag-usap sa mga kasama.

"Sir Daniel?"

Daniel was taken aback when he heard a deep voice from behind him. Nang lingunin niya ito, nakatayo pala sa likuran niya si Vladimir at may isang makahulugang ngiti sa mukha.

"V-vladimir... Ikaw pala," ani Daniel sa estudyante.

"Bakit po hindi kayo pumapasok sa loob? Nakatayo lang po kayo dito..."

"Ah, wala naman... Gusto ko lang pagmasdan ang mga kasama mo," tugon ni Daniel sa binata, "I am just in awe at how much you guys developed in a short span of time. Natutuwa lang akong maging parte ng pag-develop niyo dito sa Paramount Program."

"Sabagay... After all, you have been the Paramount Class adviser right from the very beginning... I'm certain you have been a part of many things... You have seen many things... You did many things... Tama po ba?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Daniel habang pinagmamasdan ang estudyante. "Ano ba ang gusto mong ipahiwatig, Vladimir?"

Isang makahulugang tingin ang ibinigay sa kanya ni Vladimir. "Nothing, Sir Daniel. I'm just saying."

Pagkatapos noon ay tuluyang nang pumasok ang binata sa loob ng classroom, leaving the class adviser confused and frozen on his position.

Itinuon niya ang tingin kay Vladimir, at nagkaroon siya ng kakaibang kutob dahil sa mga sinabi nito sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
36.1K 634 14
link: http://sherlock-holm.es/stories/html/cano.html#Chapter-14 DISCLAIMER: I don't own anything in this story. I give the credit to the Author of th...
40K 1.7K 26
Mysterious Trilogy #1 [COMPLETED] -Ang kahapon ay hindi kailanma'y matutuldukan, hangga't ito'y hindi pa tuluyang natatapos.- Felix, Oira, Usef, Rose...
236K 13.7K 90
Textmate Series #1 | Congratulations! Your number have won! *** An epistolary. "Pa-loadan mo ang number na ito upang ma-claim ang prize." Two souls m...