Melting Ice Princess 3

By jaysanj

1.5M 61.3K 27.9K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 51

21.5K 678 261
By jaysanj


Rigel's POV

Wala pang alas dies ay narinig na namin ang busina sa labas ng bahay. Lumabas kaming dalawa ni Titania na dala ang maliit na bag. Hindi ko inaasahan na ang mismong bus ng Meteorite ang gagamitin namin para gumala. Hindi malaki ang bus ng Meteorite. Maliit lang ito na kasya ang twenty na tao. Konti lang naman silang miyembro ng Meteorite kaya okay lang ang ganitong sasakyan para sa team nila.

"Hello Rigel at Titania." nakangiting bati ni Sunny. Nasa unahan sya kaya sya ang unang bumati samin. Binati namin sya pati na rin ang buong team.

Umupo kami sa bakanteng pwesto. Agad naman nakipagkwentuhan samin ang Meteorite habang nasa byahe. Ngayon ko lang sila naka-bonding ng ganito, na sila lang kasama namin. Madalas kasi na kasama namin sila Zandy kaya hindi kami nakakapag-usap ng matagal. Nakakatuwa din sila at parang sila Julia din kung magkulitan.

Madaldal sina Nicole, Sunny, Veloce, at Brook pero sumasabay naman sa asaran sila Devon, Reagan, Sharmaine at Abi. Sila yung simpleng tahimik pero kapag nagsalita ang lakas mang-asar o magbiro. Pinag-uusapan nila si Lulu at Asta dahil sa nalaman namin kung ano ang kayang gawin ni Dite. Hindi namin maiwasan matawa ni Titania kapag tinatakot nila si Asta. Alam ng lahat na mas pipiliin ni Dite si Lulu kaysa kay Asta kaya sobrang nakakatawa ang itsura ni Asta.

"Rigel, sa tingin mo kapag sinaktan ni Veloce si Joella. May pakialam si Dite kay Joella?" tanong ni Sunny.

"Siguro? bago umalis ng Miracle si Dite, napalapit sya kanila Joella. Pero meron ba talaga sa kanila ni Joella?" nakikisali kong asar. Napa-ohhh ang buong Meteorite.

"Rigel ah!" sabi ni Veloce na nakatayo pa sa upuan nya. Nagtawanan kaming lahat.

"Veloce, mabahala ka kay Julia." sabi ni Abi. May hawak syang libro. Nagbabasa sya pero nakakasabay sya samin. "Bestfriend natin si Julia pero hindi natin nababasa ang takbo ng isip nya."

"Abi naman eh! Wag mo nga ako dagdagan ng problema!" sabi ni Veloce.

"Akala ko nga may something sa kanila." sabi ko. Napatingin sila sakin.

"Lagot ka Veloce!" sabi ni Nicole. Natatawa na naman kami dahil lugi-lugi ang mukha ni Veloce. Nawala ang pagiging cool nya.

"Akala ko ba napagsunduan natin na walang magtatalo sa mga nagugustuhan natin." nakasimangot na sabi ni Veloce. Nawala na talaga ang pagiging cool nya. Para syang natalo sa sugal.

"Hindi ko alam. Tanong mo kay Julia." sabi ni Brook. Lalong napasimangot si Veloce at naupo na lang. Nagsitawanan tuloy ang mga kaibigan nya.

Nagbibiro lang naman ako na may something yung dalawa. Kung ano ang pinapakita ni Julia kay Joella ay ganon din ang pinapakita nya samin. Sadyang close lang silang dalawa ni Joella kaya madalas silang magkasama. At tsaka may sinabi samin si Julia kung sino ang gusto nya. May sinabi pa nga sya na ang isang Romero ay isang beses lang kung magmahal at sobrang loyal nito. Mukha lang loko-loko si Julia pero seryoso sya sa taong nagugustuhan nya.

"Nandito na tayo!" masayang sabi ni Sylvia at nauna pang bumaba.

"Ganyan talaga ang reaction ng mga taong probinsya." sabi ni Reagan. Natawa naman kami.

"Gisingin nyo na si Dite!" sigaw ni Sunny bago bumaba.

Huh? nandito si Dite?

Tumingin ako sa likuran kung saan narinig ko si Devon na may ginigising. Napaawang ang bibig ko dahil ngayon ko lang napansin na nasa likuran pala si Dite. Nasa pinakadulo sya kaya mahirap mapansin.

"Tara na." pag-aaya ni Asta. Tumingin muna ako kay Dite bago sumunod pababa ng bus. "Nicole, okay na ba ang mga tickets?" tanong ni Asta at lumapit kay Nicole.

"Hey." tumingin ako kay Abi. Ngumiti ako sa kanya. "Kamusta naman ang Meteorite so far?" tanong nya.

"Same vibes with Miracle." sabi ko. Hinanap ko si Titania dahil nauna syang bumaba sakin. Hawak-hawak sya ni Sylvia at Sunny. "Kaso sa Meteorite madaming malalakas mang-asar. Sa Miracle kasi, si Julia lang. Si Zandy ay masyadong mabait kaya hindi ganong kalakas mang-asar tapos si Joella sumasabay lang sa asar ni Julia. Si Lee naman tahimik lang at ganon din si Kennie. Ang ibang miyembro ng Miracle ay nakikisali lang sa katyaw. Pero dahil sobrang lakas mang-asar ni Julia, nagiging masaya ang Miracle."

Natawa si Abi sa sinabi ko. "Nagmana ba naman sa isang Shiela Alonso?" parehas kaming natawa. Kilalang jolly si Tita Shiela kaya dahil don naging isa syang host sa tv show.

"Napansin ko lang na talagang ang konti ninyo. Wala ba kayong nire-recruit na bago? o walang gustong mapabilang sa team ninyo?" tanong ko. "Kung ilan kayo nung Summer Cup, ganon pa rin kayo nung Winter Cup." dagdag ko.

"Meron kaming bagong miyembro pero ayaw nyang sumama sa ganito kaya wala sya at marami din gustong sumali sa team namin." nakangiting sabi ni Abi. "Pero hindi sila nakakapasa sa pagsubok ng Meteorite."

"Pagsubok?" patanong na sabi ko. "Anong klaseng pagsubok?"

"Kaming magkakaibigan, naging miyembro kami ng Meteorite hindi dahil niyaya kami nila Sylvia, kundi gusto namin maging miyembro nila. Kaya nga din nagtampo sila Joella samin dahil hindi sa team nila kami sumali." natatawang sabi nya.

"Naalala ko nga kung paano magsungit si Joella non." sabi ko. Napakamot ng ulo si Abi.

"Bago kami naging miyembro ng Meteorite, dumaan kami sa pagsubok ni Tita Silva. Yun ay ang makuha ang bola kay Sylvia." sabi nya habang nakatingin kay Sylvia. Nasa loob na kami ng zoo. Pinapanood namin ang mga kaibigan namin na pinapanood ang isang elepante.

"Mukhang mahirap 'yon." sabi ko. Sa laban namin sa kanila, hindi namin nakuha ang bola kay Sylvia. Ang galing nyang humawak ng bola at ang bilis nyang kumilos.

"Kaya nga isa lang ang nadagdag samin." sabi nya.

"Kaya ba ganyan kayo kagaling?" tanong ko at tinignan sya.

"Siguro?" nakangiting sabi nya na hindi ako nililingon. Humble pa. "Nahirapan din naman kami sa pagkuha ng bola kay Sylvia. Inabot kami ng ilang araw bago namin iyon nakuha. Pinakamatagal samin si Nicole at Devon. Isang linggo bago nila nakuha ang bola kay Sylvia. Habang sila Veloce, limang araw."

"Sino ang pinakamabilis sa inyo?" tanong ko.

"Hmm..ako?" napataas ang kilay ko. Ang humble talaga nito. "Dalawang araw sakin bago ko nakuha ang bola kay Sylvia." Napailing ako.

"Hindi na ako magtataka kung bakit ikaw ang captain nila." sabi ko.

"Hindi rin. Binase lang nila sa apelyido kaya ako naging captain. Isa akong Walker." nakangiting sabi nya. "At hindi ko nagustuhan maging captain." at nawala ang ngiti sa labi nya. Napalitan ito na hindi paggusto sa role nya. Natawa ako ng bahagya. "Para akong nag-aalaga ng bata sa kakulitan nila. Katulad ngayon, naiintindihan ko yung kambal pero yung iba? akala mo hindi nakapunta ng zoo." napailing na nakangiti ako. Naiintindihan ko sya dahil ganon ako minsan kapag sumali na si Zandy at Kennie sa kulitan.

"Kung may ganong klaseng pagsubok sa Meteorite, mukhang hindi madaling mapabilang sa inyo." ibinalik ko ang topic sa Meteorite. Gusto ko pang may malaman sa kanila.

"Depende na lang kung hindi ka susuko. Lahat kasi na nagsubok, isang oras lang umaayaw na. Kaming magkakaibigan, hindi kami tumigil dahil gusto namin maging parte ng Meteorite kahit abutin pa ng ilang araw yan." napangiti ako.

"Isa lang ibigsabihin non, hindi sila deserve mapabilang sa team ninyo. Hindi ba't ganon klaseng tao ang kinukuha ng Dragon Empire? kaya tumagal sila sa pagiging champion." sabi ko.

"Yup. Tama ka. Ganon din ang mindset nila Tita Silva kaya ganon na lang sila kahigpit pumili ng miyembro." sabi nya. Muli kaming naglakad nung naglakad na ang mga kasamahan namin para pumunta sa ibang alagang hayop dito sa zoo.

"Yung bago ninyong miyembro, ilang araw ang itinagal nya?" tanong ko.

"Wala pang isang minuto." gulat na tumingin ako kay Abi. Mukhang hindi nagbibiro si Abi. "Mabilis din kumilos ang bago naming miyembro. Sabihin na lang natin na kasing galing nya si Sylvia." hindi pa nga namin naipapalabas si Asta, may isa pang kasing galing nila. Hindi talaga madaling talunin ang Meteorite.

"Bakit ba nasa Meteorite kayong lahat?" problemadong sabi ko na ikinatawa nya. "Isa din bang anak na basketball player ang bago ninyong miyembro? I mean, kilala natin?"

"Hindi. Anak sya na isang magsasaka sa probinsya pero naglaro sya sa ibang bansa. Kaya ganon na lang sya kagaling." sabi nya. "Makikilala ninyo sya sa team building sa December. Required ang buong miyembro ng team na sumama sa team building na 'yon kaya wala syang kawala kahit na bago lang sya." natatawang sabi nya. "Speaking of team building, kasama ang buo mong pamilya sa team building?" tanong nya.

"Oo. Ikaw ba?" tanong ko din. Sa team building na gaganapin sa December, kasama ang pamilya ng bawat miyembro ng team para kahit papaano kasama pa rin ang buong pamilya mag-celebrate ng pasko at bagong taon. Paniguradong madami kami dahil bukod sa apat na team, kasama din ang iba pang kaibigan nila coach Zoe.

Private plane ni coach Ella ang gagamitin at resort naman nila coach Avey ang pupuntahan namin. Naka-reserve na ang buong resort sa amin sa sobrang dami namin. Ang maganda din don ay libre lahat kaya nga maraming natuwa sa magaganap na team building. Miski ang pamilya ko natuwa dahil makakapagbakasyon sila ng libre.

"Yup. Excited na nga ako sa team building natin dahil sama-sama tayong lahat don. Imagine, sobrang laki ng pamilya natin?" bakas sa mukha ni Abi ang saya. Miski ako excited dahil bukod sa pamilya ko, makakasama ko din sila sa pasko at bagong taon.

"Hoy! bakit kayo nandito? sumama nga kayo samin!" biglang sulpot ni Sylvia sa harapan namin.

"Bakit? selos ka?" nakangising sabi ni Abi at inakbayan ako.

"Nagseselos ako pero may mas magseselos sakin. Sige ka, ikaw rin." panakot ni Sylvia. Agad din naman inalis ni Abi ang pagkaakbay sakin. Napairap ako sa pinag-uusapan ng dalawang ito.

"Ngayon lang ako natakot ng ganito. Ako na isang Walker?" iling na sabi ni Abi. Natawa naman si Sylvia.

"Don't worry, I feel you lalo na nung nalaman kong may gusto sya kay Rigel. Mabuti na lang talaga at sumuko na ako. Wala akong laban sa kanya eh." sabi ni Sylvia. Kung mag-usap sila akala mo wala ako sa harapan nila.

"Sus, kahit hindi mo nalaman, hindi ka pipiliin ni Rigel. Right, Rigel?" tanong sakin ni Abi. Tumingin ako kay Sylvia. Nakangiti sya sakin pero hindi yung katulad na ngiti na binibigay sya sakin noon.

"Hindi ko alam. Parehas ko silang gusto kaya nga wala pa rin akong pinipili sa kanila." sabi ko. Totoo 'yon. Hindi ko sinasabi ito para hindi masaktan si Sylvia.

"Akala mo lang 'yon pero alam ko na kung sino ang pipiliin mo. Don't worry, bigo man ako sayo, hindi ako magbabago." sabi ni Sylvia at ginulo ang buhok ko. Inis na tinapik ko ang kamay nya. Natawa sya sakin.

"Bwisit ka." sabi ko.

"Oh well." sabi nya at nag-flip pa ng buhok nyang naka-ponytail. "Pero seryoso, para kayong hindi nag-eenjoy at nakabantay lang kayo samin. Para naman kaming bata."

"Hindi pa ba?" sabay na sabi namin ni Abi. Napasimangot samin si Sylvia. Napangiti na lang kami ni Abi sa inaasta ni Sylvia.

"Pero may mas malala pa nga sa inyo." sabi ni Sylvia at tumingin sa isang direction. Tinignan naman namin ni Abi ang tinitignan nya. Nakita namin si Dite na nakatayo sa gitna habang nakatanaw kanila Asta. Humikab pa ito.

"Kung hindi lang bored ang pinapakita nya. Iisipin ko na may inii-stalk sya." sabi ni Abi. "All black yung outfit nya tapos nakasumbrero pa."

"Parehas tayo ng iniisip." sabi ko. Katulad ng sabi ni Abi, naka-all black si Dite, mula sa sapatos hanggang sumbrero. Mabuti nga hindi nya naisipan mag-sun glasses o mag-face mask kundi pagkakamalan na sya.

Napatingin samin si Dite. Kumaway si Sylvia sa kanya at nag-sign pa na lumapit samin. Akala namin hindi sya lalapit pero naglakad sya palapit samin.

"Uwi na tayo." napahawak ako sa sentido ko dahil sa sinabi nya. Wala pang kalhating oras simula nung dumating kami dito nag-aaya na syang umuwi? Napaka-kj talaga nito.

"Wag kang kj, Dite. Minsan lang ito." sabi ni Abi.

"Kaya nga. Hindi ba babawi ka pa samin ni Asta?" sabi ni Sylvia. "Wag ka kasing lumayo samin para hindi ka ma-bored. Kayo din dalawa." turo nya samin ni Abi. "Tara na sa kanila." hinila nya si Dite papunta kanila Asta. Wala na kaming nagawa pa ni Abi kundi sumunod sa kanila.

Hindi na binitawan ni Sylvia si Dite. Nakisama na din sa kanila si Asta. Si Titania ay kasama na nila Sunny. Hinayaan ko na sa kanila si Titania dahil mukhang nag-eenjoy sya kasama sila Sunny. Habang ako ay kasama si Abi at Reagan. Kaming tatlo ang nahuhuling maglakad sa kanila.

"Guys picture tayong lahat!" sigaw ni Sylvia.

"Dito tayo! para kasama natin mga kalahi ni Sylvia!" sabi ni Veloce. Tumabi sila sa mga unggoy na nakakulong. Nagsitawanan kaming lahat pwera lang sa tatlong hindi natuwa.

Luminya kami sa harap ng unggoy. Nakisuyo si Sylvia sa mga taong nasa paligid para picture-an kaming lahat. Dalawang shot lang ginawa namin dahil baka makaabala pa kami sa taong nag-picture samin.

Nalibot na namin ang buong zoo at naisipan na namin kumain muna bago pumunta sa amusement park. Sa isang korean restaurant nila napiling kumain. Nagtagal kami ng dalawang oras sa restaurant. Ang tatagal din nila kumain dahil nauna pa ang daldalan kaysa kumain. Parang hindi sila nauubusan ng pag-uusapan kahit kanina pa sila nag-uusapan.

Mag-aalas cuatro na kami nakarating sa amusement park. Meron pang mga dumadating kahit ganitong oras na. Hanggang alas dose naman ng madaling araw ang sarado ng amusement park na pinuntahan namin dahil panggabi talaga itong pinuntahan namin. Pagkapasok namin sa loob, sabay-sabay silang mga nag-aya sa una naming sasakyan kaya hindi makapagdesisyon kung ano ang uunahin.

"Roller coaster." hanggang sa nagsalita si Dite. Nakatingin kaming lahat sa kanya. "Sylvia, Asta." medyo nakaangat ang gilid ng labi ni Dite.

"Ang aga!" sabi ni Sylvia.

"Hapon na." pangbabara ni Dite. Napasimangot si Sylvia.

"Kakatapos lang natin kumain. Yung hindi muna extreme ang gawin natin." sabi ni Asta. "Mamaya na yan." nakitbit-balikat lang itong si Dite.

Triny namin yung hindi magbabaligtad ang sikmura namin pagkatapos non ay naglibot libot kami hanggang sa may matipunan sakyan. Nung madalim na, pumasok kami sa horror house. Marami kaming kasabay na pumasok at sa entrance pa lang nagsisitilian na sila. Hindi ko nga alam kung matatakot ako o matatawa dahil sila Veloce ay nagtutulakan sa unahan.

"Let's go!" matapang na sabi ni Sylvia at sya na mismo ang naunang pumasok. Susunod na sana kami sa kanya nung bigla syang tumili din pero palayo yung boses nya.

"Feeling ko tumakbo sya." sabi ni Abi.

"Ma'am pasok na po kayo." nakangiting sabi ng babaeng nasa entrance.

"Mauna ka Abi! Captain ka eh!" tulak ni Brook kay Abi sa unahan. Napamura si Abi pero tinulak tulak sya nila Sunny. Narinig din namin tumili si Abi na palayo.

"Miss, ano meron sa bungad nito? bakit nagtatakbo agad sila?" tanong ni Nicole.

"Wala po." nakangiting sabi ng babae. Halatang nag-eenjoy pagtripan kami.

"Pumasok na kayo. Nagrereklamo na yung nasa likuran." sabi ni Asta na nasa likuran.

"Ikaw kaya mauna?" sabi ni Veloce.

"Neknek mo." sabi ni Asta. Gusto kong matawa dahil mukhang takot din sya.

"Dite, mauna ka." sabi ni Reagan.

Walang sagot si Dite na naunang naglakad papasok. Kumapit sila Sunny kay Dite nung sundan nila ito. Wala na rin kaming nagawa kundi sumunod sa kanila. Kapit-kapit ako kay Titania dahil baka kung saan sya magpunta.

Pagpasok namin sa loob ay nalaman namin kung bakit nagsisitakbuhan agad sila Sylvia. May nahuhulog na katawang puro dugo mula sa itaas at nakakatakot ang mukha. Halos mapatakbo at naitulak ko si Devon na nasa harapan namin nung may nahulog sa gilid ko. Kapit-kapit kaming lahat at sabay-sabay din kaming nagsisitilian kapag may nakakatakot na mukhang lumilitaw. Sigurado akong naitutulak na nila Sunny si Dite para bilisan ang paglalakad.

Nung malapit na kami sa exit, bigla na lang sumigaw si Asta sa likuran na bilisan ang pagtakbo dahil may sumusunod daw sa likuran namin. Nauna nga sya samin. Nung tignan namin ang likuran namin, nasa likod na namin ang tinutukoy ni Asta na walang ulo. Nagtutulakan tuloy kaming tumakbo.

Nakahinga lang kami ng maluwag nung nakalabas kami ng horror house. Hingal at medyo paos kami sa kakasigaw sa loob. Hinanap namin yung dalawang nauna. Nakaupo sila sa bench katapat ng horror house. Nilapitan namin sila.

"Buti na pa kayo sama-sama. Paano naman kami ni Abi?" sabi ni Sylvia. "Halos maihi na ako sa takot." Natawa sila Sunny.

"Saan naman tayo?" tanong ni Sharmaine. "Ice land?" suggest nya sa huli.

"Tara! para naman mahimasmasan tayo sa horror house." sabi ni Sylvia at tumayo sa pagkaupo.

"Mauna na kayo. Bili lang ako ng tubig. Nauhaw ako." paalam ko sa kanila.

"Dite, samahan mo si Rigel." sabi ni Asta. Tinignan ko sya na nagtatanong. Ngumiti sya saglit sakin. "Sunod na lang kayo." sabi nya tapos niyaya nya na sila Sylvia na pumunta sa Ice land. Naiwan na lang kami ni Dite.

Nananadya ata sila. Hindi ko na lang sila pinansin at nagtungo sa isang stall.

"Kuya, tubig nga po. Isa lang." sabi ko at kinuha ang wallet ko sa bulsa.

"At isang sprite." boses ni Dite. Nilingon ko sya. Saktong tumingin din sya sakin. Inirapan ko sya at dinagdagan ang pera pangbayad.

Kinuha ko ang tubig at sprite na binigay ni kuya pagkabayad ko. Ibinigay ko kay Dite ang sprite nya. Wala man lang akong pasasalamat na natanggap sa kanya. Napakakapal talaga ng mukha.

Naglakad kami papunta sa Ice land pero bigla na lang tumigil sa paglalakad si Dite at umiba ng direction. Sinundan ko lang sya ng tingin dahil iniisip ko na baka ayaw nyang pumunta sa Ice land pero tumigil sya isang stall ng cotton candy. Tumingin sya sakin.

"Bayaran mo." napanganga ako saglit bago sya samaan ng tingin. Ang kapal talaga ng mukha!

Lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng pera. Hindi pa rin sya nagpasalamat sakin. Inirapan ko na lang sya at naunang naglakad papunta sa Ice land baka mamaya ay naisipan na naman nyang bumili ng pagkain at ako magbayad.

Napatingin ako kay Dite na nakahabol sakin. Sinabayan nya ako sa paglalakad habang kumakain sya ng cotton candy. Tumingin sya sakin. Inirapan ko sya dahil sa inis na hindi nagpapasalamat.

Hindi na kami pumasok sa Ice land dahil palabas na daw sila. Hinintay na lang namin sila sa exit. Paubos nya na yung cotton candy nung makita namin silang lumabas ng Ice land.

"Sa roller coaster na tayo!" pag-aaya ni Sunny. Pumayag ang lahat kaya naman pumunta na kami sa roller coaster. May pila kaya naghintay pa kami.

Habang naghihintay, inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napadako ang tignin ko sa likuran namin. Si Sylvia at Dite. Nakayakap si Sylvia kay Dite habang nakasubsob ang mukha sa leeg ni Dite habang ang isang kamay ni Dite ay hinahaplos ang buhok ni Sylvia.

Hindi ko inaasahan na makikita ko silang ganito. Madalas ko lang makita na kayakap ni Dite ay si Lulu at Tyrant kaya medyo nakakagulat na nakayakap din si Sylvia sa kanya.

"Nagulat ka ba?" napatingin ako kay Asta. Nilingon nya ang dalawa. "Hindi sila ganyan madalas pero kapag nagtatampo si Sylvia kay Dite, ganyan ang makikita mo." tumingin sakin si Asta. "Hindi kami matiis ni Dite kahit na hindi nya kasalanan. Makita nya lang kaming nahihirapan, nilalambing nya kami sa alam nyang paraan."

"Akala ko pinapabayaan kayo ni Dite." ngumiti ako ng konti.

"Minsan." parehas kaming napangiti. "Pero hindi rin kami matitiis ni Dite. Katulad ngayon, alam natin na may gusto sayo si Dite at ganon din si Sylvia. Nung nalaman ni Dite na alam na namin na may gusto sya sayo, bigla syang sumama sa gala ngayon. Hindi dahil kasama ka, hindi namin sinabi na kasama kayo ni Titania, kundi dahil gusto nyang bumawi kay Sylvia."

Muli akong tumingin sa dalawa. Hindi mo talaga mababasa kung ano ang tumatakbo sa utak ni Dite. May mga bagay talaga na nakakagulat sa kanya na hindi mo inaasahan 



Zaparta's POV

"Sora!" muling sigaw ni Mama Alicia sa pang-apat na tawag. Kanina nya pa sinisigaw ang pangalan ni Sora sa sobrang tagal kasi nitong magbihis. Inayos na lahat-lahat ni Mama Alicia ang gamit nya pero matagal pa rin kumilos itong si Sora.

"Ito na!" at nakailang ulit na rin syang sinasabi yan. Napapailing na lang ako sa dalawang ito.

Nandito kami ngayon sa bahay na pinagawa ni Mama Alicia. Nung December 1 pa kami nakalipat dito pero minsan ay umuuwi pa rin ako sa bahay nila Mama. Malaki ang pinagawa ni Mama Alicia at malawak pa. May sarili din kaming basketball court pero hindi whole court, half lang. May pool din sa tabi ng court. May limang room na pinagawa si Mama Alicia para daw kung sakaling may gustong mag-stay.

Simula nung gawa na yung bahay, sumama samin si Sora na dito matulog. Umuuwi lang sya sa kanila tuwing weekends at nakikipag-bonding sa pamilya nya minsan sa weekdays pero dito sya umuuwi. Girlfriend na sya ni Mama Alicia nung nakabalik sya ng pilipinas last month. Hindi ko na pinatagal pa ang pagsuyo nya sakin dahil tanggap ko na din naman bago pa sya makabalik. May mga paalala lang ako sa kanya na wag nyang sasaktan si Mama Alicia kundi hindi na sya makakabalik pa ng pilipinas.

Maganda ang set up namin ni Sora. Kung dati nung dumalaw kami sa Queer, hindi kami ganong ka-close pero ngayon, halos magkatropa na kami. Syempre, hindi ako pumayag na ituring nya akong anak dahil hindi nalalayo ang agwat ng edad namin kahit maging asawa pa sya ni Mama Alicia. Nakilala ko ng husto si Sora at naintindihan ko si Stace kung bakit ganon na lang ang takot nya kay Sora. Strict talaga itong si Sora lalo na pagdating sa basketball. Nung nag-umpisa ang training ko sa kanya, katakot takot din ang naramdaman ko dahil sa mga pinapagawa nyang mahihirapan. Para syang si coach Avey na ang daming pakulo sa training. Kaya bumagay sa kanya ang pagiging captain noon. Isa syang halimaw.

Minsan nga hindi mo maiisip na ang layo ng agwat ng edad nila ni Mama Alicia dahil mas mature mag-isip si Sora pero dahil din na batang tignan si Mama Alicia kaya hindi ganon kapansin ang edad sa kanila. Kapag sumama na ako sa picture, doon mo lang maiisip na ang tanda ni Mama Alicia para kay Sora. Pero hindi nila 'yon pinapansin lalo na nung nalaman na ng buong fans ni Sora na sila ni Mama Alicia. Walang kahit anong komento si Sora sa mga nagba-bash kay Mama Alicia at hindi nya ito pinapatulan.

Isang bagay na nakakatuwa kay Sora ay hindi nya pinapansin ang mga sinasabi ng ibang tao sa relasyon nila ni Mama Alicia. Kahit sa interview sa kanya sa isang sport show hindi nya ito sinasagot. Minsan nga tinanong sya ni Mama Alicia tungkol don dahil maraming fans na hindi na sya sinusuportahan pero sinagot lang ni Sora sa kanya na wala daw syang paki kung hindi na sya suportahan ng mga tao, ang mahalaga daw sa kanya ay si Mama Alicia daw. Natawa pa nga ako dahil nagyabang pa sya sa dulo na sinabi nya na hindi nawala ang pagiging best player nya sa pagkawala ng mga fans nya.

"Ang bagal mo." sabi ni Mama Alicia kay Sora na bumababa ng hagdan.

"Hindi naman aalis ang eroplano nang wala tayo." sabi ni Sora.

"Ayokong malate tayo." sabi ni Mama Alicia at lumapit kay Sora para ayusin ang kwelyo ng white polo shirt ni Sora. "Tara na." kinuha namin ang mga gamit namin at lumabas ng bahay. Ni-lock muna ni Mama Alicia ang bahay bago kami naglakad papunta sa bahay nila Ate Zoe.

Ngayong araw ay December 24, ngayon din ang araw na magbabakasyon kami sa Boracay kasama ang buong pamilya ng apat na team. May mga kaibigan din na sasama sa team building namin. Hanggang January 2 kami doon kaya madami dami din kaming dalang gamit.

Ayoko man sumama sa team building na 'to pero required ang bawat players na sumama kaya no choice akong sumama ngayon. Ngayon ko lang ulit makikita ang mga kaibigan ko simula nung team dinner last Winter Cup. Talagang hindi ako nagparamdam sa kanila kahit tadtarin nila ako ng message. Nakipag-bonding ako kay Mama Alicia at nag-training kay Sora sa dalawang buwan kong hindi pagkikita sa kanila. Masaya at payapa ang naging bakasyon kong 'yon dahil wala akong naririnig tungkol sa kanila. Sigurado kasing imbis na tulungan ko ang sarili ko sa paghusay sa paglalaro, iniisip ko ang relasyon nila Kriza at Eloi. Kalat na kalat sa buong pilipinas ang relasyon nilang dalawa kaya nakaka-stress kapag nakakarinig ako ng balita sa kanila.

Pero ngayon, isang linggo ko sila makikita at makakasama. Iniisip ko pa lang tila gusto ko ng bumalik sa bahay.

"Mama!" masayang bati ko kay Mama na nasa loob ng van na gagamitin namin papunta sa airport. Kasama ang buong pamilyang Reyes sa team building na 'to.

"Goodmorning, anak." hinawakan ni Mama ang mukha ko at kinurot. Nakangiti lang ako sa kanya. "Wait lang natin Ate mo. Kakagising nya lang kanina."

"Kitams? hindi dahil sakin kaya tayo malalate." sabi ni Sora sa likuran ko. Natawa si Mama sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na, mukhang naka-score pa kagabi kaya late na nagising." sabi ni Mama. Napailing naman ako.

"Sila Papa?" tanong ko kay Mama. Mga bata lang kasama ni Mama sa van.

"Nasa bahay pa nanonood ng tv." sagot ni Mama. Ayaw lang nila maghintay dito.

Iniligay na nila Mama Alicia ang gamit namin sa likod ng van. Pumasok na din silang dalawa pagkatapos. Sa dulo sila puwesto.

Pumasok na muna ako sa loob ng bahay ni Ate Zoe. Nakita ko ang dalawang pamangkin ko na pinapanood ang isang news. Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni Zandy.

"Tamang tama dating mo Tita Zap." nakakunot ang noo ko sa sinabi ni Zandy. "Panoorin nyo lang yung news." hindi na ako nagtanong sa kanya dahil narinig ko ang pangalan ni Dite sa tv.

Nanlaki ang mata ko na nasa tv ang ilang litrato ni Dite. Hindi lang basta picture na kinuha ang nasa tv. Para syang model na nakasuot na ilang magagandang damit. Pinakita din sa tv kung paano kinuha ang mga picture ni Dite. Talagang minomodelo ni Dite ang isang brand ng damit. Lahat ng kuha nya ay wala syang pinakitang emosyon.

"Kailan ka pa naging model, Dite?" tanong ko.

"Kinuha lang nila ako para mag-endors." sagot ni Dite.

"Hindi, Tita. Isa ng model itong si Dite lalo na sa CSports. Ito nga oh, nasa unahan sya ng magazine nila." sabi ni Zandy at ibigay sakin ang magazine ng CSports. Nasa bungad nga si Dite. Nakasuot sya ng soccer jersey habang hawak nya ang soccer ball.

Binuklat ko ang magazine. Maraming kuha si Dite sa magazine, para syang yung topic sa magazine na 'to pero hindi lang naman tungkol sa soccer ang laman ng magazine. Nandito din ang ilan na sikat na sports dito sa pilipinas lalo na ang basketball. May picture nga dito ang Meteorite lalo na si Sylvia.

"May iba ka pa bang magazine ng CSports?" tanong ko.

"Meron." tumayo si Zandy at pumunta sa bookshelf dito sa sala nila Dite. May kinuha syang tatlong magazine.

Kada season ang labas ng magazine ng CSports. Yung last magazine nila ay si Eloi ang nasa bungad. Yung last year na dalawa ay si Stace at isang volleyball player. Hindi ko na tignan pa ang laman ng tatlong magazine. Tumayo ako at tinignan ang ibang magazine. Nakita ko ang magazine ng taon bago kami pumasok ng camp. Si Blythe ang bungad ng magazine nila. Totoo nga yung sinasabi ni Marceline na isang model itong si Blythe.

"Tara na." napatingin ako kay Ate Zoe na bumababa ng hagdan kasama si Ate Alexa.

"May grand entrance na naman ang pamilyang Reyes mamaya." sabi ko. Natawa naman si Ate Zoe sakin.

"VIP tayo." napailing ako kay Ate Zoe.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay ng van. Mahigit isang oras din ang byahe namin bago kami nakarating ng airport. Nagtungo kami kung saan ang eroplanong gagamitin namin. Halos nandon na ang lahat nung dumating kami. Hindi pa rin sila pumapasok sa loob ng eroplano.

Nailang ako nung may sumigaw na dumating na ang Reyes Family. Nakakahiya dahil lahat sa amin nakatingin.

"Zap!" napangiwi ako sa sigaw ng Dragon Empire. Kumakaway pa sila sakin. Pambihira, lalo kaming pinagtitinginan eh.

"Sikat huh?" tumingin ako sa umakbay sakin. Si Sora.

"Namiss lang nila ako." sabi ko. Ngumisi lang sakin si Sora at tinapik ang balikat ko bago sumunod kay Mama Alicia na lumapit kanila Mama Japan.

Lumapit naman ako sa Dragon Empire pero bago pa ako makalapit sa kanila ay may nakita akong pamilyar na mukha sa grupo ng Meteorite. Napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya. Tila alam nyang may nakatingin sa kanya kaya napadako ang tingin nya sa gawi ko. Itinikom ko ang bibig ko. 

"Bakit hindi ka lumapit at makipagkamusta?" pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran ko kaya agad akong napalingon.

"Drew?!" sigaw ko sa gulat. Hindi ko inaasahan na makikita ko sya dito. Hindi ko sya nakita nung bumisita kami sa Mušḫuššu Empire kaya inakala ko na bumalik na sya ng Manila pero nung natapos na yung Winter Cup, ngayon ko lang sya nakita.

"Astris." napakunot ang noo ko. "Ayaw nila Mommy na tinatawag akong Drew dahil malayo sa pangalan ko kaya Astris na ang itawag mo sakin."

"Okay?" medyo nahimasmasan kong sabi. "Nasa Shakers ka na?"

"Yup." simpleng sagot nya.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" tanong ko.

"Trip ko." isang tanong at isang sagot talaga ang taong ito. "Tara, puntahan natin yung isa." sabi nya at hinila ako papunta sa Meteorite.

Medyo nagtataka sila Abi nung lumapit kaming dalawa ni Astris sa kanila lalo na nung tumigil kami sa tapat ng mukhang bagong miyembro nila.

"Blysse." sambit ko sa pangalan nya. Nakapikit pa rin ang kaliwang mata nya.

Sa Meteorite pa talaga sya sumali ng team.




-------------------------------



Continue Reading

You'll Also Like

3M 44.6K 67
"You want daddy to f*ck you, hard and rough then reward you with his c*m, is that it, little slut?!" "Yes, Daddy" * MONALISA I thought I had a probl...
313 78 10
A book club that promotes discussion of stories, works and themes surrounded by professional atmosphere. members of this club are free to decide on w...
Alive By ShrazyMe

Fanfiction

2.1K 90 6
Welcome to the Rockstars series.
683K 53.5K 110
The story revols around three friends. Manik, nandini and Aditya. Nandini and Aditya are siblings.Due to certain mishaps nandini has to move away to...