The Paramount Code (The Odd O...

By ayrasheeeen

539K 28.7K 4.2K

(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their uni... More

i.
ii. The Paramount Class
iii. Admission Letter
Prologue
001. Scientia Est Potentia
002. Youngblood
003. Polar Opposites
004. A Turbulent Combination
005. The New Paramount
006. The Curse of Oddity
007. Birth of a Technopath
008. Complex Beings
009. The Paramount's Purpose
010. A Strange Sonata
011. Visions in Voices
012. A Play on Words
013. To Wreak Havoc
014. Hidden, Not Lost
015. Raging Fist
016. True Strength
018. Broken Memories
019. The Troubled Mind
020. Four Pieces of One
021. Taking Over
022. The Enraged, The Mischievous, and The Paranoid
023. All For One
024. Taking the Lid Off
025. The Orphan Who Lived
026. The Odd Family
027. Sui Generis
028. Rare
029. Unfinished Business
030. The Power of the Mind
031. Cursed Whispers
032. Silent Agony
033. Odd One Out
034. The Danger Awaits
035. Hidden in Plain Sight
036. Captured
037. Lullabies
038. The Intruder
039. Pawns in the Game
040. The Strength From Within
041. Growing Suspicions
042. Silent Heartbeat
043. Different Wars, One Enemy
044. Revealing A Monster
045. Partial Truths
046. The Metahuman Factory
047. Lost Boys
048. Completing the Puzzle
049. Superior
050. The Watcher
051. Reckless
052. Uprising
053. A Price for the Truth
054. Crowded Mind
055. Instinct Over Reason
056. To Fight and Survive
057. The Way to the Truth
058. Look Back, Look Forward
059. Eerie Resemblance
060. Double-Edged Sword
061. Annoyingly Intuitive
062. Now or Never
063. Sonic
064. The Guardian and The Beast
065. Game of Survival
066. Objects of Fear
067. Betrayal
068. The Resistance Begins
069. Eight
070. Release Them All
071. War of the Peculiars
072. Chaos
Aftermath
Age of Resistance (The Odd Ones, Book 2)

017. The Guardian

5.2K 399 61
By ayrasheeeen

While waiting for the physician, Leia touched the dying rose plant again, feeling each ridge of its slowly drying leaves and its hollow stem. Gusto niyang kunin ang halaman para alagaan, pero alam niyang mamamatay na iyon at wala na ring dahilan para kunin niya pa. Isa pa, mahihirapan din siyang mag-alaga ng halaman dahil palagi naman siyang abala sa school activities.

Napabuntong-hininga na lamang siya, at iginala ang tingin sa buong clinic. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang physician ng Paramount Clinic na si Dr. Lara Trinidad, dala ang mga gamot at vitamins na dapat inumin ni Jacob.

"Sabihin mo kay Jacob, dapat consistent siya pag-inom nito, okay?" ani ng babaeng physician, "Pati na rin ikaw, Leia. Dapat inaalagaan ninyo ang pangangatawan ninyo. You all have to stay in your best shape para kayanin ninyo ang activities sa Paramount Program."

Tumango si Leia, at pagkatapos ay pinasalamatan ang physician. Nang maiwan na lamang mag-isa si Lara sa loob ng clinic, agad siyang pumunta sa pwesto kung saan huling naupo si Leia. Katabi kasi noon ang bintana, na agad niya namang binuksan para pumasok ang liwanag ng araw pati na ang sariwang hangin galing sa labas.

Pagbukas niya ng bintana, laking gulat niya nang biglang magpulasan paalis ang mga ligaw na pusa at aso na nakapwesto pala sa labas. Pati na ang mga maliliit na ibon na nasa malapit ay nagsiliparan na rin palayo.

She was a little taken aback, and just shrugged off the weird incident. Pagkatapos ay itinuon niya ang pansin sa rose plant na plano niya nang itapon dahil malapit na itong mamatay. Hindi niya rin kasi kayang alagaan nang maayos dahil na rin palagi siyang abala.

Pero nang kinuha niya ito mula sa kinapupwestuhan nito ay laking gulat niya nang makitang buhay na muli ang halaman. Matingkad na berde ang mga dahon at tangkay nito, and a small rose bud is already forming on it.

Nagsalubong ang mga kilay ni Dr. Trinidad, dahil sigurado siyang wala nang pag-asa ang halaman na iyon nang makita niya kahapon.

Napahinga siya nang malalim nang maalalang hinahawak-hawakan iyon ni Leia kanina lamang. Habang pinagmamasdan niya ang bulaklak na unti-unti nang nabubuo, isang ngiti ang sumilay sa mukha niya.


********

"O 'yan..." ani Sandy matapos ibato kay Leia ang isang maliit na bag, "Pinapabigay ng shunga mong nanay..."

Pinulot ni Leia mula sa lupa ang bag na ipinadala sa kanya ng nanay niya. Kahit gusto niya nang umiyak, pilit niyang tinatagan ang loob at hinarap ang stepsister.

Nagkita silang magkapatid sa lumang garden ng Faircastle High School na nasa likod ng campus. Nakapwesto doon ang mga lumang gamit at mga sira-sirang upuan at mesa na hindi na ginagamit. Walang mga tao roon dahil malayo iyon sa mga classroom at maraming mga ligaw na hayop na palaging nakapwesto doon. Kung may tumatambay man ay mga estudyanteng magkakarelasyon o mga magbabarkadang gustong mag-cutting classes.

"Huwag ka namang magsabi ng ganyan sa nanay ko... Asawa na siya ng tatay mo," Leia knew she does not sound intimidating, but she wanted to sound firm at the very least.

Alam niyang hindi siya gusto ng stepsister na si Sandy, pero wala siyang magagawa kung hindi ang pakisamahan ito. Hindi niya lang talaga gusto na ipinapadala ng nanay niya sa kapatid ang mga gamit na para sa kanya dahil kung minsan ay hindi naman ibinibigay sa kanya ni Sandy ang mga iyon. Kung ibibigay man, ganito ang palaging nangyayari. Mag-uusap sila sa isang tagong lugar para may pagkakataon na naman si Sandy na awayin at saktan siya.

"Wala akong pakialam, okay?" tugon sa kanya ni Sandy na umiiling-iling pa, "Hindi ko talaga alam kung bakit pa pinatulan ng Daddy ko ang nanay mo... Kung hindi sila nagpakasal, wala ka sana sa buhay ko. Parehas kayong salot."

Huminga nang malalim si Leia at niyakap ang bag na dala. "Wala rin naman ako sa landas mo, hindi ba? Sa Paramount Building ako nakatira, kaya hindi naman na tayo nagkakasama."

Isang naiinis na ngisi ang sumilay sa mukha ni Sandy. "Ang yabang mo na ngayon ah... Porke kasali ka sa Paramount Class... Akala mo ba deserving ka? Kung umasta ka parang akala mo ang galing-galing mo..."

Napalunok si Leia, at agad na sinagot ang stepsister niya. "Bahala ka kung iisipin mo na hindi ako deserving o hindi ako magaling... Ang punto lang naman, ako ang kasali sa Paramount at hindi ikaw. Wala ring silbi 'yang mga sinasabi mo dahil hindi ikaw ang may suot ng badge..."

Nagsalubong ang mga kilay ni Sandy dahil sa narinig mula sa kapatid kaya pinandilatan niya ito. "Nahahawa ka na talaga dun sa bestfriend mong matalas ang dila, ano?" Lumapit si Sandy sa kanya at pinagmasdan ang badge na nakakabit sa uniporme niya, "Dahil lang dito, sobrang yabang mo na... Paano kaya kung mawala 'to?"

Bago pa man makapagsalita si Leia, hinablot na ni Sandy ang badge at itinapon ito sa malayo. Sinundan ni Leia ng tingin ang badge na tumilapon na para sana makuha niya ito mamaya kung saan ito mahuhulog, pero naramdaman niya na lamang ang paghapdi ng anit niya. Wala siyang kaalam-alam na sinasabunutan na pala siya ng kapatid na halatang gigil na gigil sa kanya.

"Sandy, ano ba! Huwag mong hilahin ang buhok ko..." ani Leia habang nagpupumiglas at pilit na itinutulak ang stepsister niya.

Pero hinawakan ni Sandy ang isang kamay niya at pinihit ito papunta sa likod niya para hindi siya makagalaw. Ramdam ni Leia ang sakit sa braso niya dahil sa ginagawa ng kapatid, pero wala siyang magawa dahil natatakot siyang lumaban dito. Kahit pa mas malaki siya, ni wala siyang magawa dahil wala siyang tiwala na matatapatan niya ito.

Hindi na napigilan pa ni Leia ang pagtulo ng luha niya habang sinisigawan at sinasaktan siya ni Sandy. Walang katao-tao sa lugar na iyon, kaya walang dadaan na pwedeng umawat sa kanila o pwedeng tumulong na makalayo siya sa kapatid. Gusto niyang humingi ng tulong para makawala sa pananakit ng kasama, pero wala siyang magagawa.

Pero sa kalagitnaan ng ginagawang pagpapasakit sa kanya ni Sandy ay bigla na lamang itong bumitaw sa buhok at kamay niya at napaungol sa sakit.

Nang lingunin ni Leia ang kapatid, nakita niya ang isang pusa na nasa paanan niya. Galit na galit ang pusa na mukha kinalmot ang binti ni Sandy.

Kumuha ng nakakalat na sanga ng kahoy si Sandy at ginamit ito para sundutin ang pusa habang pinapaalis ito. "Umalis ka dito... Shoo..."

Hindi umalis ang pusa na nagsisitayuan pa rin ang balahibo dahil sa galit. Maya-maya pa ay pumwesto ang pusa sa harap ni Leia, at nang mapatingin sa kanya si Sandy ay unti-unti itong umatras.

Nagtaka si Leia sa inaasal ng kapatid, lalo na't naghahalo ang takot at pagkalito sa mukha nito. Hindi rin ito nakatingin sa kanya, ngunit sa bandang likuran niya.

Napalunok si Leia nang makarinig siya ng kung anong mga tunog at kaluskos mula sa likuran, at nang lumingon siya ay hindi niya rin mapigilan ang matakot nang makita ang napakaraming mga ligaw na aso at pusa na papalapit sa kanila. Pati mga ibon ay nagsimulang naglabas ng malalakas na huni habang dumadapo ito sa mga sanga ng puno kung saan nakatayo sa ilalim si Leia.

Pumwesto ang mga ligaw na aso at pusa sa harap ni Leia na parang hinaharangan nila si Sandy na makalapit sa kanya. Every animal is on alert, ready to bite and growl as they focused their furious eyes on Sandy. Anumang sandali ay aatake at handang manakit ang mga hayop na nakapalibot kay Leia, na para bang hindi sila papayag na makalapit si Sandy sa kanya.

Dahil sa nangyayari ay wala nang nagawa pa ang takot na takot na stepsister ni Leia na tumakbo na lamang palayo.

Habang sinusundan ni Leia ng tingin ang palayo niyang kapatid, unti-unti nang nagsialisan ang mga ligaw na hayop na kanina ay nakapwesto sa harap niya na para bang pinoprotektahan siya.

Isang ligaw na aso ang lumapit sa kanya, at nasa bibig nito ang Paramount badge ni Leia. Inilapag iyon ng aso sa paanan niya, bago tuluyang umalis. Ang natira na lamang ay ang pusa na kumalmot sa binti ni Sandy.

Leia lowered her body and looked at the cat, and realized that it was the stray cat that she frequently sees.

"Hindi ka na ba natatakot sa 'kin?" nakangiting tanong ni Leia sa pusa na nakaupo sa harapan niya.

Isang mahinang tunog ang itinugon sa kanya ng pusa, bago ito unti-unting naglakad palapit sa kanya. The stray cat then purred and rested his head on her foot, lying comfortably.

Kahit nag-aalala, sinubukan ni Leia na hawakan ito. Nang tuluyan nang tumama ang mga dulo ng daliri niya sa balahibo ng pusa, tuluyan nang nakahinga nang maluwag si Leia at sumilay ang isang ngiti sa mukha niya.

********

Napahinga nang malalim si Vladimir habang pinagmamasdan sa salamin ang sugat sa labi niya na dahil sa suntok ni Nico. Dalawang araw na rin ang lumipas at humupa na ang sakit ng buong katawan niya, pero hindi pa rin gumagaling ang sugat niyang iyon.

Umiling-iling na lamang siya matapos ibalik sa medicine kit ang mga ginamit niya para gamutin ang sugat niya sa labi.

Paglabas niya ng banyo, tumunog ang phone niya, tanda na nakatanggap siya ng isang mensahe mula sa butler ng pamilya nila na si Elliot. Agad siyang lumabas ng kwarto para puntahan ito.

Pero paglabas niya ng pintuan, si Gwen ang una niyang nakita na sakto namang dumadaan sa harap ng kwarto niya noong mga sandaling iyon. Natigilan siya at napalunok, lalo na't napatigil ito sa harap ng kwarto niya dahil na rin sa gulat.

Nagtama ang mga mata nila, at nang ngumiti si Gwen ay bahagyang napaatras sa kinatatayuan si Vladimir. Hindi naman siya kinausap nito, at iniwan siya sa pwesto niya na hindi pa rin makagalaw.

Nang tuluyang pumasok si Gwen sa sarili nitong kwarto ay saka lamang nakahinga nang maluwag si Vladimir. He was a little distracted because of what just happened, so he shook his head vigorously and went on to go outside. Bumaba siya at dumiretso sa labas ng Paramount Building at nilapitan si Elliot na nakaupo sa isang bench sa ilalim ng malaking puno ng acacia.

"Sir Vladimir, ito na po 'yung mga pinacheck ninyong pangalan sa 'kin," ani Elliot bago iniabot ang tatlong brown envelopes sa kanya, "Pasensya na po kayo kung medyo natagalan akong maghanap ng impormasyon tungkol sa kanila. Wala kasi ako halos makuha eh... Sobrang hirap akong alamin ang tungkol sa tatlong 'yan."

Sinilip ni Vladimir ang laman ng mga hawak niyang envelope, at nakita niya unang pahina ng bawat file ang mga pangalan nina Alexander Evasco, Nathaniel Standall, Dominic Acosta. Pagkatapos ay tumango siya at muling ibinaling ang tingin sa butler.

"It's alright, Elliot. Ang mahalaga naman, meron kang nakuha... So, nasaan na sila ngayon?"

"Hindi ko po alam, Sir Vladimir."

The young man was confused. "Hindi mo alam? What do you mean?"

"Matagal na po silang nawawala, Sir Vladimir," tugon sa kanya ni Elliot.

"Nawawala?"

Tumango ang butler bago nagsimulang magpaliwanag. "Pagkatapos po silang ma-expel sa Paramount Class noong nag-aaral pa sila, bigla na lang po silang naglaho sa mga kwarto nila. Kahit po ang mga pamilya nila, wala ring kaalam-alam kung nasaan na sila ngayon. Base sa nakausap kong mga pulis, matagal na rin silang hinahanap ng mga pamilya nila, pero walang makuhang lead sa kung nasaan na sila napunta dahil sobrang ilap ng mga impormasyon tungkol sa kanila."

"At wala man lang ginawa ang Faircastle High School sa kaso nila?"

"Base sa nakuha kong info, isa ang Faircastle High School sa nag-spearhead ng paghahanap sa kanila, pero wala rin naman silang magagawa kung talagang hindi rin sila nahahanap ng mga pulis. Inimbestigahan na rin sila tungkol sa posibleng kinalaman nila sa pagkawala nung tatlo, pero wala ring mga bagay na kumukonekta sa kanila at sa tatlong 'yan. Sa ngayon, ang tungkol sa expelled students ng Paramount Class ay isang gray area para sa administration ng Faircastle High School," ani Elliot sa amo, "Pero Sir, kung hindi ninyo mamasamain ang pagtatanong ko... Bakit po kayo nagpapahanap ng mga impormasyon tungkol sa kanila?"

"Wala naman... I just got interested with them, since I'm also a member of the Paramount Class now. Wala naman sigurong masama kung maging curious ako sa mga seniors ko, hindi ba?" Vladimir responded calmly, "Anyways... Thank you for your help, Elliot. You can leave."

Pagkatapos umalis ni Elliot, napaupo si Vladimir sa bench at binasa ang mga nakasulat sa mga files na iyon. Tanging mga basic na impormasyon lamang ang nakuha ni Elliot gaya ng family background nila, pero maliban doon ay wala nang iba.

Nagsalubong ang mga kilay ni Vladimir habang sumisilay ang isang ngisi sa mukha niya. "They're not lost. They're either hiding from someone, or someone is hiding them from everyone."

Pagkatapos ibalik ang mga files sa mga brown envelopes na pinanggalingan nito, naglakad na siyang muli pabalik papasok sa Paramount Building. Habang pabalik siya sa kwarto niya, natigilan siya sa tapat ng silid ni Jacob.

Sa loob-loob niya, pakiramdam ni Vladimir ay dapat malaman ni Jacob ang nakuha niyang impormasyon lalo na't ito naman talaga ang nagreresearch tungkol sa tatlong misteryosong lalaki. Iyon nga lang, hindi niya alam kung paano iyon sasabihin nang hindi siya nagmumukhang pakialamero o interesado.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip, na halos hindi niya na napansin ang paglapit sa kanya ni Jacob na may dalang isang maliit na brown paper bag ng mga gamot.

"May kailangan ka ba, Vladimir?"

Halos mapatalon si Vladimir sa gulat nang marinig mula sa likuran niya ang tinig ni Jacob. Huminga siya nang malalim para mahimasmasan siya bago hinarap ang lalaki.

"W-wala naman... Here, take these," Ibinigay ni Vladimir kay Jacob ang mga file, "You owe me one."

Binasa ni Jacob ang nakasulat sa mga papel, at nagtaka si Vladimir nang mapansin ang pagsasalubong ng mga kilay nito.

"Teka lang..." ani Jacob na bakas sa mukha ang pagkalito. "Ano 'to?"

Vladimir is obviously confused by his reaction. "Hindi ba panay ang pag-search mo sa tatlong 'yan? Nacurious din ako kaya nagresearch din ako."

"Niresearch ko 'to?" tanong ni Jacob sa kanya.

Naisip ni Vladimir na baka pinagtitripan siya nito, pero napansin niya sa mga mata ng kaharap na talagang nagsasabi ito ng totoo.

"Hindi mo ba naaalala ang mga pangalan na 'to? You were researching these names last week."

Napakamot na lamang si Jacob na halatang nalilito pa rin. "Pasensya ka na, Vladimir... Pero wala talaga akong maalala na nag-research ako ng tungkol sa mga pangalan na 'yan eh."

Natigilan si Vladimir at pinagmasdan nang maigi ang kaharap. He then swallowed loudly, before glancing at the files Jacob just returned to him.

He is now certain that something is wrong, and that the Paramount Program is hiding something from them.

Continue Reading

You'll Also Like

111K 3.8K 87
Textmate Series #2 | One unread message from an unknown number. *** An epistolary. "Manong Luis! Nasaan ka na ba? Ang dami ng tao dito sa venue. Kail...
3.4K 228 49
"Walang mag-iiwanan, pangako 'yan!" Masarap magkaroon ng kaibigan na hindi mo man tawagan at sabihan nang nararamdaman mo, pero kusa pa rin silang la...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
6K 190 9
" Nothing was a coincidence, everything was planned out ever since the Universe was first formed. And I would like to call meeting Jimin Park as sere...