Serendipitous Love [Escuadra...

By MizAnonymous04

1.7K 334 8

[On-Going ] A bitchy conyo girl, enough to describe Lei Angelique T. Gibas, oh and also a troublemaker. Not u... More

Characters
SL: Prologue.
SL 1: C.K.B.
SL 2: Oo!
SL 3: Pustahan
SL 4: Sayang
SL 5: Blackmail
SL 6: Choices
SL 7: Trouble
SL 8: Sleepover
SL 9: Talk
SL 10: Reconcile
SL 11: Infinity
SL 12: Silver Anniversary
SL 13: Pinky Promise
SL 14: Eavesdrop
SL 15: Tamiyah
SL 16: Devilish Act
SL 18: Birthday Party
SL 19: Jude
SL 20: Reconcile 2.0
SL 21: Belief
SL 22: Balikat
SL 23: When in Baguio
SL 24: Galit
SL 25: Numb
SL 26: Missing
SL 27: Disturbance
SL 28: Christmas Surprise
SL 29: Run Away

SL 17: Argument

41 2 0
By MizAnonymous04

Ellie's P.O.V.

Biyernes na ngayon at katatapos lamang ng break time namin. It's so nothing special ang mga nangyari nitong nakaraang araw, maliban na lang sa nangyari noong Lunes.

Simula nang mangyari ang insidente na 'yon noong Lunes ay wala ng ginawa na kalokohan itong si Tamiyah na ikagagalit namin.

Maybe, natakot sa pagpaparinig ni MJ at Gelay? Mabuti naman, saksakin ko sya sa ngala-ngala niya, eh.

Pero sa paglipas ng araw, napapansin ko rin ang unti-unting paglayo ng loob ni Kendrick kay Gelay. At ang paglapit nito kay Tamiyah.

Bago sya magkaganito ay sinabi sa amin ni Gelay na sinabi sa kanya ni Kendrick na kailangan niyang bantayan itong si Tamiyah, na syang ikinatawa namin.

Like, fvck? Ano si Kendrick? Babysitter ni Tamiyah? Gosh, she's old enough for Pete's sake para bantayan pa ito ni Kendrick.

Kahit ano sigurong layo ni Kendrick dito kay Gelay, ay wala man lang ni katiting na pake na ipinakita itong si Gelay. I don't even know what's wrong with her, tsk.

Kababalik lamang namin dito sa may classroom at ayon, magkasama na naman itong magkababata na ito.

Ano pa bang aasahan namin?

Oh, and so may sasabihin ako. Alam niyo bang noong Miyerkules ay may kumalat na rumor dito sa school namin na nangangaliwa raw si Kendrick?

Ayon sa napakinggan namin, syota nitong si Gelay itong si Kendrick, at lihim na nangangaliwa ito sa transferee na kalilipat lang dito sa aming classroom.

At ang matindi pa sinugod ni Gelay ang nagpakalat ng balitang iyon. Turns out, taga kabilang section lamang ito na insecure na naman kay Gelay.

Nakaupo na kami ngayon sa aming mga kanya-kanyang upuan nang mapagdesisyunan ko na kausapin si Riel.

Agad akong naglakad papunta sa upuan nito.

Gelay was just busy reading her favorite book.

"Oh?" lingon pa nito sa'kin.

"May napapansin ka ba?" I asked her.

"Bukod sa late na naman ang next subject teacher natin, wala na namang iba. Ikaw, meron ba?" Tanga naman daw, eh.

"Hindi 'yun. May napapansin ka ba kay Tamiyah at Kendrick?" bulong ko sa kanya sabay sulyap kay Kendrick na nakatuon lamang sa cellphone niya na wariko'y may itinetext ito.

Tsaka ako napalingon sa kinaroroonan ni Tamiyah. Which is giggling with her friends. "New" friends.

"Paanong napapansin?" She asked again while playing her pen with her fingers.

"Hindi mo man lang ba napapansin na parang ang clingy nitong si Tamiyah kay Kendrick.. whenever they're around?" sabay taas ko pa ng kanan kong kilay.

Nakaupo ako sa desk ni MJ na katabi ni Riel. She doesn't care actually.

Oh, and also Andrei.. pumasok na nga pala s'ya noong Martes. Si baklita, nalate daw ng gising kaya hindi nakapasok noong Lunes.

He chatted that on our group chat noong Monday. Ayon, nasa likod na siya nakaupo dahil si Tamiyah na ang nakaupo sa upuan niya.

Tuwang-tuwa pa ang bakla at puro daw lalaki ang mga nakapalibot sa kanya. Pandit masyado.

"Hmm.. actually, 'yan din 'yung kahapon pang nasa isip ko. Pero feeling ko, ha?" bigla akong kinabahan sa pagsasalitang ito ni Riel when she suddenly stop playing her pen and then she looked intently at me.

Kadalasan sa mga theory na nabubuo sa isip niya or mga hula niya ay tama. Madalas lang naman..

"I think.. Tamiyah has feelings for that boy, you know.. Kendrick, kumbaga'y kaya clingy s'ya sa kanya kasi para kasing.. in her point of view, parehas sila ng nararamdaman sa isa't isa,"

"Pero, in Kendrick's point of view, hula ko lamang naman.. parang kapatid lamang ang turing ni Kendrick sa kanya. But who actually knows! Let's not just meddle with their business anymore," tamang pagtatapos nito ng kanyang mga sinasabi ay saktong dating din naman ng late naming Science teacher. As usual, jeez.

But, kung kapatid lang ang turing ni Kendrick kay Tamiyah? Sino kaya 'yung tinutukoy niyang first love niya noong Monday? Hindi kaya si.. nah, imposible!

--

Lei's P.O.V.

"Class, dismiss."

"Yey! Lunch break na!" tsaka ako nag-unat pa ng aking mga braso. At isinukbit sa may balikat ang aking backpack.

Tumalikod naman ako at hinarap itong mga kaibigan ko para yakagin na papunta sa roof-- Oh, wait. Friday nga pala ngayon, so it means kasama na naman namin 'yung tatlong itlog.

"Oh, ba't parang wala man lang kayong kagana-gana?" tanong ko sa mga ito.

Kung ano namang ikina-hyper ko ay s'ya namang tamlay ng mga kasama ko.

Seriously, what's wrong with these people?

"Nakakaantok kasi yung topic kanina eh, alam mo bang halos magkanda ub-ob na'ko, mapigilan lang ang tumulog, ha?" pahiwatig ni Dein.

"Ang ganda kaya ng topic kanina." pangongontra ko pa sa mga ito.

Kitang-kita sa mga mata ng kaibigan ko ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko. Tsk. Mga bida, eh.

Nasa may hallway na kami ng mga kaibigan ko nang may maramdaman akong humawak sa aking braso, kaya napalingon ako at itong si Kendrick ang bumungad.

"Gelay?" tawag nito sa'kin.

Tinitigan ko muna ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at marahan kong tinagtag, bago ako ngumiti at sasagot na sana nang biglang--

"Ken!" Ken? Napatingin ako sa likuran nitong si Kendrick kung saan ay nakita ko ang papalapit na si Tamiyah.

"Sino si Ken?" Sasagot na sana siya nang makalapit itong si Tamiyah at kinawit kaagad ang kamay sa kaliwang bisig ni Kendrick.

Loading.....

Wait, so, si Kendrick si--

"KEN!?" nagulat na lang ako bigla nang biglang sumigaw ang mga kaibigan ko na nasa likudan ko pala na dahilan ng pagtitinginan ng mga estudyante sa amin.

Ayt! Yung chismis, baka kumalat na naman! Pustahan yung mga chismosa dyan, mag-iingay na naman. 'Langhiya.

Lumayo na ako sa dalawang ito para mabigyan sila ng time sa pag-uusap. Tsaka baka mas lalong mag-ingay at magspread na naman ng rumors ang mga estudyante dito.

Well, hindi naman ako guilty. Nakakainis lang 'yung mga lumalabas sa mga bibig nila. Ayaw na lang intindihin ang buhay nila, nakakayamot.

"Tara na nga," nawalan tuloy ako ng gana.

Nang makarating kami sa rooftop ay nando'n na ang dalawang kaibigan ni Kendrick. Kaagad napansin ng dalawa ang pagdating namin. Medyo close na naman kami, eh. I guess, so?

"Si Kendrick?" bungad ni Carlos sa'kin.

"Huh? Ba't sakin mo itata--"

"What the fudge?" nilingon ko si Riel na napanganga na lamang sa kanyang nakita.

Napagawi din ang tingin ko sa pinakakatitigan ng mga kaibigan ko.

Napamulagat din naman akong sadya sa aking nakita.

Si Kendrick... kasama si Tamiyah dito sa rooftop. Bitch, what the fvck?

Kaagad lumapit si Riel dito.. tutal siya din naman ang leader ng Sabog. Hindi ko na lang siya kinontra pa.

"Bakit kasama mo 'yan?" nagpipigil na bungad ni Riel kay Kendrick. Ang tapang naman nito.

"B-Bawal ba'ko dito? P-Pasensya na--"

"Pano nga kung sabihin namin na bawal ka rito?" putol ni Riel kay Tamiyah na hindi pa tapos sa pagsasalita.

Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Riel. Lalo naman si Tamiyah. Hindi na nga welcome, napahiya pa. Double kill, amputa.

Sinasabi ko na, kapag umiyak na naman itong babaeng 'toh. 'Di ko na alam ang iisipin ko sa kanya. Masyado na s'yang OA kapag gano'n.

It's very rude naman talaga for treating her like this. Ni hindi ko nga din inaasahan na sasabihin ni Riel ito sa kanya.

Dahil siguro sa bugso ng damdamin? I don't know. Medyo rude sa part na 'yon si Riel but I don't want to makisali to their talk right now. Unless, nagkakainitan na sila.

"Riel, Friday ngayon. At alam nating lahat na ang araw ng Friday, ang araw kung kelan pwedeng magsama ang barkada niyo at barkada ko." paliwanag nitong si Kendrick. Halatang ipinagtatanggol niya ang kanyang kababata dahil sa pagkapahiyang nadama kani-kanina lamang.

If I was her, baka nagwalk-out na ako sa sobrang pagkapahiya. But... for some reason, naconfused ako kay Kendrick.

Hindi man lang ba niya sinabi kay Tamiyah na barkada lang namin at barkada niya ang allowed na magpunta dito?

She has friends naman, eh! Matatanggap ko pa na kaya s'ya dinala ni Kendrick dito because she doesn't have any friends. Bulag ba 'tong si Kendrick for not noticing that?

"For your information, Mr. Buenavista. Hindi mo na kailangan pang ipaalala sa'kin ang rule natin na 'yan. Kasi alam ko naman 'yon. Ang sa'kin lang.. 'di ba nga, nagkaintindihan na ang panig niyo, and panig namin? It's just your friends and us! Eh, I'm really sorry to say this, ha. But, sa tingin mo ba saang barkada nabibilang 'yang kababata mo, ha?" Riel's really good at roasting someone. She's a savage.

Hindi ko na din alam kung nampipikon pa ba itong si Riel o seryoso na. Nakakatakot din kasi minsan ang babaeng 'toh, either galit or seryoso.

"Aalis na lang ako, I'm sorry for disturbing y'all. Pasensya na," akmang aalis itong si Tamiyah nang hawakan ni Kendrick ang kamay nito.

Agad namang napatingin si Tamiyah sa kamay na pinag-daop ni Kendrick. Seriously? There's no time for romance here, duh?

"Eh di umalis ka, wala namang napilit sa'yo diba?" pagpaparinig ni Dein na ikinangiwi ko. Tangina ka, Dein! Ba't ka pa naman kasi nakisali! 'Langhiya lalong lalaki ang--

"I'm out! I'm sorry," tsaka tumakbo si Tamiyah pababa ng rooftop.

Nang mawala ito sa paningin namin ay napabaling ang tingin ko kay Kendrick. Kitang-kita sa mga mata nito ang inis na nararamdaman niya sa mga oras na ito.

Awit.

"Oh ano, masaya na ba kayo na nakapag-pahiya kayo ng tao, ha? Masaya na kayo!?" sigaw pa nito kay Riel na s'yang ikinagulat ko.

"Kakain lang naman sya, eh! Makikikain! Ano ba namang mahirap intindihin do'n, ha? Makikikain lamang sya kasi wala s'yang kaibigan na masasamahan para kumain!"

Tanga ba s'ya o bobo?

"Anong walang kaibigan? Bulag ka ba o tanga?" sarkastikong pakikisali pa ni Ellie.

"Huwag kang makisabat-- ugh, bullshit!" Okay, I'm in. Sorry Kendrick but tangina mo.

"What the fvck is wrong with you? Alam mo ang ugali ng mga kaibigan ko. Kung hindi niyo kayang mag-adjust, pasensyahan tayo. And also, alam kong mali ang pakikisabat nila. Pero, ilagay mo sa tuktok mo kung ano ang rule natin dito." mahinahon kong pagpapaliwanag sa lalaking ito.

Hindi s'ya umimik kaya nagsalita muli ako.

"Talaga bang uunahin mo ang babaeng 'yun kesa sa barkada mo, ha?" Unti-unti ng nagsisimula na kumulo ang dugo ko sa buong katawan sa iritasyon sa kanya.

"Gelay, mabait si Tamiyah. Nasaktan lang siya sa sinabi ng mga kaibigan mo. Kung ikaw kaya yung ipahiya sa harap ng mga taong hindi man lang niya kilala? Sa tingin mo matutuwa ka pa sa lagay na 'yon?" paliwanag muli nito.

"Eh, 'di ba nga kasasabi ko lang!? Nagkamali ang mga kaibigan ko, oo, ina-admit ko naman, eh. Pero, sana naman Kendrick buksan mo 'yung mata mo, oh! Barkada mo, at barkada lang natin ang pwede dito! Tangina, bulag ka ba, ha? Hindi mo ba nakikita 'yung mga kasama niyang mga tao kaninang breaktime. Hindi ba 'yun matatawag na kaibigan, ha?"

"Tanginang 'yan. Mabait ba ang lintik na 'yon sa lagay ng ginawa niya sa'kin kanina, Kendrick? Putangina naman, oh! Mamili ka nga, bobo o tanga, ano!?" pagpapatuloy ko dito.

Pumikit lang ito tsaka bumuntong hininga.

Alam kong napakalakas ng boses ko ngayon, pero hindi ko na kayang magtimpi, eh.

"Kinompronta ko rin siya kanina, okay? At ang sabi niya, hindi niya talaga sinasadya. At alam mo din Gelay na nagpunta s'ya dito para humingi ng tawad sa'yo.. sa inyo! Pero anong ginawa niyo? Pinahiya niyo 'yung tao, oh!" Nabulag na nga talagang tunay si Kendrick.

Anong hindi sinasadya, puta? Sinasabi niya bang nagsisinungaling lang si Riel sa amin? Gosh! Riel is not the type of person na mahilig mangtrip sa pamamagitan ng pagsisinungaling.

I've known her for too long! This is all bullshit!

"At naniwala ka naman do'n?" pagsingit ni Riel muli sa usapan na mas lalonh ikinakunot ng kilay ni Kendrick.

"At bakit hindi? I saw it with my eyes. She's telling the truth, for fvck's sake." iritado nitong sagot kay Riel.

"Paniwalang-paniwala ka naman, hanep. Gusto mo ba samahan kita sa EO? Masyado na yatang malabo 'yang mata mo para paniwalaan 'yung si Tamiyah." tugon muli ni Riel na ramdam kong mas ikinapundi ni Kendrick.

"Tangina, ganyan na ba talaga mga ugali niyo, ha? Ayan ba 'yang mga itinatago niyo, sa likod ng mga mala-angel niyong mga ugali at mukha? This is fvcking bullshit. Puta, nagkamali ba ako sa inyo.. ha, Gelay?" Nabigla ako sa kanyang sinabi.

Hindi ko inaasahan na ganito pala ang nasa isip niya.. at nalabas na niya ngayong punong-puno na siya.

Tama nga yung sabi ng iba, kapag galit o kaya naman lasing ka. Nasasabi mo lahat ng mga gusto mong sabihin. 'Langhiya.

Kahit ayaw ko ay nararamdaman ko ang pag-init ng sulok ng aking mata dahil sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

Iyakin akong tao, eh. Kaso sa mga kaibigan ko lang naman, putangina. Bakit.. bakit ang sakit?

"Kendrick.. alam mo, sana una pa lang, bago ka nakipagkaibigan sa'kin. Sana naman sinabi mo na ganito pala ang tingin mo sa'min para hindi na.. hindi na ako masaktan ganito? Tangina, all these time, Kendrick. Simula nang maging magkaibigan tayo, ito ba ang nasa isip mo, ha? Oo nga naman! Nagtatanong ka lang naman 'di ba? Pero tangina 'yung mga accusations mo, ang sakit, eh. Para saan pa't binigyan mo ako ng gintong pulseras na ito kung 'yan lang din naman pala ang tingin mo sa'kin.. 'di ba?" sa bawat paghinto ko sa pagsasalita ko ay dahil ito sa pagcrack ng aking boses at pagpigil ko sa aking mga luhang tumutulo.

Wala na, nabunyag na 'yung pinakaiingat-ingatan kong itago sa ibang mga tao.

'Yung pagtulo ng luha ko.. 'langhiyang 'yan. Ayaw tumigil, eh.

"G-Gelay.. I'm sor--"

"There's no need to say sorry. Tapos na.. nabunyag na, right? What's done is done na." I said then putting my tongue in my left cheek.

"P-Pasensya na talaga, Ge--"

"Fvck, Kendrick! Ano bang hindi mo maintindihan sa "there's no need to say sorry!" Tangina naman, oh." Napakakulit naman kasi, puta.

Walang sabi akong umalis sa kinatatayuan ko at nagtungo na sa papag na lagi naming inuupuan tuwing kumakain dito.

"Are you ayos lang, bakla?" bulong ni Andrei tsaka hinawakan ang balikat ko. I just smiled at him before nodding.

"U-Umiiyak ka ba, Gelay?" napagawi ang tingin ko kay Carlos na nagsalita sa isang gilid.

Nakaupo lang ito sa bangkuan na kahoy habang nakangiwing nakatingin sa akin.

"Of course, I am. Bakit ako hindi magiging okay? Jeez." Walang kinalaman ang dalawa dito kaya ayokong ibunton ang galit ko sa kanila.

'Yung tangina lang naman na kaibigan nila na kinampihan pa 'yung transferee na tinapunan lang naman ako ng pineapple juice at palabok "purposely".

"Eh, ano 'yang tumutulo sa pisngi mo?" Regla talaga 'yan, Carlos. Syempre ayoko ngang sabihin 'yan.

"Pawis," sambit ko na ikinangiwi ng mga kaibigan ko.

"Pawis na galing sa mata? Ang tibay no'n, 'di ba, DJ?" Wow naman, may time pa para sa joketime.

Inismidan ko na lang siya at kinuha ang lunch box ko sa bag ko. Saktong bubuksan ko na ito nang tumunog na ang school bell na hudyat na tapos na ang lunch break. Great! Bad mood na nga ako tapos lalo pang mababad mood dahil gutom. 'Langhiya.

Kung hindi naman ba namin pinag-awayan pa yung si Tamiyah na 'yon, eh di sana nakakain ako kahit konti man lang? Pisti kang yawa ka.

Naaawa ako sa mga kaibigan ko, nadamay din kasi sila tapos wala pa ding kain. Pero.. sabagay kasalanan din naman namin ang lahat ng 'toh.

"Oh."nagulat ako nang maglahad si Ysha ng isang Sky Flakes na Condensada flavor at Dutch Milk.

"Saan mo 'toh nahagilap?" untag ko dito.

"Somewhere down the road?" Luka talaga nito. Isinarado ko na ang lunch box ko at tinago muli ito sa aking bag. Nang makatapos kami sa pag-kain ng mabilisan noong ibinigay sa amin ni Ysha ay tumayo na kami at bago bumaba ng rooftop ay tumingin muna ako sa mga kaibigan ko na wala ding imik na tumingin lang din sa'kin.

"Tara na." Pang-aaya ko sa mga ito.

Ang akala kong bumaba na din at sumunod sa kababata niyang anghel ay nandito pa din sa may pintuan ng rooftop na nakaharang sa dadaanan ko.

"Tabi," sambit ko dito.

"Mag-usap tayo," malamig ngunit maawtoridad na nakatungong tugon nito sa akin.

"Huwag mo ulit ako simulan, Kendrick." hindi ko alam kung natakot ba siya o ayaw na lang niya ng away kaya tumabi na lang sya sa dadaanan namin.

Grabe naman talagang tunay si tadhana. Biruin mo 'yun, nasaktan ka na nga sa mga sinabi sa'yo ng kupal tapos tanging dutch milk at sky flakes lang ang nakain ko. Hanep na 'yan.

Pagkarating namin sa classroom ay nadatnan namin itong si Tamiyah na nakaub-ob at wariko'y naiyak na naman.

Putangina, seryoso ba itong babaeng 'toh? Talent ba niya ang pag-iyak? Takteng 'yan.

"Gelay, huminahon ka. 'Wag kang gagawa ng gulo dito, ha?" giit ni Ysha.

Naramdaman yata na tumataas na naman ang dugo ko dahil sa babaeng 'toh.

"Gelay, not now. 'Wag dito at lalong huwag ngayon." malumanay na pangungumbinsi sa'kin ni Riel.

Wala naman talaga akong balak na pasabugin ang mukha ni Tamiyah. Charot. Hindi ko 'yon kaya, 'noh. Tsaka kung kaya ko man, hindi ko gagawin, sayang lang ang pagod ko. Bahala syang umiyak d'yan. Ako pa naman, eh.

Nadetention na nga ako noong Lunes, ayoko ng madagdagan ulit 'noh, punyemas.

Tamang pag-upo namin ay pagdating din nina Carlos kasama ang dalawa niyang kaibigan.

I wonder kung paano pa kaya natitiis ni Carlos at DJ itong si Kendrick na 'toh sa kabila ng pakikipag-sigawan niya sa amin at pag-kampi dito kay Tamiyah?

What the fvck? Jeez, parang ang immature ko sa tono na 'yon.

But well, he's lucky enough to have these kind of friends. And so am I, duh?

--

Sa wakas, natapos din ang isang buong nakakastress na araw.

"Guys, bago po kayo magsi-uwian, I want to tell y'all something." sabay kalampag ni Fheona sa teacher's desk sa unahan.

Fheona's mother is one of my mother's best of friends. They're like us, Sabog. Marami din sila, but and difference lang ay they're all girls.. 8 girls, I guess? Yah, like that.

Ang alam ko ay they still keep in touch,

"Today is my birthday and guess what? I'll be inviting y'all to my house to join me in celebrating my birthday!" Sa tingin ko lahat ng mga kaklase ko ay nagsigawan.

Wala akong gana na magpatahimik ngayon, bukod sa dahil skyflakes at dutch milk lang ang kinain ko ay dahil na rin Friday ngayon, bakit ko sila pipigilan magsaya, hindi ba? 'Di naman ako KJ, 'noh. Eh pupunta nga rin ako, eh.

"Just be there at 7 pm! We'll party all night in our house! Also, no need to buy some gifts. You are very welcome in our house!"

Fheona's also just like me, maldita rin siya but ang difference nga lang namin, she's very sophisticated. Lahat na ata ng branded na mga clothes meron siya. Well, may branded clothes din ako. But I'm not wearing it all the time. You know naman ako, okay na'ko sa ukay.

Nakalabas na kaming pito sa classroom nang matapos sa mga daldal na sinasabi si Fheona.

"Uh.. Gelay, pupunta ka ba doon sa party na tinutukoy ni Fheona?" nahihimigan ko sa boses ni Dein na nag-aalinlangan pa siyang itanong iyon sa'kin.

What's with her?

"Yeah, walking distance lang naman ang bahay nila sa'min since nasa pareho kaming subdivision na tinitigilan. How about you? Are you going?" I asked her while walking down the stairs pababa doon sa 1st floor ng building namin.

"Napag-usapan na kasi namin nina Riel na pupunta kami, kaso alam naman namin na gagabihin 'yung party na 'yun, at lalong imposible na walang mga liquors sa party niya. At posible din tayong malasing. So, we wonder if we can stay for the night in your hou--"

"Sure, you can stay whenever you want. Tsaka, teka nga. Bakit ba parang ang tatahimik niyo? May tinatago ba kayo sa'kin?" Kanina ko pa napapansin ang mga ito simula nang makababa kami sa rooftop. Jeez.

Kung hindi nga lang siguro nagsalita itong si Dein ay baka mairita na'ko sa mga 'toh for not saying anything. Hindi ako sanay na ganito lang sila. Tuwing magkakasama kaming pito umaabot lagi hanggang doon sa guidance office ang ingay namin sa lalakas ng mga boses namin. It's just so strange na mas tahimik pa sila ngayon kaysa sa ibang mga tao.

"Hindi ka ba galit? Kasi akala namin, galit ka dahil sa nangyari." sabat ni Ellie.

"Ha? It's not your fault kung bakit nagalit yung lalaking 'yon- I mean it's not 'only' your fault.. it's everyone's fault except for Carlos and DJ kasi wala naman talaga silang kinalaman do'n sa nangyari na 'yon."

"Tsaka, why would I be mad to all of you? Eh, hindi naman kayo 'yung nakasakit sa'kin. But, medyo off kayo, Riel at Dein for talking like that. Oh, and also me, syempre. We'll just say sorry to them.. not them.. to 'him'.. for talking like that kapag humupa na ang galit ng isang 'yon. And also mine. Kahit kailan talaga, mga abnormal kayo, 'noh?" tsaka ako umiling-iling pa.

"Wew. Akala namin galit ka sa'min. Hanep, alam mo bang nagtalo pa kami kung sino ang magtatanong sa'yo kasi baka masigawan mo o hindi mo man lang pansinin? And don't worry, magsosorry din ako for talking like that to him." giit ni Riel. Ayan, edi perfect! Bumalik na ulit sila sa dati. Mga ulol talaga kahit kailan mga 'toh, eh.

---

[Revised]

~[MizAnonymous04]♡~

Continue Reading

You'll Also Like

5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
53.2K 851 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
387K 25.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.1M 86K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...