The Paramount Code (The Odd O...

By ayrasheeeen

541K 28.9K 4.2K

(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their uni... More

i.
ii. The Paramount Class
iii. Admission Letter
Prologue
001. Scientia Est Potentia
002. Youngblood
003. Polar Opposites
004. A Turbulent Combination
005. The New Paramount
006. The Curse of Oddity
007. Birth of a Technopath
009. The Paramount's Purpose
010. A Strange Sonata
011. Visions in Voices
012. A Play on Words
013. To Wreak Havoc
014. Hidden, Not Lost
015. Raging Fist
016. True Strength
017. The Guardian
018. Broken Memories
019. The Troubled Mind
020. Four Pieces of One
021. Taking Over
022. The Enraged, The Mischievous, and The Paranoid
023. All For One
024. Taking the Lid Off
025. The Orphan Who Lived
026. The Odd Family
027. Sui Generis
028. Rare
029. Unfinished Business
030. The Power of the Mind
031. Cursed Whispers
032. Silent Agony
033. Odd One Out
034. The Danger Awaits
035. Hidden in Plain Sight
036. Captured
037. Lullabies
038. The Intruder
039. Pawns in the Game
040. The Strength From Within
041. Growing Suspicions
042. Silent Heartbeat
043. Different Wars, One Enemy
044. Revealing A Monster
045. Partial Truths
046. The Metahuman Factory
047. Lost Boys
048. Completing the Puzzle
049. Superior
050. The Watcher
051. Reckless
052. Uprising
053. A Price for the Truth
054. Crowded Mind
055. Instinct Over Reason
056. To Fight and Survive
057. The Way to the Truth
058. Look Back, Look Forward
059. Eerie Resemblance
060. Double-Edged Sword
061. Annoyingly Intuitive
062. Now or Never
063. Sonic
064. The Guardian and The Beast
065. Game of Survival
066. Objects of Fear
067. Betrayal
068. The Resistance Begins
069. Eight
070. Release Them All
071. War of the Peculiars
072. Chaos
Aftermath
Age of Resistance (The Odd Ones, Book 2)

008. Complex Beings

6.8K 479 68
By ayrasheeeen

Dahil hirap siyang makatulog, napagdiskitahan ni Jacob na basahin ang mga nakasulat sa kopya ng Paramount Code na ibinigay sa kanilang mga miyembro ng Paramount Class. Ilang linggo na rin ang lumipas pagkatapos niyang matanggap iyon, pero ngayon pa lamang niya susubukang basahin ang nilalaman ng booklet.

Binasa niya isa-isa ang mga rules and regulations, pati na ang mga eksplanasyon na kakabit ng bawat isa sa mga ito. Nakalagay rin doon ang pagkahaba-habang vision at goals ng Paramount Program, at ang mga taong konektado sa pagkakabuo ng proyektong iyon.

Hindi nagtagal ay narating na rin ni Jacob ang natitirang mga pahina ng booklet na hawak niya. Nakalagay doon ang mga naunang batch ng Paramount Classes magmula pa noong una itong pinasinayaan noong 2010. Sila ang ika-sampung batch, kaya hindi pa nakalagay ang mga pangalan nila sa booklet na iyon.

Dahil 2010 nagsimula ang Paramount Program, napagtanto ni Jacob na hindi pa ganoon katanda ang mga miyembro ng unang batch kaya bahagya siyang naging interesado sa mga ito. Habang iniisa-isa niya ang mga pahina, napansin niyang may mga ilang batch na kulang ng isa ang mga miyembro. Sa halip na walong estudyante, pito lamang ang mga miyembro sa mga batch na galing sa mga taong 2013, 2014, at 2016. From those three batches, the IntraID, InterID, and the LMID student are missing respectively.

Naweirduhan siya sa mga nakasulat, pero nang maalala niya na maaaring ma-expell sa program ang isang estudyante kapag may nilabag itong specific na rules ay hindi na niya ito masyadong inalala. It is possible that the three students missing from those certain batches did not follow a certain rule, which resulted to their expulsion from the program.

Pagkatapos niyang ipatong ang booklet sa bedside table niya, kinuha niya naman ang notebook na nakalagay din doon. Mag-iisang linggo na rin na pinaparesearch sa kanila ng class adviser nilang si Daniel Arevalo ang dahilan kung bakit sila naging miyembro ng Paramount Class, pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makuha kung tungkol saan ang hint na ibinigay sa kanila.

May napupuntahan na rin namang sagot ang pagreresearch niya, pero nawiweirduhan siya dahil napupunta siya sa mga topics gaya ng genetics, at theory of evolution. Dahil sa hilig niya sa mga science fiction movies, may sumaging sagot sa loob ng isipan niya. Pero umiling siya habang natatawa sa sarili, dahil alam niyang sobrang nonsense at imposible ng mga naiisip niyang sagot.

Napabuntong-hininga na lamang si Jacob, bago isinara ang notebook niya at ibinalik ito sa ibabaw ng bedside table. Pagkatapos ay sinara niya na ang ilaw sa loob ng kwarto niya, at tuluyan nang natulog.

********

Hindi maiwasan ni Vladimir na mawala sa konsentrasyon habang nasa klase siya. Kahit nasa loob siya ng computer laboratory at nasa kalagitnaan ng isang lecture, lumilipad naman ang isip niya. Ilang araw na rin ang lumipas pagkatapos ang nangyari sa loob ng kwarto niya, pero naninibago pa rin siya sa mga naganap sa sarili niya.

Kahit pa pilit niyang kinakalma ang sarili at kinokontrol ang kung anumang nangyayari sa kanya, hindi pa rin basta nawawala ang takot na nararamdaman niya. Alam ni Vladimir na merong mali sa kanya, at hindi normal ang mga nangyayari sa sarili niyang katawan at sa paligid niya. Natatakot naman siyang magsalita tungkol doon dahil hindi niya naman masisigurado kung sino ang makakatulong sa kanya.

Sa loob ng mga araw na pilit niyang ikinukubli ang mga naganap, pilit niyang inalam kung nanggaling ba talaga sa kanya iyon at kung ano ang nagtitrigger sa ganoong mga pagkakataon, pero hindi niya basta makuha ang sagot sa mga tanong niya.

Napabuntong-hininga siya at napahawak sa mouse na nasa desk niya habang nakatitig sa computer screen. Naririnig niya pa rin ang sinasabi ng teacher nila, pero hindi na iyon rumerehistro sa loob ng isipan niya. Nakatulala lamang siya sa harap ng computer habang nag-iisip nang malalim.

Dahil doon kaya hindi niya na halos napansin na nagsimula nang magbukas-sara ang mga ilaw sa loob ng computer laboratory. Napagtanto niya lamang iyon nang bigla nang mag-ingay ang mga kaklase niya dahil sa biglang pag-malfunction ng mga computers na gamit nilang lahat, pati na ang projector, ang monitor, at ang mga aircon sa loob. Napatingin siya sa paligid, at pinagmasdan ang pagpapanic ng mga kasama niya sa computer laboratory.

Napatingin siya sa kamay, bago niya dahan-dahang binitawan ang mouse ng computer. Nang gawin niya iyon, saka lamang tumigil ang pagkakagulo ng lahat dahil naging maayos na muli ang mga ilaw, ang mga computers, monitors, projector, at ang mga air conditioning unit.

"Ididismiss ko muna kayo ngayon..." ani ng teacher nila na halatang nag-aalala at natatakot pa rin, "I will get this computer lab checked by the maintenance para masigurado ang safety ng lahat. Magsesend na lang ako ng homework sa mga emails ninyo. Now, calmly vacate the room, okay? Huwag kayong magtutulakan..."

Nang makalabas na si Vladimir ng laboratory, pinagmasdan niya ang palad na nakalapat sa mouse kanina. Wala nang maliliit na mga paso doon, at tanging pamumula na lamang ang mababakas sa balat niya. Dahil sa nangyari, doon niya tuluyang nakumpirma na siya nga ang may gawa sa lahat ng nangyari, kaya agad niyang ipinasok sa bulsa ng unipormeng suot ang mga kamay niya.

Napatingin din siya sa paligid, na para bang naniniguradong walang nakakita o nakapansin sa kanya. Habang naririnig niyang pinag-uusapan ng mga kaklase ang tungkol sa nangyari, mabilis siyang umalis sa lugar na iyon at dumiretso sa loob ng kwarto niya sa Paramount Building.

Halos lumipad na siya para makabalik lang sa silid, at nang makapasok na siya loob ay ini-lock niya ang pinto. Nagdesisyon siyang huwag nang pumasok sa mga susunod niyang klase para sa araw na iyon, at agad siyang pumwesto sa harap ng computer niya para masimulan ang research.

Hindi siya basta aalis doon hangga't hindi niya naiintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya.

********

Nagpangalumbaba na lamang si Jacob habang pinagmamasdan si Sketch na nagbabasa ng libro sa harap niya. Pagkatapos ng regular classes, tumambay muna sila sa Paramount Library habang hinihintay ang pagdating ng class adviser nila para sa pagsisimula ng supplemental class para sa hapong iyon. Hindi pa nila kasama si Nico noong mga sandaling iyon dahil abala ito sa pagtitraining para sa competition nito sa katapusan, pero hahabol rin ito bago magsimula ang mismong klase.

Napabuntong-hininga si Jacob, sinilip ang binabasa ni Sketch, at sumimangot. "Hindi ka pa ba inaantok diyan sa binabasa mo?"

"Hindi..." tugon sa kanya ni Sketch na nasa aklat pa rin nakatutok ang mga mata, "Subukan mo rin kayang basahin 'yang libro sa harap mo. Huwag 'yung nakatulala ka diyan. Magtatanong na naman mamaya si Sir Daniel ng tungkol sa niresearch natin. Bahala ka kapag wala kang maisagot mamaya."

Jacob rolled his eyes and sat comfortably on his seat before placing his feet on top of the table. "Sino ba kasi 'yang Jean Baptist Lamarck na 'yan? Nakakastress."

"Jean Baptist Pierre Antoine de Monet Chevalier de Lamarck is a botanist in 1793, and a founding professor of the Musee National d'Histoire Naturelle as an expert in invertebrates," tugon sa kanya ni Sketch, "Meron siyang prinopose na theory of evolution, which, in a way, contrasts Charles Darwin's theory of natural selection. Sa tingin ko tungkol sa theory niya ang totoong hint na ibinigay ni Sir Daniel sa atin."

Pinaningkitan ni Jacob ang kaharap. "Wow ha. Hindi mo naman kailangang banggitin 'yung full name niya. Wala tuloy akong naintindihan sa mga sinabi mo maliban sa pangalan ni Sir Daniel."

Habang nag-uusap sila, pumwesto naman sa tabi ni Sketch si Leia. Dahil sa pagdating ng dalaga, napaupo nang maayos Jacob at agad na binuksan ang librong nasa harap niya para ipakitang nagreresearch din siya kahit hindi naman.

"Sa theory ni Lamarck, merong internal drive ang mga organisms to become more complex beings," bungad ni Leia na halatang seryoso sa ginagawang research, "Nagbabago ang environment na ginagalawan nila, so the organisms change in response. Nagmomodify sila, at 'yun ang namamana ng mga offsprings nila. Pero isang bahagi lang iyon ng buong theory niya, and there are still a lot of extensions to it..."

"Parang ang point niya, nagbabago ang mga organisms depende sa klase ng lugar o sitwasyon na ginagalawan nila..." Natigilan si Sketch at saglit na napaisip bago muling nagsalita, "So ano ba ang koneksyon nun sa 'tin?"

Emma took the book from him and looked at the article they were talking about. "Sa tingin ko hindi naman 'yung buong theory ni Lamarck ang kailangan natin. Since hint lang naman 'to, ibig sabihin, kailangan lang ng ilang parte ng theory na pwede nating i-analyze."

Sinang-ayunan siya ni Leia. "Tama ka... To be honest, medyo mahirap pa rin ngang makuha ang gustong i-point out ni Sir Daniel eh. In a way, Lamarck is vague hint. Kung meron pa sanang karagdagang hints, mas madali nating makukuha ang sagot."

Hindi alam ni Jacob kung paano sasali sa pagdidiskusyon nina Leia, Emma at Sketch kaya itinuon niya na lamang ang pansin sa librong nasa harap niya.

As Jacob read its contents, his eyes stopped on a certain paragraph, and he just can't help but focus his attention on it.

'Evolutionary change is a continuous and gradual process. Species that started out as simple will steadily evolve to become a more complex being, or as Lamarck termed it, 'closer to perfection'. This, which is an extension of the botanist's ideas of inheritance, has stood the test of time despite the doubts from the skeptics...'

Despite his confusion, Jacob can feel that he is finally getting the gist of it. Kung noong una ay naisip niyang walang sense ang mga ideyang pumapasok sa utak niya, ngayon ay hindi niya na iyon ipinagsawalang-bahala. Isinulat niya ang unang salita na pumasok sa isip niya matapos niyang intindihin nang mabuti ang binasang artikulo sa aklat, bago sinara ang notebook na gamit niya.

********

Bago magsimula ang supplemental class nila para sa araw na iyon, nagcheck muna ng attendance ang class adviser nilang si Daniel. Anim lamang silang naroon dahil nagpaalam si Axis na papasok ng late, habang wala naman silang kaalam-alam kung nasaan si Vladimir.

Habang hinihintay nila ang dalawa pa, hindi mapigilan ni Jacob ang sarili na pagmasdan ang class adviser nila. Tinitigan niya nang mabuti ang mukha nito at inobserbahan ang kalmado nitong ekspresyon. Pero habang tumatagal na nakapako ang mga mata niya sa lalaki, bahagyang lumabo ang paningin niya. Saglit siyang pumikit para hilutin ang ibabaw ng mga mata, pero nang imulat niya ito ay magulo na ang nakikita niya.

Jacob started seeing double, and as he looked at Daniel, he saw two different facial expressions overlapping each other. Sa ilalim ng kalmadong ekspresyon ng guro, nakikita ni Jacob ang isang ngiti sa mukha nito. The mentor seemed excited, like he was expecting something on that day.

Jacob shook his head vigorously to remove that weird image inside his head, and when he focused his eyes on the teacher, the latter was already smiling at him. Isang maliit na ngiti ang itinugon ni Jacob rito, at naisip na baka namamalikmata lamang siya dahil nakangiti naman pala talaga ang guro sa kanya.

Makalipas ang limang minuto, nakahabol si Axis na bitbit pa ang violin case nito habang pumupwesto sa upuan niya. Naghintay pa ng ilang minuto si Daniel, bago ito tuluyang tumayo mula sa kinauupuan at pumwesto sa podium sa harap ng klase.

"Kumusta naman ang pagreresearch ninyo? I am glad that you are taking this class seriously... Nakakaimpress na kahit binibigyan ko kayo ng ibang activities, you still find time to research about the hint I gave you. It's actually vague hint, dahil maliit na parte lamang iyon ng sagot sa tanong kung bakit kayo andito sa Paramount Class..." ani Daniel habang hawak ang mga cards kung saan nakalagay ang mga pangalan ng walong estudyante niya, "So... Anybody who wants to share their research? Meron na bang handang magbigay ng sagot nila?"

Sa pitong estudyanteng naroon, walang ni isa man ang sumagot. Kahit nakakapagresearch sila, halata naman na wala pa rin silang ideya kung ano ba talaga ang nais ipahiwatig ng class adviser.

Mahinang tumawa si Daniel habang tumatango-tango. "Alright then... Like I said, just take your time. Siguro naghahalo na rin ang confusion at pressure sa utak ninyo, tapos meron pa kayong regular classes... I completely understand. After all, wala pa tayong isang buwan sa program na 'to. Hindi rin magtatagal at makukuha niyo rin –"

"Alam ko na ang sagot..."

Napatingin silang lahat sa pintuan kung saan nakatayo si Vladimir na bakas sa mukha ang pagod, stress, at panghihina. Tila mas pumutla pa ito, at parang sobrang bigat ng katawan nito habang naglalakad.

"Vladimir..." nag-aalalang saad ni Daniel, "Anong nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba? Dapat hindi ka na –"

"Jean Baptiste Lamarck... Theory of evolution... Orthogenesis... Evolution to become a complex organism... To evolve towards perfection..." Napangisi si Vladimir habang umiiling-iling, "It was unclear, really. But if you add Hugo de Vries into the equation... The answer will be obvious."

Daniel looked at him intently. Jacob expected him to say something, but instead of talking, the teacher just watched and seemed to be waiting for something to happen.

Lumapit si Vladimir sa podium ng guro. "I am a member of the Paramount... Because of this..."

He takes his hand out and places it on top of Daniel's laptop. He heaved a deep breath, and all of a sudden, the lights started flickering. Nagsimula na ring magloko ang laptop ng guro, pati na ang projector na nakakonekta rito. Lahat ng naka-plug na electronic devices sa loob ng classroom gaya ng aircon, monitors, at speakers ay nagsimula nang mag-malfunction. Laking gulat rin nila nang pati ang mga sarili nilang gadgets ay nabubukas, nagba-vibrate o tumutunog na kahit hindi naman ginagalaw.

Nahihirapan nang mag-isip nang diretso si Jacob habang pinapanood ang pagloloko ng mga electronic equipment sa loob ng silid. Nang mapansin niyang malapit nang sumabog ang mga fluorescent lamps sa kisame, nagsimula na siyang mag-alala at matakot.

Pero hindi na nangyari iyon dahil tuluyan nang nanghina ang katawan ni Vladimir, at dumulas na ang kamay niya palayo sa laptop para humawak sa podium na siyang tanging sumusuporta sa katawan niya.

Vladimir looked directly into their teacher's eyes. "You chose us because we're different... Iyon ang totoo, hindi ba?"

Habang pinagmamasdan ni Jacob ang nangyayari sa harapan ng silid, doon niya napagtanto na hindi rin siya nagkamali sa naisip niya. Napatingin siya sa nakabukas niyang notebook, at tinitigan ang salitang isinulat niya.

Mutant.

Continue Reading

You'll Also Like

32.1K 1.5K 41
Dear Zeus. What happens if your hate mail goes to its recipient?
6K 190 9
" Nothing was a coincidence, everything was planned out ever since the Universe was first formed. And I would like to call meeting Jimin Park as sere...
224K 6.8K 95
Yvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon His...
7.1M 248K 50
Emerald Prescott thought that her life was just normal. Not until her 18th birthday when a group of scary men took her parents and tried to kill her...