Melting Ice Princess 3

By jaysanj

1.4M 61.2K 27.9K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 54

20.4K 728 492
By jaysanj



Zaparta's POV

"Sinabi ko na nga ba hindi magandang sumali sa ganitong training." sabi ko. Nakalinya kami ayon sa team. Alas singko pa lang ng umaga pero naka-gather na kaming lahat dito kasama ang ilan na kaibigan nila Ate na sasali din sa training.

Ine-explain ngayon ni coach Avey ang mga gagawin namin ngayong araw at habang sinasabi nya ang mga 'yon ay laging may kasunod na thrill at hindi maganda ang mga thrill nya. Nandyan yung kapag hindi natapos ang exercise within fifteen minutes, iinom kami ng ampalaya juice at kung ano-ano pang mapapait na juice. Meron din na naka-squat kami tapos may kutsara sa bibig na may kalamansi. Kapag nahulog ang kalamansi ay madadagdagan ang oras ng squat at ang pinakahuli, walang dinner kapag hindi natapos lahat ng exercise pagsapit ng alas siyete ng gabi. 

"Don't worry, bukas mag-eenjoy naman kayo dahil mismong team building na ang gagawin natin." nakangiting sabi ni coach Avey pagkatapos nyang sabihin ang lahat ng exercise. Halos nasa twenty na exercise ang gagawin namin ngayon.

"Uumpisahan na natin ang training! magwa-warm up muna tayo." sabi ni Ate Zoe. Silang apat nila coach Avey, Tita Silva at Tita Torey ang magbabantay samin.

Inumpisahan namin ang basic warm up. Pagkatapos non ay ginawa na namin ang unang exercise, ang mag-jogging hanggang two kilometer pero ang thrill dito ay...

"Nandyan na yung mga aso!" sigaw ng nasa likod. Napatingin kami sa likuran at nung makita namin na nagmamadaling lumapit samin ang mga aso ay bumilis ang takbo namin.

Hindi ito jogging!

Natapos namin ang exercise sa sobrang bilis sa oras sa inaasahan namin. Sino ba naman hindi tatakbo ng mabilis kapag hinabol ka ng mga aso? hindi lang basta aso, yung mga nakakatakot talagang aso. Nawala din agad yung mga aso nung malapit na kami matapos pero sobrang natakot kami sa ginawa ni coach Avey samin. Yung feeling na madadapa ka pero kailangan mong tumakbo para hindi ka makagat ng aso. Sobrang nakakakaba talaga ang nangyari. Unang exercise pa lang pero pawis na kaming lahat at hingal.

Sunod-sunod na ang ginawa naming training. May time na hindi na namin kinaya yung training sa sobrang pagod kaya nauwi kami sa kakaibang thrill. Nagawa ko pang uminom ng ampalaya juice na inabot ako ng kalhating oras bago maubos sa sobrang pait. Yung iba nga samin nasusuka sa iniinom.

Hanggang sa inabot kami ng quarter to six sa huling training na gagawin namin. Nasa pinakamahabang hagdanan kami ngayon. Sinabi ni coach Avey na aakyatin lang namin itong napakahaba at napakataas na hagdanan na ito bago mag-alas siyete ng gabi. May mga poste ng ilaw naman sa gilid kaya kita pa rin ang hagdanan. 

Isang oras, isang oras namin aakyating ang hagdanan na 'to.

"Mommies! Dito kayo nagka-develop-an hindi ba?" napatingin ako sa gawi ni Julia. Ang lakas kasi ng boses nito.

"Maraming memories dito." nakangiting sabi ni Tita Juls.

"Oo, dito din nag-unahan si Zoe at Japan noon." nakangiting sabi ni Tita Torey. "Dito sila nagpustahan sa unang date nilang palpak dahil sinama kami ni Japan." natatawang sabi nya.

"Huh! tanda ko pa 'yon! sobrang nakakainis talaga kayo non." sabi ni Ate Zoe. Natawa na lang ako.

"Pero kung hindi pa kayo aakyat, baka maabutan talaga kayo ng alas siyete dito." nakangiting sabi ni coach Avey.

"Alam ninyo guys, may memories din si Avey dito nung rookies kami. Nasa twenty palapag na kami ng hagdan nung nahulog sya." sabi ni coach Ella. Maraming nagulat sa sinabi nya.

"Mom, okay lang kayo non?" nag-aalalang tanong ni Kriza.

"Ayos lang ako non. Iningatan ko talaga ang ulo ko non para hindi ako mabagok." nakangiting sabi ni coach Avey at inakbayan si Kriza.

"At ang nakakabilib kay Avey non ay tumuloy pa rin sya kahit na may mga sugat na sya non." sabi ni Tita Lexie.

"Nakakabilib talaga si Avey noon palang." sabi ni Tita Sun.

"Oh come on, tama na yang mga papuri ninyo baka nakakalimutan ninyong wala kayong dinner kapag hindi kayo natapos ng alas siyete?" nakangiting sabi ni coach Avey pero kakaiba yung ngiti nya.

"Tara na! Sayang pagkain!" sigaw ni Tita Sam na ikinatawa ng iba. Nagsimula na din kaming umakyat. Hindi muna namin masyadong binilisan ang pag-akyat dahil mahaba pa ang oras.

Nakikinig kami halos lahat sa mga kinukwento ng mga matatanda sa nangyari sa kanila rito. Puro kalokohan ang mga nangyari sa kanila kaya natatawa kami. Nangyari pala sa batch nila Ate na hindi sila nakaabot kaya hindi sila pwedeng kumain noon pero dahil mabait sila Ate Zoe ay nagtira sila ng pagkain para sa kanila.

Napatingin ako sa harapan dahil may napansin akong nagmamadaling tumakbo. Nakita ko ang magkaibigan na sila Dite, Zandy, Lulu at Tyrant na nag-uunahan umakyat. Nauuna sa kanilang apat si Lulu habang sumusunod si Tyrant tapos Zandy, nahuhuli si Dite sa kanila. Makikita mo talaga kung sino sa kanila ang pinakamagaling.

"Nakikita ko si Japan at Zoe sa kanila." natatawang sabi ni Tita Jayden.

"Yeah pero si Tyrant ang kalaban ni Lulu at hindi si Dite." sabi ni Tita Torey.

"Bakit pala hindi kayo sumali sa kanila?" tanong ni Ate Zoe sa kambal.

"Nah. Mapapahiya lang sila." sabi ni Sylvia. Napailing ako.

"Ikaw, Lee?" tinakpan ko ang bibig ko dahil hindi pinansin ni Ate Zoe yung sinabi ni Sylvia.

"Matatalo sila." sagot ni Lee.

"Manang mana talaga ang mga anak ninyo sa inyo." sabi na lang ni Ate Zoe.

"Totoo naman ang sinasabi ng anak ko." nakangising sabi ni Tita Steph.

"Sa tingin ko hindi naman magpapatalo si Lulu sa kanila." sagot ni Mama Japan. Napangiwi ako dahil nag-uumpisa na silang magtalo sa mga anak nila. Ang dami nilang sinasabi kung sino ang mas magaling sa kanila.

"Ah! Si Dite na ang nangunguna." nakaturong sabi ni Sylvia sa itaas.

Napatingin tuloy kami sa itaas. Halos magkapantay na yung tatlo pero mabagal silang umakyat. Mukhang napagod sila pero si Dite ay dire-diretso lang. Ganon pa rin ang pace ng takbo nya. Hindi mabilis at hindi rin mabagal. Kaya siguro hindi sya napagod at tumuloy lang.

"Ehem. Anak ko yan." napangiti ako sa sinabi ni Ate Zoe.

"Zap." nagulat ako na may magsalita sa likuran ko. Malamig ang boses nya kaya nagulat ako.

"Astris. Pambihira, wag ka ngang maggulat ng ganon." sabi ko sa kanya.

"Magpaunahan din tayo." sabi nya. Napataas ang isang kilay ko.

"Huh? ayoko nga." sabi ko. Papagorin ko lang sarili ko. Kanina pa ako pagod.

"Scared?" nakangising sabi nya. Tinignan ko sya. Nah, hindi ako magpapadala sa kanya. "Corny." sabi nya na tila sumusuko. Natawa naman ako. Success. "Nakakausap ko pa rin si Kanao." mabilis na napatingin ako kay Astris.

"Talaga?" takang tanong ko. "Himalang naging close kayo para magpalit ng contact info." sabi ko.

"Naging close ka rin naman sa kanya." sabi nya. Napaangat ang tingin ko sa kalangitan.

"I don't think so. Kapag kasama ko kayong dalawa, madalas kayo ang magkausap at magkaintindihan." sabi ko.

"Manhid ka kasi." ibinaba ko ang tingin ko at sinamaan sya ng tingin. "Alam mo, may idea ako." tinignan nya ako sa mata.

"Anong idea naman?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ba magkaaway kayo ngayon ni Kriza?" napasimangot ako. Pinapaalala pa eh. "Naghahanap ng pagbabakasyonan si Kanao ngayon darating na bagong taon. Gusto mong yayain ko syang pumunta dito?" hindi sya nakangisi pero yung boses nya ay nang-aasar. Tinignan ko sya ng matagal. "How about this, kapag naunahan mo akong umakyat sa itaas, hindi ko sasabihin kay Kanao na nandito tayo, pero kapag ako ang nanalo, sasabihin ko sa kanya."

"Bakit ba gustong gusto mong makipag-unahan sakin?" takang tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang makita ang mga na-improve mo." sagot nya. "Nakita ko ang laro mo nitong Winter Cup, sa tingin ko kaya mo ng talunin si Blysse kung hindi sya nag-improve."

"Impossibleng hindi sya nag-improve." sabi ko at tumingin sa gawi ni Blysse na pinagsisihan ko na lumingon sa kanila. Magkakasama kasi sila nila Eloi at Kriza, kasama din nila si Charlie. Kung ako siguro si Kriza, nai-stress na ako sa tatlong malamig na tao na 'yon.

"Hey Kanao." mabilis na napatingin ako kay Astris. Nakatingin sya sakin habang nasa kanang tainga nya ang cellphone nya. "Kamusta? may naisip ka na ba kung saan kayo magbabakasyon?" pinaliitan ko sya ng mata. "Bakit hindi ka pumunta sa─" bago nya pa ituloy ang sasabihin nya ay tinakpan ko ang bibig nya. Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Fine, makikipagkarerahan ako sayo." bulong ko lang. Naramdaman ko naman na ngumiti sya sa palad ko. Inalis nya ang kamay ko sa bibig nya.

"Tawagan kita mamaya." sabi nya tapos ibinaba ang cellphone. "So?"

"Pambihira ka talaga." sabi ko at napasuklay ng buhok. Kinuha ko ang ipit ko sa bulsa na kanina tinanggal ko dahil hindi naman ganon kahirap ang pag-akyat ng hagdan. Inipit ko ang buhok ko.

"Miss ka na ni Kanao." sabi nya na nagpatigil sakin sa pag-ipit ng buhok ko. Tinignan ko sya. "Don't worry, girlfriend nya na si Harriet." nginisian nya ako at naunang naglakad sa unahan.

Kailan pa lumakas ang asar ni Astris?

Sumunod ako sa kanya sa unahan. Lumayo pa kami ng kaonti sa mga kasamahan namin. Tumigil kami nung magkapantay na kami.

"By the way...hindi ka pa nag-eexplain sakin nung hinalikan ka ni Dru nung nakaraang araw." sabi nya. Nandilim ang mukha nyang tumingin sakin. Napaatras naman ako at napangiwi.

"Wait, hindi ko ginusto 'yon okay? nagulat lang din ako." sabi ko at umiwas ng tingin. "Sorry." dagdag ko. Narinig ko syang bumuntong hininga kaya tumingin ako sa kanya.

"Bakit ba nagkagusto sya sa isang katulad mo?"

"Excuse me? Gusto mo ng sapak?" pilit nagigil ko sa kanya. Nginisian nya ako tapos natawa kaming dalawa. Napailing ako. "Hindi ko rin alam kung bakit may nagkakagusto pa sakin."

"Nakakapagtataka hindi ba?" pagsasakay nya. Natawa na lang ako sa kanya.

"Simulan na natin." sabi ko. Pumwesto kaming dalawa. Bumilang ako hanggang tatlo. Sabay kaming tumakbo paakyat ni Astris. Mabilis talaga itong si Astris. Nauunahan nya ako pero hindi naman ganon kalayo ang agwat naming dalawa.

Nakakaramdam na rin ako ng pagod pero itong taong, hindi man lang bumabagal ang takbo. Pero ayoko rin magpatalo kaya naman binilisan ko pa ang takbo ko. Ginawa ko ng dalawang hakbang ang pag-akyat ko para makahabol sa kanya at nagawa ko naman. Bumabagal na rin sya.

Naabutan namin yung tatlong nagpapahinga sa may gilid. Nag-cheer pa sakin si Lulu. Muling bumilis si Astris kaya naman binilisan ko rin. Maingat ang bawat hakbang ko dahil mahirap na kung magpapagulong gulong ako. Baka hindi pa ako mabuhay kapag nangyari 'yon.

Malapit na namin maabutan si Dite na mabagal na tumatakbo. Ramdam na ramdam ko na talaga ang pagod ko pero hindi ko magawang huminto. Okay rin lang naman na magbakasyon si Kanao dito kung sakaling matalo ako kay Astris pero hindi ako papayag na matalo ako. Ayoko ng makaramdam pa ulit ng pagkatalo. Hindi na.

Nauunahan ko na si Astris at naabutan na namin si Dite. Hindi ako tumigil kahit na pawis na pawis ako at hingal na hingal. Hindi ako tumigil kahit na nanginginig na ang tuhod ko. Pero nararamdaman ko na onti-onti na rin ako bumabagal. Napangiti ako. Kahit na ayokong tumigil, katawan ko na mismo ang nagpapatigil sakin.

Tumigil ako at naghabol ng hininga. Tumingin ako sa likuran ko at nanlaki ang mga mata ko dahil ang layo ni Astris mula sakin. Nakatigil din sya at katabi nya si Dite na nakatingin sakin. Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang braso ko at umupo sa palapag.

Tumingin ako sa ibaba pang parte. Nakita ko na tumatakbo na rin yung mga naiwan. Tinignan ko ang relo ko kung anong oras na. Alas sais y media na. Kaya pala ganon na lang sila tumakbo dahil wala pa sila sa kalhati. Nilingon ko ang likuran ko, malapit na akong matapos pero nanginginig na ang tuhod ko. Tila matutumba ako kapag tumayo ako. Magpapahinga muna ako.

Tinignan ko sila Astris. Nagpapahinga na rin sya. Napangiti ako dahil natalo ko sya. Tumingin naman ako kay Dite. Napakunot ang noo ko dahil nakatingin sakin si Dite. Kanina pa ba sya nakatingin sakin?

Humakbang sya paitaas na ikinagitlang ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Muling humakbang si Dite habang nakatingin sakin. Bigla naman akong napalunok. Hindi ko gusto ang tingin ni Dite ngayon. Para syang makakapatay.

Napatayo ako nung tuloy-tuloy na syang umakyat. Inihakbang ko ang isang paa ko habang nakatingin sa kanya at nung bumilis sya ay kusang kumilos ang katawan ko na tumakbo paakyat.

"Fuck, anong problema mo Dite?!" sigaw ko na binibilisan ang takbo. Tila nawala ang pagod ko sa kaba. Hindi ko rin alam sa katawan ko kung bakit ako nakaramdam ng kaba kay Dite. Duh?! pamilya ko kaya yan!

Lanta akong nakarating sa pinakatuktok ng hagdanan. Nanginginig ang tuhod ko sa sobrang pagod. Gusto kong humiga pero baka magkasakit ako kaya pinilit ko na lang umupo. Hingal na hingal at uhaw na uhaw ako.

Pambihira.

Medyo nagulat ako sa lamig na naramdaman ko sa pisngi. Umangat ang tingin ko kay Dite na inaabutan ako ng tubig. Kinuha ko 'yon at binuksan pero masyado na akong mahina kaya hindi ko ito mabuksan. Bago pa ako humingi ng tulong kay Dite ay sya na mismong kumuha ng tubig ko at binuksan.

"Huh. Ano bang problema mo kanina huh?" tanong ko sa kanya at kinuha muli ang tubig sa kanya. Ininom ko 'yon. Halos maubos ko na ang tubig sa sobrang pagkauhaw.

"Wala naman akong ginagawa." pa-inosenteng sagot nya. Maniwala ako sa taong ito.

Kahit na malayo ang agwat namin kanina ni Dite. Naabutan nya pa rin ako at naunahan nya ako makarating sa tuktok. Hindi naman sya na-pressure kanina kaya hindi sya ganon kapagod. Palagi ba naman tumatakbo sa umaga na ten kilometers? Parang mas runner pa sya kaysa isang soccer player.

Bumuntong hininga ako. Siguro dahil nung nakita ko sya kung paano makipag-away nung team dinner ay ganon na lang ang kaba ko sa tingin na binigay sakin ni Dite kanina. Ewan. Parang hindi ko na kilala si Dite simula nung bumalik sya galing soccer camp.

Tinignan ko sya dahil sumandal sya sa balikat ko. Mali ako. Nagbago lang ng kaonti si Dite at nandon pa rin sa kanya ang kilala kong Dite.

"Alam na ni Zandy." napatigil ako sa pag-inom ng tubig pero tinuloy ko rin agad. Hinintay ko syang magsalita muli. "Hindi nya pa ako kinakausap pero kinakalaban na nya ako."

"Iwan mo ba naman kasi ang jacket mo kay Rigel. Sinong hindi makakahalata? Sa table nga namin kagabi ay panay ang tanong ni Marceline kung may gusto ka kay Rigel." sabi ko.

"Hindi nya kasi binalik." sabi nya.

"Hindi mo kasi kinuha." iling na sabi ko. Si Rigel pa ang nagmumukhang may kasalanan. "Ano na balak mo kay Zandy?" tanong ko. Malapit na samin sila Zandy. Kasabay nila si Astris na hindi na nagmadaling umakyat.

"Kakausapin ko sya. Hindi ko naman nililigawan si Rigel kaya hindi dapat sya mag-alala sakin." medyo malakas na sabi nya. Narinig iyon nila Zandy kaya tumingin sila samin.

"Pero gusto mo sya." sabi ko.

"Pero hindi ko sya nililigawan." pagpupumilit ni Dite. 

"Pero bakit?" tanong ni Zandy. Nasa panglimang palapag sila malayo samin.

"Ayokong makipagkompetensya sayo." sabi ni Dite at umayos ng upo. "Alam ko sa huli, ikaw ang masasaktan." hindi makapaniwalang tinignan ko si Dite. Sa sinasabi nya parang makukuha nya si Rigel. Ang lakas ng confidence ng taong 'to.

"Dite. Kahit kailan talaga hindi ka seryoso makipag-usap." naiiling na sabi ni Tyrant habang lumalapit samin.

"Seryoso ako." sagot ni Dite habang nakatingin kay Zandy.

Pinapanood lang namin ang dalawang mag-pinsan na 'to. Ramdam mo yung tensyon sa kanilang dalawa.

"Ligawan mo sya kung mapapasagot mo talaga sya." sabi ni Zandy sa tonong banta. Pambihira, magkakaroon pa ng away ang dalawang ito. Naiintindihan ko na kung bakit ayaw ni Dite ipaalam kay Zandy dahil ayaw nyang magkaganito sila ni Zandy.

"Ayoko." sabi ni Dite. Nakatingin kaming lahat sa kanya. "Ayoko ng ganito, Zandy. Mas importante sakin ang pamilya kaysa sa kanya." napakamot ako ng batok ko.

"Zandy, totoo ang sinasabi ni Dite. Matagal ng may gusto si Dite kay Rigel pero dahil may gusto ka rin sa kanya ay hindi nya na itinuloy pa. Yun ang dahilan kung bakit nasa mansion sya at hindi sa bahay nila sya natutulog. Lumalayo sya sa inyo. Ayaw nya na magkaroon kayo ng hidwaan. Mas importante ka kaysa kay Rigel." sabi ko kay Zandy. Napayuko sya sa sinabi ko.

"Kung gusto mo, hindi ako masyadong magpapakita hanggang sa mag-break kayo." sabi ni Dite ikinagulat namin.

"Pfft!" yung pagpipigil ni Astris ng tawa, nauwi rin sa halakhak.

"Dite!" sabay na sigaw ng dalawa.

"What?!" sigaw nya rin sa dalawa. Ayaw nyang sinisigawan sya ng dalawa.

"No. Hindi na kailangan." nakangiting sabi ni Zandy na mukhang hindi naman na-offend. Pambihira naman kasi itong si Dite. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi. "Bumalik ka na rin sa inyo. Mas okay na madalas ka namin makita. Pagbubutihan ko na lang para masagot na ako ni Rigel." sabi nya.

"Ayoko. Hindi ako tanga para panoorin kayo." minsan ang sarap talaga batukan ni Dite. "At tsaka magiging busy na rin ako next month."

"Bakit naman?" tanong ni Lulu.

"May foundation center ang team namin, tuturuan namin ang mga bata maglaro ng soccer." sagot ni Dite. "Kaya hindi rin ninyo ako makikita."

"Aww." malungkot na sabi ng dalawa. Napailing na lang ako at tumingin sa ibaba. Tinignan ko ang orasan ko. Limang minuto na lang mag-aalas siyete na at malapit lapit na rin naman sila. Kung yun ay aabot talaga sila.

"Hmm?" tumingin ako kay Astris tapos gilid. Hindi ko napansin na nakarating na rin pala sila Kriza. Kasama nya ang tatlo. Umiwas ako ng tingin nung tumingin sakin si Eloi.

Tatlong minuto pagkatapos ng seven o'clock nung dumating silang lahat. Pinagbigyan na sila ni coach Avey na mag-dinner dahil talaga napagod sila sa buong araw tapos hindi pa sila magdi-dinner.

Pagkatapos namin kumain ay nagmadali akong pumunta sa kwarto nila Mama Alicia. Sa kanila ako matutulog ngayon at mabuti na lang pumayag si Sora na makitulog ako sa kanila. Mukhang wala syang lakas makipag-loving loving kay Mama Alicia sa sobrang pagod.

Naabutan ko si Sora na nakahiga at tila natulog na. Kasya naman kaming tatlo sa higaan kaya hindi kami magsisiksikan na tatlo. Pumunta muna ako sa banyo para mag-toothbrush at saktong pagbalik ko ay dumating si Mama Alicia. Nagkwentuhan lang kami saglit ni Mama Alicia bago kami nahiga. Nasa gitna namin sya ni Sora. Agad pumulupot ang braso ni Sora sa bewang ni Mama Alicia pero si Mama Alicia ay niyakap ako. Kawawang Sora.

Kinabukasan, hindi na ganon kaaga ang gising namin. Alas otso na kami nakaayos lahat. Nasa isang lugar kami kung saan madalas ginagawa ang team building activities. Puro players lang kaming nandito kasama ang mga ilan na matatanda na silang maggu-guide samin sa mga activities.

Pinag-groupings nila kami pero halo-halo. Walo kaming grupo na may walong miyembro. Mabuti na lang hindi ko kasama ang apat sa groupo ko pero makukulit naman ang napunta sa grupo ko. Ang mga kasama ko ay sila Sylvia, Veloce, Samantha, Julia, Sakuno, Lulu, at Lesley tapos ako pa ang ginawa nilang leader. Sakit sa ulo.

Nakalinya kaming walong grupo tapos nasa harapan namin ang mga matatanda. Wala dito si coach Avey dahil baka daw mas pahirapan pa kami sa team building activities na 'to na imbis na ma-enjoy namin.

Sinasabi ni Tita Kill na tapusin lang namin ang mga courses dito at kung sino man ang mauuna ay makakatanggap ng premyo. Hindi namin alam ang premyong makukuha pero kapag sinabi naman nilang magugustuhan namin ang premyo ay totoong magugustuhan namin yon.

"Okay, mag-uumpisa na tayo! Ang unang course ay blind retriever. May isang miyembro sa inyo ang maglalaro na kukunin ang flag color ninyo sa putik na nakatakip ang mga mata tapos ang ibang miyembro ay igu-guide sya sa flag." sabi ni Tita Shiela. Mukhang madali pero madudumihan agad.

"Pagkatapos nito pwede na ninyong gawin ang iba pang activities. Wag ninyong kalimutan ipa-stamp yung activity sheet sa mga naka-assign sa activity." sabi ni Tita Kill.

"Okay!" sigaw ng karamihan. Itinaas ni Tita Kill ang kamay nya na may hawak na flag. May pito din sya sa bibig. Kasabay ng pagbagsak ng kamay nya syang pagpito na hudyat na umpisa na ang activities. Dahil ako ang nasa unahan ay ako ang naunang tumakbo papunta sa unang course.

Pagdating namin don ay binigyan kami ni Tita Juls ng blind fold. Tumingin ako sa mga kasamahan ko.

"Kaya mo yan." sabi ni Sylvia.

"Anong ako?" pambihira ang mga 'to.

Napatingin ako sa kumuha ng blind fold. Si Lesley tapos pumwesto sya sa likuran ko at iniligay sa mga mata ko pero pinigilan ko sya.

"Teka, ako talaga?!" gulat na tanong ko sa kanila.

"Oo, dali na!" sabi ni Samantha na nakangisi.

"Mga walangya kayo ah?" sabi ko at narinig ko silang tumawa dahil tinakpan na ni Lesley ang mga mata ko.

Pagkaayos ng blind fold sa mga mata ko ay ipinasok nila ako sa loob ng course. Naramdaman ko agad ang putik sa mga paa ko. May kasama na ako sa loob kaya naririnig ko ang miyembro ng ibang grupo at naririnig ko din naman sila Samantha na ginu-guide ako sa flag namin. Maingat ako sumunod sa kanila kahit na hindi masyadong marinig dahil sabay-sabay na silang sumigaw.

"Nasa harap mo na! Nasa harap!" rinig kong boses ni Samantha. Sya ang nangingibabaw bukod kay Marceline.

Dahan-dahan akong umupo at kinapa ang  nasa harapan. May nakapa akong stick.

"Yan! Yan!" sigaw ni Samantha kaya naman hinugot ko ang stick. Naglakad ako sa gilid at inalis ang blind fold pagkaalis.

"Ayos! Let's go na!" sabi ni Lulu.

Nagmadali kaming umalis pagkatapos tatakan ni Tita Juls ang papel namin. Hindi namin alam kung saan kami sunod na tutungo pero nung may makita kami na course ay doon na kami pumunta. May hula hoop na hawak si Tita Daisy. In-explain nya samin ang gagawin namin. Naghawak-hawak kamay kami, nasa unahan ako kaya nasa akin ang hula hoop. Nung okay na kami ay inumpisa ko ng lusutin ang hulahoop. Sumunod na sila Sylvia.

Madali ang mga naunan naming course na napuntahan kaya madali din kami nakarami ng gagawin. Teamwork kung teamwork talaga ang mga activities dito kahit puro kalokohan sila Julia pero ayos lang dahil naging masaya ang grupo namin sa kulitan.

Hanggang sa napunta kami sa wall climbing. May nauna samin at tatlong tao lang muna pwede ang umakyat kaya pinanood muna namin sila at habang nanonood inaasar nila Sakuno sila Abi. Natawa ako dahil nag-middle finger si Raegan na syang huling nakaakyat sa grupo nila.

Nag-umpisa na kaming umakyat. Nauna kami nila Lesley at Veloce. Nauuna nakaakyat si Lesley. Ang bilis nya kasing umakyat na akala mo sanay na sanay. Malapit na ako sa itaas nung inabot ni Lesley ang kamay nya. Tinanggap ko 'yon at inalalayan nya ako paakyat. Na-out of balance ako nung tumayo ako pero agad naman ako niyakap ni Lesley. Kinabahan ako don, akala ko mahuhulog ako.

"Salamat." nakangiting sabi ko sa kanya. Tinulungan nya akong tanggalin ang gear sakin.

Sabay kaming tatlong bumaba at doon na hihintayin ang iba pa naming kasamahan. May tubig sa waiting shed kaya uminom na muna ako. Habang umiinom ay lumapit sakin si Lesley na may dalang towel. Pagkatapos kong uminom na magkatitigan kaming dalawa. Hindi nang-aasar na nakatingin sakin si Lesley kaya naman hindi ako naiilang sa kanya. Pinunasan nya ang mukha ko kaya napapikit ang kaliwang mata ko.

"Ang dumi mo." sabi nya.

"Kung kayo sana ang lumubog sa putik." sabi ko. Natawa sya ng mahina habang patuloy na pinupunasan ang mukha ko.

"Ano sunod natin pupuntahan?" tanong ni Veloce at naupo sa tabi ko. "Marami rami pa itong gagawin natin oh. Nagugutom na ako."

Natawa ako. "May activity dito na may pagkain, pwede natin 'yon puntahan." sabi ko. Kasi naman, pagkatapos pa ng activities namin bago kami kumain. Anong oras pa 'yon?

"Huh, kapag kasama ang pagkain sa ganitong activity, asahan mo ng hindi masarap." sabi nya. Natawa ako sa itsura nyang nandidiri.

"Anim pa ang gagawin natin hindi ba?" tanong ni Lesley. Nakatayo lang sya sa harapan ko at nakapatong ang dalawang kamay nya sa balikat ko. Hindi ko 'yon napansin kanina. Pasimple kong inalis ang dalawang kamay nya. Bigla akong nailang sa kanya.

"Oo pero mahirap na yung mga natira. Nakakaubos ng oras." sabi ni Veloce habang nakatingin sa papel.

Natapos na din yung ibang miyembro namin kaya pumunta na kami sa sunod na course. Ang Piggy back course pero dito ay tatapakan namin ang maliit na bato na kasya ang dalawang paa namin. Maari kaming mabasa sa oras na ma-out of balance kami dahil nasa ilog ang course 'to.

"Partner partner tayo. Kami na ni Lulu." sabi ni Samantha.

"Grabe ka, Samantha, sa kaibigan pa ni Tyrant ikaw magloloko. Malalagot ka talaga kay Dite." pang-aasar ni Julia.

"Gago!" natawa kaming lahat.

"Hey." tumingin ako sa gilid ko. Wala na bang ibang pwedeng maka-partner ko? No choice na rin ako dahil nakapili na sila.

"Ikaw ang magbuhat satin. Mas matangkad ka sakin eh." sabi ko. Ayokong sya ang bubuhatin ko, nararamdaman kong may binabalak sya sakin.

"Okay." sabi nya at ngumisi. Tila mali ata naging desisyon ko.

Pinanood muna namin sina Julia at Sakuno. Buhat-buhat ni Julia si Sakuno at maingat ang bawat hakbang nya.

"Ay gago gumagalaw!" sabi ni Julia nung tumapak sya sa isang bato na biglang tumagilid.

"Hoy Julia umayos ka!" sigaw ni Sakuno.

"Ingat guys, ibang bato dyan gumagalaw o lumulubog." nakangising sabi ni Tita Dom.

"Lah! hindi man lang sinabi agad!" sabi ni Julia. Muli syang tumapak sa isang bato pero hindi ito gumalaw o lumubog pero yung sunod nyang tapak ay lumubog kaya na-out of balance yung dalawa at nahulog sa ilog. Natawa kaming nanonood sa kanila. Mababaw lang yung tubig, hanggang tuhod ang taas. At least hindi lang ako yung madumi samin.

Sumunod na yung apat sa dalawa. Nahulog din sila hindi dali sa bato, kundi na-out of balance. Tawang tawa tuloy yung dalawang nauna.

"Tara na." pag-aaya ni Lesley nung natapos na sila Samantha. Nasa gitna pa rin sila Veloce.

Umupo patalikod si Lesley Sumampa ako sa kanya. Inilalayan nya naman ako sa pag-upo ko pero nagitlang ako nung sinadyang hawiin ng daliri nya ang maselang parte ko.

"Hoy!" sabi ko sa kanya. Napaangat ako dahil inulit na naman nya. "Teka! ako na lang magbubuhat sayo!" sabi ko. Pambihira talaga ang taong ito!

"Okay." mabilis na sagot nya. Pambihira parang kahit anong piliin ko delikado ako sa kanya.

Sumampa sakin si Lesley at kahit hindi ko isipin ay naiisip ko ang malaking dibdib nya sa likuran ko. Huminga ako ng malalim at unumpisahan na tumapak sa mga bato. Alam ko na kung saan ang lumulubog at gumagalaw na bato kaya hindi kami mahuhulog kung mananahimik lang si Lesley.

Halos patapos na kami nung bigla nyang hinigpitan ang pagkayakap sakin at hinipan ang kanang tainga ko kaya naman na-out of balance kaming parehas. May pumasok pa sa ilong ko na tubig. Walangya talagang itong si Lesley. Nananadya talaga eh.

Tumayo ako at hinanap si Lesley para sermunan sya pero nung nakita ko sya ay yung dibdib nya agad ang napansin ko. Basang basa ang damit nya na puti kaya naman kita ang kulay ng suot nyang brassier at kalakihan nito. Agad akong umiwas at sumampa sa bato. Muling sumampa sakin si Lesley at dahil sa nakita ko kanina ay hindi nawala sa utak ko ang dibdib nya.

Fuck.




---------------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

286K 13.1K 44
Alina Fairgrieves never thought she'd make friends while battling monsters from other dimensions, but sometimes life surprises you. ๐„๐—๐“๐„๐๐ƒ๐„๐ƒ...
40.4M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
887K 13K 35
Ivy Williams had always aspired to complete her university journey without any interruptions or complications. However, not even two months into her...