The Paramount Code (The Odd O...

By ayrasheeeen

539K 28.7K 4.2K

(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their uni... More

i.
ii. The Paramount Class
iii. Admission Letter
Prologue
001. Scientia Est Potentia
002. Youngblood
003. Polar Opposites
004. A Turbulent Combination
005. The New Paramount
006. The Curse of Oddity
007. Birth of a Technopath
008. Complex Beings
009. The Paramount's Purpose
010. A Strange Sonata
012. A Play on Words
013. To Wreak Havoc
014. Hidden, Not Lost
015. Raging Fist
016. True Strength
017. The Guardian
018. Broken Memories
019. The Troubled Mind
020. Four Pieces of One
021. Taking Over
022. The Enraged, The Mischievous, and The Paranoid
023. All For One
024. Taking the Lid Off
025. The Orphan Who Lived
026. The Odd Family
027. Sui Generis
028. Rare
029. Unfinished Business
030. The Power of the Mind
031. Cursed Whispers
032. Silent Agony
033. Odd One Out
034. The Danger Awaits
035. Hidden in Plain Sight
036. Captured
037. Lullabies
038. The Intruder
039. Pawns in the Game
040. The Strength From Within
041. Growing Suspicions
042. Silent Heartbeat
043. Different Wars, One Enemy
044. Revealing A Monster
045. Partial Truths
046. The Metahuman Factory
047. Lost Boys
048. Completing the Puzzle
049. Superior
050. The Watcher
051. Reckless
052. Uprising
053. A Price for the Truth
054. Crowded Mind
055. Instinct Over Reason
056. To Fight and Survive
057. The Way to the Truth
058. Look Back, Look Forward
059. Eerie Resemblance
060. Double-Edged Sword
061. Annoyingly Intuitive
062. Now or Never
063. Sonic
064. The Guardian and The Beast
065. Game of Survival
066. Objects of Fear
067. Betrayal
068. The Resistance Begins
069. Eight
070. Release Them All
071. War of the Peculiars
072. Chaos
Aftermath
Age of Resistance (The Odd Ones, Book 2)

011. Visions in Voices

5.9K 394 49
By ayrasheeeen

Pagkatapos ng regular classes nila, agad na dumiretso si Emma sa Paramount Building para sa supplemental classes nila sa araw na iyon. Habang palapit siya sa building, natanaw niyang paakyat na rin si Vladimir kaya nagmadali siya para maabutan ito at makasabay sa paglalakad. Pero dahil hindi hamak na mas mabilis ito maglakad, hindi na naabutan pa ni Emma ang lalaki.

Akala niya ay dumiretso ito sa classroom, kaya doon siya kaagad nagpunta. Pero wala siyang nadatnang tao roon. Aalis na sana siya ng kwarto, pero napansin niyang nakapatong ang jacket ni Vladimir sa sarili nitong desk. Napangiti siya at mabilis na lumapit sa desk, bago kinuha ang jacket sa ibabaw para sana pasimpleng amuyin.

Pero nang mahawakan niya na ito ng dalawang kamay, naramdaman ni Emma na parang bumagal ang galaw ng mga bagay sa paligid niya. Pakiramdam niya ay tatalon palabas ng dibdib ang puso niya dahil sa lakas ng tibok nito. Sinubukan niyang huminga nang malalim, pero pagkatapos niyang gawin iyon ay tila biglang nawalan ng tunog ang buong paligid niya.

It was like everything was on mute, and complete silence rained over her, until her ears are finally met with a loud scream from a male voice. Kasabay ng sigaw na iyon ang tunog ng kung anong matigas na bagay na humahataw sa balat ng tao. Nakarinig rin ng mahinang paghikbi si Emma kasabay ng malalakas na tunog na iyon.

Nakikinig pa sana siya sa mga ingay na naririnig, pero nabitawan niya ang jacket na hawak nang marinig niyang bumukas ang pinto ng classroom. Nang mapalingon siya, isang nagtatakang tingin ang ibinibigay sa kanya ni Vladimir.

"What the hell are you doing?" tanong sa kanya ng lalaki.

"Ah – Ano..." pinulot agad ni Emma ang nahulog na jacket, "Nahulog kasi 'yung jacket mo kaya pinulot ko lang. Baka kasi marumihan... Nakakaloka, nagulat ako sa'yo. Bigla-bigla ka na lang pumapasok."

Vladimir just gave her a dead and cold look, before taking the jacket from her hands. Pagkatapos noon ay tuluyan nang umalis ang lalaki sa classroom.

Nang maiwan nang mag-isa si Emma, napaupo na lamang ito dahil sa naramdamang pagkahilo. Napahinga siya nang malalim, at pilit na inintindi kung ano ang nangyari sa kanya kanina lamang.

********

Pagkatapos silang bigyan ng isang take-home examination ng class adviser nilang si Daniel, nanatili sa Paramount library sina Jacob at ang iba pa para mag-research ng sagot sa mga tanong na patungkol sa mutation at genetics.

Mag-isa sa mesang pinuwestuhan niya si Vladimir, habang magkakasama naman sina Axis, Sketch, at Jacob sa isa pa. Si Gwen naman ay nakapwesto sa may bintana habang nagbabasa ng libro, habang kumukuha naman ng mga librong gagamitin nila sina Emma at Leia.

Napabuntong-hininga na lamang si Nico habang nakatitig sa screen ng computer kung saan niya tinatype ang sagot niya sa essay-type nilang examination.

"Bakit ba kasi kailangan pa nating pag-aralan ang tungkol dito? Importante bang alamin natin kung paano tayo nagkaganito? Hindi ba mas okay kung alamin na lang natin kung ano ang abilities natin bilang metahumans kaysa magsayang tayo ng oras dito sa library?"

Pabiro siyang binatukan ni Leia na bitbit na ang mga librong kinuha niya. "Huwag ka na ngang puro reklamo diyan. Tapusin mo na lang 'yang essay kaysa naman wala ka ulit ng maisagot. Paniguradong papagalitan ka na naman ni Sir Daniel niyan."

Hindi na nakasagot pa si Nico na ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa niyang pagtatype sa computer habang nakasimangot.

Maya-maya ay tumayo na si Vladimir mula sa kinauupuan niya at lumapit sa pwesto ni Sketch dala ang mga librong ginamit niya.

"Tapos ka na kaagad?" manghang tanong ni Sketch sa lalaki.

"Oo," tugon sa kanya ni Vladimir, "You can use it now."

Nginitian siya ni Sketch, "Salamat dito, Vladimir... Iba talaga kapag ability mo ang superhuman mental processing. Para ka nang naglalakad na computer."

Nico scoffed and shook his head, "Ability ba 'yun? Tumalino ka lang naman lalo. Parang hindi naman 'yun special..." He then laughed sarcastically.

Napangisi na lamang si Vladimir, bago ipinatong ang kamay sa printer na naka-network sa computer na ginagamit ni Nico noong mga sandaling iyon. Gamit ang kakayahan niya bilang isang technopath, nagawang isara ni Vladimir ang web browser, pati na ang document na isinusulat ni Nico. Kasunod noon ang tuluyan niyang pagsara sa computer na ginagamit ng lalaki.

"Hoy!" bakas ang gigil sa tinig ni Nico, "Gago 'to... Hindi ko pa na-save 'yung document na 'yun!"

Vladimir just gave him the dead eyes as he grinned devilishly. "That's not my problem anymore, dimwit."

Kinuha ni Nico ang pinakamalapit na libro sa kanya, at ibinato iyon kay Vladimir. Iyon nga lang, hindi iyon tumama sa lalaki na tuluyan nang nakalabas ng library.

Pinagtawanan na lamang siya ni Sketch. "Sira ka rin talaga, ano? Lagi mong binabanatan si Vladimir, eh palagi ka lang namang nasusupalpal nung tao. Hindi ka pa ba nasasanay?"

"Sa susunod kasi, huwag mo nang sasagutin nang ganun si Vladimir," pagsita sa kanya ni Emma, "You will never stand a chance against him, Nico. Just give up."

Pagak na tumawa si Nico habang pinagmamasdan si Emma, "Ah, heto na naman tayo. Ikaw talaga ang number one fan ni Vladimir, ano? Crush mo talaga ang ungas na 'yun, ano?"

Napahalukipkip si Emma at pinandilatan si Nico na nakaupo pa rin sa harap ng computer. "That's not what I'm talking about here, Nico. Just stop pestering him kasi ikaw lang naman ang mapapahiya. Para ka tuloy ewan, eh alam mo namang wala kang laban sa kanya."

Natawa na lamang si Axis sa naging tugon na iyon ni Emma, kaya ginaya niya ang pagsasalita nito na parang isang bata na inaasar ang kaklase. "That's not what I'm talking about here, Nico –"

Natigilan silang lahat, lalo na si Axis na nagulat sa lumabas na tinig mula sa kanya. "Narinig niyo 'yun?"

Maang na nakatingin sa kanya si Leia na nagulat rin sa narinig. "Did you just imitate Emma's voice?"

Natahimik silang lahat ng ilang segundo bago tuluyang binasag ng pagtawa ni Gwen ang katahimikan.

"Astig 'yan ha... Alam ko na ang pwede mong maging career in the future. Paniguradong yayaman ka."

"Ano 'yun?" curious na tanong ni Axis.

"Pwede kang maging scammer," nakangiting tugon sa kanya ni Gwen, "Epic 'yan kapag naging involved ka sa voice phishing."

Umiling-iling na lamang si Axis habang tumatawa, "Mga baliw talaga kayo..." Tapos ay kinuha niya ang maliit na notebook sa bulsa niya at isinulat ang nangyari, "I need to take notes of this... Irereport ko 'to mamaya kay Sir Daniel."

As everyone laughed, Emma rolled her eyes in annoyance, before getting up and leaving the library. Sinundan siya ng tingin ni Leia, na napabuntong-hininga na lamang habang umiiling-iling. Kinolekta niya rin ang mga librong kinuha ni Emma para sana ibalik iyon sa pinagkunan ng kaibigan, pero sa dami noon ay hindi niya 'yun kaya nang mag-isa lang.

Napansin ni Jacob ang dilemma ni Leia, kaya agad niya itong nilapitan. "Tulungan na kita... Mukhang mainit na ang ulo ni Emma kaya nag-walk out na lang."

Nginitian siya ni Leia habang sabay silang naglalakad papunta sa mga malalaking bookshelves sa Paramount library.

"Ganun naman talaga 'yun kapag napipikon na... Pero hindi naman 'yun mapagtanim ng sama ng loob. Mabait si Emma."

"Halata naman eh..." tugon ni Jacob, "Biased lang talaga kay Vladimir."

Isang mahinang tawa ang namutawi mula kay Leia habang ibinabalik nila sa bookshelf ang mga librong dala nila.

Habang inilalagay ni Leia ang mga ito, panay ang paglilis ng manggas ng uniporme nito. Doon na napansin ni Jacob ang sugat sa braso ng babae.

"Ano 'yang nasa kamay mo?" tanong ni Jacob sa kanya, "Kalmot ba 'yan?"

"Ah, oo..." nahihiyang tugon ni Leia, "May nakita kasi akong pusa sa labas ng Paramount Building kagabi. Sinubukan ko sanang kunin, kaya lang kinalmot ako."

"Pinatingnan mo na ba 'yan sa clinic? Baka mamaya may rabies 'yun..." ani Jacob sa kanya.

"Mamaya ko na lang ipapacheck 'to..." Napabuntong-hininga ang dalaga, "Alam mo, mahilig ako sa mga hayop... Pero parang natatakot sila palagi sa 'kin. Kahit nga 'yung alagang aso namin sa bahay, ayaw magpahawak sa 'kin. Siguro natethreaten sila kasi malaki ako."

"Hindi naman 'yun ganun... Siguro talagang hindi ka lang nila vibes o mali lang ang pag-approach mo sa kanila..." tugon ni Jacob, "Pero ang weird ha... Naturingan kang nanggaling sa Naturalist Intelligence Division pero iniiwasan ka ng mga hayop... Basta mamaya ipacheck mo 'yan para maturukan ka ng anti-rabies. Mas mabuti nang nag-iingat."

Leia smiled meekly, before nodding her head. "P-pupunta ako sa clinic mamaya..." She then bit the insides of her cheek, and heaved a deep breath, "Uh, Jacob?"

Itinuon ng binata ang tingin kay Leia. "Bakit?"

"Uh, pwede ba akong magpasama sa'yo bukas pagkatapos ng klase?"

"Oo naman," tugon nito habang tumatango, "Saan ka ba pupunta?"

"S-sa mall sana... May bibilhin lang ako. Hindi kasi ako masasamahan ni Emma kasi kailangan niyang umuwi sa kanila. Eh, wala naman akong ibang kaclose dito maliban sa'yo..."

Pilit na pinigilan ni Jacob ang pagsilay ng ngiti sa mukha niya. Hindi niya inakalang malapit na kaibigan na pala ang tingin sa kanya ni Leia.

"Sige. Sasamahan kita mamaya," nakangiting saad ni Jacob sa kaharap.

Her eyes lit up, before immediately averting her gaze away from him, but still trying to make contact. "S-salamat... Sige..."

Bago pa makasagot muli si Jacob, tuluyan nang nakaalis sa harap niya si Leia. Napangiti na lamang habang umiiling-iling ang lalaki, bago ipinagpatuloy ang pagbalik ng mga librong hawak niya sa bookshelf.

********

Pagdating ng lunch kinabukasan, nagkaroon ng emergency meeting ang ilang miyembro ng faculty ng Faircastle High School. Dahil doon kaya late na magsisimula ang ilang mga klase sa ibang mga intelligence divisions.

Dahil wala naman siyang gagawin pa, pinili niyang pumunta na lang sa Paramount library para mag-research at tumambay, lalo na't mabilis ang internet connection nila sa building na iyon dahil sila lang naman ang gumagamit.

Pagdating niya sa loob, nakarinig siya ng kung anong banyagang lengguwahe sa loob at mukhang nanggagaling iyon sa isang gadget. Nang sundan niya ang pinanggalingan ng tunog na iyon, nadatnan niya si Emma na nanonood ng isang documentary sa dala niyang laptop. Nakaupo ito sa sahig at nakasandal ang likod sa isang bookshelf. Nang tingnan ni Jacob nang maigi ang video na nagpiplay sa screen, doon niya nakita ang imahe ng German flag kaya hindi niya mapigilang mamangha.

"Wow... Marunong ka bang mag-German, Emma?"

Napatingin sa kanya ang dalaga na halatang hindi napansin ang pagpasok niya ng library at paglapit sa kinalalagyan niya. "Hindi. Bakit?"

"Eh kasi nanunuod ka kahit walang subtitles. Astig..."

Emma was confused after hearing that. When she looked at the documentary she was watching half-heartedly, doon niya lamang napagtanto na wala talagang subtitles ang pinapanood niya kaya inactivate niya kaagad iyon.

Habang nakaupo si Emma sa sahig at nakasandal ang likod sa bookshelf, nasa tabi niya naman si Jacob na abala sa paghahanap ng libro sa bandang itaas ng lalagyan.

"Wala si Leia..." biglang saad sa kanya ni Emma na sinasara na ang dala niyang laptop, "Pumunta siya sa clinic para ipacheck 'yung kalmot sa kamay niya. Sabi mo raw kasi baka may rabies 'yung ligaw na pusa na may gawa nun."

Magkahalong gulat at pagkailang ang namayani sa mukha ni Jacob. "H-hindi ko naman siya hinahanap..."

Emma stood up as she chuckled at him. "Para kang ewan."

Nang mapagtantong hindi naman masama ang timpla ng mood ni Emma noong oras na iyon, sinamantala na ni Jacob ang pagkakataon na kausapin ang babae.

"Bad trip din sa 'kin si Vladimir... Pero bakit hindi mo ako sinusungitan kagaya ng ginagawa mo kay Nico?"

Emma rolled her eyes as she smiled. "Why would I do that? I'm not a mean person, you know. And besides, you're a nice guy, Jacob... At hindi ko sinusungitan si Nico dahil lang crush ko si Vladimir. May pagkasalot lang talaga kasi 'yan si Nico most of the time. He's super annoying, I'm telling you. And besides, naikwento ka na sa 'kin ni Leia noon. Tinulungan mo na raw kasi siya dati... You see, I'm always nice towards people who treat my bestfriend with kindness."

"Sobrang close talaga kayong dalawa, ano?"

"Of course... Elementary pa lang, magkasama na kaming dalawa. Kahit pa marami kaming differences, we still get along very well." Pagkatapos ay itinuon ni Emma ang tingin sa mga librong nasa bookshelf, "Ano pala ang hinahanap mo? Baka matulungan kita..."

"Ah, naghahanap sana ako ng libro tungkol sa heredity at mutation. Hindi pa kasi ako tapos doon sa take-home essay-type quiz na ibinigay ni Sir Daniel eh."

Tumango-tango si Emma. "Ah ganun ba... Meron dito ng ganung libro eh. Teka lang..." Habang hinahanap ng dalaga ang librong tinutukoy niya, napansin niya ang isang itim na libro sa ibabaw ng bookshelf. "Jacob, parang may libro dun sa ibabaw... Pwede mo bang abutin?"

Jacob sees the book as well, kaya pilit niyang inabot iyon at kinuha. When he gave it to Emma, the girl suddenly froze in her position. Nabitawan nito ang laptop bag na hawak, at biglang lumalim ang paghinga nito.

"Emma? Ayos ka lang ba?" Pinigilan ni Jacob ang sarili na mag-panic, at agad na hinawakan ang libro para kunin ito mula sa dalaga, pero laking gulat niya nang hindi na ito binibitawan ni Emma.

Nang tingnan ni Jacob ang mukha ng kasama, mas lalo siyang kinabahan. She was starting become pale and was sweating profusely, and her eyes are completely focused. Hindi nagtagal ay bumilis ang pagtaas-baba ng dibdib ni Emma, na para bang nahihirapan itong huminga.

Magtatawag na sana ng tulong si Jacob, pero biglang napasigaw si Emma at naitapon ang librong hawak niya. Bakas ang takot sa mukha nito, at humihingal na para bang pagod na pagod siya.

"Emma... Anong nangyari sa'yo?"

"M-may narinig ako... May narinig ako habang hawak ko 'yan..."

Jacob was terribly confused. "May narinig ka?"

Tumango si Emma at pinilit ang sarili na makatayo nang maayos kahit pa nanghihina, "Boses ng isang babae... Umiiyak at nagmamakaawa..."

"Kanino?"

"H-hindi ko alam... Pero lalaki ang kausap niya. 'Yun ang narinig ko..."

Kahit nag-aalala sa mga nangyari sa kasama, mabilis na gumana ang utak ni Jacob. Alam niyang merong kakaiba sa librong hinawakan ni Emma. Kukunin niya na sana iyon mula sa kinabagsakan nito sa sahig, pero sakto namang dumating si Leia.

"Narinig kong sumigaw si Emma..." Tapos ay itinuon ng babae ang tingin sa bestfriend niya na inaalalayan ni Jacob na makatayo, "Anong nangyari sa'yo?"

Hindi nakasagot si Emma dahil sa takot at panghihina, kaya agad na nagbigay ng instructions si Jacob sa kanya.

"Leia, samahan mo muna siya sa clinic. Ako na ang bahala dito. Ako na rin ang magsasabi kay Sir Daniel ng tungkol sa nangyari."

Kahit nalilito, inuna na lamang ni Leia ang kaibigan at sinunod ang utos ni Jacob na dalhin ito sa clinic. Nang siya na lamang ang naiwan sa library, agad niyang pinulot ang libro na nakita ni Emma. Nang tingnan niya ang mga nilalaman noon, naramdaman niya ang pagtayo ng mga balahibo niya sa katawan.

Hawak niya ngayon ang orihinal na kopya ng Paramount Yearbook, kung saan kasali pa ang mga pangalan ng mga miyembrong tinanggal na sa mga batch mula sa mga taong 2013, 2014, at 2016.

Agad na itinago ni Jacob ang yearbook na iyon sa likod niya, at siniguradong hindi ito mapapansin sa ilalim ng suot niyang uniporme. Pagkatapos noon ay tuluyan na siyang lumabas ng library para sundan sina Leia at Emma sa clinic.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 228 49
"Walang mag-iiwanan, pangako 'yan!" Masarap magkaroon ng kaibigan na hindi mo man tawagan at sabihan nang nararamdaman mo, pero kusa pa rin silang la...
36.1K 634 14
link: http://sherlock-holm.es/stories/html/cano.html#Chapter-14 DISCLAIMER: I don't own anything in this story. I give the credit to the Author of th...
6K 190 9
" Nothing was a coincidence, everything was planned out ever since the Universe was first formed. And I would like to call meeting Jimin Park as sere...
393K 1.9K 2
How do you deal with a boss like Zhang Yixing?