The Vampire's Kiss

By supladdict

1.4M 72.4K 20.1K

Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to... More

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue

Chapter 2

34.8K 1.7K 315
By supladdict

Masterpiece

Pinilit kong makawala ngunit napakalakas niya. Ang isa niyang kamay ay nakatakip pa rin sa aking bibig kaya ang aking mga pilit na ingay ay napipigilan. I tried to kick him but he only locked my legs with his. Napakalakas ng tibok ng puso ko. Halo-halong kaba, takot, sakit at panlulumo ang nararamdaman ko. Life was not that good at me, but I didn't expect to experience this.

"Shhh," he whispered at my ear and kissed it after. Mas lalo akong napapikit. Sa bawat dampi ng halik niya ay labis na nakapandidiri. Kung saan-saan na rin humahaplos ang kaniyang isa pang kamay.

Nang makatakas ang isa kong paa sa isa pagkakaipit ay buong lakas kong tinuhod ang pagitan ng kaniyang mga hita. Pain immediately etch on his face. Bahagya siyang napalayo at ininda iyon. Dali-dali kong ginalaw-galaw ang kamay na nakatali, umasa na luluwag iyon ngunit walang nangyayari. Masakit na rin ang aking palapulsuhan dahil sa paggasgas ng matigas at magaspang na lubid sa aking balat.

"Tulong!" I shouted as loud as I can. Inilikot ko rin ang katawan at pinilit na umupo saka sinipa ang bedside cabinet na may vase sa ibabaw. Nahulog iyon at gumawa ng ingay.

Napatingin ako sa aking tabi at napansin na bahagyang gumalaw si Maella, ngunit nagpatuloy pa rin sa pagtulog. And I consider that as relief. Ayokong makakita siya ng panibagong kahayupan. Ayokong lumala pa ang nangyari sa kaniya.

"Tangina ka!" he hissed when he recovered and immediately come near me.

Tila lumabas ang kaluluwa ko nang malakas niya akong sinuntok sa sikmura. Sinampal niya ako nang paulit-ulit at halos 'di ko na maramdaman 'yon dahil sa pamamanhid ng katawan.

"Wala kang utang na loob!" he whispered. Dumagan siya muli sa akin at nagsimulang pagpyestahan ang nanghihina kong katawan. Ang mga kamay niya ay nagsawa sa paghaplos sa aking balat. Pakiramdam ko ay dinadampian ako ng apoy. Nakapapaso. Masakit sa kalooban.

He was about to touch me on my feminity when the door flew open. Pumasok ang liwanag sa madilim na kwarto, katulad ng munting pag-asa sa nagdidilim kong utak. Kumalat nang tuluyan ang liwanag kaya napapikit ako dahil sa pagkabigla. Tumigil ang pagkilos sa ibabaw ko at sandaling katahimikan ang pumainlang. Dahan-dahan akong nagmulat. I look at the doorstep.

"Anak..."

I tried to push the man on top of me with my knee. Umatras naman ito at tumayo.

"P-pasensya ka na at naabutan mo pa kaming g-ganito. Totoo ang hinala mo noon na may relasyon kami," said the man who violated me. Agad niyang tinanggal ang mga nakatali kong kamay.

Marahas ko siyang tinignan at diring-diri na lumayo sa kaniya. I look at Jared and shook my head. Ang mga mata niya ay abala sa pagtingin sa aking mukha at katawan.

I want to cry. Ngunit hindi ko magawa. I'm hopeless. Ang tao na nagmalasakit sa akin at inakala ko na mabuti ay pinagtangkaan ako. Ang anak pa kaya niya na matagal-tagal din na galit sa akin? Malamang ay silang mag-ama lang din ang magkakampihan.

Nanginginig ang kamay na inalog ko si Maella upang magising.

"Papa," I heard Jared said.

"Maella," I whispered even though she can't hear.

Nagmulat ito at diretso ang tingin sa akin. Malalim akong lumunok at agad siyang kinarga kahit hinang-hina ang katawan ko.

"Saan ka pupunta?" sinubukan pa akong hawakan ng matanda.

"H'wag mo akong hahawakan!" I shouted.

"Anong inaarte mo ngayon, tisay. Magkarelasyon tayo. Ngayong alam na ng anak ko, hindi na natin—" nahawakan niya ako at hihilain ngunit lumapit si Jared.

"Bitawan mo siya, Papa. Anong ginawa mo?" mataas ang boses niyang sinabi.

My mind went blank and all I want is to escape from this another version of hell. Impyerno din 'to na nagtatago sa likod ng pagkukunwari.

Walang sapin sa paa, puno ng pasa at sirang damit, tumakbo ako palabas ng magarang bahay na 'yon bitbit ang aking pinsan. Walang dala na kahit ano. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos. Gusto ko lang makatakas. Gusto ko na maging ligtas ako, maging ligtas kami.

"Maella, magiging ayos din ang lahat," I whispered.

Puno ng determinasyon na makalayo, nilakad ko ang madilim na pasikot-sikot ng eskinita.

Hindi ko alam kung dapat ko ba itong ikatuwa. Punong-puno ako ng negatibong emosyon ngunit ni isang patak ng luha ay walang umalpas sa aking mata. Panibagong masamang pangyayari ngunit nanatiling matatag ang aking kalooban.

Hindi ko alam kung anong oras na at kung gaano katagal akong naglalakad. Alam ko lang na malayo-layo na dahil kahit gabi ay ang liwanag ng paligid dahil sa mga maliliwanag na imprastraktura at mga sasakyan. Matagal na ako sa Manila ngunit hindi ganito kaabala ang lugar sa amin.

Sinulyapan ko ang tulog na si Maella sa aking bisig. Kanina ay ibinaba ko siya at sabay kaming naglakad ngunit hindi man makapagsalita ay alam kong pagod siya kaya binuhat ko na lamang. Ako lang itong hindi makaramdam ng pagod dahil sa dami ng iniisip.

Napahinto ako at natulala. Tumingin-tingin ako sa paligid. Ikinalma ko ang sarili at pumikit nang mariin. Bigla akong natakot. Baka mabaliw ako dahil sa mga nararanasan. Hindi maaari dahil walang mag-aalaga kay Maella. Hindi lang emosyonal ang kailangan kong patatagin. Pati na rin ang mental na aspeto dahil baka hindi tumagal at wala na ako sa aking katinuan.

Nasulyapan ko ang ibang mga tao na tulog na tulog sa tabi ng kalsada. Ito ang ayaw kong maranasan ni Maella kaya lang dahil sa sitwasyon namin ay wala akong magawa. Ngunit 'di bale. Ngayon lamang ito. Lumapit ako sa may sulok at umupo sa malamig na semento. Ikinalong ko si Maella at pinagmasdan ang kaniyang mukha. Siya na lang ang paghuhugutan ko ng lakas.

Napatingin ako sa kalsada at dumagundong ang kaba nang makita ang pamilyar na kotse ng lalake na nagtangka sa akin kanina. Kilalang-kilala ko 'yon dahil may parteng pina-customize siya. Mabagal ang takbo nito. Unti-unting bumaba ang bintana nito sa bandang driver seat. Napasiksik ako lalo sa sulok at yumuko habang mahigpit na yakap si Maella. Nanginig ang aking katawan sa takot.

Hindi ko namalayan ay nakatulog na ako. Nagising ako dahil sa sipa sa aking paa. Pagmulat ko at pag-angat ng tingin ay isang security guard na may malaking baril sa kaniyang katawan ang bumungad sa akin. Nanlaki ang aking mata at napaatras. Nakasabog pa ang aking buhok sa mukha.

"Miss, umaga na. Umalis na kayo dito kasi bukas na ang bangko. H'wag kayo pakalat-kalat dito kasi naiilang ang mga customer sa mga pulubi," saad niya at umalis sa harap ko. Nilapitan niya rin ang iba pang natutulog at ginising ang mga iyon.

Kinusot ko ang mata at sinulyapan si Maella. Gising na ito at tulala pa. Napangiti ako at tumayo.

"Halika na?" saad ko. Inabot ko ang kaniyang palad at mahigpit 'yon na hinawakan.

Akma kaming maglalakad nang makita ang mga palaboy, karamihan ay bata, ay nagsisigawan at nagsisitakbuhan dahil sa parating na sasakyan. Nakita ko ang tatak ng sasakyan at nanlaki ang mata. Agad akong lumapit sa may lupa sa tabi at pinunasan ang damit ni Maella pati ang mukha niya. Sunod ay sa sarili ko naman. Bahagya ko ring pinunit ang damit niya. Sa akin ay hindi na kailangan dahil mayroon na itong mga punit.

Lumapit kami sa sasakyan at pinagmasdan ko ang pilit na pagkawala ng mga palaboy. Kami lang ata ni Maella ang nagkusa na lumapit.

"Oh, may dalawa dito. Ano, hindi kayo magwawala?" natatawang tanong ng isang babae, nakasuot ng shirt na may tatak ng pinagtatrabahuan niya.

Agad akong umiling. Nabigla sila at nagtawanan. Nagkusa akong sumakay sa sasakyan habang karga si Maella.

"Wala po talaga kaming matitirhan. Mas mahirap ang buhay sa kalye kaya sasama po kami ng kusa," saad ko.

"Eh nasaan magulang niyo?" tanong ng isang volunteer.

"Palaboy ba talaga 'yan? Eh mukhang anak mayaman ang isang 'yan. Ang kinis-kinis."

Akma akong sasagot ngunit umalis sila nang dali-dali upang tumulong sa pagdampot sa mga bata. Nakahinga na ako nang maluwag sa katotohanan na may mapaglalagian kami. Mas okay na 'to. Sa ngayon ay dito muna ako kasama si Maella dahil sigurado na makakakain pa kami nang maayos at may disenteng tirahan.

Nang makarating kami roon ay may kung anu-ano pang impormasyon na sinabi. Matapos noon ay pinaligo kami at binigyan nang maayos na damit. Ako na ang nag-asikaso kay Maella. Pumila rin kami para sa pagkain, at katulad nang dati ay sinusubuan ko si Maella.

"Laurelia Therese, tama ba?" tanong ng isang babae roon. Tumango ako at ngumiti habang yakap si Maella. "You can call me ate Diane."

"16 years old. Itong karga mo lagi?" tanong niya muli.

"Siya po si Maella, pinsan ko."

Kumunot ang noo niya,"Nasaan ang magulang niyo?"

"Ang tiya ko po na nanay nitong si Maella ang tumayong magulang ko. Ngunit namatay siya nitong nakaraan lang. Wala na rin po kaming matitirhan kaya laking pasasalamat ko po na nakita namin kayo," I honestly answered.

Naaawang tumango siya. Kapagkuwan ay muling kumunot ang noo nang pagmasdan niya ang ngayon ay malinis ko ng mukha at katawan.

"Anong nangyari sayo? Bakit may pasa ka sa magkabilang pisngi. Diyos ko! Punong-puno ng pula ang leeg mo at—" nabigla ako nang kinuha niya si Maella sa akin at pinaupo ito. Itinaas niya ang shirt ko at kitang-kita ang halos kulay lila ng parte ng katawan ko. Kitang-kita iyon sa napakaputi kong balat. "Anong nangyari sayo!?" puno ng pag-aalala niyang tanong.

Napayuko ako. Natahimik siya sa loob ng ilang sandali.

"Anak? Anong nangyari?" she gently asked and hold my hands. She gently massaged it like reassuring mo.

Kaya ikinwento ko ang buong nangyari. Nagkaroon ng galit at lungkot ang mata niya.

"Ako ang bahala sayo. Aasikasuhin ko 'to at bibigyan natin ng hustisya."

"Pero po, mayaman siya," sagot ko. Agad siyang umiling-iling.

"Ilalaban natin 'to. Huwag ka ng mag-alala. Kailangan kong malaman ang pangalan niya at ilan pang impormasyon. You also need to be checked. Para may record ka ng mga tinamo mo ngayon, we will use it against him," saad niya.

"H-huwag niyo pong sabihin kung nasaan ako, ha? Baka balikan niya po ako," saad ko.

"Akong bahala sayo," saad niya muli at niyakap ako. Napapikit ako at tumango-tango. It's nice to have someone again after a long time.

Hindi ako nagsisi na sumama kami rito. May maayos kaming tulugan at pagkain. Sinubukan pa nilang hanapin ang pamilya namin ngunit wala talaga silang mahanap at hindi rin kami pwede iturn-over sa pamilya ng ama ni Maella dahil mahirap din ang buhay nila. Pangit din ang record. Kaya ngayon ay napagpasyahan na dito muna talaga kami.

Hindi lang maayos na tirahan, pagkain at mga damit ang ibinigay nila. Minsan ay may seminar sa mga kaedaran ko na nagbibigay sa amin ng mga mahahalagang kaalaman. Bilang kapalit din sa mga natatanggap namin ay naglilinis kami at kumikilos sa tinuturing naming tahanan.

Ngunit hindi ko maintindihan bakit may mga tumatakas pa rin kahit maayos naman ang mga turing sa amin dito.

"Therese.." natigil ako sa pagdidilig ng mga gulay at napalingon sa tumawag sa akin.

"Miss Diane," maligayang saad ko nang makita siya. She smiled gently and tapped me on my shoulder.

"Nasaan si Maella?" tanong niya.

"Nasa may palaruan po. Pinaupo ko lang doon at hinayaan na manood siya sa mga kapwa niya bata. Baka mas maging madali ang recovery niya," saad ko.

"Hayaan mo, malapit na rin ang session niya sa kaniyang doctor. May sasabihin nga pala ako sayo tungkol sa..." she paused. Nakuha ko na agad ang gusto niya sabihin.

"Ano po 'yon?" tanong ko.

"Idinahilan niya na pinagnanakawan mo siya. At no'ng gabing 'yon ay nahuli ka niyang kinuha ang nakatago niyang alahas na may maliit na diyamante," saad ni ate Diane. Agad akong napailing.

"Ni hindi ko po alam na may gano'n siya. At hinding-hindi ko po 'yon magagawa. Wala sa isip ko ang pagnanakaw," mariing sagot ko.

"Pinakita niya rin sa amin ang mga gamit mo na naiwan doon. Sabi niya ay nakita niya roon ang ilang malalaking halaga ng pera. At no'ng sinubukan niya na kalkalin muli ay may nakita pang singsing na ginto, sa kaniya raw iyon. Hindi ko naman masabi na baka itinanim niya lang dahil una, masama iyon at pangalawa, hindi niya alam na pupunta kami roon," saad pa niya.

Napailing-iling ako. Ako na nga itong nagawan ng masama, nabaliktad pa.

"Pero huwag ka mag-alala. Kahit gano'n, kahit may idinadahilan siya, hindi iyon tamang dahilan para saktan ka niya nang gano'n kalala. At may record na hindi lang basta pasa at mga sugat ang natamo mo. Mayroon ding marka ng halik," dagdag niya.

"Ate Diane, hindi ko po matanggap na ako na nga itong nagawan ng masama tapos naging masama rin ako," saad ko. Nag-angat ako ng tingin at tinitigan siya sa mata. She stared at me gently. "Hindi po ako magnanakaw," dagdag ko pa.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at marahan siyang ngumiti.

"Naniniwala ako sayo. Kahit anong mangyari, ilalaban natin 'to."

Iyon na ang huling kita ko kay ate Diane. Matapos noon ay hindi ko na siya nakita muli. I asked other staff and they answered me na nalipat ng lugar si ate Diane. At wala ng naging ingay tungkol sa ipinaglalaban naming dalawa. Bigla ay pakiramdam ko, nawalan ako ng kakampi sa lugar na 'yon. Ngunit tiniis ko para kay Maella.

Ramdam kong pinag-iinitan ako sa loob ng itinuturing kong bagong tahanan. Nagbago rin kasi ang namamahala at wala pa si ate Diane. Ang dating paglilinis ng cr kasama ang iba kong katulad, ay ginagawa ko mag-isa. Ganoon din sa ibang gawain. Ngunit hindi ko magawang magreklamo dahil kapalit naman nito ang maayos na tirahan at pagkain namin ni Maella.

"May bisita mamaya. Umayos kayo lahat at mag-ingat sa mga kilos. H'wag magpapasaway," saad ng nagsasalita sa harap matapos kaming tipunin lahat.

Matapos noon ay pinaligo nila kami at pinasuot ng mga mas maayos na damit. Pinapila kami papunta sa event hall at pinaupo sa mga nakahilerang plastic na upuan. Kalong-kalong ko si Maella habang hinihintay ang sinasabing bisita. Ang mga kasama kong bata ay hindi magkamayaw sa pagsulyap sa masarap na pagkain na nasa mahabang mesa. Ang halos mga kaedaran ko naman ay nag-uusap usap. Ako ay tahimik lang na nakaupo.

"Let's welcome, Governor Harry Liente with his daughter, Miss Halsey Arielle Liente," saad ng speaker. Malakas na palakpakan ang pumainlang nang pumasok ang lalake na may pamilyar na pangalan. Nanlaki ang mata ko nang makita siya. He saw me and I know he recognized me. Sumulyap siya sa likod niya at nakilala ko kung sino ang kasama niya.

"Halsey," I murmured. May sinabi ang Governor sa kaniyang anak at agad akong hinanap ng mata ni Halsey. Her eyes widen, sunod ay napuno ng pagtatakha ang mukha niya.

The speeches went on pero ang mga mata ko at mata ni Halsey ay nasa isa't isa. Alam kong pareho namin hinihintay na matapos ang program para makalapit na sa isa't isa. At nang matapos na ang mga speeches ay akmang isasama siya sa picture taking ay tumakbo na siya paalis, patungo sa akin. She's wearing an expensive dress while her short hair is down. May bahid din ng manipis na kulay ang kaniyang pisngi at labi.

Tumayo ako para salubungin siya. Akma akong sasawayin ng isang staff ngunit agad akong niyakap ni Halsey.

"Why are you here!?" she asked while hugging me. Napangiti ako at niyakap siya pabalik.

"Things happened," I murmured and gently caressed her back.

"Alam mo ba na I'm looking for you? Ilang months na ako naghahanap sayo!"

Lumayo siya sa akin at ngumuso. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Natigilan din siya nang makita na karga ko si Maella. Halsey pat my cousin's head.

"Bakit ka nandito?" she asked.

Umingay ang paligid nang magsimula ng magdistribute ng pagkain na ipinahanda pala ng Governor.

"Ay, let's get out of here," hinila niya ako palayo sa mga tao. Dinala niya ako sa garden at namangha ako nang mapagtanto na kabisado niya ang lugar.

"Alam mo dito?" tanong ko. She nodded and sat on the chair. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Yes, madalas bumibisita si Daddy rito. Sumasama ako and we do feeding program like now," saad niya. Hinawi niya ang buhok at pumilantik ang kaniyang daliri. "Anyway, why are you here nga?" she asked again.

"Tapos na ang palugit sa bahay, pinaalis na kami ng may-ari. Wala na kaming ibang mapuntahan ni Maella, kaya ito, pinili ko na sumama sa kanila," sagot ko.

She rolled her eyes. Sinimangutan niya ako kapagkuwan ay ngumuso.

"Bakit 'di mo 'ko pinuntahan? You know naman na I'm willing to help, always, lalo na sayo. Hindi pwedeng nandito ka at nakikipagsiksikan sa kanila! You can have something better," aniya. Umiling ako at ngumiti sa kaniya.

"Masyado na akong nagpapasalamat sa lugar na 'to dahil may natutulugan kaming maayos at may pagkain din. Mas mahirap sa kalye," saad ko.

"But—"

"Halsey, hija. Bigla kang nawala!"

Nasa harap namin ngayon ang Governor. I can see the clear resemblance on them. Pareho din silang kayumanggi ang balat. Matikas na matikas ang dating ng ama niya at alam mong may sinabi sa buhay.

"Daddy! Look! My bestfriend is staying here. Makakapayag ba ako na rito siya titira? Tell me, Daddy!?" madramang saad ni Halsey. Her Dad chuckled at hinila ang anak at inakbayan.

"So, what does my princess want?" he asked with amusement on his voice.

Napangiti ako ngunit nabura iyon nang may maisip. Napatitig ako sa kanila. Napakaswerte ni Halsey sa buhay. She has wealth, her own parents, and everything. I sighed and shook my head mentally.

"Let her live with us!" she answered like it is a simple thing. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya,"Daddy, she's smart. Naaalala mo 'yung mga kwento ko na ilang beses niya ako nasave sa recitation. Sa projects and assignments. And she's not a kind of friend that you and Mommy warned me about. She is not after my money. She can be one of your scholars. She is kind. Daddyyyyy, pleaseeee!" she shrieked.

Her Dad laughed that made her pout. He pat her shoulder.

"Alright, anak. She will come with us—"

"Pero, Sir—" hinarap niya ako at nginitian.

"You will come with us, with your cousin, okay? Doon na kayo titira," he smiled again and faced her daughter. "Sige na, bumalik kayo roon para kumain. Aasikasuhin ko ang pagkuha sa kanila," then he left. Natulala ako habang tumatalon-talon naman sa harap ko si Halsey.

"Makakasama na kita sa isang house. Isn't that exciting!?" she giggled.

"N-nakakahiya naman, Halsey. Pwede naman na dito—"

"Kapag narito ka, matagal-tagal ka pa bago makapagpatuloy ng pag-aaral lalo na ang dami nilang inaasikaso na bata. Kapag sa amin, makakapasok ka na agad this school year. And, we will make sure that your cousin will have the medication she needs. Ayaw mo ba no'n?" she smirked. "Kahit anong tanggi mo hindi ako papayag. You'll come with us."

Hindi na ako nakapagsalita dahil hinila niya na ako pabalik sa loob. Maligaya siyang nag-asikaso ng aming pagkain. I can feel the stare of the people around us. Alam kong nagtatakha sila sa pagiging malapit ko sa anak ng gobernador.

Sa mismong pagtapos ng program at pag-alis nila ay sinama na kami ni Maella. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng kaba habang sakay ng kotse patungo sa kanila. I have never met Halsey's mom. And what if she will not like the fact that we are going to live on their house?

Hindi ko napigilan mamangha nang tumigil sa mataas na gate ang kotse na sinasakyan namin. Bumukas iyon at dahan-dahang umandar. May maliit na fountain sa gitna at napansin ko ang isang anghel na hawak ang family crest nila. Nakatitig ako roon hanggang sa bahagyang lumiko ang kotse at tumigil sa harap ng mansion.

Alam kong mayaman sila Halsey. Orihinal na silang mayaman bago pa man pumasok sa pulitika ang kaniyang ama. Her mom and dad came from prominent family. Kaya hindi na katakha-takha ang pagiging magarbo ng kanilang lugar.

Pinagbuksan kami ng pinto at nang bumaba ay lalo akong namangha. The surrounding of mansion has a long stretch of carpeted grass. Sa gilid noon ay ang makukulay at iba't ibang klase ng bulaklak. Napatingin ako kay Maella at kahit alam kong hindi niya magagawang pagmasdan ito ay itinuro ko iyon sa kaniya.

Tumabi sa akin si Halsey at umabrisiente.

"Are you excited?" she giggled.

I nodded as an answer. Nagsimula kaming maglakad papasok. Ako naman ay abala sa pagtingin-tingin sa paligid. Sa entrada ay bukas na ang marangyang pinto. And I'm even more amazed to see the inside of their mansion. The grand staircase welcome us.

"Halsey, anak, I'll go to your Mom to inform her. Tour her anak, okay?" the Governor said. Halsey immediately nodded. Then he left.

"Bakit pa naisipan ng Daddy mo magtrabaho, at paglilingkod pa sa mga mamamayan? Pakiramdam ko sa ganitong mansyon, siguradong kahit 'di na siya magtrabaho ay sapat na ang yaman niyo para tustusan ang mga susunod pang henerasyon sa pamilya niyo," saad ko. I can't keep my amazement to myself. Halsey smiled. Hinawi niya ang buhok.

"Well, my Dad's desire is to serve people. Sa dami ng corrupt official, hindi niya mapigilan ang self niya na simulan ang change. Kung hindi magkukusa ang may mga kind na puso, mananatili ang mga corrupt on their position," saad niya. Tinignan niya ako na buhat ang pinsan ko na tulog na tulog pa. "Let's do our tour in this mansion next time, pahinga ka muna," saad niya at hinila ako papunta sa sofa.

Awtomatikong napasandal ang likod ko sa malambot na upuan. Napapikit ako nang makaramdam ng ginhawa.

"Yaya, give us some food po. We are gutom na," rinig kong saad ni Halsey sa gilid ko.

Nagmulat ako ng mata at sinulyapan siya. They really have a good heart. Nasa kanila na ang lahat. Halsey have the looks, wealth and everything. Tapos ang bait-bait pa niya. Napangiti ako.

"Thank you so much, Halsey."

Nilingon niya ako. She smiled. Kahit mukha siyang mataray ay makikita mo ang bait sa kaniyang ngiti. Sa likod ng mataray niyang aura, ay ang napakaganda niyang ugali.

"You're always welcome," sagot niya.

Inilapag ko si Maella sa tabi ko at ipinahiga sa sofa dahil malawak pa naman. Nakahinga rin ako nang maluwag.

"Mom!"

Napatayo ako nang marinig ang pagtawag na 'yon ni Halsey. And I saw the Governor walking toward us. Ang kaniyang braso ay nakahawak sa bewang ng isang babae. She's sophisticated and elegant. Hindi ko mapigilan mamangha habang pinagmamasdan siya. The woman has a fair skin. Nakalugay ang itim na itim niyang buhok. Maamo ang kaniyang mukha at ang detalye ng bawat parte ay napakaganda. Nagmukha siyang diwata sa suot niyang puting dress. Tanging gintong kwintas lamang ang kaniyang suot at walang bahid ng kolorete sa mukha.

"Laurese, this is my Mom. Mom, this is my bestfriend, Laurese," masayang pagpapakilala ni Halsey.

Bahagya akong napayuko nang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"N-nice to meet you po," sagot ko.

Hindi siya sumagot at napunta ang tingin niya sa batang nakahiga sa sofa. Biglang hindi ko alam ang gagawin ko. I'm so intimidated with her presence.

"That's her cousin, honey," the Governor said.

Tumango ito at muling tumingin sa akin. She nodded, smile a bit and turned her back. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil sa naging tungo niya. Ayaw niya ba ng presensya ko? Ayaw niya ba ako rito?

Umalis na ang mag-asawa. Ako naman ay tila nanghihina na napaupo.

"That is my mom. Ang ganda 'no? Kaso mas nagmana ako kay Daddy, ang namana ko lang kay Mom ay itim na itim na buhok tsaka pilik mata at labi niya. But anyway, my dad is handsome naman so I'm pretty pa rin," saad niya. Kumunot ang noo niya nang mapatitig sa akin," bakit ganiyan expression mo?" she asked.

"Do you think, my presence is okay to her? Kasi, hindi siya umimik.." I whispered.

Biglang tumawa nang malakas si Halsey. Kapagkuwan ay naging hagikhik iyon.

"My gosh, we forgot to tell you. Of course it's fine. My mom is just introvert and she's mute at this moment," saad ni Halsey. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Bakit?" I asked. She shook her head.

"I don't know. One day hindi na lang siya nakakapagsalita. And it's been 1 year. Sabi ay baka dahil sa traumatic past. I don't know. Walang sinasabi si Dad sa akin," sagot niya. Napatango-tango ako. "Pero noon pa man mahiyain na talaga siya, hindi masyado nakikipag-usap. So for sure she's okay with you. Shy lang siya," masaya niyang saad.

My life got better when we lived on the Liente's mansion. Maayos na maayos ang naging trato sa amin doon. Naging scholar ako ng Governor. Naging encoder din ako sa opisina niya at ang sahod ko roon ay ginagamit ko bilang kabayaran sa bawat session ni Maella. Nagpresinta si Halsey na siya na ang sasagot dahil masyado raw malaki ang bigay sa kaniya ngunit mariin akong tumanggi dahil sobra-sobra na iyon.

I entered the same university with Halsey. Magkaiba nga lang kami ng strand dahil pinili niya ang Performing Arts, samantalang ako ay sa HUMSS. Halsey is into acting, modeling and  everything that has an art. Samantalang ako ay hindi pa sigurado, ngunit malapit sa puso ko ang karamihan sa ginagawa sa strand na ito kaya I settled on it. Napanindigan ko naman at hindi ako nagsisi.

My life remain dull and stiff. My mind is highly motivated about studying hard. Ngunit naging mahirap din sa akin ang bawat gabi dahil lahat ng naranasan ko sa nagdaang panahon ay binabalikan ako sa aking isipan. I badly want to forget it. Wala na akong pinagsabihan na kahit sino. And I'll remain in that way.

But my grey days are now kind of, dusted with colors. Nagsimula iyon noong second semester ng Grade 12. Sa unang araw nito, panibagong mga guro ang aming haharapin. We're going to have a seemingly endless introduction. Lalo na may mga bago sa section dahil may nabawas at may mga nadagdag. Maintaining a grade is a must on this section.

"Good morning," a monotone voice said.

Agad akong napatigil sa pag-iisip ng paksa ng tula. When your life is dull, it is hard to find a topic to tackle. Everything is about study, Maella and my light work. Oh, why did I forget that? Maella can be the topic of my piece.

Tumayo ako kasabay ng kaklase upang bumati sa dumating na guro. Binura niya ang iilan na sulat sa whiteboard bago nagsulat doon. Kapagkuwan ay humarap siya sa amin. And I was astounded when our eyes met. Agad din lumipat ang tingin niya. I stared at him. Suddenly, words filled my head.

Cold eyes. Prominent jaw. Aristocrat nose. Red lips in grimline. Mystery. Dangerous. Perfection. And hard beating of my heart.

What is this?

"Everyone calls me Sir A, and you guys will do the same. Nice to meet you. And I'm one of your new professors," saad niya habang inililibot ang tingin.

Ako naman ay hindi mapakali. I have seen a lot of attractive guys, and I didn't feel anything. What is special with him? In a snap, he brought thousand of ideas for a piece.

He looks like a masterpiece.

******

Book cover made by Tate Graphics. Sa mga nangangailangan ng book cover at icons, try to visit their shop on facebook. Ang galing nila. Btw, enjoy reading!

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
1M 28.2K 42
Completed| Published under PSICOM Publishing Inc. for Php195.00. SPG | Mature Content HANNAH VILLEGA wants to be pure and virgin until she gets...
10.9M 320K 62
Highest Rank in Vampire Category: Rank #1 (Bloodstone Legacy #1) "Touch her, I'll choke you to death. Smile at her, I'll suck your blood until the la...