THE BILLIONARE SON ( COMPLET...

Por munchyxxxmunch

3.1K 131 11

"Sometimes you will never know the value of a moment until it becomes a memory" Más

PANIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
Chapter 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
FINAL CHAPTER

CHAPTER 49

24 1 0
Por munchyxxxmunch

ENZO'S POV

Matahimik ang kabuuan ng library at lahat bz sa pag aaral at pagrereview kagaya nitong magandang babae na nasa harapan ko.

Halos isang oras na kami nandito at wala akong ibang ginawa kundi ang titigan sya habang may ginagawa. Mamaya pa naman ang pasok ko kaya sinamahan ko sya dito. Kahit puyat ako kagabi dahil sa inuman ay balewala saakin iyon. Ang makita ko sya ay nagpapatanggal na saakin ng hang'over.

Habang nagsusulat sya ay pinagmamasdan ko lamang sya. Nakatali ngayon ang buhok nya at nakasalamin. Kitang kita ko din ang mapupulang labi nya. Nakakaadik talaga ang lips nya parang nag aanyaya saakin lagi na halikan ko sya. Aist! Ano ba yan, ang pervert ko naman masyado.

Nilabas ko ang cellphone ko at kinunan ko sya ng stolen pic habang nagsusulat. Napansin nya naman siguro ang ginagawa ko kaya umangat ang tingin nya saakin pagkatapos ngumiti ako sakanya at binaba ko na ang fon ko.

"Alam mo ba na bawal ang kumuha ng litrato pag walang permiso ng taong kinukunan mo."- Krystal.

"Kung ganon. Ipakulong mo na ako!"- Mabilis ko na pinagdikit ang dalawang kamay ko na kunwa'y poposasan nya ako.

"Ikulong mo ako saiyong pagmamahal."- Dagdag ko pa na ikinangiti nya at ikinapula ng mukha nya.

"Ewan ko sayo. Pumirmi ka na nga lang jan." Natatawa nya'ng sabi.

Natawa na din ako at ibinaba ko na ang mga kamay ko.

Pinatong ko ang dalawang siko ko sa mesa at sinapo ng dalawang kamay ko ang baba ko at tinignan ko sya.

"Hays!" Natatawa nyang sabi saka napasandal sa upuan habang tinitignan nya ako na nagpapacute sakanya at nagduling dulingan ako.

"Ano bang ginagawa mo?"- Krystal.

"Bakit? Wala naman ako ginagawa ah."- Maang maangan ko at nagpout ako. Para na ako tanga sa ginagawa ko. Hayaan mo na basta makita ko lang sya nakangiti kahit magmukha pa ako tanga ay okay lang.

"Dini'distract mo kasi ako eh. "-  Krystal.

Ngumiti ako sakanya ng napakalapad.

"Nadidistract ka sa kagwapuhan ko.?"- Enzo.

"Hayst! Masyado kang conceited mahal na hari."- Krystal.

"Mahal na hari? Parang maganda yun tapos ikaw yung mahal na reyna."- Banat ko na ikinapula nya nanaman at nagpalinga linga sa paligid pagkatapos nilapit nya ang mukha nya saakin.

"Wag kang maingay." Halos pabulong nya'ng sabi na ikinakunot naman ng noo ko.

"Bakit? Anong problema sa sinabi ko.?"-Enzo.

"Nasa likod lang natin ang mga classmate ko baka marinig ka nila."- Krystal.

Lumingon ako sa likuran at kita ko nga yung ibang kaklase nya nakatingin saamin. Muli kong ibinalik ang tingin ko sakanya.

"Ano naman kung marinig nila? Itatago ba natin ang relasyon natin?"- Enzo.

"Ah- Hmm. Hindi naman, baka kasi kung ano ang isipin nila dahil ang bilis kong pumayag. Hi-ndi mo manlang ako niligawan."- Sabay lihis nya ng tingin.

Nais kong ngumiti dahil sa naging reaction nya. Para sya'ng nahihiya na ewan. Tinignan ko ang kamay nya na nasa mesa at hinawakan ko yun kaya napatingin sya muli saakin.

"Hey, wag mo na isipin ang sasabihin ng iba. Ang importante mahal kita at tungkol sa panliligaw, liligawan kita araw araw. Okay?"-Enzo.

Lumipat ako ng upuan at tumabi ako sakanya saka ko sya inakbayan. Tumingin ako sa kabilang table, nakatingin pa din saamin ang mga classmate nya na tila nagulat pa.

"Oh ano ang tinitigin tingin nyo jan?" Sita ko sa kanila.

"Ngayon lang ba kayo nakakita ng dalawang tao na nagtabi sa upuan na ganito kasweet.?" Pinagdikit ko ang kamay namin at pinakita sa kanila.

"Hey! Itong babaeng to ang mahal ko. Kami na! kaya wag na kayo maging chismosa at chismoso!"- Enzo.

"Uy! Ano ba!" Saway niya saakin at nagsimula na nga magbulungan ang chismosa nya'ng kaklase.

"Oh bakit?para matigil na sila sa kakabulong bulungan. Nakakairita kaya. "- Enzo.

Mula kasi ng umupo kami dito kanina pansin ko na kanina pa sila nagbubulungan sa likod at alam ko kami ang pinag uusapan nila.

"Wow naman krystal nakabingwit ka ha! Bukod sa pogi na mayaman pa. Saan ka pa! Iba ka girl.!" Saad nong isang babae na pulang pula ang mukha dahil sa make up.

"True love ba yan o baka pineperahan mo lang?!"- komento ng isang babaeng mukhang bisugo na ikinainit ng ulo ko.

"Hoy! Watch your mouth or I'm gonna wreck your f*cking neck!"- Inis na sigaw ko rito.

"Enzo tama na." Saway saakin ni Krystal at hinawakan nya ako sa braso. Balak ko kasing tumayo at puntahan yung bwesit na babaeng yun.

Tinignan ko ng masama ang babae na pairap irap lang at natahimik naman ang mga kasama nito. Batid siguro nila na galit na ako.

"Kababae mong tao ang bastos ng lumalabas sa bibig mo. Ang pangit mo! alam mo yun.!"- Enzo.

Nakita ko nagsalubong ang kilay ng babaeng mukhang bisugo.

"Kalalaki mo din tao napakamatabil mo! Siguro bakla ka no?"- Yung bisugong babae.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya.

"Enzo.!" Muling saway saakin ni krystal.

"Wag mo na kasi patulan."- Krystal.

"How dare you to call me pangit?!"- Yung babae na umuusok na ang ilong.

"Hindi ka lang pangit, napaka pangit mo." Palag ko naman.

Tumayo ito sa kinauupuan nya at tinignan ako ng masama. Nagmukha sya'ng galit na dragon sa itura nya.

"Hoy! Kung pangit ako, mas pangit yang jowa mo!" Duro nya saaming dalawa ni Krystal.

Nabigla naman ako ng biglang tumayo si krystal at pabagsak na nilapag ang libro sa mesa.

"Hoy Maureen! Hindi ka ba talaga titigil ? Kanina pa ako napipikon sayo baka gusto mo makatikim ng isa. Napakainggitera mo, siguro hindi ka love ng mama mo, kawawa ka naman. How dare you na tawagin akong pangit eh yung mukha mo paa ko lang."- Krystal.

Napangiti ako dahil sa ginawa nya.

"That's my girl." sa isip ko.

Mas lalong nanggalaiti ang babaeng nasa kabilang table.

"Hoy! Hoy! Hoy!" Biglang dating ng baklang librarian at namewang sa gitna namin na kala mo referee sa dalawang kampo na nagbabangayan.

"Anong ingay ito? Hindi nyo ba nakikita ang mga nakapost jan sa ding ding?"- Turo nya sa dingding na may mga nakadikit na "observe silence"

"OBSERVE SILENCE! Malaking malaki na yan at hindi naman siguro kayo bulag para hindi iyon makita. Library ito mga iha at iho hindi ito palengke. Kung magsisigawan kayo doon kayo sa labas. Nakakaistorbo kayo sa mga nag aaral." Masungit na sermon ng baklang librarian.

"Pasensy na po sir." Hinging paumanhin ni krystal.

"Sorry not sorry. Hala! All of you get out! Kung ayaw nyo dalhin ko kayong lahat sa guidance office ngayon. "-Librarian.

Nagkatinginan naman kami ni krystal at walang gumalaw.

"I said OUT!" Sigaw ng masungit na bakla at tinuro pa ang pinto palabas.

Nagmamadali naman na dinampot ni krystal ang mga libro nya at saka nya ako hinatak palabas ng library.

"Napalabas tuloy tayo." Nakasimangot nya'ng saad habang naglalakad kami sa kahabaan ng hallway.

"Ikaw kasi pinatulan mo pa."- Enzo.

Tumigil sya sa paglalakad at hinarap ako.

"Ikaw kaya ang nauna. Diba sabi ko wag mo ng patulan pero pinatulan mo pa din. Ayan tuloy lumala pa. Buti nalang hindi tayo naguidance."- Krystal.

Ngumiti ako sakanya at hinawakan ko nalang ang kamay nya.

"Sympre ipapagtatanggol kita. You're my girl at ayokong may nang aaway sayo kundi malilintikan saakin."- Enzo.

Tinulak naman nya ako sa may bandang dibdib saka sya ngumiti.

"Masyado ka nanamang cheesy. Pero thank you."- Krystal.

Ngumiti nalang ako sakanya bilang sagot. Nakita ko naman ang isang bench sa lilim ng puno.

"Halika doon nalang tayo." Turo ko sa may bench at giniya sya papunta roon.

"Dito ka nalang mag aral. Mas maganda mag aral dito kasi presko."-  saad ko ng makaupo na kami.

"Hindi na. Tapos na ako magreview. "- Krystal.

"Hmm. Ganon? Sige dito na muna tayo."- Enzo.

"Hmm. Sige."- Krystal.

Hawak hawak ko lang ang kamay nya habang tahimik kaming nakaupo sa bench at nagmamasid sa mga dumadaan. Dahil sa simoy ng hangin para akong dinuduyan inaantok tuloy ako.

Nahiga nalang ako sa lap nya, halatang nagulat sya.

"Uy! Anong ginagawa mo?!" -Krystal.

"Inaantok ako, pwedi bang matulog kahit 5 mins. ?"- Enzo.

"Hays! Bakit naman dito ka pa matutulog.?! Pinagtitinginan tayo ng dumadaan."- Krystal.

Ngumiti ako sakanya at pumikit.

"Hayaan mo lang silang tumingin."-Enzo.

"Hays! Pambihira ka talagang lalaki ka."- Krystal.

Ngumiti lang ako at hindi ko na sya sinagot at pinagpatuloy ko ang pagtulog ko. Hindi ko na rin naman sya narinig pa na magsalita.

YOHAN'S POV

Mula dito sa 3rd floor ng school building ay tanaw ko si krystal na nakaupo sa isang bench sa may ilalim ng puno habang nakahiga sa kandungan nya si Enzo.

Kung titignan mo sila para silang masayang couple. Napapaisip ako kung tunay nga ang nararamdaman ni Krystal para kay Enzo. Aaminin ko wala akong tiwala kay Enzo dahil may posibilidad na saktan nya lang si Krystal at hindi seryusuhin. Ngunit sa huli si krystal pa rin makakapasya non. Kung sakali man na mahulog sya kay Enzo magiging masaya ako para sakanya at hiling ko na sana mahalin din sya pabalik nito.

Mahalaga saakin si krystal kaya ayoko sya makitang nasasaktan. Ngunit dumating ang punto na ako pala ang makakasakit sakanya na hindi ko naman sinasadya. Kung kaya ko lang turuan ang puso ko na sya nalang ang mahalin ginawa ko na sana.

Ayoko lang naman na magaya sya saakin na nagmamahal ng taong iba naman ang mahal. Gusto ko sya maging masaya at mahanap din ang lalaking magmamahal sakanya ng totoo na hindi ko maibigay sakanya.

Napahugot ako ng malalim na hininga saka inalis ko na ang tingin ko sa kanila at balak ko ng ipagpatuloy ang aking paglalakad ngunit sa paglingon ko nakita ko si Zandy sa hallway na naglalakad din.

"Yohan?!"- Nakangiting saad niya at tila nagulat pa ng makita ako.

"Kamusta? Ngayon lang ulit kita nakita. Namiss kita." Ngiting ngiti nya'ng sabi ng makalapit na sya saakin.

Napangiti ako sa sinabi nya. Hindi nya alam kung gaano ko din sya namiss.  Sana nga pareho nalang dati na palagi ko sya nakakasama at palagi ko sya nakikita kung kelan ko gustuhin. Pero ngayon iba na ang sitwasyon. Yung babaeng pinangarap ko sa loob ng sampung taon ay pagmamay ari na ng iba.

"Oo nga eh! MIA ka kasi." Pagbibiro ko.

"MIA??"- Zandy.

"Missing in Action." Nakangiti kong sagot.

"Parati mo kasi kasama si Llander wala ka ng time saakin." Kunwa'y nagtatampo ako na ikinasimangot naman nito. Ang cute nya tuwing nagpapouty lips sya.

"Sorry ha. Masyado nga ako nawalan ng oras sayo. Nakalimutan ko ang bestfriend ko."- Zandy.

Masakit man na madinig na hanggang bestfriend lang talaga pero pinili ko pa din ngumiti at ginulo ko ang buhok nya.

"Ayos lang! Basta masaya ka okay lang saakin kahit kalimutan mo ako."- Yohan.

"Sira!" Sabay palo nya sa braso ko at natawa.

"Sympre hindi kita makakalimutan. Sadyang sinulit lang namin ni Llander ang taon na nawala saamin kaya parati kami magkasama."- Zandy.

Ngumiti ako sakanya at tumango.

"Ikaw din naman eh. Hindi ka na sumasabay saamin tuwing tanghalian."- Zandy.

"Ah-- Ano kasi. Madami akong projects na ginagawa kaya madalas sa room nalang ako kumakain. " Pagsisinungaling ko pero yung totoo kumakain ako sa canteen na malayo sa kanila. Kontento na ako na makita sya sa malayo na tumatawa.

"Ganoon ba? Kaya pala."-Zandy.

Humawak sya sa may railings at tumanaw sa malayo.

"Bakit ka pala nasa labas? Wala kang klase? Saka baka hinahanap ka na ni Llander. "- Yohan.

"Galing akong CR, pabalik na ako ng room kaso nakita kita." Ngumiti sya saakin.

"So kasalanan ko pa na nagkita tayo.?"- biro ko sakanya.

"Hahaha. Baliw ka talaga. Namiss ko nga yan na pamimilosopo mo."- Zandy.

Ngumiti ako at tumabi sakanya. Matagal tagal ko na din na hindi ko sya naririnig na tumawa at masaya sa pakiramdam na napapangiti ko pa rin sya.

Tinignan ko lang sya na nakatingin sa kalawakan pagkatapos Napadako ang tingin ko sa pangangatawan nya at napansin ko ang pangangayayat nya kaya muli ko sya tinignan.

"Mukhang nangangayat ka. Kumakain ka pa ba.?"- Yohan.

Kita kong gumuhit ang ngiti nya sa labi.

"Hmm. Kumakain naman ako. Masyado lang ako madaming iniisip ng mga nagdaang araw kaya siguro nangayayat ako."- Sabay tingin nya saakin saka ngumiti. Pansin ko nga ang pagnipis ng mukha nya at pamumutla nya.

"Ayos ka lang ba?" Nag aalala kong tanong.

"Oo naman." Nakangiting sagot nya.

Napabuntong hininga ako at hinawakan ko ang namamayat nyang braso.

"Wag ka ng mag isip ng kung ano ano. Hindi yun makakabuti sayo. Inaalagaan ka ba ni Llander ng mabuti?"- Yohan.

"Hmm. Sobra sobra nga ang pag aalaga nya saakin kaya minsan tinatanong ko ang sarili ko kung deserve ko nga ba yung isang kagaya nya."- Zandy.

Natigilan ako saglit sa sinabi nya.

"Paano mo naman nasabi iyan?"-Yohan.

Ngumiti sya saakin ng bahagya at hindi nya sinagot ang tanong ko. Mababakas mo ang lungkot sa mga mata nya.

"Salamat sa pag aalala."- Hinawakan nya ang kamay ko na nasa balikat nya at tinapik tapik.

"Isang araw hihingi ako saiyo ng pabor. Okay lang ba iyon saiyo?"- Zandy.

Kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako.

"Kahit ano naman ang hinihiling mo saakin ginagawa ko. Kaya sabihin mo lang kung ano iyon."- Yohan.

Ngumiti sya saakin pagkatapos niyakap nya ako. Medyo nabigla ako doon kaya hindi ako kaagad nakagalaw.

"Salamat ha. Alam mo sobrang swerte ko kasi nanjan ka parati para saakin. Mula noong bata tayo hanggang ngayon parati kang nasa tabi ko. "- Saad nya habang nakayakap sya saakin.

"Diba nangako tayo na walang iwanan hanggang dulo. Bestfriend forever."- Sagot ko.

Humiwalay sya saakin at saka ngumiti pagkatapos tinaas nya ang isang kamay nya at inangat ang hinliliit para sa pinky promise.

"Bestfriend forever." Nakangiti nyang saad.

Ngumiti ako sakanya at nagpinky promise kami.

"Bestfriend forever." Saad ko na ikinangiti namin pareho.

Biglang umihip ang malakas na hangin at hinangin ang buhok nya. Para tuloy sya isang anghel na nakangiti sa harapan ko.

"Ah - hmm. Oo nga pala ano ba yung pabor na hinihingi mo."- Yohan.

"Sasabihin ko sayo kapag kinailangan ko na."- Zandy.

"Hmm. Ganon ba? Sige." -Yohan.

Ngumiti lang sya saakin pagkatapos napatingin sya sa wrist watch nya.

"Malapit na pala ang klase ko. Babalik na muna ako ng room ha at baka hinahanap na rin ako ni Llander. "- Paalam nya.

"Ihahatid na kita. "Pagpipresinta ko.

"Hindi, wag na. Maabala pa kita. Pumasok ka na rin sa klase mo at mag iingat ka."- Zandy.

Hindi na nga ako nagpumilit pa at tumango na lamang. Tuluyan na nga itong umalis at naglakad palayo habang sinundan ko na lamang sya ng tingin.

MICA'S POV

Maingay ang classroom dahil wala pa ang next prof namin. Actually wala naman kami ginawa ngayon kundi magcheck ng exams. Kanina ko pa rin inaantay na dumating si Carlo ngunit nakalipas na ang isang subject ay hindi pa rin sya dumarating. Gusto ko lang sana sya kamustahin kung maayos na sya pagkatapos ng nangyari kahapon.

Napatingin ako kay Llander na abala sa paglalaro sa cellphone nya. Lumabas si Zandy kanina at nagpaalam na magsi'CR lang pero hanggang ngayon hindi bumabalik.

"Llander?"- Tawag ko dito.

"Oh?" Sagot naman nito ng hindi ako tinitignan.

Gusto ko itanong sakanya kung kamusta si Carlo pero nahihiya ako. Baka kung ano isipin nya. Aist! Bahala na nga.

"Bakit wala si Carlo? Umuwi ba sya kagabi?"- Mica.

"Akala ko ba kayo ang magkasama kahapon dapat alam mo kung nakauwi sya o hindi."- Llander.

Aist! Ano ba naman klaseng taong to napaka--Hayst! Pero kung ganon-- Ibig sabihin hindi nila alam ang nangyari kay Carlo. ?

"Oo. Magkasama nga kami kahapo pero naghiwalay din kami agad."- Mica.

"Bakit concerned ka na ngayon kay Carlo?"- Llander.

"Sagutin mo nalang kasi ako kung bakit hindi sya pumasok."-Mica.

Tumigil naman ito sa paglalaro at tinignan ako.

"Hindi ko alam. Baka tinamad yun pumasok dahil alam nya magchicheck lang naman ngayon ng exam. Mas mabuti pa nga makipagdate at wag pumasok kesa magcheck sa mga lecheng papel ng kaklase mong hindi mo maintindihan ang sulat. Tss!" Sabay sandal nya muli sa upuan nya.

"Hayst! Isa lang ang tanong ko andami mong sinabi."- Mica.

"Istorbo ka kasi! naglalaro ako eh. "- Llander.

"Okay pasensya na ha kung naistorbo kita. Sige na pudpurin mo na yang daliri mo sa kakapindot jan sa cellphone mo. Hindi na ako muli magtatanong sayo. Wala ka kwentang kausap. Tss!" Inis na binaling ko ang tingin ko sa unahan. Narinig ko pa sya na nag "Tss" Pero hindi ko na sya pinansin. Wala rin naman ako nakuhang matinong sagot sa lalaking to.

Pero ibig sabihin umuwi nga si Carlo kagabi. Hays. Buti naman kung ganon. Nakonsensya kasi ako ng iniwan ko sya mag isa sa plaza pero buti nalang at nakauwi sya ng safe.

Napatingin naman ako sa direksyon ni Erickson na ngayon ay nakapangalumbaba sa arm chair nya at mukhang natutulog pa. Sinilip ko sya mula dito sa upuan ko at nakita kong nakapikit nga sya.

Masama pa rin ang loob ko sakanya dahil doon sa rosas na binigay nya kay Zandy. Hindi nya rin ako kinakausap mula kahapon at tila iniiwasan nya pa ako. Sya pa tong may ganang mang iwas, dapat ako yung magalit at magtampo dahil sa ginawa nya. Akala ko pa naman nagkakamabutihan na kami tapos bigla sya aarte ng paiwas iwas ngayon.

Inirapan ko sya at muling binaling ang tingin ko sa unahan. Ngunit parang may kamay na humihila sa leeg ko para lingunin sya. Hindi ko talaga sya matiis, nakakainis. Bakit kasi nainlove ako sa manhid na to.

"Aist! Sige na nga!"

Tumayo ako at tinungo ko sya saka naupo sa katabing upuan nya.

"Uy!" Kalabit ko sakanya para magising sya.

"Hmm." Ungol nya lang yan pero hindi nagising.

"Antok na antok lang?" Saad ko at agad na bumukas ang mata nya at gulat na gulat na napabangon.

"Bakit ka nandito?!"- Erickson.

"Anong bakit ako nandito? Ikaw kaya ang tatanungin ko kung bakit ka natutulog dito sa classroom, hindi naman to bahay."- Mica.

Naihilamos nya ang kamay nya sa mukha nya at halatang puyat na puyat sya.

"Saan ka ba galing kagabi at puyat na puyat ka. ? O anong ginawa mo kagabi.?"- Mica.

"Kailangan ko ba talagang sagutin yan.?"-Erickson.

Parang napahiya ako doon dahil sa tono ng pananalita ko daig ko pa ang girlfriend na nagtatanong.

"Ah- Hindi. Nagtatanong lang ako."- Mica.

Iniwas nya ang tingin nya saakin at tumingin sa unahan. Nalungkot ako sa ginagawa nya saakin ngayon. Dati naman kapag tinatanong ko sya sinasagot nya ako. Pakiramdam ko ang laki na ng pinagbago nya.

"Hi Erickson!" Malanding sabi ni Jane na talagang naupo pa sa harapan na upuan ni Erickson. Ang iksi ng suot nyang skirt konti nalang kita na ang kanyang pinakatatago tago kung meron man. Tsk. Bakit kasi lumapit pa ito dito. Nakakasira ng araw. Isinama pa nya ang mga alipores nya.

"Grabi sikat ka na sa campus ha. I'm so proud of you. Isa ka ng campus crush ngayon."- Jane.

Hindi sya sinagot ni Erickson at inihilig lang nito ang ulo sa may dingding habang nakatingin kay Jane.

Napadako naman ang tingin saakin ni Jane. Tss! Tusukin ko mata nya eh.

"Oh Mica! Anong ginagawa mo dito? Diba doon ang chair mo?"- Turo nya sa may upuan ko sa may likod.

Tinaasan ko sya ng kilay, akala nya magpapatalo ako sakanya. No way! Mukha sya'ng paa.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito ? Diba nandoon ang chair mo?"- Sarcastic kong saad at tinuro ko din ang upun nya'ng nasa unahan.

"Wag mong sabihin nandito ka para landiin si Erickson?"- Mataray kong saad.

Tumingin naman ito sa mga alipores nya pagkatapos tumawa sila.

"Excuse me. Hindi ako cheap na babae para manlandi ng lalaki. Yung lalaki ang lumalandi saakin. And besides." Tumingin sya kay Erickson at ngumiti ng mapang akit.

"Erickson asks me on a date."- Jane.

Nabigla ako sa sinabi nya at napatingin kay Erickson ngunit iniwas nya lang saakin ang tingin nya. So ibig sabihin totoo ang sinasabi ng bruhang to? Date?? Date my foot!

"Actually Pinag isipan ko pa kung papayagan ko sya i'date ako. Alam mo naman na mapili ako sa lalaki. Pero nandito ako para sabihin sayo ang sagot." Maarteng sabi ni Jane at nagpacute pa.

"Yes! Pumapayag na ako makipagdate sayo."- Jane.

Para ako binuhusan ng malamig na tubig at nag init ang gilid ng mata ko saka bumigat ang dibdib ko. Nakatingin lang ako sakanya na ngayon nakatingin na saakin. Gusto ko sya tanungin kung totoo ba ang sinasabi ni jane ngunit walang gustong lumabas sa bibig ko. Tila nahulaan nya naman ang iniisip ko at sya na ang nagkumpirma. Inilipat nito ang tingin kay jane at saka nagsalita.

"Ganoon ba. Mabuti naman at napag isipan mo. Masaya ako sa pagpayag mo."- Nakangiting sabi nya kay Jane.

Tumawa ako ng mapait na ikinatingin nya saakin.

"Bilis ha! Lover boy na agad. Goodluck sainyo. "- Saad ko sabay tayo ko at pinipigilan ko ang luha ko na wag pumatak.

Sinipa ko paatras ang upuan.

"Aray!" Inda yun ni Llander sa likod at mukhang natamaan ko sya ng upuan.

Hindi ko nilingon si Llander at naglakad ako palabas ng room ng nakayuko.

"Ouch!" Inda ng nabangga ko.

"Sorry." Hinging paumanhin ko ng hindi ko sya tinitignan.

"Mica?"- Zandy.

Si Zandy pala ang nabunggo ko. Nginitian ko lang sya at nagmadali ako lumabas ng room. Any moment alam ko babagsak na ang luha ko.

"Mica sandali!" May humablot sa braso ko at pagtingin ko si Erickson yun.

"Bitawan mo ako!" Sabay higit ko ng kamay ko at nagsimulang pumatak ang luha sa mata ko.

"Ano bang problema?"- Erickson.

Talagang nagtanong pa sya kung ano ang problema ko eh sya nga tong problema ko.
"Wala! Wala akong problema."- Saad ko at tinalikuran ko sya ngunit muli nya hinigit ang braso ko.

"Ano ba! Sabi ng bitawan mo ako!"- Inis na sigaw ko sakanya.

Tinitigan nya lang ako ng ilang segundo pagkatapos hinila nya ang batok ko saka nya ako hinalikan. Parang tumigil ang pag ikot ng paligid at tanging tibok ng nagwawala kong puso ang naririnig ko.

Ilang segundo naglapat ang mga labi naming dalawa pagkatapos humiwalay sya.

"Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko para sayo. Mahal kita Mica."- Erickson.

Nagtuloy tuloy ang pagdaloy ng luha saaking mga mata habang nakatitig sakanya. Hindi dahil nasasaktan ako kundi dahil ito sa saya. Hindi ko inaasahan na magtatapat sya ngayon.

"Okay lang kung hindi mo ako magugustuhan pabalik basta nasabi ko na sayo na gusto kita. Okay lang kung sasampalin mo ako ngayon dahil hinali---"

Hindi ko sya pinatapos sa pagsasalita, hinigit ko yung damit nya at ako naman ang humalik sakanya. Kahit kelan napaka slow ng lalaking to. Hindi pa rin nya napapansin na gusto ko sya. Tss!

Pagkalipas ng ilang saglit naghiwalay kami at yung itsura nya gulat na gulat.

"Napakaslow mo talaga."-Mica.

"Ibig sabihin?--"Erickson.

"Oo mahal din kita. Ang bagal mo lang kasi."- Mica.

Gumuhit ang napakalapad na ngiti nya sa labi.

"Talaga??"- Ngiting ngiti nya'ng tanong.

Tumango tango ako sakanya at sumimangot.

"Yes!!" Sigaw nya at napataas pa ng kamay pagkatapos niyakap nya ako. Napangiti ako dahil ramdam ko ang saya nya at ako din naman masaya ako.

"Nakakainis ka!"- sabay hampas ko sa dibdib nya ng maghiwalay kami.

"Pagkatapos mo ako paiyakin kanina pinapaiyak mo nanaman ako ngayon. Akala ko tuluyan mo na ako ipagpapalit sa malanding yun." Umiiyak kong saad.

Hinawakan nya ang dalawang mukha ko at pinunasan nya ang luha ko.

"Sorry na. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko. Naguguluhan ako alam mo ba yun? at the same time natatakot. "- Erickson.

"Bakit ka naman matatakot.?"-Mica.

Napabuntong hininga ito at dinikit nya yung noo nya sa noo ko.

"Kaakibat ng kasiyahan natin ngayon alam ko may isang tao na masasaktan. Ayoko sana sya'ng masaktan ngunit anong magagawa ko mahal na mahal kita. "- Erickson.

Naguluhan ako sa sinabi nya at sa taong tinutukoy nya.

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Wala naman ako ibang mahal kundi ikaw lang."- Mica.

"Ikaw pala itong slow hindi ako. Si Carlo, gusto ka ni Carlo."- Erickson.

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Wala naman nababanggit saakin si Carlo.

"Pero wala naman nababanggit si Carlo na gusto nya ako. "- Mica.

"Marahil hindi nya pa nasasabi saiyo. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako nakapagtapat saiyo ng araw na makita mo akong may tangan na bulaklak. "-Erickson.

Napabuntong hininga ako ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok nya at nakipagtitigan sakanya.

"Pero hindi sya ang mahal ko, Ikaw iyon. Alam ko maiintidihan nya rin tayo at kapag nagtapat sya saakin sasabihin ko sakanya ang totoo."- Mica.

Tumango tango sya at hinalikan ako sa noo.

"Wag na muna natin isipin yun. Ang mahalaga alam ko na mahal mo ako."- Nakangiti nya'ng sabi.

Napangiti nalang din ako at walang sabi sabi hinapit nya ako sa bewang at muling inangkin ang labi ko. Hindi na rin naman ako nagprotesta at tumugon nalang sa halik nya.

Nang maghiwalay kami ay pareho kami napangiti saka ko pinahid ang lipstick ko na dumikit sa labi nya.

"I love you."- Erickson.

"I love you too." - Mica.

Muli kaming napangiti at saka nya ako niyakap. Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo ngayon. Parang cloud 9 ang feeling. Ang sarap nga talagang mainlove lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo.

Naghiwalay kaming dalawa at pagharap namin ay nakatayo na si Llander at Zandy sa di kalayuan namin at may mangilan ngilan na din na studyante na dumadaan at napapatingin saamin. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya. Kanina kasi paglabas ko sa corridor walang katao tao kasi lahat yata may klase.

Ngumiti saamin si Zandy at naglakad sila palapit saamin.

"Buti naman at nagkaaminan na kayo." Nakangiting saad ni Zandy.

"Tss! Kung hindi pa batukan hindi mo pa hahabulin." -Llander.

"Salamat master sa batok. Natauhan ako."- Erickson.

Natawa nalang kami sa sinabi nya. Hindi ko alam na ginawa ni Llander iyon.

"Erickson!"

Kilala ko na ang boses na iyon at walang iba kundi kay Jane. Napatingin kami sa direksyon nya at nakita ko na nagsasalubong ang kilay nya habang naglalakad palapit saamin kasama nanaman ang alipores nya.

"Naku patay na." Erickson.

Tinignan ko sya ng masama at agad naman sya umiwas ng tingin.

"Anong ibig sabihin nito?" Mataray na tanong ni Jane. "Hindi pa nga tayo nagsisimulang magdate nagloloko ka na."Dagdag nya pa. Tss! Napakaasumera talaga ng babaeng to.

"Ah jane ano kasi-- Hindi na tayo magdidate."- Erickson.

"Ano?! Pinaglalaruan mo ba ako?!"-Jane.

"Hindi! Sorry. Hindi talaga kita gusto."- Erickson.

Napatiim bagang si Jane at halatang galit na. Ang sumunod na pangyayari ay naging mabilis, Mabilis na dumapo ang kamay nya sa mukha ni Erickson na ikinabigla ng lahat ng nakakita.

"How dare you na paglaruan ako. Akala mo kung sino ka na ngayon gwapo. Hoy! Isa ka pa rin hampas lupa na nerd. Nabihisan ka lang akala mo kung sino ka na." Sabay duro nya kay Erickson na ikinainit ng ulo ko lalo na yung mga sinabi nya.

Tinapik ko yung kamay nya kaya saakin na sya napatingin.

"Hoy! Magdahan dahan ka sa pananalita mo. Kasalanan nya ba na umasa ka? Masyado ka kasing asumera."- Mica.

"How dare you--" sasampalin nya sana ako ngunit mabilis na nahawakan ni Erickson ang kamay nya.

"Subukan mong pasayarin ang kamay mo sa mukha nya, kakalimutan kong babae ka." Matigas na sabi ni Erickson at halatang dumiin ang pagkakahawak nya sa kamay nito kasi napangiwi ito saka nya Ibinalibag pababa ang kamay nito.

"Ouch!" Jane.

"Nagsorry na ako at inaamin ko na nagkamali ako. Kaya pwedi umalis ka na?"- Erickson.

Tinignan nya ako ng masama pagkatapos inirapan.

"Tabi!" Sabay bangga nya kay Erickson at naglakad paalis habang isa isa ako tinitignan ng masama ng dalawa nya'ng kasama bago umalis.

Napahinga ako ng malalim saka naman nya ako inakbayan.

"Tss! Babaero kasi. Lika na nga!" Si Llander iyon na inakbayan na si Zandy at iginiya paalis.

Tinignan ko naman siya na halatang guilty.

"Tss!" Inis na Saad ko at tinanggal ko ang kamay nya na nakaakbay saakin saka ako naglakad paalis.

"Uy! Mica saglit!" Sigaw nya ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad at hinabol nya naman ako. Unang araw namin pero mag aaway pa yata kami. Tsk.

Seguir leyendo

También te gustarán

29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
1.4M 55.9K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...