SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (C...

By khelielove

778K 20.7K 4.5K

LISTEN... Do you wanna know a big secret? Do you promise not to tell? Let's see... Discover the secr... More

T E A S E R
P R O L O G U E
S.U. 1 Getting Ready
S.U. 2 Finalizing Everything
S.U. 3 The Decision
S.U. 4 Knowing Everyone
S.U. 5 The Top 2
S.U. 6 Marketing Project
S.U. 7 New Faces
S.U. 8 Family Picture
S.U. 9 Kilig for the First Time
S.U.10 The Prince Move
S.U. 11 Jealous Mode
S.U. 12 Rule #1
S.U. 14 Changes
S.U. 15 Worrying Part
S.U. 16 Marketing Event
S.U. 17 The Winner
S.U. 18 Houston Corporation
S.U. 19 The Truth
S.U. 20 Musical box
S.U. 21 Friends
S.U. 22 Like a candle
S.U. 23 Missing Hailey
S.U. 24 Motor Accident
S.U. 25 The Two Leaders
S.U. 26 John Tino
S.U. 27 First Adventure
S.U. 28 Aphotic Dread, a secret friend
S.U. 29 The Gertler
S.U. 30 Finding the Felon
S.U. 31 Saving the child
S.U. 32 The Boss
S.U. 33 A normal feeling of being a HUMAN
S.U. 34 Back to School
S.U. 35 Christmas for a Cause
S.U. 36 Battle of the Bands
SECRETS
You are INVITED!!!
S.U. 37 Campus Masquerade Ball Party
S.U. 38 Masquerade Dance Party
S.U. 39 Dark Night
S.U. 40 The Life of the Two Leader
S.U. 41 The Unexpected Visitor
S.U. 42 Another Secret
S.U. 43 Unbelievable
S.U. 43 A Traitor or Not?
S.U. 44 The other side
S.U. 45 Who are you?
S.U. 46 Her Heart
Make your VOICE count!
S.U. 47 His Heart
S.U. 48 The Final Plan
S.U. 49 Chen's Family
S.U. 50 Chen's Thanksgiving Party
S.U. 51 A best friends Attack
S.U. 52 The Final Battle
EPILOGUE
Thank YOU!
LIST OF CHARACTERS
Update

S.U. 13 Guidance & Dean's Office

11.5K 391 116
By khelielove

CHAPTER 13

AVIANA'S POV

"Excuse me mam, pinapatawag lang po ng guidance si Ms. Sandberg" Narinig kong sabi nung girl na kumatok sa room namin. Oh My!!!

"Ms. Sandberg excuse ka muna ngayon. Pumunta kana muna sa Guidance Office." Sabi na nga ba eh, napakadaming tsismosa talaga sa school na ito. Biruin niyo kanina lang nangyaring lunch time nakarating na agad ang balita.

Tinignan ko si Hailey ng may sobrang pag-aalala. Paano na yan, hindi ko siya matutulungan. Hindi kami pwedeng lumabas ng classroom.

"Buti nga kay Hailey"

"Dapat lang yan sa kanya kinaibigan niya ang parehas na grupo."

"Hindi na kasi nakuntento kay prince, pati si lourd gustong kaibiganin"

"Kawawa naman si Hailey my idol. Sana okay lang siya"

"Hindi dapat ipatawag ng guidance si Hailey. Wala silang ebidensiya"

"Suportahan natin si Idol, tara labas tayo!"

"Lagot tayo kay prof!"

Grabe lang! Ang mga ants talaga umaariba! Palibhasa wala dito si prince, pero kung andito yun hindi sila makakapagsalita ng against kay Hailey. Parang kanina lang sa cafeteria kala mo may naglilista ng maiingay dahil kahit bulungan walang narinig sakanila. Takot kasi kay prince. Napag-alaman ko kasing pinagbawalan pala sila na magsalita ng kung ano-ano kay Hailey.

Pero ngayon nako! Ipagsusumbong ko sila kay Prince eh! Patayo na si Hailey nang biglang tumayo agad ang katabi niya.

"Mr. Houston go back to your seat now!" Sigaw ni prof.

Paano ba naman kasi eksena rin si lourd. Umeepal lang, si Hailey pinatawag pero siya ang nagmamadaling tumayo at lumabas ng room. Gosh! Pati lalaki umaagaw ng eksena.

"Saan pupunta si lourd?"

"Baka mali ang narinig, akala niya siya ang pinapatawag?"

"Ang layo naman ng Hailey sa Caiden no!"

"Baka emergency?"

Nagbubulungan na naman ang mga kaklase ko.

Nilapitan ko muna at hinawakan ang kamay ni Hailey. "Hailey wag kang kabahan ah, andito lang kami. Kung ano man mapag-usapan sabihin mo agad sa amin ok".

"Stop worrying about what can go wrong and get excited about what can go right" Singit bigla ni Aubrille.

"Di ba you want to change the rule, think positive Hailey. Huwag kang kabahan, andito lang kami okay." Pagpapalakas ng loob ni Aubrille.

"Thank you double A's, thank you talaga. Sige punta na ako dun." Sabay yakap niya sa aming dalawa.

"Okay, good luck! Fight for the right!" Pabaon ko sa kanya. Pagkalabas ni Hailey umusok na naman ang ilong at tainga ko sa mga naririnig ko ngayon!

"Girls sinabi ko na sa inyo, hindi tatagal si Hailey dito wahaha!" Ang lakas ng tawa ni Sofia Shin. Grrr nagsisimula na naman ang bunganga ng mga langgam na to!

"Partida wala pa dito si Queen, paano pa kung andito na siya. Baka di na yan abutin ng ilang araw pa!" Pagbibidang wika naman ng isa pang freak ant na si Yarin Pie.

"Aviana huwag mo ng patulan okay? There are some people who always seem irritated and continously look for conflict, all you gonna do is to walk away and leave them alone, the battle they are fighting isn't with you, it is with themselves."

"Korek ka diyan Aub! Well sabi nga nila the best way to kill your enemies is to SMILE. Ngingitin ko lang sila sa ngayon. Mga Bitch! Pasalamat sila andito pa si prof!"

"Class let's continue our lesson." Pagbasag ni prof sa kaingayan ng buong klase.

HAILEY'S POV

Malapit na ako sa guidance office ng makasalubong ko si Caiden.. Saan naman kaya siya nanggaling at nagmamadaling lumabas kanina.

Nakayuko siya habang naglalakad na hindi man lang tinitignan ang mga makakabangga niya sa hallway. Parang wala sa sarili. Bahala siya.

Nandito na ako ngayon sa may pinto. Ano na bang gagawin ko? Kinakabahan ako na ewan.

Kumatok ako ng mahina. "Come-in" Narinig kong sabi ng boses lalaki sa loob. Unti-unti kong binuksan ang pinto at nagulat ako ng makita siya.

"Good afternoon Sir."

"Good afternoon, have a seat." Wika niya.

"I want to discuss something Ms. Sandberg. After this I want you to go to your dean's office."

"Okay Sir."

"This is your 1st sem in Skrivena University right? So how are you? How's your stay?"

"Im fine sir." Matipid kong sagot, pinapaligoy ligoy pa niya.

"I'll go straight to the point. I want to apologize for not informing you an important rule that needs to be followed."

"The rule is about the incident happened 2 years ago." Pagkasabi niya ng 2 years ago bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi naalala ko si daddy.

"What about the incident?" Paguusisa ko.

"I will tell you a story, I hope you'll understand."

"There was a group way back that befitted so popular in Skrivena High. A group of boys with a respectable family. In college life, with so much prominence they entered Skrivena University with full force. Sabi nila complete package. No one dares to leave each other's brotherhood.

"One time there was news that shocked the whole faculty. That group became a gang or what you call gangster or what so ever. They stand as a founder of gangs in this school. That situation was in a distressing stage and under the observance of disciplinary committee.

"That time the school became so dark. Every week there was a gang fights. Troubles found everywhere. Several students got injured, some was so scared and right away they transferred to other schools. We don't know what to do. We called their parents to fix the problem. An order of suspension for months and the others were terminated. Still, the problem didn't resolve, until we left to the point that we need to block them in this school but they have many connections. And the conflict got bigger. One day a very tragic incident transpired. And the group alienated their ways. We don't know exactly the real reason of their separation." My goodness, ganun pala ang nangyari sa school na to dati. Maingat sila dahil hindi naibalita sa labas, kahit ako hindi ko nalaman sa media.

"Each group member turns into monster, the worst students in this campus. Everyday several casualties found at the octagon plaza. Our securities can't do anything. They'd even threatened and cannot defend themselves because they will surely be dejected from the most influential family in the society. The well-known group before that turns out to be the idols of everyone became rivals and the scariest. To finish that nightmare we decided to make an agreement between them. We want peace and order for the sake of the students."

"A win-win decision, we derived with the rule number 1 - all about friendship." Too much information. Yun pala ang dahilan kung bakit nagkaroon ng rule number 1. Kung related ito sa Orphic Braw at Aphotic Dread malamang sila ang tinutukoy na grupo dati. Na nagbigay lang ng malaking problema sa paaralang ito. Ang daming napahamak at nasaktan. Hindi ko lubos na maisip na aabot pa sa ganun.

"Hope you understand Ms. Sandberg. We love the school. We want to secure the safety of each student. And the only thing we knew is to have an agreement or bargaining with them to achieve peaceful atmosphere." Naiintindihan ko, ngayon alam ko na kung bakit kailangan sundin ang rule na to.

"What was the very tragic incident that cause their separation?" Alam kong may kinalaman ang incident na yun kaya naging emosyonal si prince kanina.

"It's all about a girl died 2 years ago. The details are confidential". Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko yun. May namatay? At sino kaya ang girl na yun? Kaya ba sobrang nasasaktan si Prince dahil sa pagkamatay nun? Ano kaya ang dahilan? Ang dami kong tanong pero hindi masasagot dahil confidential ang detalye.

"If you don't mind, who is the girl?" Kahit name man lang niya sana makuha ko. At ipapaimbestiga ko nalang ang pangyayari sa pagkamatay niya.

"It's confidential." Mabilis niyang sagot.

"Please, I want to know". Sana sabihin niya sa akin.

"It's a secret" Napasimangot ako. "Okay, don't tell anyone. Aaleyah Lin Finsky" Buti naman sinabi niya. Secreto pala pati pangalan. 

"So Ms. Sandberg, it's a kind reminder. You better choose from the two groups kung sino ang kakaibiganin mo. Sounds pathetic but the rule should be followed. Matalino ka at alam kong naiintindihan mo."

"For the safety of everyone, naiintindihan ko naman. Talagang may malalim na dahilan kaya nagkaroon ng ganyang kasunduan."

"Oo lahat ng nagyayari may dahilan. Again, sorry for not informing you right away."

"It's okay Sir. I will follow the rule and keep the secret." 

"That's all Ms. Sandberg. Thank you for your understanding. You may now go to your department's Dean."

"Okay, Thank you also Sir Lei."

Pagkalabas ko ng pinto nagka-untugan pa kami ni Knox. Yup, nakasandal kasi siya sa may pinto.

"Sorry princess, masakit ba? Hindi ko sinasadya." Pag-aalalang tanong ni Prince.

"Okay lang.. Hindi naman ganun kasakit. Bakit ka pala andito? Pinatawag ka rin ng guidance?"

"Sure ka ha hindi masakit?" hinawakan niya ang noo ko. Actually masakit. Ang tigas kasi ng dibdib niya. Sa ma-muscle na dibdib niya lang naman ako nauntog. May muscle pala siya hindi halata hehe.

"Oo hindi masakit, teka sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit ka andito?"

"Pinuntahan kita agad ng mabalitaan ko na pinatawag ka daw ng guidance."

"Grabe ha, ang bilis lumipad ng balita. Nakarating agad sa building niyo. Ang daming tsismosa."

"Huwag kana mainis, hindi bagay sayo. Oh ano nangyari? Okay ka lang ba? Pinarusahan ka ba? Hindi ka naman sinaktan?"

"Wag OA Knox, bakit naman nila ako sasaktan?" Ang advance mag-isip. Bakit naman mananakit ang school? 

"Tsk. Nag-aalala lang ako sayo. Anong nangyari?"

"Long story. Maya usap tayo pinapupunta pa ako sa Dean natin" Kailangan ko pang pumunta dun.

"Ano? Ano naman ang gagawin mo dun? At ano naman ang paki ng Dean dito?" Naiinis na tanong ni Knox. 

"Hindi ko rin alam. Kaya nga ako pupunta dun noh."

"Ang init ng ulo mo princess." Parang nagtatampong wika niya. Pagod lang ako Knox. Ang dami ko na namang iniisip kasi. 

"Sorry, pagod lang ako. Balik kana sa klase mo. Mali yang paglalabas labas mo sa klase."

"Ihahatid muna kita sa Dean's office. Tapos babalik na ako sa klase. Mag-uusap tayo mamaya okay? Huwag kang umuwi agad." Paniniguro niya. Actually after sa Dean's office gusto ko ng umuwi. Gusto kong magpahinga at mapag-isa.

"Opo Mr. Handsome. Tara na."

Naglakad na kaming dalawa. 

-----------------------------------

"Dito na tayo. Pwede mo na akong iwan. Baka madami ka ng mamiss sa lessons mo."

"Sige, balitaan mo ako mamaya. Pupuntahan kita sa parking."

"Salamat Knox. Bye!" Paalam ko sa kanya. Napakabuti ni Knox. Hindi ko lubos na maisip na sila ang may kagagawan kaya nagkagulo sa paaralang ito dati.

"Good afternoon Dean. Pinapatawag niyo daw po ako?"

"Good afternoon too, maupo ka iha. May kailangan ako sayo kaya kita pinatawag." 

"Sige Dean, ano po yun?"

"Next week na ang marketing event. Next month naman may gaganaping Christmas for a Good Cause. Gusto ko ikaw ang magre-represent sa BSBA group. Ibibigay ko ang buong detalye bukas. Mas maaga mas mainam. Pumapayag ka ba?".

"Opo naman Dean. Pero kabago bago ko palang. Hindi pa po ako familiar masyado sa mga programs niyo dito sa school."

"Exactly. Bago ka palang kaya ikaw ang napili ko. Gusto ko new ideas at new techniques coming from a new student. Nakakasawa na kasi ang paulit-ulit na ideas ng ibang estudyante dito."

"Hehe, sige Dean babasahin ko nalang po ang buong detalye bukas."

"Good! Thank you Ms. Sandberg. Ipanalo mo ang business department group dahil idodonate natin ang premyo sa mapipili mong charity."

"Wow gusto ko yan Dean, gustong gusto ko pong tumulong sa mga nangangailangan."

"Tama talaga ang pili ko sayo. Salamat ulit. Bukas nalang papuntahin ko sayo ang sekretarya ko. Makakabalik kana sa klase mo."

"Sige po, salamat din po sa tiwala."

"By the way. Choose the right group. Pumili ka ng kakaibiganin na malapit sa puso mo. Para hindi ka magsisi sa huli."

Tumango nalang ako kay Dean. Siguro ang sinasabi niya yung pipiliin ko between Aphotic and Orphic.

Papunta na ako sa room, pagkadating ko tanging double A's lang ang natira. Hinintay pa talaga nila ako kahit tapos na ang klase.

"Hailey, anong nangyari? Okay ka lang? Success ba?" Biglang tanong ni Aubrille.

"Maupo ka muna Hailey" Wika naman ni Aviana.

"Double A's wala namang nangyaring hindi maganda. Naging maayos ang pag-uusap namin ng guidance officer. Pero wala akong magagawa kundi sundin ang rule number 1." 

"Hala! Bakit?" "My Gosh" Sabay na reaction ng dalawa.

"May malalim na dahilan ang pinagmulan ng rule na yan. Masyadong komplikado dahil maraming naapektuhan at maaapektuhan pa kung hindi ito masusunod.'

"Sabi-sabi nga rin ng iba, may dahilan ang lahat. Pero ipinagbawal daw na pag-usapan pa." Sambit ni Aubrille.

"Paparusahan ka ba Hailey?" Tanong ulit ni Aviana. "Hindi, pinapipili nila ako kung sino sa dalawang grupo ang kakaibiganin ko." Sagot ko naman. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ikwento sa kanila ang matinding nangyari noon. Pero wag nalang, para hindi madagdagan ang iisipin nila.

"Nasabi ba sayo ang talagang dahilan?" Tanong naman ni Aubrille. "Hindi din, pinaintindi lang sa akin ang mga consequences."Pasensya na, kailangan kong magsinungaling ngayon sa inyo.

"Ganon ba, top secret talaga ang pangyayaring yun. Lalo tuloy akong naeexcite na malaman ang mga ganyang bagay." Sabi ni Aubrille.

"Pero Aub walang sekreto ang hindi nabubunyag. Malalaman din natin yan. Tiwala lang haha! Hailey talagang kailangang pumili? Obvious naman na grupo ni Prince ang pipiliin mo diba?" Napaisip ako bigla.

"By the way. Choose the right group. Pumili ka ng kakaibiganin na malapit sa puso mo. Para hindi ka magsisi sa huli."

"By the way. Choose the right group. Pumili ka ng kakaibiganin na malapit sa puso mo. Para hindi ka magsisi sa huli."

"By the way. Choose the right group. Pumili ka ng kakaibiganin na malapit sa puso mo. Para hindi ka magsisi sa huli."

Bakit parang iba ang sinasabi ng puso ko sa isip ko?

"Hoy, girl natahimik ka diyan. Huwag mong sabihing hindi si prince ang pipiliin mo kundi yung si lourd na walang ginawa kundi iwasan ka!" Inis na wika ni Aviana.

"Hailey, crush ko si lourd pero ngayon hindi ko siya ibibida kasi alam naman nating walang magandang maidudulot sayo si Caiden. Nagdadalawang isip ka ba?" Malumanay na tanong ni Aubrille.

"Double A's may lakad pala ako ngayon. Mauna na ako sainyo! Bye ingat kayo pag-uwi."

Nagmamadali na akong tumakbo papunta sa parking. Hindi ko na rin hihintayin si Knox.

May pupuntahan pa ako at ayaw ko ng may kasama..


*****

ENJOY READING!!!

Please drop down your comments, hit like and share this story.

Maraming salamat po sa pagsuporta. luv yah!

-Ms. K

Please like my Page:

KhelieLove Stories

https://www.facebook.com/khelielove

My FB accnt:

Khelielove WP

https://www.facebook.com/khelielovesyou

Makipagkulitan at mag-share ng mga opinyon at kung ano-ano pa! Join our FB Group

Skrivena University group

https://www.facebook.com/groups/650045461763267/

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 39.3K 50
HIGHEST RANK: #1 IN ACTION. A war is coming... in search of the hidden Global Treasure. The Queen will rise.... TO WELCOME THEM TO HELL. This is a...
1M 24.9K 107
The Real Me UnknowName_09 (ElleGielle) Highest rank: 01 in Mistery Nagsimula ang grupo nila Ice Queen, Numb Queen, Rock Stone Queen, Crystal Queen at...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
70K 2.1K 51
Loving a Ghost is Really Possible. Isang lalaking makakikilala ng isang babaeng babago ng buhay niya. Pero hindi lang siya basta babae. Kita ni...