The Secret Agent (COMPLETED)

Bởi JayceeLMejica

408K 11.9K 2.9K

The Dela Fuente Brothers Book 4: Ahron Dela Fuente Ahron Dela Fuente is the most dangerous man among the Del... Xem Thêm

Season 1: Prologue
The Secret Agent: 1
The Secret Agent: 2
The Secret Agent: 3
The Secret Agent: 4
The Secret Agent: 5
The Secret Agent: 6
The Secret Agent: 7
The Secret Agent: 8
The Secret Agent: 9
The Secret Agent: 10
The Secret Agent: 11
The Secret Agent: 12
The Secret Agent: End Game
Season 2: Prologue
The Secret Agent: 1
The Secret Agent: 2
The Secret Agent: 3
The Secret Agent: 4
The Secret Agent: 5
The Secret Agent: 6
The Secret Agent: 7
The Secret Agent: 8
The Secret Agent: One Sweet Day
The Secret Agent: Finale
NEW STORY - The Other Side (Prologue)

The Secret Agent: 10

6.1K 227 23
Bởi JayceeLMejica

N/N: 


Thank you silent readers and my ever so faithful readers for staying with me for the past 2 years.  Nagsimula sa isang writer's block hanggang sa hindi ko na natuloy, sayang nasa peak pa naman ang TDFB at that time dahil kakatapos ko lang kay Howard.  Hahahaha!  Pero let's see baka may maisulat pa ako next year (jusko tama na muna sa series hahaha) magse-settle muna ako sa mga short novels ulit.  


Dedicated ang chapter na ito kay user07349656 na laging nage-expect ng update sa story na 'to.  Hahahahahaha.  Shoutout din sa mga reader na wala dito sa Pilipinas at magce-celebrate ng New Year na wala ang mga kapamilya nila.  Hoping na this story will accompany you habang nanonood ka ng fireworks.   Ahron on multimedia! 


The Secret Agent: 10


"There's nothing that I wouldn't do to make you feel my love."


Mata sa mata ang pagtitinginan ni Manuel Del Fiero at Ahron Dela Fuente habang nagsisimula na ang sagupaan. Parehas silang hindi mapakali dahil ngayon malalaman kung sino ang magwawagi sa kanilang dalawa.


Sunod-sunod rin ang dating mga hindi pa nababayarang galamay ni Manuel Del Fiero na siyang ikinatuwa niya. Saloob-loob nito, "Mga ugok! Sa tingin niyo ba mababayaran pa kayo kung mamamatay kayo ngayon?". Ngayong nakahandusay na si Roy hindi rin maiwasan ni Manuel na matakot.


AHRON:


Hindi ko na alam kung sino ang uunahin ko. Simula noong dumungaw si Manuel Del Fiero sa bintana ay lalong dumami ang mga kalaban.


"Ahron, kailangan natin ng back-up. Lalamunin na tayo ng mga gagong 'to." Hingal na suhestiyon ni Rivera.


"Retreat." Utos ko at tsaka umatras ang mga kasama ko pabalik sa van. Mabuti na lang at hindi pa rin nagigising si Magnus. Siya na lang ang pag-asa para matigil 'to.


Lumapit ang isa sa akin at aambahan ako ng suntok. Pinigil ko ito bago ako nito tamaan at tsaka tumingin sa mga mata nito, "Bakit kayo nandito? Kilala niyo ba kung para kanino kayo lumalaban?" Kagat labi kong tanong dito.


"Wala kang pakiaalam, gago!" Bumalikwas ito sa pagpigil ko at tsaka aambahan ulit ako ng sapak. Umilag ako rito at tsaka ako bwumelta.


Umimpit ito sa lakas ng pagkakasuntok ko at napaupo. Babanatan ko pa sana ng bigla nitong hinarang ang kamay niya, "Tama na po! Kaya lang po ako pumunta dito sabi nila may pera daw na matatanggap" tumingin ito sa mga mata ko, "'Wag niyo po akong sasaktan kailangan pa po ako ng pamilya ko." Dagdag pa nito.


Tumango ako at hinugot ang baril na nasa likod ng sinturera ko. Umatras ito sa akin ng itapat ko sa kanya ang baril pero nakita niya na itinaas ko ito at pinaputok. Tumingin sa akin ang mga kakarating lang na back-up mula sa DOS at ang mga tauhan ni Del Fiero.


"I am Ahron Dela Fuente, ako ang head ng isa sa pinakakilalang secret agent sa Pilipinas. Lahat ng mga pinatawag dito at sinabing magbabantay ay mananagot sa batas. Pagbilang kong tatlo aalis kayo rito o itutuloy natin 'to." Malakas kong sigaw at unti-unting umatras ang iilan sa mga kinuha ni Manuel na magbabantay sa kanya.


"ISA"


Mayroon ng mga umaalis at nagtatakbuhan. Mga sampung tao na ang nawala at base sa nakikita ko mga bente pa ang natitira. Pinaputok ko muli ang baril paitaas at nakita ko ang pag-atras ng mga ito.


"DALAWA"


Ilan pa ang umalis pero matitigas ang karamihan sa kanila kay tintukan ko na ito ng baril.


"TATLO"


Tumango ako sa back-up namin at pumunta na ito sa harap ko. Lumapit ang mga natira at nagsimula ng bumanat.


Hanggang sa hindi ko nakita at may nakatama sa braso ko, "Fuck". Napaluhod ako sa sakit bago ko tinignan kung sino ang sumiko dito. Tumayo ako agad at inambahan ito ng suntok.


"Gago ka Dela Fuente! Ikaw ang rason kung bakit nakulong ang kapatid ko." Ani nito na ikinagulat ko.


Susuntukin sana nito ang tiyan ko pero napigilan ko, "Walang hindi nananagot sa batas, tatandaan mo 'yan". Sagot ko rito sabay sipa ko sa tiyan nito. Kinuha ko ulit ang baril at pinaputukan ito sa hita.


Hinila ng ilang mga agent ang mga nakahandusay na katawan na napuruhan sa bugbog sa isang tabi at pinosasan ito. Puta, sa wakas at napunta rin sa plano kong gawin.



"Ubos na sila, Manuel! Ikaw na lang ang hinihintay 'ko." Sigaw ko sa tapat ng bintana kung saan ko siya nakita kanina.


Tumalikod ako rito at pumunta sa kung saan naroon sina Rivera, "Ilabas niyo si Magnus. Tulog pa rin naman siya 'no?" Tanong ko.


"Yes, Head Agent."


Tumango ako rito at tsaka ito lumakad papunta sa van kung nasaan ito, nakita ko na nakapaligid na rin ang ibang miyembro ng DOS sa bahay kung nasaan si Manuel. They are trained well!


Pumunta na sina Rivera at Custodio sa van at isinampa nila sa magkabilang braso si Magnus. Naglakad ulit ako papalapit sa bahay at pinasunod ang dalawa sa akin.


"Manuel Del Fiero! Nakikita mo ba kung sino ang nasa likod ko? Hawak ko si Magnus at kapag hindi ka lumabas diyan ito na ang huling araw na buhay 'tong anak mo." Seryoso kong sigaw sabay paputok sa bahay kung nasaan ang kalaban.


Bumukas ang maliit na pintuan at iniluwa nito ang katawan ni Manuel Del Fiero. Sobrang laki ng pinagbago nito mula noong huli ko itong makita. Nakatapat ang baril na hawak nito sa akin at napangisi ito ng makita ang nakapaligid na DOS sa bahay.


"Do you think I'll die without defending myself and my family?" Wika nito habang naglalakad papalapit sa akin.


Nakatapat din dito ang baril na hawak ko. Sa totoo lang ngayon ako kinakabahan, hindi pwedeng ako ang mamatay sa engkwentro na 'to. Paano si Nikko? Paano ang mga kapatid ko?


"You shouldn't be afraid, Ahron." Rinig kong bulong ni Mommy sa mga tenga ko.


"Custodio, Rivera! Bantayan niyo si Magnus." Mahina kong sabi at tumango ito sa akin.


Nagpaputok ako sa may gilid ng tenga ni Manuel, "Ibaba mo ang baril mo, Manuel. Mamili ka haharapin mo ako lalaki sa lalaki o isang putukan na lang."


Natawa ito bago ibinato ang baril niya sa gilid, "Fine, Dela Fuente! Let's finish this man to man." Binato ko ang baril ko matapos ang sagot nito.


Sumugod ako at aambahan ko ito ng suntok ng bigla ako nitong sinalubong ng sipa. Napaurong ako at napahiga sa sahig. Akmang tatayo ako ng inapakan nito ang kamay ko gamit ang kaliwa niyang paa at ang kanan ay malakas na tinadyakan ang sikmura ko. Fuck.


"See? Ito ba ang gusto niyong lider?" Proud na wika ni Manuel habang nakaharap ito sa mga agents ng DOS.


"You're weak, Ahron Dela Fuente. Pare-parehas kayo ng mga kapatid mo." Patutsada nito. Hinawakan ko ang binti nito at buong lakas kong itinumba ang katawan nito sa lupa.


Nang nasa ibabaw na ako nito ay inambahan ko na ito ng sapak sa mukha. Sunod-sunod hanggang sa makita ko ang mukha nito na nababalutan na ng dugo.


"I am a fucking Dela Fuente, Manuel! No one wants a Dela Fuente as their foe." Banta ko dito bago umamba ng isa pang sapak.


Halos limang suntok pa ang inabot bago ako pinigilan ni Rivera. "Sir, nawalan na ng malay si Manuel. Tama na."


Tumayo na ako sa pagkakadagan ko dito at kinuha ang baril na inihagis ko kanina. Kita ng dalawang mata ko ang dugo ni Manuel na umaagos na sahig ng nilalakaran ko.


"Agents! Make sure to gather all of the supporting evidence sa bahay ni Del Fiero." Sigaw ko at tumalima na ito ng kilos.


"Agent Rivera and Custodio, make sure na safe ang mag-ama at hawak na natin sila." Utos ko rito sabay iika-ikang naglakad papunta sa van.


NIKKO:


Ilang araw din akong hindi nakatulog dahil sa sugatang katawan ni Ahron. Ngayong umaga lang ito nakapagpahinga matapos ang madugong laban nila Manuel Del Fiero. Ang balita ko ayon kay Ahron na nakulong na ito at nakuha niya na ang dapat kunin para mabalik ang pamilya ko rito sa Pilipinas. Si Magnus naman ay nasa isang mental facility na ayon din kay Ahron ay akma para sa kalagayan nito. Matapos ang ilang test ay ni-reject ng psychiatrist ang diagnostic kay Magnus. Kung ano man 'yon ay hindi ko na alam.


Kasalukuyan kaming naghahanda ni Lisa ng almusal ng bumaba si Ahron sa hagdanan, "Good morning, Love and Lisa."


Nginitian ako ng sobrang tamis ni Lisa bago bumulong, "Mukhang napasarap kayo kagabi ah". Mahina ko itong hinampas, pasalamat siya at dala niya pa sa sinapupunan ang pamangkin 'ko.


Nagulat na lang ako ng biglang yumakap si Ahron sa likod ko, "Bilisan mo magluto at may pupuntahan pa tayo." Mahinang boses na wika nito sa tenga ko.


**


Matapos kaming kumain ni Ahron ay agad kaming sumakay papunta daw sa office ng DOS. Sa totoo lang mukhang alam ko na ang mangyayari pero siyempre ayaw ko namang sirain ang sorpresa ng mahal ko.


Inabot kami ng halos isang oras bago makarating sa loob ng opisina, "I think alam mo naman na kung anong meron." Nakangiting wika ni Ahron sa akin, "Nandoon sila sa Conference Room kasama si Rico."


Nakita ko na tumigil lang ito kaya hinigit ko ang kamay niya, "Siguro kailangan na rin nilang makilala ang taong mahal 'ko at nagligtas sa kanila." Abot langit ang ngiti ni Ahron ng marinig ang mga sinabi ko kaya magkahugpong ang kamay naming naglakad papunta sa conference room.


Pagpasok ay agad akong sinalubong ni Nanay at niyakap nila akong dalawa ni Tatay. Sa wakas!


"Akala ko hindi ka namin makikita ulit, anak." Wika ni Nanay sabay biyak ng boses nito at lumuha.


Hinigpitan nilang dalawa ang pagkakayakap sa akin bago kumalas at tinignan si Ahron. Ito na 'yun... Puta kinakabahan ako.


"Nay, Tay, si Ahron po pala.... Boyfriend ko." Hiyang hiya kong pagkakasabi rito at natawa silang dalawa.


"Ano ka ba anak! Para namang hindi namin kayo pinanood ni Rain noon?" Ani ni Tatay at napakunot ang noo ko.


"Salamat sa pagligtas sa amin, Ahron! Welcome sa pamilya namin." Dagdag naman ni Nanay.


Niyakap ko muli si Nanay at Tatay at tsaka umentrada si Rico, "Group hug!" At ito na nga yumakap ang lahat pati ang lalaking pinakamamahal ko.


//COMMENTS// 

ps: expect the short final chapter before Jan. 6!  Happy new year, guys!  Thank you for reading. :)

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
Ang Mutya Ng Section E Bởi Lara

Tiểu Thuyết Chung

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
7.5K 339 31
The Boys Love Series Touch of Heart **** "Why does he wear gloves around school?" Grae found something really weird behind the mysterious personali...